Chapter 5

1142 Words
TEXT CONVERSATION ARNIE: Hi, Joy! Can I ask you something?  JOY: Hello! Yeah sure, about what?" ARNIE: Bakit parang aloof 'yung ate mo sa guy? JOY: Naku sabi ko na nga ba e! Type mo talaga si ate.  ARNIE: Hey! Pansin ko lang, so bakit nga? JOY: Kapag sinabi ko ba sa'yo ang dahilan e magiging regular customer ka na namin? ARNIE: I promise!  JOY: Okay, okay. Kasi sobrang nasaktan si ate. Actually, kahihiwalay lang nila ng husband niya.  ARNIE: What? Is she married?? JOY: Kulit mo din 'no? Husband nga 'di ba? Natural kasal. At may isang anak sila kaya 'wag ka ng umasa kung type mo si ate.  ARNIE: Wala naman akong sinabing type ko siya. JOY: Wahahaha. Patawa ka e 'no? Obvious ka kaya!  ARNIE: God! Seriously?? Gano'n ako ka-obvious? Oh! What the f**k! JOY:  See? Haha. Hinuhuli lang kita. Bumigay ka naman agad.  Alam mo, magaling akong bumasa pagdating sa mga ganyang bagay. Basang-basa kita Mr. Vasquez. Hahaha. ARNIE: God! Pero secret lang natin ha? Tutal kasal na pala siya, wala na kong pag-asa. Besides, mukhang abot langit ang galit niya sa mga ka-baro ko.  Alam mo bang hindi ko man lang naisip na baka may pamilya na siya? Jesus! She's look like a teen. JOY: Huwag kang mag-alala dahil wala akong balak sabihin kay ate 'yang feelings mo! Pagagalitan lang ako 'nun.  ARNIE: Good!  JOY: Okay, don't worry about our secret. Tayong dalawa lang ang makakaalam, promise. Hahaha!  ARNIE Kahungkagan ang naramdaman niya matapos ang mga mensahe ni Joy. Nanghihinayang siya na ganoon pala ang sitwasyon ni Tiffany. May asawa at anak na pala ito. Hindi niya maiwasan ang mapa-iling. Sinungaling siya kung sasabihin niyang hindi siya na-attract kay Tiffany pero ngayon ay alam na niyang dapat na niyang supilin ang damdamin na iyon. Idagdag pa na tila isinumpa na nito ang lahat ng kalahi niya. Tumayo siya at kinuha na ang mga gamit saka lumabas ng kanyang opisina.  "Kumusta ang party ni Bea, hijo?" tanong ng mama niya na dinatnan niyang nasa sala pa. Noon ay halos mag-ha-hatinggabi na at obvious na hinintay na naman siya nito.  "Okay naman, Ma. Masaya," aniya habang binababa ang attache case sa oval shaped table sa sala nila.  "Nagustuhan ba niya ang gift mo?" "Well, sa tingin ko naman ho nagustuhan niya. Kitang-kita 'yon sa ngiti niya habang nakatitig sa mga cakes niya." Pahinamad na umupo sa sofa ang binata. Talagang napagod siya ngayong araw ngunit ngayon niya mas nararamdaman.  "What?! C-cake ang regalo mo kay Bea??" lihim siyang nangiti sa pagkagulat ng ina.  "Yeah. What's wrong with that?"  Natawa ito at saka umiling-iling. "Nothing. Hindi lang ako makapaniwala na ang bachelor na gaya mo ay mag-re-regalo ng cake. Dati-rati mamahaling toys, shoes and gadgets kung mag-regalo ka. But now...a cake? I mean seriously, son?" Napapatutop pa sa bibig ang ina niya dahil sa kakatawa.  "Ma, okay lang 'yon para maiba naman. Besides tuwang tuwa si Bea sa cake na gawa sa Bulacan, masarap daw." "What?? Ang daming bakeshops dito sa atin---" "Masarap doon. Naalala n'yo 'yung mga pasalubong ko last time? Siya rin ang gumawa noon." "Hmmm...okay, wala na akong sinabi." Itinaas nito ang dalawang kamay tanda nang pag-suko.  "O siya, sige na, magpapahinga na ako. Magpahinga ka na rin at halatang pagod ka na, anak," anang ginang na iniligpit na ang ginagantsilyo at saka tumayo para tunguhin na ang hagdan.  "Yes, Ma. Akyat na rin ako, medyo magpapa-antok lang. Kayo naman kasi, dapat hindi n'yo na ako hinihintay." "Naku, e, alam mo naman ako, hijo. Hindi ako napapakali kapag wala ka pa samantalang gabi na." Tumigil ito sa paghakbang at muli siyang hinarap. Hindi niya alam kung matutuwa dahil sa sinabi ng ina. Mula noon kasi hanggang ngayong treinta na siya ay ganoon pa rin ang ito. "Sige na, Ma. Good night!" aniya sabay halik sa pisngi ng ina. "Good night. Sumunod ka na." "Yeah." Matagal ng naka-akyat ang ina subalit si Arnie ay nanatiling nakaupo sa sofa. Iniisip niya ang napag-usapan nila ni Joy na kasal na ang kapatid nito. Hindi niya maintindihan pero may panghihinayang talaga siyang nararamdaman. Hindi rin niya maiwasang isipin kung bakit nagawang lokohin ng asawa nito si Tiffany gayung simple, mabait at napaka-ganda nito. Ito ang tipo ng babaeng kahit hindi mag-ayos ay nangingibabaw ang natural na ganda. Kanina sa bakeshop ay hindi niya mapigilang titigan ito. Hanggang likod ang natural na kulay brown at kulot na buhok nito, na una niyang napansin at sa tingin niya'y asset nito. Hugis puso ang mukha, tila nangungusap na mga mata na tinernuhan ng malalantik na pilikmata, maliit at matangos na ilong at makipot na mga labi. Idagdag pa ang magandang hubog ng katawan nito. Hindi mo aakalaing hindi ito dalaga. Hanggang sa makatulog ay ito ang laman ng isip niya.  "Arnie! Arnie, hijo, gising na!" "Hhmmmm...."  "Gising na, anak. Diyos kong bata ka, bakit diyan ka natulog?" "Ma!" Pinililit niyang imulat ang mga mata dahil sa antok. Pakiramdam niya kasi ay kakatulog pa lamang niya at ngayon ay ginigising na siya ng ina.  "Bakit ba diyan ka natulog?" ulit nito. Unti-unti ay tila nagigising na siya.  "I-I don't know. Masyado siguro akong pagod kahapon kaya dito na ko inabutan ng antok," aniya habang bumabangon. Sino ba naman kasing hindi mapapagod kung mula Makati ay magbabalikan ka hanggang Bulacan at pagkatapos ay a-attend pa ng party kinahapunan.  "Gano'n ba? O e, halika na at makapag-almusal na. Hindi ka ba papasok sa opisina?" "Okay lang kahit medyo late ako, Ma. Napirmahan ko naman na lahat kahapon 'yung mga important papers and documents," sabi niyang sumunod na dito papunta sa dining.  "Don't tell me na pupunta ka na naman ng Bulacan?" anito ng nakadulog na sila sa hapag.  "Ano naman ho ang gagawin ko do'n?" aniyang biglang napangiti. "Oh come on, hijo! Ngayon ka lang ulit nagka-ganyan at alam kong dahil 'yan sa babae," pangungulit ng matanda. Batid niyang wala siyang ligtas sa matinik na pakiramdam ng ina.  "Okay, okay! I admit, Mama. Babae nga ang dahilan kung bakit ako nakarating ng Bulacan. Pero hindi pala kami pwede." Naalala na naman  niya ang mga sinabi ni Joy.  Nangunot ang noo ng ginang bago nagtanong. "But why, son? Is she a lesbian?" napangiwi siya sa sinabi nito.  "No, not just that." "Then what?" "Because she is already married, with one child."  "What?? I mean, really? Is she that so young looking para hindi mo mahalata 'yon, hijo?" gulat na gulat na tanong ulit nito. Ngayon lang yata nagkamali ang anak niya pagdating sa isang babae.  He heaved out a deep sigh.. "Yes, definitely." "Saan mo siya nakita kung gano'n?" interesadong tanong nito.  "I looked for her dahil may napulot akong pag-aari niya. And ayun na, dinala ako sa Bulacan ng search and operation ko." "Don't tell me na nag-stalk ka sa kaniya kaya nalaman mong she's a pastry chef? Na kaya cake ang regalo mo kay Bea at kaya ikaw pa ang nag-pick up sa Bulacan?" "Exactly, Ma." "Oh my God, hijo! Ngayon lang ulit kita nakitang ganyan! It's been four, five years, right son?" anang ginang na nang maalala ang sinabi ay bigla itong natahimik.  "Hindi ko na maalala. Have to go, mag-re-ready na ko for office." aniya sabay tayo. Napailing na lang ang ginang. Kapag ang nakaraan ang usapan ay mailap pa rin ang kaniyang anak hanggang ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD