Chapter 8

1236 Words
Sa loob ay bahagya ng nabawasan ang kaba ni Tiffany. Naalala niya ang sinabi ni Arnie at bahagya siyang nangiti. Maya-maya ay dumating na rin ang mga ka-meeting niya at nag-umpisa na siyang ipakita rito ang mga examples niya. Nagpasalamat siya at nakapag-discuss siya ng maayos kung paano ang magiging kalakaran nila sakaling tanggapin siya bilang supplier ng mga pastries sa coffee shop and restaurants ng mga ito. Sa huli ay nakipag-kamay sa kanya ang mag-asawang may lahing intsik na kliyente niya.  Masayang-masaya si Tiffany nang mga sandaling iyon. Sa wakas ay nagbubunga na ang lahat ng paghihirap niya. Noon ay pangarap lang niya na mag-supply sa mga coffee shop at restaurants pero ngayon ay magiging tatlo na ang sinu-suply-an niya. Tila nasa cloud nine pa siya nang tumunog ang kaniyang cellphone at mula sa caller I.D niyon ay si Arnie ang tumatawag.  "Hello, Arn?"  "Hi! I can see you. So happy, ha? Congratulations, Tif. I told you, you can do it," masayang salubong nito sa kabilang linya. Hindi siya makapaniwala na hanggang sa mga oras na iyon ay naroroon ang binata at hinintay siya.  "W-what?? Nandito ka pa?" "Hhmmm...hulaan mo." Kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang sagad na naman ang ngiti nito.  "Ayoko nga, 'no! Pasalamat ka, masaya ako ngayon."  "Obvious nga, hanggang tainga ang ngiti mo, e," patuloy ito sa pang-a-alaska. "So nandito ka pa talaga?" "Well...yeah. Wala rin naman akong gagawin kaya hinintay na kita." "Seriously?" Narinig niyang humalakhak na ito sa kabilang linya.  "Oo nga, ang kulit naman. Kaya halika na, lumabas ka na diyan. Let's eat somewhere." "Libre mo ba ako?" biro niya.  "Ofcourse not. Ikaw ang nakapag-closed ng deal so ako ang ilibre mo," anito ngunit batid niyang nagbibiro lamang ang binata.  "Ay, gano'n? Huwag na lang, uuwi na lang ako." "Kidding! Let's go. Lilibre na kita."  "Good!" Tumayo siya at niligpit ang mga gamit sa pang-apatang mesa na inokupa nila kanina ng mag-asawang kliyente niya. Inalok niya ang mga ito na mag-late luch sila pero tumanggi ang mag-asawa dahil may importanteng bagay pa raw na aasikasuhin ang mga ito. Eksaktong pagbukas ng guard sa pintuan ng restaurant ay nakita niya ang paglabas ni Arnie sa kotse nito. Napangiti siya sa kaalamang talagang hinintay siya ng binata. Sinalubong siya nito at nang makalapit  sa kanya ay agad kinuha ang mga gamit niyang dala.  "Hi! Congrats sa new achievement, Tif. I'm happy for you."  "Thanks, Arn. Hindi mo na sana ako hinintay. Sobrang nakakahiya na. Naubos na ang oras mo sa akin." Wala sa loob na nahawakan niya ang isang palad nito at dagli ay natuon doon ang pansin ng binata. Napansin niyang ilang sandali itong natigilan.  "I-it's okay. Gagawin ko ang lahat para sa 'yo, Tif." Mataman itong nakatitig na naman sa kanya. Nag-u-umpisa na naman siyang mailang sa klase ng titig ng binata.  "Ahmmm...shall we?"  "Ofcouse, saan mo gustong kumain?" pinagbubuksan siya nito ng pinto habang itinatanong iyon.  "Tinatanong mo pa talaga? Hello! Nasa resto tayo  so dito na lang tayo kumain?" "Ayoko dito, Tif. SM na lang tayo what do you think?" "Ha? Bakit naman doon pa? May bibilhin ka ba?" "Meron at kailangan mo akong samahan," anito. Nagtataka man sa sinabi ng binata ay nag-kibit balikat na lamang siya.  "Sige na nga. May ipinabibili nga rin pala si Catie." "Really? Ano?" "Pizza." "Mahilig ang daughter mo sa pizza, Tif?" "Yeah. Hindi niya gaanong type ang sweets gaya nang ibang bata. Pizza ang nakapag-pa-pa-saya sa anak ko." Nangiti siya nang maalala ang mabait na anak. "Really? Same pala kami ng anak mo, Tif." "Talaga? Wait, ano pala ang bibilhin mo sa SM?" "Some office stuff lang." "Wow! So office guy ka pala? Wait, kahit ang trabaho mo pala hindi ko rin alam." "Well, ayun nag-o-opisina ako, Tif. Mukha lang hindi," biro pa rin nito habang patuloy na nagmamaneho. "Saan?" hirit pa niya. "Ahmm, ikaw pala ano'ng gusto mong kainin?" tanong nito na batid niyang iniiwas lamang ang usapan tungkol sa pagtatanong na naman niya rito ng mga personal na bagay. She heaved out a deep sigh. Mukhang wala talaga itong balak mag-kwento ng tungkol sa sarili. "Kahit ano na lang," sa inis ay sagot niya. "So pizza na lang din tayo? What do you think?" "Okay ka ba roon? Wala pa yatang araw, e, nasa tapat ka na ng shop namin kaya sigurado ako na to the highest level na ang gutom mo."  "Don't worry, Tif. Okay lang ako. Matagal na rin akong hindi nag-pi-pizza. Is it okay with you?" "Yeah. No problem." Habang kumakain ay hindi na naman niya napigilan ang sarili na tanungin ang binata.  "Arn, curious lang ako, wala ka bang girlfriend?" tanong niya sa pagitan nang pagsubo. Kitang-kita niya kung paano muntik ng maibuga ni Arnie ang laman ng bibig dahil sa tanong niya. "H-ha? W-wala, e," anito saka mabilis na kinuha ang drinks at idiniretso sa bibig. "Hey! Ang simple lang ng tanong ko. Don't tell me na pati iyon ay bawal ding malaman?" natatawang sabi niya dahil sa OA reactions ng binata.  "Nagulat kasi ako sa tanong mo," depensa nito habang napapakamot sa ulo. "Daig mo pa ang nakapila sa death row, e." "Sobra ka naman. Okay, wala akong girlfriend." "Bakit naman? I mean guwapo ka naman saka mabuti kang tao," patuloy niya.  "Wala kasi akong gusto." Patuloy ito sa pagkain at hindi siya tinitingnan.  "Seriously? Oh my God! Bakla ka??"  "Excuse me, Miss Gonzales! Itong guwapo kong ito bakla?! Baka hinahalikan kita diyan, e." "Hindi nga, bakit nga kasi wala? I mean, bihira ang kagaya mo na guwapo pero walang gilrfriend." Seryoso niyang tanong dahil talagang nagtataka siya. Walang duda na guwapo si Arnie at walang babae ang hindi mabibighani sa karisma ng binata. May hawig nga ito sa aktor na si Zac Efron, e. "I don't know," kibit balikat nitong sagot. "Sige na nga, hindi na ako magtatanong. Halatang napipikon ka na, e." "Sus! Ang sabihin mo natatakot ka lang mahalikan!" tudyo nito.  "Naku! Pikon ka lang kasi!"  Matapos kumain ay nagyaya ang binata sa toy express kaya hindi siya nakatiis na hindi magtanong.  "Akala ko ba office stuff ang bibilhin mo, bakit nandito tayo sa toys section?" "Wala lang, gusto ko lang bigyan ng gift si Catie, Tiffany."  "Ha? H-hindi naman niya birthday, Arn." Naguguluhan siya kung bakit kailangan nitong gawin iyon.  "Parang ang bait kasi niyang bata batay sa mga kwento mo." Patuloy ito sa pag-i-ikot. "Arnie, mabait talaga ang anak ko pero hindi mo kailangang gumastos para sa kaniya."  "Alam ko naman 'yon, Tif. Let's just say gusto ko lang siyang bigyan dahil natutuwa ako sa kaniya. "Sus! Hindi mo pa nga siya na-me-meet." "Magkikita rin kami one of these days." "Hay! Bahala ka na nga!" "Wait, what is her favorite toy?" "Mahilig siya sa kitchen set. Sabi niya kasi gagayahin daw niya ako kapag lumaki na siya." Bigla siyang nangiti nang maalala ang anak. "Wow! May future chef ka na pala, so iyon na lang ang bilhin natin." "Okay, if you insist." Kumpletong kitchen set nga ang binili ng binata para sa anak niya. Kahit anong tutol ang ginawa niya para pigilan ito ay hindi umubra kaya hinayaan na lamang niya.  Samantalang si Arnie ay masayang masaya nang mga sandaling iyon. Naisip nitong ano nga kaya kung balang araw ay mga anak nila ni Tiffany ang ipinamimili nila ng mga laruan? Ang sarap sanang isipin ngunit alam niyang mahirap magkatotoo ang mga in-imagine niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD