Chapter 9

1527 Words
"Tif, take a look at this one, bagay kaya sa akin? What do you think?" bahagya nitong itinaas ang isang kamay na may hawak na set ng tuxedo.  "Well, sa tingin ko naman bagay. Maganda ka naman magdala nang kahit anong style ng damit, e. Pero aanhin mo naman 'yan, Arn? CEO ng company ang datingan mo kapag suot mo 'yan," nakangiti niyang sambit. "May event kasi akong pupuntahan kaya kailangan ko nito, Tif. Pero mukhang kukunin ko n 'to, mukha pala akong CEO, e," ganting biro ng binata. "Okay, isukat mo. Tingnan natin kung okay ang fitting sa 'yo." "Yeah. I'll try." Dinala nito sa fitting room ang damit at saka siya iniwan para mag-sukat. Malipas ang may sampung minuto ay lumabas ito suot na ang tuxedo. "So, what do you think?"  "Perfect! Parang isinukat sa 'yo, Arn. Infairness bagay, huh!" "Guwapo ko ba lalo?" nakangising tanong pa ng binata. "Hay! Oo na! Wait, I look for a tie na babagay diyan sa longsleeve mo." Iniwan niya ito sandali para kumuha ng limang pirasong neck tie para mapagpilian nito.  "Mukhang sanay na sanay ka sa mga ganitong bagay, ah," sambit nito nang makabalik siya. Matagal bago siya nakapagsalita. Naalala na naman niya kung paano niya ipaghanda ng damit noon si Zach. Natahimik naman ito bigla. Tila na-realize nito na hindi na dapat sinabi iyon.  "Sanay lang from the past," malungkot na sambit ni Tiffany. "I-I'm sorry, Tif," pagkuwa'y anito sa napakahinang boses.  "Okay lang. Wala na 'yun. Here, ano'ng gusto mo sa mga ito?" iniabot niya rito ang nga hawak.  "Actually, gusto ko lahat, e." "Tama. Maganda nga lahat. Wait, try natin 'tong red." Ibinaba niya ang iba pang hawak at sinimulang ikabit sa leeg ni Arnie ang tie. Lingid sa kanya'y titig na titig ang binata sa mga mata niya habang ginagawa iyon. Lihim nitong nahiling na sana'y ito na lamang ang nag-ma-may ari sa puso niya. At nang mag-angat nga siya ng tingin ay nagtama ang mga mata nila. Nagkatitigan sila. Napakalapit nila sa isa't isa at nais sana nitong hindi na matapos ang sandaling iyon. "Ayan, bagay. Pili ka rin ng iba kung hindi ka agree sa akin." Lumayo siya para masipat mabuti ang ikinabit niya sa binata.  "No need, okay na sa akin itong pinili mo," nakangiti nitong sagot saka muling sinipat ang sarili sa salamin.  "Are you sure?" "Pretty sure, Tif." "Okay, may bibilhin ka pa ba?" "Wala na. Ikaw, may kailangan ka pa?" "Wala na rin. Let's go na sa cashier?" "Yeah." Tinulak nito ang cart nila saka nagpatiuna sa counter. Pagdating doon ay kinuha niya ang wallet at akmang maglalabas ng cash pero pinigil siya ng binata.  "Leave it to me." "Ako na lang, Arn. May pera naman ako 'no!" pagpipilit niya. "No. Maliit na bagay lang ito kaya ipaubaya mo na sa akin, ha?" hinawakan nito ang palad niya at sandali silang natigilan dahil doon.  "O-okay. I-if you say so." Dahan-dahan niyang binawi ang palad at tumingin sa unahan ng pila sa counter. Malayu-layo pa sila kaya naisip niyang maaari pa siyang makabili ng pizza para mamaya ay diretso na sila. "Ahmm...Arn, I think I'll better buy pizza na. Mahaba pa ang pila and para---" "I think you're right. Wait, mas better kung ikaw na dito tutal nandito na tayo. Ako na lang ang bibili ng pizza. Here." Kinuha nito ang wallet at naglabas lamang ng one thousand bill pagkatapos ay ibinigay na sa kanya.  "H-ha? P-pero---" "Okay lang iyan. Wait, what kind of pizza pala?" nakangiti nitong tanong. "Hawaiian, pero ito na ang ipambili---" kukuha pa lamang siya ng pera sa sariling wallet ay mabilis na itong tumalilis kaya naiwan siyang nakanganga. Wala na siyang nagawa kung hindi ang mapailing. Humanda talaga ito sa kanya pagbalik.  Bagaman mahaba ang pila sa kinaroroonan niya ay mabilis naman kaya natapos din siya kaagad. Luminga siya para tingnan kung parating na si Arnie dahil medyo nangangalay na siya. Nang hindi ito makita ay mauupuan naman ang hinanap niya. Nakita niyang may bakante sa bench na malapit sa stall ng Bibingkinitan kaya ipinasya niyang maupo roon.  Tiyak naman na madali lamang siyang makikita ni Arnie kung sakaling pabalik na ito.  Ilang minuto na siyang nakaupo nang muli siyang luminga ngunit wala pa rin si Arnie. Bagkus ay iba ang nahagip ng mata niya na dagli ay nagpawala sa sayang nararamdaman niya para sa araw na iyon. Si Zach at ang babae nito ang nahayon ng tingin niya. Nakahawak ang asawa niya sa beywang nito habang masayang naglalakad sa gawi niya. Mabuti't nakapag-kubli siya agad kaya lumampas ang mga ito at hindi siya nakita. Dagli ang pagtulo ng luha niya. Akala niya ay okay na siya pero hindi pa rin pala. Tila nagbalik ang sakit na naramdaman niya noong araw na mahuli niya ang dalawa. Sinikap niyang kalmahin ang sarili. Naisip niyang hindi maaari na ganito na lamang siya sa tuwing makikita ang dalawa. Pinunasan niya ang mga luha lalo't natatanaw na niya si Arnie na parating.  ARNIE Hindi pa man siya lubusang nakalalapit kay Tiffany ay batid na niyang umiiyak nito. Inilang hakbang niya ang pagitan nila at mabilis itong nilapitan.  Pula na halos ang mga mata nito saka namumula na ang ilong nang tuluyan siyang makalapit.  "T-Tif, hey! What happened?" ibinaba niya ang dala at tumabi ng upo rito. "Wala. Come on, umuwi na tayo," malumanay nitong sabi saka ngumiti ng mapait. "What? Anong wala?? Why are you crying??" ulit niya. Ganitong-ganito ito noon nang makits niya ring umiiyak sa Manila.  "Wala nga sabi so please, stop asking!" bahagyang napalakas ang tono nito dahilan para mapalingon sa kanila ang ilan. Wala na siyang nagawa kung hindi mag-buntung hininga.  "Okay, halika na." Isa-isa na niyang kinuha ang mga pinamili saka nagpatiuna ng tumayo. Hinintay niyang sumunod ito saka niya inalalayan sa siko. Hindi na siya nagpumilit pang tanungin ito dahil baka magalit lamang sa kakulitan niya. Sa biyahe pauwi ay nanatiling tahimik si Tiffany at iginalang niya iyon. Bagaman hindi na ito umiiyak, hindi pa rin ito ngumingiti at nananatiling palaisipan sa kanya kung ano ang nangyari.  "Arn, ibaba mo na lang ako sa shop. Magpapasundo na lang ako kay Papa para hindi ka na mapalayo," sa wakas ay nagsalita ito at ngayon ay pinipilit ng ngimiti. "Ihahatid na kita hanggang sa inyo, just tell me the directions."  "S-sigurado ka ba?" "Yeah."  Pagsapit sa tapat ng bahay ng mga ito ay hindi ito kaagad kumilos para bumaba. Sa tingin pa nga niya ay sandali itong natulala. Maya-maya ay bumaling ito sa kanya na kahit nakangiti ay kitang-kita niya ang lungkot sa mata.  "Thank for today, Arn. I'm sorry kanina kung nasigawan kita."  "No. Thank you for today ,Tiffany. And about that, I'm sorry kung kinulit kita." "Salamat din sa gift mo kay Catie. Kahit 'yung pizza ikaw ang nagbayad, nakakahiya tuloy. Sinama mo lang ako para ilibre ng ilibre, e, inabala na nga kita." "Maliit na bagay lang ang mga 'yon kaya huwag mong masyadong alalahanin, Tif." Natutukso na siyang haplusin ang magandang mukha nito pero pinakapigil niya ang sarili.  "Ahhmm...halika pasok ka muna?"  "Hindi na, alam kong pagod ka na kaya sa ibang pagkakataon na lang." Bumaba siya ng kotse at pinagbuksan ito ng pinto.  "Salamat ulit, Arn," sambit nito ng tuluyang makababa.  "Anytime, Tiffany. Pahinga ka, ha?"  "Yeah. Ingat ka sa pag-drive," anito habang pinanonod siyang makabalik sa kotse.  ILANG BLOKE pa lamang ang layo niya mula sa bahay nina Tiffany nang muli siyang huminto. Hindi siya mapapakali hanggang hindi niya nalalaman ang dahilan ng pag-iyak ni Tiffany kanina kaya tatawagan niya si Joy. Alam niyang ito ang makakatulong sa kanya. Dalawang ring ang narinig niya saka lamang sumagot sa kabilang linya. "Arn, why?" bungad nito.  "Joy I need your help." "Ano na naman iyan? Ikaw maaalala mo lang ako kapag may problema ka, e." Kahit hindi niya gusto ay natawa siya sa reaksiyon nitong tila ginawa pang siga ang boses. "Seryoso 'to, Joy." Mahina ngunit buo sa tinig niya.  "Okay, okay. Ano ba kasi 'yan? Wait, kumusta pala ang pagsama mo kay ate? Umamin ka na ba?" "Hindi ko pa iniisip 'yan, Joy." "Sus! Akala ko pa naman 'yun ang problema mo at binasted ka kaya ka nag-e-emote ng ganyan." Patuloy ito sa pang-a-asar. "It's Tiffany, sandali ko lang siyang iniwan at pagbalik ko, e, umiiyak na siya. I asked her kung ano ang nangyari pero hanggang sa makauwi kami, e, hindi niya sinabi ang dahilan." "What?? Paano nangyari 'yon? She texted me na successful ang meeting niya, ah!" "Yeah. Mula doon ay okay pa siya. Hindi ko lang talaga alam kung ano ang nangyari sa mall." "Okay, akong bahala. Aalamin ko. Magku-kwento sigurado sa akin 'yon." "Thanks talaga, Joy. Mabuti na lang at nandiyan ka."  "Sus! So kumusta ang first date?" tudyo nito sa kabilang linya.  "Sobrang saya, Joy." "Tinamaan ka talaga sa ate ko 'no?" "Isa lang ang alam ko. Ngayon ko lang to naramdaman," madamdaming sabi niya ngunit sa pagkabigla niya ay tumawa ito. "Bakit? Bakla ka ba dati at kay ate ka lang naging lalake?" natatawa pa rin to.  "Hoy tigilan mo ko, ha!" "Joke! Alam ko naman na mahal mo talaga si ate."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD