II

1322 Words
Chapter 2 Juvia HABANG tumatakbo si Juvia na nagtatali ng kanyang buhok ay napahinto siya bigla sa tapat ng bagong bukas na Cake Shop. Doon niya naalala na ngayon pala ay birthday ng kaniyang bunsong kapatid na si Allen. Wala naman itong hinihingi tuwing kaarawan niya pero ngayon niya lang din napagtanto na hindi nila ipinagdiriwang ang kaarawan nito. “Mamaya, bibili ako…” ngiting saad naman ni Juvia at nagpatuloy sa pagtakbo. Hindi nakapagtapos ng kolehiyo si Juvia dahil napilitan siyang tumigil at magtrabaho na lamang. Nguni tang kinikita niya bilang undergraduate at hindi nasasapat para sa kanilang buong pamilya lalo na’t nagkakasakit na ang kanilang Tatay. But she didn’t have regrets over it, all she wanted know is to keep working for her family. Ngayon ay nagtratrabaho siya sa isang restaurant bilang dish washer. Hindi araw-araw ang kanyang pasok kaya naman naghanap ulit siya ng iba pang trabaho. Sa lama ng trabahong kanyang nahanap ay ang pagko-construction ang may pinakamataas ang bigay kahit extra lang siya kadalasan. Mabigat man ang trabaho ngunit kinakaya naman niya. Pagdating niya sa restaurant ay kaagad siyang nagtungo sa kanyang puwesto kung saan naghihintay ang mga naglalakihang palayok at iba pang gamit na sa paglulutong nakatambak doon. Nang matapos na niya ang isang tray ay dumating mga pinggan at panibang tray na kanyang huhugasin. Sumilip siya sa pintuan at nakita niyang dumagsa ang mga tao ngayong araw. “Juvia! Pagkatapos mo nga riyan ay mag-mop ka saglit dito sa kitchen? Wala kasi Rap eh, nag-serve siya.” Pumasok naman bigla ang manager ng restaurant na si Tina. “Sige po, Ma’am…” Maiging binawasan ni Juvia ang kanyang hugasin at ginawa ang panibagong utos ng kaniyang Boss. Hindi pa nangangalahati ang araw ay pagod na pagod na siya. Gano’n pa man ay hindi pa rin iyon sapat na dahilan upang siya ay humintong magtrabaho. Lagi niyang sinasabi sa sarili na ano mang hirap o pagod ang kanyang nararanasan ay hindi dapat iyon maging dahilan upang siya ay tumigil, dahil hindi lamang siya ang maaring babagsak kundi pati na rin ang kanyang pamilya. Nanatili siyang palaban at may paninidigan. Hindi man mabilang ang hirap na kanyang dinanas ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na balang araw ay maiaahon niya rin sa hirap ang kanyang pamilya. Huminga siya ng malalim at ngumit bilang pag-alis ng kanyang pagod na nararamdaman. Mahaba pa ang araw para siya ay makaramdam ng pagod. Tuwing sasapit ang gabi ay siyang hudyat ng panandaliang kasiyahan ni Juvia dahil sa wakas ay makakauwi na siya at makakapagpahinga. Natanggap niya ang sweldo niya ngayong araw para sa dalawang linggo na lalo pa niyang ikinatuwa. Bitbit anag eco-bag na lagayan ng kanyang mga gamit ay naglakad siya aptungo sa Cake Shop na nadaanan niya kanina. Ngunit nagtaka siya nang makita niyang wala nang laman ang mga lagayan ng cakes. “Miss wala na po ba talaga kayong tindang iba?” “Nako, Ma’am mayro’n po kasing namakyaw ng tinda naming kanina… pasensya na po.” Ang sabi naman ng baabeng kahera sa kanya. Nakaramdam naman siya ng lungkot dahil akala pa man din niya ay makakabili siya para sa kanyang kapatid. Pasarado na rin sila kaya naman hindi na siya gaanong nagtaka kung bakit naubos na ang paninda nila. “Grabe naman ‘yung namakyaw…” napasimangot na lamang siya paglabas niay ng bakery. Nagpatuloy siyang naglakad pauwi. Patay na ang ilaw sa kanilang bahay at nadatnan niyang tulog na sa sala ang kanyang dalawang kapatid pati na rin ang kanilang mga magulang. Inayos niya ang kulambo ng kanyang kapatid dahil napansin niyang may mga lamok at pagising-gising sila sa gabi dahil doon. Isang maliit na silid lang naman ay nakakayanan niyang upahan sa ngayon matapos silang palayasin sa bahay nila dati sa ilalim ng tulay. Kaya mabigat ang kanilang upa na kanyang binabayaran. Kaya hindi lamang isa ang trabaho niyang pinapasok ay dahil gusto niyang makaipon upang magkaroon ng sariling bahay kahit maliit lang. *** “MAGANDANG umaga, Sir Jun!” bungad niya sa sa foreman ng site na kanyang pinupuntahan tuwing day off niya. “Oh, maaga ka ngayon,” masiglang saad naman ni Jun sa kanya. “Opo, para na rin makarami!” aniya ni Juvia. Hindi naman nagpapahintulot ang karamihan sa construction sites ng mga babaeng trabahador dahil mabigat at medyo mapanganib ang trabaho roon ngunit ang foreman na si Jun ay pinahihintulutan si Juvia dahil alam niyang kaya nito ang mga simpleng gawain kagaya ng pagpala ng buhangan o pagbubuhat ng mga semento. Isa pa, batid niya rin ang sitwasyon ng pamilya nito kaya naman hinahayaan niya lang na mag-extra si Juvia rito. Hindi na rin ibang tao si Juvia sa mga trabahador, binate rin siya ng mga ito nang makalapit siya sa kanila. “Kumusta naman ang trabaho sa restaurant ija?” tanong naman ni Mang Julio, nang makalapit si Juvia sa kanya upang mag lagay ng buhangin gamit ng pala sa kartilya. “Ayon, nakakapago pa rin po. Pero kakayanin para sa pamilya!” parehas silang napatawa nang mahina. “Basta para sa pamilya talaga ay gagawin ang lahat,” aniya ni Mang Julio. “Pero huwag mo rin kalilimutan ang sarili mo, ija,” bilin naman nito bago niya itinulak ang punong kartilya. Saglit na tinusok ni Juvia ang pala sa lupa at napaisip sa sinabi niya. Buhat nang siya’y nagtrabaho ay ni isa ay wala pa siyang nabili o nagawa para sa sarili. Malimit lamang niyang punan ang kanyang sariling pangangailangan ay halos hindi na niya rin ito maisip. Napatingin siya sa sarili, sabay napatingin din sa gawi ng malaking tent kung saan nagpupulong mga engineers na in-charge sa project na ito. Mayroon siyang nakikitang mga babaeng professional na inhinyero rin. Hindi niya napigilan ang makaramdam ng inggit dahil kung sana ay nakapagtapos siya ay Engineer na rin siya ngayon. Bigla namang naudlot ang malalim nap ag-iisip ni Juvia matapos dumaan ang humaarurot na sa sasakyan s akanyang harapan at diretsong binangga ang mga mono blocks na nakahilera sa may hindi kalayuan sa kanya. Dinadaanan lang din ng sasakyan ang sementong kaninapa ginagawa ng mga kasamahan niyang nadatnan kanina. A lot of things has been destroyed on their site but the car was left unscratched. Nagulat din ang mga trabahador at napatingin lang sa sasakyan. Bumukas ang sasakyan at iniluwal ang isang lalaking may suot na shades, nan aka itim na boots pa at naka-brown na coat. Ngitng-ngiti pa itong tinignan ang kotse niya. “Sorry, I was just testing my new car…” sabi niya sa mga tarbahador na nakatingin lang sa kanya. Para bang may pumutok sa sentido ni Juvia matapos niyang marinig iyon. Nakita niya ang lungkot sa mga mukha ng mga kasamahan niay dahil kanina pa nila iyon ginagawa at inaayos sa ilalim ng tirik na araw at sinira lang iyon basta-basta ng mayabang na lalaking ito. Naglakad-lakad pa ang lalaki habang ngiting-ngiti. ‘Di pa nagtagal ay tumatakbong lumapot si Engineer Karlo sa kanya. “Sir!” natatarantang tawag nito sa kanya. Bahagyang nabunutan ng tinik sa dibdib nang makita na ni Juvia ang Engineer na lumapit sa lalaki, mukhang hindi na niya kakailanganing komprontahin ito. “Hey Baldy!” masiglang tawag ng lalaki sa kanya kaya napakunot ang noo ni Juvia na napatingin sa lalaki. “Okay lang ba kayo, Sir? Wala bang masakit sa inyo?” nag-aalalang tanong ni Karlo sa lalaki na labis na ikinagulat ni Juvia. “I’m fine. I was just testing my car. Can I also test it over there?” turo pa ng lalaki sa kabilang panig ng site kung saan nagsisimulang binubuo ang pundasyon ng building. “Ah…yes sir!” pumayag si Karlo at hindi nakapaniwala si Juvia dahil ang tagal na ginawa iyon ng mga trabahador at sisirain lamang iyon dahil sa kagustuhan ng mayabang na lalaking ito. “Hmmm…” pagbaling ng lalaki sa gawi ni Juvia ay naabutan siya nitong masama ang tingin sa kanya. Ibinaba nito ang shades at nakipagtitigan sa kanya. “Is that a girl!?” gulat na turo ng lalaki sa kanya. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD