Chapter 3
Clash
SA KALAGITNAAN ng tuwang nararamdaman ni Pain ay nakaramdam siya ng kaunting kilabot mula sa kanyang gilid dahil napansin niya ang mga masasamang tingin na para bang sa kanya lamang nakalaan.
“Is that a girl!?” gulat na turo niya sa babaeng nakita niya. Sa kanya pala galing ang kilabot na kanyang nararamdaman kanina pa. It wasn’t usual for him to see a woman working in place like this. Ilang araw na rin siyang pabalik-balik dito para manggulo at magpalipas lamang ng oras.
Kagabihan ay um-attend siya sa isang auction at doon niya napanalunan ang sports car na kanyang binangga ngayon lamang. He thought of testing it here.
Inalis ni Pain ang kanyang salamin at pangisi-ngising nilapitan ang babaing matalim ang tingin sa kanya. Nakasuot ito ng pantalon at tough boots katulad ng mga lalaking trabahador at naka-helmet din ito. Madumi ang gloves na nakasuot sa kamay niya pati na rin ang putting blouse nito. Ilang beses pa niyang tinignan ito mula ulo at baba bago siya napahalakhak.
“Mukhang ngayon lang yata ako nakakita ng babaeng construction worker?” taas kilay pa siyang napatitig sa babae.
Tatangkahin sana ni Jun na sumingit ngunit pinigilan siya ni Karlo, marahil ay ipapaliwanag niya ang presensya ng babaeng trabahador kay Pain. But Pain is distracted entirely by this woman. There is no way he’d let anyone meddle for now.
“Maari ko bang malaman ang dahilan ng mga masasamang tingin mo sa akin?” mapagbirong tanong ni Pain.
Sinenyasan ni Jun at Karlo si Juvia, ngunit mukhang hindi niya ito nakita.
“Hindi niyo ba alam kung gaano kahirap ayusin ng mga trabahador ‘yung binangga mo? Pagkatapos ay hindi ka pa marunong humingi ng patawad?” pabalang na sumagot si Juvia kay Pain na ikinagulat nilang lahat. Nabalot ng katahimikan ang lugar at mistulang dumaan ang napakalamig na hangin sa pagitan ni Juvia at Pain.
“Patawad!?” Pain scoffed. “Why would I apologize? Me?” turo pa ni Pain saka siya napatawa nang malakas at napahawak sa kanyang baywang.
“I was just testing my car, I mean I needed to. And this is the place where I decided to do it,” katuwiran naman ni Pain.
“Pero sinira mo ‘yung mga ginagawa naming!” nagtaas ng boses si Juvia na lalong nagpaigting ng tension sa kanilang lahat.
“I don’t care. My car is more important,” Pain said firmly.
“And I own everything what you see in this place…” humakbang pa siya palapit kay Juvia nang mas lalo silang magkalapit.
Natuliro lang naman si Juvia at inatake siya ng kaba nang magkalapit silang dalawa. Maybe that explained how arrogant he is but that isn’t enough reason to mistreat everyone.
Nang mapansin ni Juvia na hindi pa rin siya nilulubayan nito at para bang mas lalo pa silang nagkalapit dahil yumuko siya ay nagharumentado siya’t walang ibang nagawa kundi itulak si Pain dahilan upang mapaupo ito sa lupa kung saan mayro’ng nakakalat na basang buhangin.
“Sir!” sigaw nila Karlo at kaagad itong nilapitan. Napaawang ang bibig ni Juvia sa kanyang nasaksihan.
Bakas naman sa mukha ni Pain ang pagkainis dahil sa kinahinatnat ng kanyang kasuotan. He even refused their hands in trying to help him.
Mariin siyang pumikit at sinubukang kontrolin ang kanyang ekpresyon.
“How much to you need?” he stood up and asked her.
Napakunot-noo lang naman si Juvia nang mapatingala sa kanya. “Magkano ba ang kailangan mo para tigilan mo na ang kakairap sa akin?”
“Sir Pain!” nabulabog naman sila ng boses ni Sonny na hinihingal pa ng siya ay makarating.
Tila nagulat naman si Sonny nang madatnan niya ang sitwasyon doon lalo na ang hitsura ng damit Pain.
“Think about it,” ngumisi si Pain at tuluyang nilubayan si Juvia. “I’ll come crashing here again to ask your price,” sigaw pa nito nang malapitan niya ang sasakyan niya. Pagkatapos ay pinaharurot niya muli ito.
Hindi pa rin naalis ang inis sa mukha ni Juvia kahit nakalayo na ang sasakyan ni Pain.
“Juvia…” maalumanay ang pagtawag ni Jun sa kanya. Pero bumalik na lamang sa pagtratrabaho si Juvia at tumulong sa mga kasamahan niyang ayosin ang mga sinira ni Pain.
***
“HELLO, my dear family…” umalingawngaw ang boses ni Pain sa dining hall nang siya ay makapasok samantalang bakas ang inis sa mga mukha ng mga taong naghihintay sa kanya.
Tonight is their family dinner. They have been waiting for him for almost an hour and he was always like this.
Pagkaupo ni Pain sa tabi ng kanyang dalawang kapatid ay nagsimula na rin silang kuman,
Pilit lamang ngumiti si Pain habang tinitignan ang mga pagkain. Wala naman siyang balak dumating sa mga ganitong okasyon pero dahil gusto niya lang manggulo ay dumadating pa rin siya. He’s the troublesome of the family and it would be boring if he is not present.
Sa mga mata ng lahat ay kagalang-galang ang dalawa niyang kapatid samantalang siya ang tinaguriang black sheep. But Pain loves to be seen like that and he doesn’t have any hard feelings about it.
“I heard you have been visiting one of our sites?” bigla namang binasag ni Mario ang katahimikan sabay napatingin kay Pain.
“Yeah, I tried ruining some of their works. It was fun though,” sarkastikong sabi naman ni Pain habang hinihiwa ang steak sa kanyang plato.
“You can destroy as many things as you want but I hope you’d have a realization after that. Maybe you could join your brothers.”
Napahinto naman si Pain sa kanyang paghihiwa at napasimid. “Wala akong balak makisama sa negosyo. Just give me my proper shares because Mom worked hard for whatever our family has. I think I deserve that much,” biglang sumama ang titig ni Pain sa kanyang mga kapatid lalo na sa kanyang step-mother na ngayon ay nakatingin din sa kanya.
Andrea is young. She’s the youngest among his father’s women. She is naturally beautiful and could be sweet most of the time. That is the only thing he knows about her. But every other woman is nothing better than his mother that is what he thinks.
“Or maybe you could at least try and protect it,” sa unang pagkakataon ay sumagot sa kanya si Rage, ang kanilang bunso.
Napabitaw si Pain sa kanyang knife at tinidor, “Isn’t that your job, brother?” pinagtaasan niya ito ng kilay dahilan upang umigting ang panga ni Rage.
“Stop it, Pain and Rage…” winakasan ni Mario ang matalim na titigan ng dalawang magkapatid. Samantala ay si Wrath na nasa pagitan nila ay parang walang intensyong makialam. Tahimik lamang kasi ito at siya ang tinaguriang pinakamasunurin sa kanilang tatlo.
Wrath is also the genius one but he chose a different field of career.
“Pain, you should at least concern yourself with the company. You’re old enough to do that,” bilin pa ni Mario sa kanya.
Napatayo naman si Pain bigla, “Nawalan na ako ng gana,” anito at binagsak sa mesa ang kanyang table napkin at naglakad palabas ng dining hall.
Napangisi lang naman si Wrath matapos nitong makaalis sa hapagkainan.
Ano pa ng aba ang inaasahan nila kay Pain? Hindi naman iyon kaya umupo at makipagngitian nang matagal sa kanila. He just wanted to be on his own.
“Pain…” napasigaw si Mario ngunit hinawakan ni Andrea ang kamay nito. “Hayaan mo muna siya…” kalmadong sabi naman nito.
***