Chapter 1
Pain
“STOP the car,” natarantang napatabi ng kotse si Sonny nang marinig niya ang utos ng kanyang amo na si Pain.
“What is that shop?” tanong nito sabay baba ng kanyang bintana upang makita nang mas maigi ang isang bakery na biglang kumuha ng kanyang atensyon.
“Bagong bukas po iyan, Sir. Mukhang pinipilaan nga gaya nang sabi nila.”
“Let’s check it out,” aniya nito sabay bukas ng pintuan at tuloy-tuloy siyang lumabas. Mariing napapikit na lamang si Sonny na sinundan ang amo niya dahil may kutob na naman siya sa naiisip nito.
Pain Dela Viego, the conceited billionaire who loves spending his money on everything he finds amusing. Kung hindi man pagwawaldas ang pinagkakaabalahan niya ay babae o ‘di kaya ang mga bagay na kahit hindi importante ay kung sa tingin niya ay ikasasaya niya ay gagawin niya. Despite being one of the inheritors of Fiore Group of Companies, he isn’t motivated in contributing his effort in maintaining their business. He just wants to live the way he wants every day.
“Excuse me, what are they’re selling here?” untag ni Pain sa isang babaeng nasa hulian habang inaayos ang kanyang itim na leather jacket.
“Strawberry short cake po, Sir,” nakangiting sagot naman nito.
Hindi naiwasan ni Pain na silipin ang ilang customers na may hawak nong transparent cake box na naglalaman nga no’ng cake na mukhang masarap dahil sa kagandahan ng pagkakagawa nito.
“Excuse me,” tumikhim si Pain at sumingit sa unahan.
“How much would it be?” diretsahang tanong ni Pain sa kahera.
“139 pesos po ang isa sir,” sagot ng babae. Tila nakuha naman niya ang atensyon ng lama ng tao roon.
“I mean all of your cakes? I’ll buy it…” anito sabay kuha ng kanyang wallet sa kanyang bulsa at nilabas ang kanyang gold card. “Sir…” nauutal na sabi ng kahera, sakto namang napalabas ang lalaking mukhang baker nila.
“Lahat po?”
“Oo, bakit? Ayaw kong matikman ng iba. Gusto ko ako lang, may problema ka ba?” mataray na sagot naman ni Pain.
Napapatingin na lamang ang mga staffs sa loob ng bakery nang kumakain na si Pain ng cake. Hindi mabilang ilang boxes ng cakes ang kanyang binili. Sonny couldn’t even finish the cake Pain offered him.
Lahat din customer kanina ay nagsiuwian na dahil wala naman na silang mabibili.
“Not bad,” napatango lang si Pain habang ngumunguya.
“Let’s go,” napatayo naman ito bigla. “Iuwi mo sa bahay ang mga cakes…”
“Saan pa po kayo pupunta, Sir?” tanong naman ni Sonny.
“Diyan lang, you can go home too,” tinapik naman ni Pain ang balikat ni Sonny. Nataranta siyang sinundan si Pain palabas pero huminto ito at tinignan siya ng masama.
“Sir—”
“Kung gusto mo talaga ako samahan, kakainin mo lahat ng binili kong cakes…” may halong pagbabanta ang boses nito. Napayuko na lamang si Sonny ay hinayaan na lang si Pain na maglakad palayo.
Kung hindi lang mataas magbigay ng sahod ang mag Dela Viego ay matagal na niyang iniwan ang trabaho niya bilang Assistant at Driver ni Pain. Matagal-tagal na rin siyang nagsisilbi sa kanya, mula pa nang kolehiyo ito. Sa puntong ito ay sanay na siya pero hindi pa rin niya maiwasang mag-aalala dahil malapit sa gulo si Pain dala na rin ng kanyang ugali na lahat ng bagay na mapupusuan man niya ay hindi niya titigilan hangga’t hindi niya ito makukuha.
His father had already given up in encouraging him to join him with his business dahil siya na lang din ang natitirang walang career na sinusundan. At bilang siya ang panganay ay siya ang nararapat na sumunod sa kanyang yapak.
Pain has two other siblings, both of them belongs to different woman. Ang Mommy ni Pain ang unang naging asawa ng kanyang Daddy na si Mario Dela Viego, ang natitirang tagapagmana noon ng Fiore.
Pain’s mother died when he was still a kid, not long after his father brought another woman and eventually broke up with him. Now he is settled with a different woman whom he doesn’t really go along with. Nagkaroon sila ng anak ay iyon ang bunso nila na si Rage na isang Engineer na ngayon. Ang sumunod naman kay Pain na anak ng kanyang Daddy mula sa naging babae niya ay si Wrath, na isang doctor naman. Pain is the only one who doesn’t follow a career path and it seemed like he doesn’t intent on doing anything about it.
Bitbit ang starbucks coffee ay nagtungo si Pain sa site ng kanilang project na malapit sa kanyang kinaroroonan. After strolling a few minutes he got bored and suddenly felt like vising one of their projects although he doesn’t have any interest in doing so.
Nang makita siya ng mga workers doon ay lumapit sila sa kanya, lalo na ang engineer in-charge sa site pero dinaanan lang ni Pain ang mga ito habang sumisipsip sa kanyang kape at nakatingala ito habang nakasuot ng shades.
Napansin niya ang tower crane na umiikot sa buong site.
“Can I ride that one?” bulong niya sa sarili.
“Hey you…baldy…” lumingon siya at tinawag ang engineer na lumapit sa kanya kanina upang batihin siya ngunit nilagpasan niya lang ito.
“Yes sir!” agad na lumapit ang lalaki kay Pain.
“Can I ride that tower?”
Napaawang ang bibig ng lalaki. Malinaw na dapat tatanggihan niya ang sinabi ni Pain dahil may mga taong nararapat lang na mag-operate nito pero base sa ugali ni Pain na kumakalat ay nakasalalay ang kanyang trabaho sa sagot nito.
Nagkumpulan ang ibang trabahador sa malapit sa crane nang naghahanda na si Pain na umakyat doon sa controller. Pinagsuot siya ng protective suits at bakas sa hitsura nito ang kasiyaan niya sa kanyang gagawin samantalang nag-aalala ang mga trabahador sa kanya.
“Sir—” hindi pa man nakakapagsalita ang engineer ay ngumiti lamang si Pain at tinapik ang balikat nito.
Umakyat si Pain, at doon nagsimula ang tension. Clearly he doesn’t seem to understand what the operator instructed him. Umikot ang crane sa buong siya at may mga bakal itong nasagi ngunit para bang walang pakialam si Pain. Nakaramdam ng kaba ang mga trabahador dahil sa kanyang kaligtasan ngunit umaalingawngaw ang tawa at hiyaw ni Pain.
“Sir…” naiiyak na ang engineer na nagpahintulot sa kanya.
“Sir paano po ‘yung mga bakal na nasagi niya?” nag-aalalang tanong ng foreman sa kanya.
“Hayaan mo na, mag-o-overtime na lang tayo para ayusin, basta ligtas si Sir…” napasinghap naman siya.
“That was fun!” bahagyang nakahinga nang maluwag ang mga trabahador matapos makababa ni Pain nang ligtas ngunit nagdulot naman ng maraming sirang gamit ang kanyang ginawa.
“Thanks baldy,” tinapik ni Pain ang balikat nito at dire-diretsong naglakad.
Nakuha ang atensyon niya sa mixer. Doon na nakakita siya ng grupo ng mga trabahador na nagpapala ng buhangin.
“I should be back here again tomorrow. Hindi ko alam na masaya pala rito…” he nodded.
Sunod-sunod ang malalim na hininga ng mga trabahador nang pinagmasdan nilang palakad na palayo si Pain.
“Bukod tangi talaga siya sa mga kapatid niya…” aniya ng foreman.
“Oo, pero amo pa rin natin siya,” ang sabi naman ng Engineer.
Hindi naman ito ang unang beses na dumalaw si Pain kaya naman alam na nila ang puwede nilang paghandaan. They know he just want to entertain himself no matter what the cost it. And since he is a Dela Viego, they just had to go on his way.
He’s really a troublesome pain.
***