Prologue

453 Words
“Maari ko bang malaman ang dahilan ng mga masasamang tingin mo sa akin?” mapagbirong tanong ni Pain. Sinenyasan ni Jun at Karlo si Juvia, ngunit mukhang hindi niya ito nakita. “Hindi niyo ba alam kung gaano kahirap ayusin ng mga trabahador ‘yung binangga mo? Pagkatapos ay hindi ka pa marunong humingi ng patawad?” pabalang na sumagot si Juvia kay Pain na ikinagulat nilang lahat. Nabalot ng katahimikan ang lugar at mistulang dumaan ang napakalamig na hangin sa pagitan ni Juvia at Pain. “Patawad!?” Pain scoffed. “Why would I apologize? Me?” turo pa ni Pain saka siya napatawa nang malakas at napahawak sa kanyang baywang. “I was just testing my car, I mean I needed to. And this is the place where I decided to do it,” katuwiran naman ni Pain. “Pero sinira mo ‘yung mga ginagawa naming!” nagtaas ng boses si Juvia na lalong nagpaigting ng tension sa kanilang lahat. “I don’t care. My car is more important,” Pain said firmly. “And I own everything what you see in this place…” humakbang pa siya palapit kay Juvia nang mas lalo silang magkalapit. Natuliro lang naman si Juvia at inatake siya ng kaba nang magkalapit silang dalawa. Maybe that explained how arrogant he is but that isn’t enough reason to mistreat everyone. Nang mapansin ni Juvia na hindi pa rin siya nilulubayan nito at para bang mas lalo pa silang nagkalapit dahil yumuko siya ay nagharumentado siya’t walang ibang nagawa kundi itulak si Pain dahilan upang mapaupo ito sa lupa kung saan mayro’ng nakakalat na basang buhangin. “Sir!” sigaw nila Karlo at kaagad itong nilapitan. Napaawang ang bibig ni Juvia sa kanyang nasaksihan. Bakas naman sa mukha ni Pain ang pagkainis dahil sa kinahinatnat ng kanyang kasuotan. He even refused their hands in trying to help him. Mariin siyang pumikit at sinubukang kontrolin ang kanyang ekpresyon. “How much to you need?” he stood up and asked her. Napakunot-noo lang naman si Juvia nang mapatingala sa kanya. “Magkano ba ang kailangan mo para tigilan mo na ang kakairap sa akin?” “Sir Pain!” nabulabog naman sila ng boses ni Sonny na hinihingal pa ng siya ay makarating. Tila nagulat naman si Sonny nang madatnan niya ang sitwasyon doon lalo na ang hitsura ng damit Pain. “Think about it,” ngumisi si Pain at tuluyang nilubayan si Juvia. “I’ll come crashing here again to ask your price,” sigaw pa nito nang malapitan niya ang sasakyan niya. Pagkatapos ay pinaharurot niya muli ito. Hindi pa rin naalis ang inis sa mukha ni Juvia kahit nakalayo na ang sasakyan ni Pain. “Juvia…” maalumanay ang pagtawag ni Jun sa kanya. Pero bumalik na lamang sa pagtratrabaho si Juvia at tumulong sa mga kasamahan niyang ayosin ang mga sinira ni Pain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD