IV

2262 Words
Chapter 4 Unlucky KARLO assembled his workers upon hearing about Engineer Rage Dela Viego’s visit today. Nagkataon daw kasi na malapit ang bagong project na kanyang binisita kaya nagpaalam siya sa kanya na bibisita siya sa site. This project is probably one of the biggest that Fiore has ever had in history. A lot of people have also been looking forward to this one right from the start. The Artemis Place which will be the biggest building in the country after it will be finished. Kasing-lawak ng isnag subdivision ang sakop ng buong project site at dito itatayo at ituturing na pinakamatayog na gusali sa buong bansa—ang Artemis’ Twin Towers. It is now then settled that Fiore hits the number one spot of richest company in the country. Nang dumating ang dalawang itim na magkasunod na sasakyan ay kagad na sinalubong nina Karlo, kasama ang kanyang kapwang Engineer si Rage na pinagbuksan ng kanyang mga body guards. Even his presence is so expensive that makes everyone uncomfortable. “Magandang Umaga po, Sir…” halos nakayuko lamang silang lahat matapos makalapit ni Rage sa kanila habang inaayos ang butones ng kanyang coat. Hindi naman sumagot si Rage dahil abala siyang titigan ang buong lugar sa kung ano na ang iniusad ng kanilang proyekto. Rage is a skeptic one. He’s very serious when it comes to work. Everyone thinks he’s got the every right to do that because his works are always perfect. Kung magkakaroon ng listahan ng mga Engineers na kinikilala sa bansa, marahil ay naroon na si Rage. He manages their Company’s projects as well as its financial standing. He’s almost perfect for a bachelor man. “I guess we’re just on track. But if you could do it faster but…” mistulang kinabahan sina Karlo nang tinaasan nito ang boses niya’t bumaling sa kanila. “It must be perfect, and according to what I have instructed,” tila naging babala ito sa kanila. “Don’t waste any materials unnecessarily…” napatingin si Rage sa gawi kung saan nakita niya ang mga naipon na wasak na semento at blocks. “Sir…dumating po kasi si Sri Pain noong isang araw. Nabangga po ang sasakyan niya roon.” “Isn’t that your job as the engineer here? To make sure no unnecessary movements are done. Trabaho ko pa rin ba ang pagpapaalis kay Pain?” ngumiti siya’t humawak sa balikat ni Karlo. “How much is your salary again?” Napatikom ng bibig si Karlo. “Do you think you deserve that if you don’t do your job properly?” bahagyang hinigpitan naman ni Rage ang pagkakahawak sa balikat nito. Nagulantang naman silang lahat nang makarinig sila ng humaharurot na motor hanggang sa umalingaw-ngaw ang pagbangga nito sa kanilang likuran. Nanlaki ang mga mata ni Karlo nang makita niya si Pain na ibinangga ang motor nito sa sasakyan ni Rage. Rage didn’t even crane his back as he already knew it was his brother. “Nice one Munchkin! Look there’s a damage!” tuwang-tuwang tinuro pa ni Pain ang bandang harapan ng sasakyan ni Rage na nayupi na’t malapit na rin mahulog ang plate number nito. “Raptor X-70 is such a destroyer!” napailing pang sabi ni Pain sabay alis ng kanyang helmet. “Oh! Rage! Ikaw pala ‘yan, brother!” ngiting-ngiting lumapit si Pain sa kanya habang napakuyom naman ito ng palad dahil sa pagtawag nito. “You’re visiting this site, huh? You want to vent because your failed bid?” sabay akbay kaagad ni Pain sa kanya. Pagbaling naman ni Rage sa kanya ay sumalubong kay Pain ang nanlilisik na mga titig nito. He knows Pain would eventually know the latest news about him but he didn’t think it would be this fast. One of the things that Rage hates the most is whenever he lost a bid for a project. “That’s okay, you know. You can just bid on small and cute projects…” napatango pa si Pain na parang hindi nasisindak sa aura ni Rage samantalang batid ng mga tao sa paligid nila ang nangyayari na. “If you’re here to play then come back on another day…because I won’t let you mess up this site,” mahigpit na hinawakan ni Rage ang kamay ni Pain na naka-akbay sa kanya at inalis niya ito. Sinenyasan naman ni Rage ang mga body guard niyang lapitan si Pain at paalisin sa site pero hinarang ni Pain ang kamay niya sa mga ito. “You sure you’re going to chase away a Dela Viego?” he smirked while glaring at Rage. “Are you sure?” muli niyang tanong pero para na ito sa mga body guards na pumalibot sa kanya. Parang nag-alinlangan naman ang mga ito kaya naman sila ay napaatras. “This isn’t just yours, Rage. This is also mine…” nagkibit-balikat naman si Pain at dumiretso papasok na sa working site mismo. Humawi ang mga trabahador na nakalinya upang padaanin si Pain. Pinuntirya kaagad nito ang mobile crane. Kaagad siyang nilapitan ng mga operators nito pero para bang alam na niya ang gagawin at tinanggihan niya ang pagturo nila. But right after Pain used the mobile crane, he started messing it up. Atras abante ang sasakyan ay nakabangga siya ng mga bakal na maayos nang nakalatag. He tried lifting giant steels but since he doesn’t know how to use it, he failed and all of the steels he tried lifting just dropped and made a ringing noise. Niluwangan ni Rage ang kanyang necktie dahil naiinis siya sa pinagagawa ni Pain. At dahil alam niyang wala rin siyang magagawa sa ngayon upang pahintuin si Pain ay pinili na lang niyang umalis. Pagkaalis naman ni Rage ay tinakbo ni Karlo at ang iba niyang kasamahan si Pain na mukhang nag-e-enjoy pa sa pagmamaneho ng mobile crane. Samantala, napatabi naman si Juvia dahil sa magkasunod na kotseng dumaan na mukhang galing sa site. Nahuli na nga siya ngayon ng ilang minuto dahil wala na siyang masakyan kanina at punuan na ang mga bus. Na-inform naman siya ni Jun na darating ang kanilang boss. She missed seing the boss again today. Pagdating ni Juvia sa site ay napatingin siya sa gawi kung saan nagkumpulan ang ilan sa mga trabahador. Naaninag niya ang atras-abanteng mobile crane at nahagip din ng kanyang pandinig ang sigaw ng lalaking nagmamaneho nito. Magpapatuloy na sana siya sa paglalakad nang maalala niyang minsa’y narinig niya ang nakakainis na boses na iyon. “Nandito na naman siya,” napailing na lamang siya matapos maalala ang araw kung kailan siya nayabangan ng Pain Dela Viego na iyon. Huminot ang sasakyan at bumaba si Pain. Inalis pa nito ang gloves na suot niya’t binigay sa kung sino man ang una niyang nakita. Lumapit siyang tuwan-tuwa kay Karlo at hinimas-himas pa ang ulo nitong kalbo. “That was fun, baldt. Do you have any other toys here?” Rinig na rinig pa ni Juvia ang boses nito mula sa kanyang kinaroroonan at wala sa sariling napatingin siya nang masama rito. “Oh?” natauhan si Juvia nang tinuro siya ni Pain matapos nilang aksidenteng magkatinginan. Hindi nagdalawang isip si Pain na maglakad palapit sa kanyang gawi ngunit mabilis na naglakad si Juvia palayo na parang wala siyang nakita. Nilakihan niya ang hakbang dahil napapansin niyang palapit na si Pain sa kanya. “Masama ka talagang tumingin sa akin ‘no? Why is that?” untag ni Pain kay Juvia nang bahagyang malapitan niya ito. Dumiretso sa tent si Juvia at doon binaba ang gamit. Kumuha siya ng kanyang mga kagamitang pan-trabaho sa pag-aakalang lulubayan siya ni Pain pero hanggang doon ay sinundan siya nito. “Paumahin, pero hindi kop o alam ang ibig niyong sabihin. Magta-trabaho na po ako,” akmang maglalakad na si Juvia upang lagpasan si Pain ngunit hinarang nito ang katawan sa harapan niya’t tinitigan nang may halong pagdududa. “I’m bothered that is why,” awtomatikong napaangat-tingin si Juvia matapos niyang mabosesahan ang seryosong tono nito. “No one has even dared to look at me like that. People smile around me even if I don’t tell them so because it’s too embarrassing to frown to someone like me…” bigla namang nanlisik ang mga titig nito kay Juvia. “You’re insulting me…” “Nagkakamali lang po siguro kayo ng tingin. Hindi po ako nakasimangot sa inyo…” napaiwas ng tingin si Juvia. “I was so sure those glares are for me…” he smirked. “Tell me, Miss Construction girl, have you thought of your price yet?” pinagtaasan pa niya ng kilay si Juvia dahilan kung bakit winakasan nito ang kanyang pagtitimpi. “Wala po akong balak ngumiti sa mga gaya n’yo…” Napapakit ang mga kasamahan ni Juvia nang siya’y sumagot. Napatawa naman ng mahina si Pain sa ‘di niya inaasahang sagot nito. “Sa inyo na lang po ‘yang pera niyo.” Nagkaroon naman ng lakas ng loob si Juvia na lagpasan si Pain. Naiwan naman ang binatawnag napahawak sa kanyang baba dahil sa hindi pa rin siya makapaniwala. Her stares along are bothering him. And the blunt tone of her voice is fanning the flames of frustration inside him. “Didn’t I look so attractive on that part?” tanong pa niya sa sarili. “Girls would blush on me whenever I do that…” napatalikod siya at dahan-dahang naglakad palayo sa tent. “And she walked away!?” tuluyan siyang napahinto at napalakas ang boses niya. “She’s a Doomed Girl!” he shook his head in disbelief. *** HABANG palakad si Juvia pauwi sa kanila ay napansin niya ang maraming tao sa may kanto nila. Napabalikwas siya ng takbo dahil nakita niya ang mga kapit-bahay nila sa kalsada. “Ano’ng nangyayari?” agad na tanong ni Juvia nang malapitan niya ang kanyang mga magulang. Nakita niya ang ilang kalalakihang kausap ang may ari ng gusaling kinabibilangan ng silid na kanilang inuupahan. Base sa pananamit nila ay parang mga demolishers ang mga ito. “Bibigyan po naming kayo ng isang buwan para lisanin ang lugar na ito,” may pinakita pang papel ang isang lalaking kausap ng may-ari ng gusali. “Anong ibig sabihin nito Aling Berna?” nilapitan ni Juvia ito pero panay iwas nito ng tingin sa kanya. “Wala na nga. Hindi na sa akin ang gusali na ito. Naitalo ko sa sugal! Kaya magbayad na kayo ng upa niyo bago umalis!” siya pa ang nagkaroon ng ganang magalit kay Juvia at nilagpasan lang ito. Bahagyang natulakd naman si Juvia nang nagkabunggo ang balikat nila. Napatingin siya sa kanyang Ina, ana akay-akay ang inuubo niyang tatay. Pati na rin ang mga kapatid niyang mukhang takot na sa mga nangyayari. “Balita ko ay i-de-demolish daw ang lumang apartment na ito. Magpapatayo raw sila ng Mall. Pati na rin sa karatig barangay natin, nagpunta ang demolishers doon!” ang kuwento naman sa kanya ni Jeni, ang ka-edad niyang anak ng kanilang kapit-bahay. “Gaano ba kalawak ang i-de-demolish nila? Pati ba naman ang mga squatter doon sa may tulay? Kawawa naman tayo. Saan tayo niyan?” problemadong saad din ni Tope. Unang-una sa lama ay wala pang maibayad si Juvia sa balanse niya sa kanilang upa, paano pa kaya ang gagastusin niya para sa kanilang paglilipat? Kung magkakaroon man kasi ito ng perang sobra sa kanilang panggastos araw-araw ay napupunta sa gamot ng kanilang tatay. Kaya naman hindi pa rin mapigilan ni Juvia ang mabaon sa utang. “Mag-we-welga tayo!” palabang saad ni Jeni. “Tama! Ipaglaban natin ang karapatan natin!” pag-sang ayon ni Tupe. “Pero laban sa Fiore?” bigla namang pinanghinaan ng loob si Jeni. “Fiore?” tanong naman ni Juvia. “Fiore ang may hawak ng project pero ibang kompanya ang may-ari no’n. Sila lang gagawa,” paliwanag naman ni Tupe. *** “GOOD job, Rage!” ito kaagad ang bumungad kay Pain pagkaapak pa lamang niya sa kanilang bahay. Nadatnan niya ang kanyang Ama na si Mario, kasama ang asawa nito at si Rage sa sala na umiinom ng tsaa. “I almost lost the bid but I got it back,” napabuntong-hininga naman ni Rage. “So, when are you going to start?” Mario asked. “For now, we are trying to demolish the houses within the area. Nagbigay kami ng palugit sa kanila ng isang buwan. But whether they move out or not, we will demolish the entire place. After all, it was my promise to Gojith Group that’s why I was able to get this project for us.” Napahinto naman si Rage nang makita niya si Pain na parang nakikinig sa kanilang usapan. “Nandiyan ka na pala, Pain…” Mario plainly said. But Pain never bothered by it. “Congratulations. Wala ka talagang gustong ipatalo na bid,” sarkastikong sabi naman ni Pain. “We should celebrate,” ngising napatayo naman si Rage pero tumawa lang si Pain. “Celebrations are just for family. I don’t have one…” kibit-balikat na tumalikod si Pain na aalis na sana ngunit umalingawngaw ang pagbasag ni Mario ng kanyang tasa sa mesa. Napatayo ito sabay liningon si Pain. “All of your responsibilities are being taken care of Rage as well as Wrath’s. But since Wrath is doing a good reputation by being a respected doctor, I never bothered him by it.” Napaigting pangang sabi ni Mario sa kanya. “But all you are doing is wasting your life!” “Why do you mind if I waste my life?” maagap na tanong ni Pain bago pa man matapos ni Mario ang kanyang sinasabi. “Mom died while you are sleeping in your women’s bed. Pagkatapos magagalit kayo na tinatapon ko ang buhay ko?” napatawa nang malakas si Pain. “Too bad, Mom has a huge share in Fiore and you can’t kick me out,” he smirked as he turned away from them. Tumayo naman si Andrea upang paupuin si Mario na parang na-high blood sa maiksing usapan nila ni Pain. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD