V

1991 Words
Chapter 5 Warning NABITAWAN ng isang babaeng empleyado ang kanyang kapeng kabibili niya lang sa star bucks nang bumukas ang elevator at nakita lang naman niya ang isa sa mga tagapagmana ng kompanyang kanyang pinapasukan. Ngiti ang bungad nitong nakaambang na pindutin ang close button sa elevator. “G-Good Morning, Sir Pain…” halos manginig ang kanyang boses habang nakamasid lang sa kanya at hindi na niya naalala ang kape niyang nahulog sa sahig. “Saang floor ka, Miss?” She had no choice but to ride the elevator with Pain pressing the button for her. Everyone who sees him pressing the buttons almost had the same panic just like her but they’ve got no choice but to ride with him. May ilan pang nag-voluntary na sila na ang magpipindot ngunit mukhang nag-e-enjoy si Pain sa pagpipindot ng elevator. It’s still early for him to crash in the board meeting and he accidentaly saw the cylinder-shape elevator up to the 72nd floor of their building. He got so excited with the thought of riding it all over again as he stare at the glass while they are moving up. When they reached the 34th floor, that is when Sonny appeared at the front. “Sir, it’s about time for the meeting…” agad na bungad nito kay Pain pero parang walang naririnig si Pain. Pinindot naman ni Pain ang close button at kumaway-kaway pa kay Sonny nang ito ay sumarado. Nagkataon Na mayroon ulit bumaba sa 35th floor kaya binuksan ito ni Pain. At namataan na naman niya si Sonny roon na patakbo na palapit ngunit mabilis niyang sinarado ang elevator kaya hindi ito nakahabol. Muli niyang naiwasan si Sonny dahil tuloy-tuloy ang pagtaas ng elevator hanggang sa umabot na naman sila sa 47th floor at bumama ang natitirang mga tao roon na kasama niya. Namataan na naman niya si Sonny na hinihingal na’t sobrang bagal na ng paglalakad palapit sa kanya. “S-Sir…” halos pumiyok na ang boses nito nang siya’y palapit. “Fine, let’s go…” aniya ni Pain at hinintay si Sonny sa Elevator. Sabay naman silang nagtungo sa 50th floor kung nasaan matatagpuan ang board room. Nang bumukas ang elevator ay bumungad ang ilang butler servers sa araw na ito. Ilang lakad lang at nalapitan din niya ang mga long tables kung nasaan ang mag pagkain. Nandoon din ang mga severs na babae at kumindat pa siya sa mga ito. He stopped by the section of desserts. He took two strawberry cupcakes and picked the mini strawberry on top of its icing and offered it to the lady serving it. Hindi man siya pinagtinginan ng kanyang mga kasama pero alam niyang nasa kanya ang atensyon ngayon dahil sinusubo ni Pain sa kanya ang strawberry. “Very good girl,” he said when the girl ate the strawberry. Kinagatan naman ni Pain ang isa niyang hawak na cupcake habang patungo sa main door ng board room. Pinagbuksan siya ng mga agent na nakabantay doon. He confidently walked it and it’s about time for Rage’s speech at the front. “What’s up mother—ckers!” umalingawngaw ang boses nito habang ngumunguya dahilan upang mabaling ang lahat ng atensyon sa kanya. Sa likuran ay napapikit na lamang si Mario sa bungad ni Pain sa mga kapwa-shareholders nito. There is an empty seat beside Rage for him which is vacant as Rage is already at the front. “Cupcake? You want?” Iniabot pa ni Pain ang isnag cupcake na hawak niya sa babaeng nadaanan niyang nagbibigay ng service water. Pain’s entrance to every meeting was always like this, the very reason the majority of the board doesn’t like him and prefers Rage even though his profession is not being a businessman. Marahil ito rin ang dahilan kung bakita maraming mas pabor na si Rage ang papalit sa posisyon ni Mario pagdating ng kanyang retirement. “You just called the board members a mothef—cker?” inis na bulong ni Mario sa kanya nang makaupo ito sa tabi niya. “At least English. Magulat kayo kapag tagalog ‘yan,” katuwiran naman ni Pain habang dinidilaan ang kanyang kamay na may icing. Magagalit na sana si Mario ngunit hinawakan siya sa balikat ni Andrea na nasa kanyang tabi rin . Tumikhim si Rage bilang hudyat ng simula ng kanyang speech. Ilang minuto palang ang itinatagal mula nang magsimula si Rage mag-discuss sa lama ng projects nila ngayong taon ay napapahikab na nang malakas si Pain at naisipan tuloy niyang ilabas niya ang cellphone at nag-scroll sa f*******:. Hindi pa niya hinihinaan ang volume ng kanyang cellphone kaya naman tuwing may t****k na nagpe-play sa kanyang newsfeed ay umiingay dahilan upang manakaw niya nang panandalian ang atensyon ng iba. “Hahahaha!” hindi niya namalayang napatawa siya nang malakas sa kanyang pinapanood at napahinto pa si Rage na magsalita. “Pain…” galit na saway ni Mario sa kanya. “Sorry! Nakakatawa kasi itong si Mimiyuh! Ang taas ng bangs!” pinakita pa niya ang cellphone niya sa mga taong nakatingin sa kanya. Samantala ay pinagpatuloy pa rin ni Rage ang kanyang pinagkakabalahan sa harap. “And probably, one of our biggest projects aside from Artemis Places this year is this—The Rome & Juliet.” The graphics that appeared on the big screen silenced the whole room as a sign of their anticipation. “We were able to have a partnership with Prieto’s Corporation—one of the richest company in Italy. We managed to win the bid!” Nasipalakpakan naman ang mga members para kay Rage dahil alam nilang malaki ang kanyang role sa pagpanalo ng bid para sa Project na ito. “This whole place will be reformed into a city similar to Rome. We’ll see a mini version of Italy here in Fiore City…” “Isn’t that a place for residents?” biglang singit ni Pain habang nakatutok sa kanyang cellphone. “We started buying lands in here. We will finish the demolition process within one month…” maagap na sagot naman ni Rage. “So you’ll take away people’s home so you can have Italy here?” he smirked. He puts back his phone on his pocket then stared at the screen. “How did you win the bid by the way?” he stared at him with those mocking eyes. “I can win any bid if it’s for the company…” sumang-ayon naman ang iba sa sinabi ni Rage. “Or, I bet they can’t demolish the place and you showed them how you do things?” Tila hindi na naitago ni Rage ang kanyang inis kay Pain dahil napawi na ang ngiti nitong pinipilit niya mula nang magsalita ito. “Ah, the demolition team of Fiore are members of the Yakuza. So, we can always demolish places easily…” napasandal pa ito sa kanyang swivel chair at umikot-ikot pa. “Look, it’s okay,” napahinto sa pag-ikot si Pain nang tumahimik silang lahat. “Rage is doing good, right?” he said trying to convince everyone. “Every one of us here has committed at least one sin just for money. We’re all the same,” napakibit-balikat pa ito. “If you speak one more word, I’m going to let them escort you out…” babala naman ni Mario sa kanya na kanina pa nagtitimpi. “Supot si Rage!” sabay taas ng kamay niya’t kasabay no’n ay ang malakas na paghampas ni Mario ng mesa. Bumukas naman ang pintuan at pumasok ang mga guwardiya. Tumayo si Pain at hinanda pa ang dalawa niyang braso para hawakan nila. “Let’s go!” tawang-tawa pa siyang sumama sa mga guwardiya palabas. Panay pikit ng mata naman si Sonny na sumunod na lamang kay Pain. “Maybe we shout eat somewhere else…” napangusong saad naman ni Pain habang pinapagpag ang kanyang polo. *** SIMULA kaninang dumating si Juvia rito sa restaurant ay hindi niya matandaan man lang kung nagawa niyang umupo at mag-break. Halos makalahati na niya ang araw ngayon at walang tigil ang pagdating ng mga huhugasin niya. Mas marami na naman ang customers ngayon kumpara sa normal na business days nila. Hindi rin naman gusto ng kanilang manager na magdagdag muna ng tao dahil katuwiran niya ay kaya naman nila. Pero sa gawain ni Juvia, kailangan na niya ng katulong. Hindi naman niya maiisipan ito kung nagkakaroon man lang ng increase ang bayad sa kanya araw-araw peor gano’n pa rin, kahit na gawain na ng dalawang tao ang kanyang ginagawa. “Sa Table 6! Additional plate raw!” sigaw ng kanyang kasamahan kaya naman pinunasan na muna niya ang mag pinggan na nauna niyang nahugasan. “Ano…Juvia!” nilapitan siya ni Tina kaya hininto muna ni Juvia ang kanyang ginagawa sabay puna sng kamay sa kanyang apron. “Hindi kasi pumasok ‘yung isang server natin. Baka naman puwedeng maisabay mo ang pag-serve? Dumadami na kasi ang customers, may reservation pa tayo sa kabila para sa birthday party…” “Sige po, Ma’am…” wala naman nang nagawang iba si Juvia kundi sumunod. Inalis niya ang kanyang apron at pinalitan ito ng mga kagaya sa servers. Napahinga siya nang malalim nang makita niyang busy’ng-busy ang mga kasamahan niya. Juvia concentrated in serving foods and works faster than she could. Bumabalik siya sa kusina kung sa tingin niya’y magkukulang na ng mga plato at bumabalik ulit para mag-serve. Until Lunch time had passed and she’s still roaming around, taking orders. “Good Afternoon, Sir! May I take your order?” she finally went to Table no. 9 where a man is waiting for him while browsing the menu, making his face covered by it. “Puwede bang mag-order ng servers dito?” napakunot-noo naman si Juvia sa sinagot ng lalaki. Binaba nito ang menu at doon niya nasilayaan ang mukhang kailanman ay ‘di na niya ninais makita. “Pagkain lang po in-order dito,” napairap nalang si Juvia. “O-Order ako ng pagkain pero dapat ikaw ang dessert,” turo pa nito sa kanya na lalong ikinainis ni Juvia dahil buong araw na siyang nakatayo at ganito pa ang customer na kanyang makakausap. “You may take your time, sir…” iniwan na lang ni Juvia si Pain na panigurado ang balak ay iinisin lang siya nito ngayong araw. She went to a different table with the hope that one of her work mates will be able to take his order. Nang pabalik na si Juvia sa counter ay natanaw niya ang kanilang Manager na lumapit na kay Pain. Bahagyang naibsan naman ang kanyang trabaho dahil pinapabalik na siya ng isa niyang kasamahan sa kusina upang mag-hugas na lamang. Samantala, nakaramdam naman ng kaba si Tina nang mamukhaan niya si Pain sa table kung saan ay mag-isa siya. There is no way that she wouldn’t know the face of his landlord. Ang mga Dela Viego lang naman ang may-ari ng lupang kinatatayuan ng kanilang restaurant at ang iba sa mga business establishment dito. She was quite shocked when she saw Pain is here, so she approached him. “How much income do you generate for one day?” naiwan naman ang tanong ni Tina tungkol sa order nito at nagtanong siya ng hindi konekto sa usapan. “I guess that is confidential?” nag-aalanganing sumagot si Tina. “Just give me an approximate so I would know,” anito sabay labas ng kanyang cellphone. “It’s…probably five digits…sir. If business is good then we can go up as much as six digits.” “Alright, six digits it is,” anito sabay may pinindot sa kanyang cellphone. “Check your bank…” Nanlaki ang mga mata ni Tina na hinugot ang tumunog niyang cellphone at doon nakompirma ang transfer ng fund mula kay Pain. Dalawang beses siyang kumurap dahil napasobra pa yata ang naibigay nito. “Vacate the entire restaurant now and I want that server of yours…the one with the ugh, red pony tail,” he described. “Pony tail…” napatingin si Tina sa kanyang mag servers pero isang tao lang ang naiisip niya sa red ponytail na sinabi ni Pain. “You mean, Miss Juvia?” hindi makapaniwalang tanong ni Tina. “Ah, yeah Juvia. I want her here,” turo pa niya sa upuan na nasa tapat niya. “With food of course,” sabay kindat pa nito sa kanya. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD