VIII

2028 Words
Chapter 8 Run “GOOD, as long as she looks rich,” patango-tango na lang si Pain tuwing lalaba ssi Juvia mula sa fitting room at suot ang iba’t-ibang damit na pinapasuot sa kanya ng mga saleslady dito sa boutique na kanyang napili para bihisan si Juvia. “Ah, give her a set of jewelries too…” utos pa ni Pain habang abala sap ag-i-scroll sa kanyang cellphone. Bago pa man siya malapitan ng jewelries at linapitanni Juvia si Pain. “Ano bang ginagawa mo? Naglalaro ka ba?” “Oo, let’s say manika kita ngayon.” Hindi mabilang ilang beses na pinigilan ni Juvia ang kanyang mga kamay para hampasin sa ulo si Pain. Kung ‘di pa niya ipapaalala sa kanyang sarili na isa siya sa mga may-ari ng pinagtratrabauhan niya’y baka nga nagulpi na niya ito. “Sumunod ka nalang para walang away,” sabi pa nito dahilan kung bakit parang nakaramdam siya ng pagputok sa kanyang sentido. Agad naman siyang nilapitan ni Sonny nang mapakiramdaman nito ang kanyang galit. Umiling siya’t sinenyasang huwag nang patulan si Pain. Muling sumama nalang si Juvia sa saleslady para sa pagpili ng accessories at heels. “Para saan nga pop ala ito, Sir?” Sonny asked. “Remember the lunch in Luicita? I usually don’t go but let’s make a difference now…” anito. Napapikit mata si Sonny nang magkaroon siya ng ideya sa gusto ni Pain. “Balita ko, pag-uusapan na nila kung sino ang magiging successor. It’s not yet formal but surely that will be their topic.” “So, balak niyo pong sirain?” “Of course! I am born to be the wrecker of this family. Hindi puwedeng masaya ang pamilya namin, hindi ako papayag!” humalakhak pa ito dahilan upang mapatingin ang ibang saleslady sa kanya. Nanumbalik sa kasalukuyan ang isipan ni Pain matapos tumahol ang aso niyang si Dara na kulay puti at may pagkalaki. He was playing with her here in their wide garden when Sonny came with paper bag. Naglalaman ito ng mga kagamitang pinasuot niya kay Juvia no’ng nakaraang araw, “Pati panyo?” napakunot-noo pa si Pain habang hinahalughog ang paper pag. “Arf! Arf!” napatingin uli si Pain kay Dara. “Right? She’s an idiot, right Dara!” aniya sabay hinawakan pa ito sa leeg na gustong-gusto naman ng kanyang aso. “The garden is intoxicated…” naagaw naman ang atensyon niya nang mabosesan niyang si Rage ang kararating lang na may hawak pang tasa ng kape. “Dara, can you bite that man there?” turo pa nito sa gawi ni Rage. Bigla namang tumakbo si Dara palapit kay Rage at medyo niluwagan ni Pain ang tali nitong nakabuhol sa kanyang kamay. Gulat na napaatras si Rage dahil dire-diretso itong tumakbo sa kanya. “Stop, Dara baby…” ang sabi naman ni Pain at bahagyang hinatak ang tali ni Dara. Huminto man si Dara pero tumahol-tahol pa rin ito kay Rage. “It’s okay Dara, come back!” “You son of a b***h!” galit na napasigaw na si Rage kay Pain habang bumabalik ulit ang aso sa kanya. Samantalang si Pain ay ngiting-ngiti lang. “My Mom’s dead, don’t involve her…” ngiting saad pa ni Pain habang hinihimas ang ulo ni Dara. “At walang asal ‘yang aso mo!” “My dog is a good one,” maagap nitong saad. “She is better than any humans in this house. It’s just that she sensed that you’re an asshole,” he said while smirking at Rage’s scared face. Padabog nalang na bumalik si Rage sa loob. Nabalik naman ang atensyon ni Pain paper bag na nilapag niya sa damuhan. He shook his head as he browses his phone and looked for Sonny’s number. *** “GOOD E-evening!” gulat siyang napatayo kaagad nang marinig niya ang pagbukas ng pintuan dahil malapit na siyang tuluyang makatulog. It hasn’t been long since Juvia started working on night shifts at a convenience store. Tuwing wala siyang pasok sa restaurant at pagkatapos sa construction site at didiretso nalang siya rito. Iniisip niyang sayang din pala ang gabing natutulog siya na walang kikitain. Isa pa, mas malaki ang kitahan kapag ikaw ay panggabi. Ni-punch kaagad ni Juvia ang kapeng binili ng lalaking bagong dating lang. “Thank You, Sir!” anito nang makalabas siya. Dahil padalaw-dalaw na ang antok sa kanya ay naglakad-lakad nalang siya upang mawala ang antok. It’s almost 1 am, ang tapos pa naman ng shift niya ay mamaya pang 6am. Matutulo na lang siya ng tatlong oras bago didiretso sa restaurant. Nang mapansin ni Juvia na mayroong bagong bumasok ulit at nagtungo ito sa counter ay kaagad siyang tumakbo roon. “Good Evening—” tila nanigas siya sa kanyang kinatatayuan nang biglang maglabas ng kutsilyo ang lalaki at itinutok kaagad ito sa kanya. “Ilabas mo lahat ng pera mo sa kaha!” pananakot nito at nilapit ang kutsilyo kaya naman umatras si Juvia. Nanginig ang mga kamay niya at napatingin lang sa cash register. Tumignin siya sa pligid, halos wala na ring tao sa daanan. Wala pa namang security guard ang convenience store na ito. Lalong dumagdag sa tension niyang nararamdaman ang pag-vibrate ng kanyang cellphone na nasa kanyang drawer. “Sino ‘yan ha?” Juvia had no choice but to check her phone. Namamatay-matay pa ang ilaw nito kaya hindi niya agad makita ang tumatawag. Hindi rin naman naka-register ang phone na tumatawag kaya parang nawala ang balak niyang pakunwaring sasagotin niya ito upang magtawag ng tulong. “Iyong boss ng store na ‘to, sasagotin ko lang.” mahinahong sabi naman nito. But whoever this person that is calling her...might be a help. She will bet on that. “Subukan mong magsumbong!” natakot pa lalo si Juvia nang maglabas ito ng baril. “Sasabihin ko lang na nandito pa ako,” napapikit na siya ng mata dahil sa sobrang kaba. Manginig-nginig pa ang mga kamay nitong sinagot ang tawag at nilapat ang cellphone sa kanyang tenga. “B-Boss…” humugot siya nang malalim na hininga at nakipagtitigan pa siya sa lalaki. “Tumawag ka ng pulis ngayon din!” tinulak kaagad ni Juvia ang mga naka-display na chocolates sa tabi ng cash register sa lalaki at dali-daling tumakbo papunta sa pintuan. She was able to delay him but that’s just it, He grabbed her into her hair when she reached the glass door. Tinutok nito ang baril sa kanyang leeg. “Hindi ba sinabi kong huwag kang magtatawag ng kung sino man!?” nangingigil na sabi ng lalaki. Umatras silang dalawa matapos mai-lock ng lalaki ang pintuan. There is no escape for her now. “Bago kita tutuluyan kukunin ko muna lahat ng mga pera rito! Buksan mo ‘to!” tinulak niya si Juvia sa may counter at napasubsub siya doon. Kinuha ni Juvia ang kanyang identification card at ni-swipe ito sa cash register at bumukas naman ito kaagad. Nakatutok pa rin ang baril kay Juvia nang nilapitan ng lalaki ang kaha ng mga pera. Nabulabog naman ang katahimikan at tension nang may kumatok sa pintuan. Paglingon ni Juvia ay napaawang ang bibig nito dahil sa kanyang nasaksihan. “Sino ‘yan?” Agad namang nagtungo ang lalaki sa pintuan at sinuri ang lalaki doon na kumakatok dahil hindi nila marinig ang sinasabi nito. “Papatayin ko ‘tong babaeng ito!” muling tinutok ng lalaki ang baril sa gawi ni Juvia. Napailing naman ang lalaking nasa pintuan at kinuha ang cellphone at ang pen na naka-attach do’n at nagsulat pa. “I’ll give you cash,” binasa ng lalaki ang nakasulat sa screen ng cellphone nito. “Huwag niyo pong buksan,” aniya ni Juvia at napailing dahil ang lalaki lang naman na nadoon ay si Pain. “Bahala ka…” kibit-balikat pang sabi ni Juvia nang mapansin niyang parang nag-aalinlangan ang lalaki. Binuksan naman ng lalaki ang pintuan at pinatuloy ang lalaki. “Thanks buddy…” aniya ng lalaki na ikinalito pa nito. “Magkano ba ninanakaw nito?” tanong naman ni Pain kay Juvia habang palapit ito na tila hindi nasisindak sa sitwasyon. “Baka nasa 60k na laman ng kaha,” sagot naman niya. “Ah, ‘yon lang?” nagtaas kilay pa si Pain at tinignan ang lalaki na ngayon ay sa kanya naman nakatutok ang baril nito. Dumiretso si Pain sa fridge na malapit sa kinaroroonan nila at kumuha ng Yogurt. Inalis nito ang kutsarang nakadikit at saka nagsimulang kumain. “Maliit na bagay lang e, kailangan mo pa ng baril…” aniya ni Pain sabay sandal sa counter. Tila nalilito naman ang lalaki na nakatingin sa kanila. Samantala, si Juvia naman ay bumalik sa pwesto niya at sinarado ang cash register, Nakuha na rin niyang ayusi ang kanyang buhok at hinayaan si Pain sa ano mang balak niyang gawin. “Upo ka muna, bigyan mo nga rin ito ng yogurt…” napairap pa si Juvia nang utusan siya ni Pain. Tumingin pa nang masinsinan si Juvia para kompirahin kung tuna yang utos niya peo tumango si Pain kaya naman kumuha rin si Juvia ng yogurt at iniabot sa lalaki. Dahil hindi niya ito tinanggap ay nilagay ni Juvia sa kamay niya ito. “Pinagloloko niyo ba ako!” napasigaw na sa galit ang lalaki at hinagis sa sahig ang yogurt. “Relax. Para kang si Rage eh, galit agad…” mahinahong sabi naman ni Pain. Kinasa ng lalaki ang baril at tinutok kay Juvia. “Babarilin ko ‘to!” pananakot pa nito. “Sixty thousand pesos para sa nanakawin mong pera. Sixty thousand pesos para sa buhay niya,” nilapag ni Pain ang lagayan ng yogurt sa counter at nilabas ang cheque pad mula sa bulsa ng jacket niya at pati na rin ang ballpen niya. “Wala ka sigurong bank kaya cheque na lang,” sabi pa nito habang pinipirmahan ang cheque. “Hindi ba…talbog ‘yan?” “Tignan mo muna pangalan kung saan galing bago ka magtanong,” hinagis nito ang cheque sa sahig at kaagad na kinuha ng lalaki ito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang pangalan sa ibaba. Agad-agad na tumakbo palabas ang lalaki. “Hindi ba dapat i-re-report ‘yon?” komento naman ni Juvia. “Reporting it to the police will just be troublesome.” “Siraulo ka ba? Pinamigay mo lang ‘yung 120,000 pesos?” hindi makapaniwalang saad ni Juvia. “I’ve already earned it back,” sabay sulyap sa kanyang relo. “I earn that much in just a few seconds,” kumindat pa ito dahilap upang mapairap si Juvia. “Even having me here eating yogurt beside you, I’m earning much money…” Napatahimik bigla si Juvia nang mapaisip siya sa mga nangyari kanina. Her life was in danger but thanks to this annoying man, she was somehow saved. “Ikaw pala ‘yong tumawag? Bakit ka tumawag?” “You gave back all of the stuffs I gave, I hate that…” bigla namang naging seryoso ang titig ni Pain sa kanya. “So I threw it all away.” “Ano kamo?” napataas ang tono ng boses ni Juvia. “Magsusuot ba ako ng alahas ng pambabae?” humarap si Pain sa kanya. “Now you owe me 60,000 pesos. Paano kaya kita sisingilin?” napaisip bigla si Pain. “Hindi ko nalang…kukuhanin iyong sahod ko sa site.” Napapikit na lang si Juvia dahil laking sayang niya roon. Imbes idadagdag sa kanilang gastusin ay mukhang nadagdagan pa ang kanyang mga utang. “Magkano lang naman ang kinikita ng mga construction workers doon? Wala pa sa sang porsyento ng totoong kita ng kompanya namin,” humalakhak siya dahilan upang mapasama ang tingin ni Juvia dahil naisip niya ang hirap niya at ng mga kasamahan niyang magdamag sa ilalim ng araw at hindi pa nasasapat ang kita nila upang matustusan ang mga pangangailangan ng kani-kanilang mga pamilya. Hindi na dapat siya magtaka dahil gano’n naman ang mga mayayaman. Lahat sila ay nanlalamang kaya naman mabilis silang umangat. Pero nakakapanlumo pa ring isipin na sila ang halos gumagawa ng mga trabaho para matapos ang proyekto ngunit hindi pa sila bayad nang maayos. “Matatagalan bago mo pa ako mabayara…” “Babayaran ko po kayo,” pagmamatigas ni Juvia. “Nope. I don’t need to be paid in cash, I have tons of it,” he said arrogantly. “I’ll just see you around…” muling kinuha ni Pain ang yogurt niya sa counter at pinagpatuloy niya itong kainina sabay tumalikod at naglakad palabas ng store. Napaawang-bibig nalang si Juvia dahil hindi niya masukat kung anong klaseng pag-iisip ba talaga ang mayroon si Pain. He wasn’t even shocked of the holdaper, he even talked casually and gave a huge amount of money as if it was just nothing to him. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD