IX

2197 Words
Chapter 9 Baited MASAYANG binati nina Jun si Juvia sa may bungad palang nang makita nila itong papasok na. Kakaiba ang tirik ng araw ngayon dahil kaunting galaw mo lamang ay tagaktak na ang iyong pawis. Everyone is busy because all of the engineers in-charge are supervising. Hindi mapigilan ni Juvia ang mapatingin-tingin sa mga Engineer na nag-uusap sa may ‘di kalayuan. Bigla niyang naiisip na siguro kung nakapagtapos siya’t nakapag-board ay ganoon na rin ang trabaho niya. She’d be a part of the framework of this project and she’d just walk around and supervise. Sa dinami-daming trabaho na puwede niyang pasukan ay pinili niya pa ang pag-ko-construction, hindi dahil mas mataas ang bigay kundi gusto niyang lumapit sa pangarap na matagal na niyang tiananggap ang wakas. “Doble-kayod ka yata ngayon, ija…” biglang sabi naman ni Jun sa kanyang tabi. “Kasi po nag-iipon ako ng pera para makalipat sana kami ng bahay pero parang malabo pa. Araw-araw dumarating iyong mga demolishers. Malapit na rin kasing matapos ang isang buwan na binigay nilang palugit.” “Naku, kung sa iyo, ija. Umalis na kayo ng pamilya mo roon kung may demolishers na.” “Bakit naman po?” Napatingin muna sa paligid si Jun na para bang naninigurado kung mayroon bang nakatingin sa kanila. “Hindi biro ang demolishers ng Fiore.” “Ano pong ibig niyong sabihin?” napakunot-noo naman si Juvia. “Myembro ng Yakuza ang demolishers nila, kaya sa ayaw at sa gusto ng mga residente na lumipat, papaalisin nila ang mga ito kahit gagamit ng dahas. Hindi ko alam kung paano nila nagagawa iyon nang legal pero maraming nasasaktan tuwing demolition. Mayroon din akong nabalitaang namatay.” Napakurap lang naman si Juvia nang inatake siya ng kaba. “Sana huwag naman po umabot doon…” nangangambang sabi naman ni Juvia. “Hindi natin alam, kaya umalis na kayo habang maaga pa.” “Ah, puwede ka muna mag-break kung ayaw mong mabwusit,” saad ni Jun nang mapalingon ito sa ibang gawi. Hindi naman naiwasan din ni Juvia na lumingon sag awing iyon at nakita na naman niya si Pain na mukhang ginu-good time ang mga trabahador na kanyang nadaanan. Parehas na napaawang ang bibig ni Jun at Juvia nang pinara pa ni Pain ang isang truck na naglalaman ng mga bakal at sumakay pa siya sa likod. Syempre, nag-aalala ang mga kasamahan ni Karlo na sumunod sa truck dahil pagalaw-galaw pa si Pain na parang hindi takot malaglag. “Sir Pain! Jusko po! Kumapit po kayo parang-awa niyo na po!” pag-makaawa pa ni Karlo ngunit winagayway pa ni Pain ang kamay niya nang umikot ang truck sa buong compound. “May sira po talaga siya sa utak ‘no?” napahalukipkip si Juvia habang nakamasid pa rin kay Pain. “Mapaglaro lang talaga ang batang iyan. Sa tagal ko na rito, palaging ganyan ang ginagawa niya sa mga site,” mahinang napatawa pa si Jun. “Kulang yata sa aruga,” komento pa ni Juvia. “Kulang talaga,” seryosong napatingin si Jun kay Pain nang inalalayan nila itong bumaba. “Namatayan siya ng Ina bata palang. Pagkatapos tinanggap niya ang katotohanang may ibang babae at anak ang Ama niya nang dalawang beses.” “Hindi sila purong magkakapatid?” tila hindi naman makapaniwala si Juvia. “Si Pain ang pinakamatanda sa kanila, siya rin siguro ang may karapatan sa lahat ng ito,” ngising saad pa niya. “Kaya hindi ako magrereklamo kung maglaro siya nang maglaro sa mga projects ng kompanya nila. Dahil para sa akin siya talaga ang totoong tagapagmana ng lahat na ito.” “Pero ang lungkot pa rin no’n,” natulala siya. Despite of having a not so good impression of Pain, somehow, hearing a bit of his story feels so dad. Patunay nga naman na hindi lahat ng mayayaman ay masaya. “Ah!” naagaw naman ang kanilang atensyon nang makarinig sila ng sigaw. Lumapit nang kaunti sina Juvia at Jun at natanaw nila si Pain na na-slide sa buhangin na kanyang pinuntahan kanina. Maybe he was attempting to have a sand boarding there he failed. “Sir Pain!” umalingawngaw ang boses ng praning na si Karlo. Sa hindi malamang dahilan ay napansin ni Juvia ang kanyang mga ngiti habang napatingin sa gawi roon. Agad niyang inalis iyon nang mapagtanto niyang hindi naman katawa-tawa iyon. *** “MUKHANG mahihirapan tayong paalisin ang mag residente roon. Nagsubok na kaming magbigay ng suhol pero ayaw nila,” nagambala naman ang pagtangka ni Rage na tikman ang bagong timpla niyang kape sa iniulat ni Aldrin sa kanya—ang kanyang assistant. “What do you suggest, Lancer?” lumingon naman si Rage at tumingin sa lalaking nakasut ng leather jacket at puno pa ng tattoo sa katawan. “Let’s burn the entire place. We’ll save some labor too,” ngiting suhestyon naman nito. “Have we done that before?” Rage asked. “Not yet.” “Then let’s go for that,” pumayag naman si Rage na ikinagulat ni Aldrin. “Okay, we’ll do that in three days,” Lancer amusingly said as he sip into his coffee. “If you can control the casualty then do that. Ayaw ko namang gumastos lang sa mga taong hindi naman importante.” “Now I understand why Dad really likes you. You’re cruel,” Lancer nods as if he’s feeling amazed by how Rage makes his decision. “Our Yakuza Family will burn the entire place!” napatayo itong masigla at sumaludo pa kay Rage bago ito umalis ng silid. “Hindi po ba masyadong delikado iyon?” Aldrin stepped up and asked him. “Erudite Law Firm always takes care of the legal matters for us, why do you sound so worried? It’s not like it’s the first time…” nilapag naman ni Rage ang tasa ng kape niya sa kanyang table. “This time is just intense because our partners are way powerful. Have you heard the power behind Prieto?” naglakad palapit si Rage kay Aldrin. “The Chairman is a Mafia Lord,” bumulong pa si Rage sa tenga nito. “Of course he could these things but he’s testing us!” “So we have to do things in the way of a mafia…somehow.” Hindi pa rin makapakali si Aldrin sa kanyang mga nalaman at lalong-lalo na sa kapakapan ni Rage na mukhang hindi na iniinda ang maaring dulot ng kanyang pinapasok. But Rage has always been like that. He wanted to be the best among the rest. *** “WHAT’s that?” halos matigil lahat sa pagkain ang mga trabahador na nagpapahinga nang biglang sumulpot si Pain na may damit na nakapatong sa kanyang balikat. Mukhang nakapagpalit na ito matapos siyang ma-slide sa mga buhangin kanina. “Suman po, sir,” sagot naman ni Jun na kararating lang at may hawak na suman na nakabalot pa sa dahon ng saging at isang bote ng coke. Pain curiously stared at how they peel off the food and how it was dip in sugar. They are eating it as if it is so delicious. “Hindi naman ba iyan madumi? Kasi sa dahon nakabalot?” tanong ni Pain. “Hindi naman po, sir. Niluluto naman poi to. Mainit pa nga po, Sir. Subukan niyo po,” inabutan naman siya ng isang trabahador ng isang suman na galing pa sa basket na nasa mesa. He carefully peeled the food and doing what the others are doing. Nakisawsaw din siya sa asukal nang mabalatan niya ito. He took a small bite and he halted. “Oh,” muling kumagat si Pain at ninamnam ang suman. “Wow!” muli siyang kumagat hanggang sa maubos niya ang isang pirasong suman. “Kuha ka pa po, Sir!” alok pa nila sa kanya kaya naman kumuha ulit si Pain. Mayroon pang ibang klaseng kakainin na nasa basket. Ang napusuan niya ay ang suman latik dahil sa matamis na sawsawan nito. Umupo na nga siya sa tapat ng mesa kasama ang mga trabahador dahil naenganyo siya sa pagkain. Natanaw naman ni Juvia iyon nang siya’y palapit sa tent upang kumuha sana ng meryenda. “Juvia! Kain ka na rin,” aniya ni Jun. Patingin-tingin naman si Juvia kay Pain na kumakain habang namimili siya ng kakainin ay nagbubukas siya ng soft drinks. “Oh, Miss Construction Girl!” bati ni Pain kay Juvia habang puno ang bunganga nito. “Kumusta naman ang muntik nang mamatay no’ng isang gabi?” Bahagyang tumahimik ang lama dahil sa sinabi ni Pain. “Ano’ng kamuntikan nang mamatay?” agad na linapitan ni Jun si Juvia. “Ah ano—” bigla namang nautal si Juvia. “Ah, she was almost killed by a thief. He pointed a gun at her…” sabat naman ni Pain. “Ano kamo? Teka, nagtratrabaho ka na naman sa gabi? Hindi ba ilang beses ka nang na-hold up ng ganyan? Hindi ka pa ba nadala?” bakas naman ang pag-aalala ni Jun sa kanyang boses. “Kasi kailangan ko po talaga ng pera, hindi naman nap o ‘yun mauulit siguro.” “Pero alalahanin mo, babae ka. Kaya nga pinakiusap kita rito para hindi ka na magpanggabi at mabawi mo ang sahod ng mga araw na hindi ka papasok sa restaurant.” “Oo nga naman, Juvia. Delikado na ang panahon ngayon, paano kung tinuluyan ka no’n?” singit naman ni Macario, ang isa ring kasamahan nilang malapit kay Juvia bukod kay Jun. “Who is in-charge of salary concerns?” napukaw naman ang atensyon nilang lama nang magsalita muli si Pain. “Si Engr. Karlo po, Sir tapos sasabihin niya sa mga boss,” sagot ni Pain. “Then it should be Rage…” ani Pain. “Pero hindi naman maganda kausap ang supot na ‘yon!” iritang sabi pa ni Pain na ikinigulat ng mga trabahador. Gusto man matawa ngunit maigi silang sinenyasan ni Jun na tumigil. “Bihira naming mapakiusapan ang salary increase, Sir. Pero okay na kami rito,” aniya ni Jun. “Okay…” tumango naman si Pain sabay napatayo. Kumuha pa ng dalawang suman si Pain bago umalis sa tent dahilan upang magtinginan si Juvia at Jun. “Hindi ba may mga hindi pa nakakain?” tanong ni Juvia. Nagpatuloy ang araw ng pagtatrabaho nina Juvia. Habang nagtutulak ng kartilya si Juvia ay napapatingin siya sa mga pinagagawa ni Pain. Kung hindi kasi ito nagmamaneho ng tractor ay kinukuha niya pa ang baton ng mga trabahador na nagpapasok sa mga truck ng delivery ng mga materyales. Lagi siyang nang-aabala at sinusubukan ang kani-kanilang gawain. At hindi rin naman makatanggi ang mga trabahador dahil isa siyang Dela Viego. Karlo would always tail him worriedly. Mukhang nangangamba na itong may mangyari pa kay Pain dahil na-slide na ito sa buhangin kanina. Naistorbo naman si Juvia nang makarinig siya ng tunog ng camera. Tumingin siya sa kanyang kanan at nakita niya ang mga OJT na engineering students. Tatlo silang mga babae na nakapayong pa na nakasilong pa sa may mga tulda kahit na may helmet nang suot. “Ang pogi talaga ni sir Pain! Nalilito ang puso ko sa kanila ni sir Rage!” parang kinikiliti ang boses ng isa habang nakatingin sa kanyang cellphone. “Kaso madalang naman dumating si Sir Rage!” “What are you doing?” “Nagtratrabaho,” wala sa isip na pabalang na sumagot si Juvia nang marinig niya ang boses na iyon. Because of her curiousity, she craned her back to confirm who just asked her. Her eyes widened as she tries to remember where did saw that face in front of him. Nakasuot ng safety helmet ang lalaki habang itinataas ang sleeves nito hanggang siko. “Everyone is busy while you’re just standing there,” tumalim nang bahagya ang tingin nito sa kanya. “Ah ano po, pasensya na po,” napayuko na lamang si Juvia dahil wala na siyang maisagot. She admits that she got distracted by those three girls who are OJTs here. Marahil na rin sa inggit na buti pa sila ay malapit nang maging Engineer pero parang hindi nila sineseryoso ang kanilang trabaho rito dahil ayaw nga nilang mainitan. “How are you able to work here? Sa pagkakaalala ko, hindi ako tumatanggap ng babaeng helper,” lalo pang kinabahan si Juvia nang lumapit ito sa kanya at tinitigan siya mula ulo hanggang paa. “Ano…kasi po…” napapikit siya. Hindi na niya alam ang gagawin at hindi rin niya maintindihan kung bakit siya kabado sa harapan ng lalaking ito. His presence is so intimidating, and she doesn’t get intimidated easily like this. “Kasi po…pangarap ko po dating…maging engineer din,” napakagat labi siya dahil nasabi na niya ang mga katagang kumakawala sa kanyang damdamin. “Ah, so you think you could get closer to your dream by working at a construction site,” he nodded. “Not bad,” sumilay bigla ang ngiti sa labi nito na ikinagulat naman ni Juvia. “Sir Rage! Magandang Araw po!” Napapitlang naman si Juvia nang biglang lumapit ang dalawang Engineer in-charge kay Rage. She tried to think all over again by hearing his name. At nagulat ang buong sistema ni Juvia nang mapagtanto niyang ito nga ang tinutukoy nilang pinaka-boss ng project na ito. And the more she thinks, she really did saw this man before—she saw him when Pain took her and embarrassed her to his family. This is Rage Dela Viego, the youngest of the Dela Viego brothers. “How’s everything?” untag naman ni Rage at napatiuna sa paglalakad kaya sumunod naman ang dalawang engineer sa kanya. Tila natulala naman si Juvia na nakatingin lang kay Rage na nagsasalita. Mukhang may pagpupulong na magaganap mamaya. She could hear some of his words from where she is standing. He’s really a genius, and he’s an admirable Engineer. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD