X

1936 Words
Chapter 10 Rule “SI PAIN?” agad na napatango si Grace kay Tina. Ngayon ay nasa counter sila at medyo kaunti ang customers kaya naman nagagawa nilang magkuwentohan habang naghihintay. “Hmmm. Batch ko si Pain noon pero sure akong hindi niya ako namumukhaan o naalala. Wala ‘yung pakialam sa mundo e.” “Pero anong tipong tao siya?” ulit na tanong pa ni Grace. “Hmmm. Siya ‘yung tipo ng estudyante na kahit hindi pumapasok araw-araw ay naka-graduate pa rin.” “Weh? May Dela Viego palang gano’n? Parang black sheep ba siya?” “Hindi siya pumapasok araw-araw. Pero pumapasok siya kapag may exam ‘tapos is pa rin siya sa mga top scorer.” “Ah! Akala ko naman…” “Babaero rin siya, tipikal na ugali ng mayayamang lalaki. Dahil marami silang pera, gagawin nilang hobby ang pambababae,” parehas silang napatango. “Chicser pala,” ani ni Grace. “As far as I remember, Pain doesn’t follow the rules of courting,” napakunot-noo naman si Tina nang maalala niya ang college days nila. “…Because Pain has only one rule.” “Ano naman ‘yon?” “Kiss back and you’re mine…” umalingaw-ngaw pa sa alala ni Tina ang boses ni Pain noong narinig niyang paulit-ulit nitong sinabi sa mga babaeng nakakahalikan niya sa campus. “Kapag hinalikan mo siya pabalik? Kayo na?” hindi naman makapaniwala si Grace. “Kaya huwag kang hahalik pabalik kung hahalikan ka niya. Iisipin no’n, interesado ka rin sa kanya.” “Wow…” “At hindi ka rin naman hahalikan ni Pain kung hindi ka niya natitipuhan,” biglang nabaling ang atensyon ni Tina kay Juvia na lumabas mula sa kitchen at kausap ang isang server. “Juvia!” biglang tawag ni Tina rito. Agad nang nagtungo si Juvia sa harapan ng counter. “Puwede kang mag-day off bukas ha? Don’t worry, bayad ‘yon…” “Talaga po? Makaka-extra po ako niyan. Salamat po.” “Teka, pinag-de-day off kita para makapagpahinga ka ‘tapos magtratrabaho ka pa rin?” “Sayang din po kasi. Ume-extra po ako sa construction site.” “Hala ka, mamaya bigla ka nang matumba riyan,” singit pa ni Grace. “Malakas pa naman po ako,” sabay tawa naman nito. “Kawawa naman iyon, siya lang inaasahan ng pamilya niya. Tatlo o apat na ata trinatrabaho niyan e,” aniya nito. “Sabagay, ikaw ba naman may dalawang kapatid ‘tapos may sakit pa ang Tatay mo at hindi rin makapagtrabaho nang maayos ang Nanay mo, ikaw talagang panganay ang aasahan,” saad naman ni Grace. *** KINUSOT ni Juvia ang kanyang mga mata dahil parang nanlabo ito habang siya ay nagpapala. “Parang kanina mo pa hinahawakan ‘yang mata mo, ah? Baka lalo ka mapuwing diyan?” saway naman sa kanya ni Macario. “Inaalis ko naman po itong gloves ko.” “Parang puyat ka pa?” “Medyo po kasi hindi sumipot agad iyong papalit sana sa akin kaninang madaling araw.” “Uminom ka muna ng tubig doon, ako muna rito,” inagaw naman ni Macario sa kanya ang pala dahil hindi rin ito titigil kung hindi niya ito gagawin. Nagtungo si Juvia sa tent kung nasaan ang cooler na naglalaman ng mga inumin. Kumuha siya ng bottled water ay uminom. Kinuha rin niya ang gamot sa kanyang bag na lagi niyang iniinom tuwing siya ay nahihilo. Nagpunas siya ng pawis at napatignin sa itaas. Painit na Painit na ang klima ngayon. Parang ang hirap magtagal sa ilalim ng araw. “Good Morning Juvi-Juvi!” tila napahinto sa pag-inom si Juvia nang marinig na naman ang boses na iyon. Hindi na nga niya kinaiangang humarap sa ka direksyon na pinanggalingan ng boses na iyon dahil dumiretso na si Pain sa harapan niya mismo. Naka-suot pa ito ng shades at putting polo na nakatupi hanggang sa kanyang siko. Shorts na itim at mamahaling rubber shoes. “Chill ka ngayon ah?” Babanatan din sana ni Juvia ito ngunit biglang nanlabo ang kanyang paningin at parang gumagalaw ng kusa ang mga bagay sa kanyang harapan at nang mag-angat siya ng tingin kay Pain ay bigla na lang nanlabo nnag tuluyan ang kanyang paningin. “Oh?” napahinto sa pagdadaldal si Pain nang biglang nabagsak si Juvia sa sahig samantalang nakaupo ito kanina. “Is she dead?” napakunot-noo siyang yumuko. He poked her cheeks in case she might wake up but her eyes are hardly closed now. “Hey! I think she’s dead! Oh my goodness. Nakakamatay ang kaguwapuhan ko…” napahawak sa dibdib si Pain habang nasalaubong naman niya ang simangot ni Jun nang palapit ito sa kanila. “Juvia! Ija!” sinubukang gisingin ni Jun ito pero katulad ng kanyang hinala ay nahimatay na nga ito dahil sa pagod at puyat. *** “IF Pain will keep on interfering with our plans then we have no choice but to take care of him. He doesn’t deserve any position in our company…” niluwangan naman ni Rage ang kanyang neck tie habang kausap sa telepono ang isang board member na kakampi niya—si Mr. Fuegoleon. “I will bet all of my shares with you. I don’t trust him,” ang sabi naman ni Fuegoleon. “I think my Dad is preparing for the election of new director. Until then, we must keep an eye for Pain.” “Ano’ng ibig sabihin nito, Rage?” tila n aibaba kaagad ni Rage ang tawag nang marinig niya ang boses ni Andrea na kapapasok lamang sa kanyang silid. “Mom,” gulat siyang napatingin dito. “Ano’ng balak mong gawin kay Pain?” “Mom, it’s alright okay? I’m just doing what I can so I win the favor of the other board member. Isa pa, this the thing that we should do!” Lumapit si Andrea sa kanya na nakatitig. “Besides, kasal ka kay Dad, ikaw na ang legal niyang asawa ngayon. Tayo ang pamilya ni Dad! We’re the rightful ones!” “Kapatid mo si Pain, kuya mo siya, Rage…” hindi maintindihan ni Rage kung bakit bigla na lang namula ang mga mata ni Andrea sa kanya. “Maski si Wrath, magkakapatid kayo. Lahat kayo ay may karapatan sa kompanya ng Daddy mo.” “But I am the rightful inheritor of all of these!” katuwiran ni Rage. “Mom, when I was a kid, we lived a shameful life. Marami kang natanggap na masasamang salita sa ibang tao dahil napakabata mong pumatol kay Dad. Halos isumpa ka na nila!” napatas ang tono ng boses ni Rage. “Even that b***h Marah is still cursing you now!” “This is our time to rule this family. Not Pain or Wrath will be Dad’s successor. It will be me…” turo nito sa kanyang sarili. Rage walked out of the room and Andrea could only follow him by gaze, worriedly because of his thinking. *** NANG magmulat ng mga mata niya si Juvia ay kaagad niyang naalala ang huling ganap bago siya mawalan ng malay. Dahan-dahan siyang bumangon at napasapo sa kanyang ulo. Hindi na rin yata tumatalab ang gamot sa kanya ngayong araw. She just wanted to work extra jobs today so she could cope up with their needs. Pero hindi pa nakikisama ang katawan niya sa kanya. “You awake?” Napapitlag si Juvia at napasapo sa kanyang dibdib nang mayroon siyang boses na biglang narinig sa kanyang tabi. Gulat siyang napatingin kay Pain na nakaupo sa stool habang kumakain ng mansanas. “Bakit ka nandito?” “’Bakit ka nandito?’” ginaya naman ni Pain ang pabalang na tanong ni Juvia. “May malakas na electric fan dito e,” napatingin silang parehas buong tent. Mas malamig nga talaga kasi rito sa tent kung saan dinadala tuwing nahihilo o inaantok. The site required Medical Tent for the workers. “Saka sinabihan ako ni no’ng Jun na dito muna ako basta huwag daw ako magiingay,” saktong naubos nito ang mansanas na kinakain at ni-shoot sa trash bin ang buto nito. “…And since I am here, I should do something else too…” Bigla namang tumayo si Pain kaya sinundan siya ng titig ni Juvia kung saan ito pupunta pero biglang umupo si Pain sa tabi ni Juvia at bigla na lang linapit ang mukha sa kanya dahilan upang mapaliyad ito. “A-Ano po bang—” she easily got distracted when she felt Pain’s hot breaths as he got closer to her face. Napalunok siya’t hindi nakapagsalita nang lalo pang lumapit si Pain at kinulong siya sa bisig nito. She should have pushed him a while ago, but seeing him closer, she became motionless as if Pain’s impeccable body and his ‘out of this world’ face is trapping her. And then all of sudden, the faint feeling she had stopped when she felt Pain’s forehead hit hers. “You don’t have a fever. Maybe you’re just tired!” Parang nagharumentado ang buong sistema ni Juvia nang magkatikit ang kanilang noo at sobrang lapit na ng kanilang mga labi! Pikit-mata niyang tinulak nang buong lakas si Pain dahilan kung bakit ito nabagsak sa sahig. Dahil hindi makapaniwala si Pain sa nangyari ay itinawa na lang niya ito habang siya’y tumatayo. “You just pushed a Dela Viego…” he scoffed. “Bakit ka ba kasi lapit nang lapit?” reklamo naman ni Juvia. “Bakit k aba nanunulak lagi?” pabalik na tanong naman ni Pain. “The money that you owe, when are you going to start paying it?” he suddenly asked which made her silent all of a sudden. “You’re working too hard and you’re not even close to covering up your living expenses, paano pa kaya ang mabayaran mo ako?” “Forget your pride and just do as I say…” napahalukipkip pa ito. “You will just endure a few but shameful minutes and then you’re paid!” “Ano bang gusto mong gawin ko?” napatingala si Juvia sa kanya. “Ah, gusto ko lang panindigan moa ng pagiging nobya ko sa araw na kailangan kita. I just want you to be more of ugh, what do you call that, basagulero?” “Ano?” “Ang sabi ko,” humakbang si Pain palapit sa kanya at hinawakan siya sa baba upang magtama ang kanilang mga paningin. “Para sa isang gabi, maging nobya ka ng isang Dela Viego…” “Hindi puwede,” she didn’t even faze upon disagreeing while exchanging glares with Pain. “Sasabihin ko ulit ‘yung sinabi ko, huwag mo na uulitin ‘yang sagot mo,” babala ni Pain. “Be my girlfriend for one night.” “Hindi puwede…” Mariing napapikit si Pain at pinangigilan ang baba ni Juvia at napahigpit ang pagkakahawak nito. But Juvia remained still as if she’s not bothered by it. “All you have to do is to drink until you’re drunk after I let everyone in my family that my girlfriend is a construction girl.” “Hindi pa rin puwede…” tumanggi pa rin siya. “Kahit magkasakit ka? Okay let’s say you’re fine with the struggle but how about your family? Do you think they are fine if they will know that you owe sixty thousand pesos for your life because you were almost killed while working at night? They’d feel guilty and would work their ass off just to save you from your debt.” Napaiwas ng tingin si Juvia nang magkaroon ng punto ang sinabi ni Pain. “Parang Bombay pa naman ako maningil…” dagdag pa nito. “O sige. Papayag na ako…” Kaagad sumilay ang ngiti ni Pain sa sagot ni Juvia. “Pero pagkatapos nito, tatantanan mo na ako dahil bayad na ako…” “Okay! Ni anino ko, hindi mo na makikita…” bumitaw na si Pain sa kanyang baba. “So, your price was sixty thousand pesos…” hindi maiwasan ni Pain ang mapangiti habang nakamasid kay Juvia. “It’s cheaper than I expected…” “Utang lang na pera ang meron ako sa ‘yo, ‘di ba?” napawi naman ang ngiti ni Pain nnag biglang tumayo si Juvia. “Yep?” “Puwede pa rin kitang saktan?” Napaatras si Pain nang biglang hinablot ni Juvia ang bote ng tubig sa may mesa na malapit sa kama. “I’ll see you…when I see you…” kaagad na tumakbo si Pain palabas ng tent at doon lang nakahinga nang maluwag si Juvia nang siyang nilubayan nito. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD