VI

2064 Words
Chapter 6 Twisted NAKAHALUKIPKIP lamang si Juvia habang pinapanood si Pain na enjoy na enjoy sa pagkain. Kanina ay nabigla siya nnag pinahinto siya ni Tina sa kanyang ginagawa at gano’n na lang din kabilis nagsialisan ang mag customer hanggang sa nakita niyang si Pain nalang ang naiiwan at doon siya nagkaroon ng ideya sa nagaganap. Hindi rin makaiwas sa kanya ang mga tingin ng ilang server na nagpaiwan sa may counter sa kanila. She bet, they are gossiping and assuming things between him and Pain, bagay na kailanman ay ayaw pa naman niyang mangyari. “Why are you not eating? Don’t you like the food?” biglang napatanong naman si Pain sa kanya at napairap lang si Juvia sa kanya. “You don’t have any other expression to me other than frowning?” he asked as a smile is slowly painted on his lips. He got the table napkin and wiped his mouth. He rested his back on the chair and crossed his legs as he examines Juvia in front of him. “From day one up to now, wala kang ibang ginawa kundi sumimangot sa akin,” mahina pa siyang natawa. “Hindi ko lang maintindihan bakit kailangan mong paalisin lahat ng mga customer para lang makakain ka?” “Uupo ka ba riyan kung ‘di ko pinaalis?” nagtaas-kilay si Pain sa kanya. “At bakit kailangan kong umupo rito habang kumakain ka?” “Because I want to talk with you,” he shrugged. “Hindi ako interesadong makipag-usap sa ‘yo. Medyo alam ko ang takbo ng mga lalaking katulad mo. Gumagawa ka ng mga ganitong bagay para lang makuha ang atensyon ng isang babae, pero hindi uubra ‘yan sa akin,” napahinga nang malalim si Juvia at uminom ng tubig matapos niyang bitawan ang mga salitang iyon. “You’re right, eh ‘di dapat sasabihin mo na sa akin ngayon papaano ko makukuha ang atensyon mo?” inalis nito ang kanyang pagkakasandal sa upuan at tinungkot ang kanyang mga siko sa mesa upang malapitan ng tingin si Juvia. “Isa pa, hindi mo dapat kinakausap ang mga katulad ko.” “Why?” “Dahil…magkaiba tayo ng mundong ginagalawan. Sinasabi ko na ito para wakasan ang pangungulit mo sa kung ano mang dahilan na meron ka.” Bigla namang napahalakhak si Pain nang malakas dahilan upang magulat ang ibang staffs at bumaling na lang sa iba bago pa siya makahalatang nasa kanilang dalawa ni Juvia ang atensyon nila. “I like how you smartly see reality,” he commended her and took a sip on his wine, savoring its bitterness and the aftereffects of its sweetness. “I’m one of those whose league is far beyond than yours…” nagsalin naman si Pain ng wine sa isang wine glass na wala pang laman. “And whatever league I see that is below mine that is my playground…” “So I get whatever is in that playground…” after pouring enough wine on that glass, he pushed it near Juvia, offering her a drink. “Consider yourself as one of those cheap things I want to buy…” Napaawang ang bibig ni Juvia habang nakikinig sa kanya. Napalipat ang tingin niya sa wine na inurong ni Pain sa kanya. “…And maybe I’ll pay a greater price for a cheap thing like you, and you should be honored.” Napahawak siya sa wine glass nang mahigpit, may naiisip siyang gawin pero ang daming matang nakatingin sa kanya. In the end, she just drank the wine in one shot as Pain stared at her. “Siguro nga mumurahin lang ang halaga ko, hindi ko itatanggi,” tumikhim siya. “Pero, hindi ako nagpapabenta…” Napawi ang ngisi ni Pain sa sinabi nito. “I’m sure marami pa akong katulad na ‘cheap’. Puwede ka pang mag-canvass…” napatayo si Juvia at sinundan siya ng tingin ni Pain. “I paid this restaurant’s one-day-income,” he smirked as he gazed into his watch. “We still have 45 minutes before it closes, until then stay where you are,” bigla namang nagdilim ang mga paningin ni Pain kay Juvia pero hindi naman tinag ang dalaga rito. “Restaurant ang binayaran mo, hindi po ako…” she faked a smile and took her bag. Napatayo na si Pain nang tuloy-tuloy itong naglakad palayo sa kanyang table. He felt embarrassed as if he was being dumped. And that was the very first time he’s felt that…. “Construction Girl, you’re—!” napatikom bibig nalang si Pain bago pa siya makapagbitaw ng mga salitang hindi kanais-nais. “Grabe, ano kaya sila ni Sir Pain!” hindi mapakaling sabi naman ni Grace sa tabi ni Tina. “Si Sir Pain siguro ‘yung lalaking kahit hindi ako mahal, kung magkakaroon ako ng arrange marriage sa kanya gagawin ko!” dagdag pa nito dahilan upang mapairap si Tina sa kanya. “You have no idea how Dela Viego brothers are…” umiling naman siya. “Ano’ng ibig mong sabihin?” sinundan naman ni Grace si Tina nang maglakad ito papunta sa sa kanyang office. “All of them are twisted. You wouldn’t want to be involved in their lives…” Inalis ni Tina ang kanyang coat ang ang neck tie nito nang makapasok sila sa silid. “Each of the brothers have their own way of being wicked,” panimula pa niya. “Pain, Rage and Wrath…they aren’t named like that for no reason,” ngising saad pa niya nang niluwangan ang kanyang polo. “Paano?” naguluhang tanong pa ni Grace. “Pain is the trouble maker one. He’s a pain in the ass and he loved to hurt people in a very playful way…” napaupo ito sa kanyang swivel chair. “Rage is the ambitious one. He’s a very reliable person but don’t mess up with him, otherwise you’ll have to face his ‘Rage’…” “And the other one?” tanong naman ni Grace. Napasandal si Tina at tumingala, “He’s probably…the worst…” she smiled. “Why?” “He’s the most silent one among them. We never know what his thoughts are and where is he hiding his wrath…” “Parang marami kang alam sa kanila, ah?” tanong naman ni Grace dahilan ng para lumawak ang ngiti nito. *** “GOOD Afternoon, Doc!” nginitian ni Wrath ang dalawang nurse na bumati sa kanya sa Nurse Station. He got the files for him there. “Mukhang marami tayong pasyente ngayon,” anito nang makita niya ang mga listahan ng mag pasyenteng naghihintay sa kanya ngayon dito sa clinic. “Opo, Doc. Nag-limit na nga kami ng hanggang 15 patients lang ngayong araw,” ang sabi naman ng isang nurse na bumati sa kanya. “How I wish I could check up all of them…” ngiting sabi naman ni Wrath saka sinarado ang folder na hawak at dumiretso sa kanyang clinic. Napahawak naman sa pisngi ang dalawang nurses habang nakatingin kay Wrath. They don’t mind changing shifts because this is Wrath’s shift in this Clinic. Siguro kahit ano mang pagod nila sa araw-araw dito sa clinic ay naiisipan pa nilang maswerte sila dahil dito rin nag-ki-clinic si Wrath. Wrath Dela Viego is one of those promising cardiologist that The Fiore City Clinic has. Hindi rin mahirap na pakisamahan ito dahil sa kanyang gentle personality, pagmahinin at higit sa lahat, may malasakit ito sa kanyang mga pasyente. He’s almost perfect. He’s got the looks and the body figure but he’s not arrogant, rather he’s more of a humble person. Pagkaupo pa lamang ni Wrath matapos maisuot ang kanyang stethoscope sa kanyang leeg ay bumukas ang pintuan niya’t niluwal si Marah, ang kanyang Mommy. “I heard a lot about Rage…” ito kaagad ang kanyang bungad dahilan upang mawalan ng gana si Wrath na batiin ito. “Balita ko ay malaking project na naman ang kanyang namingwit? Eh ‘di sa kanya na naman ang lahat ng papuri?” “Mom…” napabuntong-hininga si Wrath. “Rage is Dad’s favorite because he’s the youngest and he’s Andrea’s son. May gawin man siya o wala, siya pa rin ang paborito ni Dad. Accept it already.” “No way!” inis na napaupo si Mara upang harapin si Wrath. “You should be the one having all of this! Not Rage or Pain!” “Stop. I’m good with what I have at the company.” Nagulat naman si Marah nang biglang hinampas ni Wrath ang lamesa. “Hindi ko kailangang manlimos ng atensyon sa kanila. If that is what you want then you should flirt with Dad. Hindi ba’t iyon naman ang gusto niyo? You want Andrea’s place!” he smirked. “Do it,” pinagtaasan pa ni Wrath ng kilay si Marah dahilan upang matahimik ito. “Remind me that you’re the scariest Dela Viego,” napatayo na lamang si Marah at dire-diretso itong lumabas ng silid ni Wrath. *** NAPATINGIN si Juvia sa kanyang 200 pesos na naiwan sa kanyang sweldo. Nagpauna muna kasi ito ng mga utang niyang upa. Pagpasok niya sa loob ng kanilang bahay ay nadatnan niya ang dalawa niyang kapatid na naghahanda ng mesa. “Ate!” bati ni Natnat sa kanya. “Kain na ate! Nagluto si Tintin ng ginisang kamatis!” ngiying sabi pa ni Tintin sa kanya. Sandaling dumungaw si Juvia sa kanin, napansin niyang sapat lamang ito para sa kanilang apat. “Sige, huli na ako medyo pagod si ate…” ginulo-gulo naman nito ang buhok ni Tintin. Lumabas muan si Juvia at nagpahangin. Madalas ganito ang kanyang diskarte upang pagkasyain ang kanin nila. Hindi na kasi niay puwedeng sobrahan ang binibili niyang bigas sa isang araw kundi kukulangin naman sila sa mga susunod na araw. Dahil minsan, patikim-tikim naman siya sa mga pagkain na malapit ng masira sa restaurant nila ay nasasapat na iyon para sa kanya. Isa pa, mas mahalaga pa rin ang pamilya niyang makaraos sa isang araw. ‘Di bale nang siya muna ang magutom. For several years, Juvia stood as the one that is leading her own family. May sakit na ang kanyang tatay at hindi na niya kayang magtrabaho. Ang Nanay naman niya ay nagbebenta ng kakanin kung minsan pero hindi pa rin sapat sa kanilang gastusin araw-araw dahil sa gamot at ang pag-aaral ng dalawa niyang kapatid. Kaya naman todo kayod si Juvia at kahit ang pagko-construction na trabaho ng isang lalaki ay pinapasok na rin niya. Hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na balang araw ay aangat din ang kanilang buhay. Sa kalagitnaan ng pag-iisip ay biglang sumagi sa isipan ni Juvia ang pagkikita nila ni Pain sa restaurant kanina. Batid niyang may pagkayabang ang binata and maybe he has the every right to because he’s rich. She can’t even imagine how rich he is. Pero hindi niya inaasahang gagastos siya nang malaking halaga para lang paalisin lahat ng tao sa restaurant. She shouldn’t underestimate him and she should stay away from him. *** “SIR Pain—” napatalikod kaagad si Sonny nang binuksan niya ang pintuan ng VIP Room kung saan niya iniwan si Pain kanina. It’s already getting late and Pain spent almost four hours drinking there so he got worried. But upon coming here, he saw Pain kissing with a girl who is sitting in his laps. “Bagong jowa na naman…” bulong ni Sonny sa kanyang sarili. Sanay naman na si Sonny na makita si Pain na may kandong-kandong na babae pero hindi pa rin niya gustong pinapanood ang amo sa tuwing may kalaswaan itong ginagawa. However, Pain is not who he is if he doesn’t flirt with girls and he doesn’t date any girl who kisses him back because that is Pain’s rule—‘Kiss back and you’re mine’ “So, Danica… I will see you tomorrow…” halos ayaw pang bitawan ni Pain ang kamay ng babaeng kahalikan niya nang magpaalam ito sa kanya. Nang makalayo si Danica ay nagawa na ni Sonny na lapitan ito. “Aren’t you going home yet, sir?” he asked. Medyo nakakaramdam na rin kasi ito ng antok at hindi naman niya maiwan ang amo niya dahil lasing na ito. “Set me up a dinner date with Danica tomorrow. The first date should be special…” ngiting-ngiting saad pa nito habang nagsasalin ng alak sa kanya baso. “Also, he loves golds and jewelries, get me an expensive necklace…ah make it a set…” “Ilang babae na kaya nabigyan niyo ng alahas?” komento naman ni Sonny. “It doesn’t matter how many…as long as I get to have fun with them,” napasandal pa ito at pinatong ang isang kamay sa kanyang tuhod. “Girls are easy to get when they get to know my last name…” he smirked. Napailing na lamang si Sonny habang nakatingin kay Pain. “Ah, after doing those things…get me all the information you can get for Prieto’s Corporation…” Bahagyang napangisi naman si Sonny sa mga huling sinabi ni Pain sa kanya. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD