Chapter 11
Surprise
“TONIGHT is that night, right?” bigla namang napabangon si Lou mula sa pagkatulala nang hindi niya alam kung gaano na katagal. Tumingin si Lou kay Pain na nasa tabi niya na parang balisang nakatingin lamang sa kisame habang kinakapa ang babaeng nasa tabi niyang mahimbing na ang tulog dahil sa kalasingan.
It’s 6am in the morning and their drinking session with his bestfriend Lou who just returned from a long vacation outside the country started yesterday.
“What night is that?” sabay hinimas ni Pain ang hita ng babae niyang kasalamuha kagabi.
“Fiore’s Night…”
Bahagyang napalawak naman ang pagkakamulat ng mga mata ni Pain nang mairinig ang sinabi ni Lou.
He went straight for the water on the table and drank it in one glass.
“You’re right! I was an idiot for not remembering it!” her voice started to panicked.
“So, ano ang pasabog mo ngayong taon?” napaalis ang pagkakasandal ni Lou sa couch upang tignan si Pain.
“Last year, you changed all of the drinks into fresh milk, you were punched in the face for that. And the year before that, you stole Rage’s girlfriend. Ano pa ba? Ah!” napataas ang tono ng boses nito. “Naalala ko no’ng taon graduate na si Rage at i-a-announce dapat ito kaso pinatay mo lama ng kuryente. Astig ka p’re!” napahalakhak si Lou samantalang naningkit lamang ang paningin ni Pain.
“I was so lame back them…” he gasped.
“Lame pa iyon sa ‘yo?”
“Oo, I should do something more embarrassing that would taint my family’s reputation…” determinadong saad naman nito.
“So hindi pa rin pala tayo tapos diyan sa paninira mo ng sarili mong pamilya,” napaseryoso naman ng tingin si Lou.
“Masyado pa namang mabait ang ibang anak ni Dad, hindi tuloy tumatalab ang mga ginagawa ko.”
“Why not just challenge your brothers for the position?” diretsahang sabi naman ni Lou dahilan upang mapahinto si Pain.
“You know, the best defeat that you could give them is when you take full control of your company. Besides, the company’s success was only possible because of your Mom…”
“Tingin mo gusto nilang iboto ‘yung katulad ko?” turo pa nito sa sarili niya.
“Nope,” Lou frankly said. “I would never vote on someone who always greets me ‘What’s up Mother f—ckers’,” ngayon ay Lou naman na ang naningkit ang paningin.
Napabuntong-hininga na lamang si Pain sabay abot ng kanyang baso at nagsalin ng alak at sa kalagitnaan ay mayroon siyang naalala dahilan upang mawala ang atensyon nito sa alak kaya umapaw na ito.
“Right, I have to use her tonight!”
***
WALA man sa may bungad si Tina dahil may kausap siyang client na magpapa-reserve ng restaurant para sa isang okasyon ay rinig niya ang malakas na pagbukas ni Pain ng glass doors at hindi na rin niya nahintay ang pagbukas ng guard para sa kanya. The moment Pain saw Tina, he rushed to her.
“Can I go inside?” he asked.
“Hold on for a minute,” paalam niya sa kausap at nilapitan si Pain.
“Ano poi iyon, Sir Pain?”
“Juvia, where is Juvia?”
“Ah, wala po siya ngayon, sir. Hindi ko pinapasok para makapag-train iyong bago…”
“May idea ka ba kung nasaan iyon?” natatarantang tanong pa ni Pain.
“I think she’s on her work at the convenience store. Nabanggit niya sa akin kahapon na pinakiusapan siyang—”
Ang katulad ng isang bula ay gano’n na lang din kabilis si Pain na naglaho sa harapan ni Tina kahit hindi pa natatapos nito ang kanyang sinasabi.
Pain rushed to the convenience store where he saved Juvia from a thief. Panay tingin siya sa kanyang relo dahil malapit nang maghapon at kukulangin sila sa oras kung hindi pa niya mahahanap ito.
He didn’t mind going on speed even though it’s traffic.
Pagdating sa Convenience Store ay pinagbuksan siya ng pintuan ng guard ngunit hindi niya mahanap si Juvia sa loob. Naglakad siya sa counter dahil wala rin ito sa kanyang puwesto. He also tried calling Juvia but her phone is at the drawer.
Napahinto naman si Pain nang may makita siyang bata sa counter at nilapag ang ice cream nitong bibilhin sabay abot agad ng pera sa kanya.
“I’m not…the cashier!”
Pero pinagpumilit ng batang iabot kay Pain ang pera.
“No! I’m not the cashier!” napataas na ang boses ni Pain dahilan upang umiyak ang bata sa harapan niya’t pinagtinginan siya ng mga taong bagong pasok.
“H-Hindi ko alam gamitin ito…” napakamot si Pain sa ulo habang kinakalikot ang cash register sa pangangambang baka maeskandalo pa siya nitong bata dahil hindi pa humihinto sa pag-iyak.
“Yes!” tuwang-tuwa naman ito nang bumukas ang drawer ng pera kaya inabot niya ang pera ng bata.
Kumuha si Pain ng panukli at binigay sa bata. Kaagad namang umalis ang bata pagkakuha nito ng kanyang ice cream.
Pero kasabay no’n ay ilan pang batang may hawak na ice cream na pumila sa kanya.
Napalunok si Pain nang muli siyang inabutan ng batang babae na nakasimangot pa sa kanya.
He had no choice but to accept those kids’ money for their ice cream.
Nang pabalik naman na si Juvia sa kanyang puwesto ay laking gulat niya nang makita niya si Pain na nagpa-punch at nagbibigay ng sukli sa mga bata.
Juvia rushed to the counter and immediately and took over. Nakabusangot pa ang mukha ni Pain na nakatingin lang sa kanya.
“Bakit ka nandito?” nang maubos ni Juvia ang mga cutomer ay humarap na si Juvia kay Pain na nasa kanyang likuran.
“I’m here to take you for the rest of the night.”
“Bakit?”
“You remember that money you owe me? You’re going to pay that tonight…”
Napahalukipkip si Juvia at sandaling nag-isip. Mukhang may idea na siya sa gustong mangyari ni Pain kahit wala pa itong sinasabi,
“O sige, pero kailangan kong malaman ang sitwasyon, hindi ‘yung basta-basta mo na lang akong dinadala kung saan-saan…” wala naman nnag ibang nagawa si Juvia kundi ang sumang-ayon.
“Okay! Let’s go!”
Napaawang ang bibig ni Juvia nang biglang inalis ni Pain ang apron nito at dali-dali siyang hinatak palabas ng store. Nagpumiglas man siya upang kumalas at magpapalam pa sana sa kanyang boss pero parang naging bingi lamang si Pain.
***
“MISS Juvia!” naplingon si Juvia kay Sonny nang tinawag siya nito. Palapit naman ito sa kanya na may dalang star bucks na coffee.
“Kape po muna kayo…” aniya.
Juvia refused a lot of times into having a spa and skin treatment because if it’s a party that they are going to attend, make up would just be fine but it seemed that Pain has already arranged everything that she needed.
Tanging sila lang ni Pain ang customer dito sa Salon na ito. As far as she remembers this salon is one of those top luxurious one the county.
Hindi niya minsan pinangarap ang pumasok sa mga ganitong bagay.
Napapatingin si Juvia sa section ng Men, kung saan kaslaukuyang sinasagawa ang hair treatment ni Pain habang busy ito sa paglalaro ng kung ano mang game sa kanyang cellphone.
“Balak ba ng amo mo na, galitin ang mga magulang niya?” biglaang naistanig naman ni Juvia kay Sonny ang mga salitang naglalaro sa isip habang nakatitig pa rin siya kay Pain.
Napahinto si Sonny dahil natumbok nga ni Juvia ang balak ni Pain.
“Paano niyo po nalaman?”
“Sinong magulang ang matutuwa kapag magdadala ang anak nila ng isang katulad ko?” pasimpleng tumawa si Juvia.
“Wala akong alam masyado sa pamilya nila pero alam ko lang, mayaman at makapangyarihan sila…hindi ko alam bakit parang ligaw ang utak ng amo mo,” prangkang sabi pa ni Juvia.
“Maybe…he wasn’t named Pain without any reason,” napakurap lang si Sonny habang iniisip ang mga bagay na nangyari buhat nang siya’y ma-assign bilang assistant ni Pain.
“P-Pain…” wala sa isip na nabigkas ni Juvia ang pangalan niya. Hindi nga niya maalala kung ni minsan ba ay nagawa niyang tawagin ito sa kanyang pangalan.
“Hindi naman lahat ng mayayaman ay masaya…may mga taong normal lamang ang buhay ngunit parang mas pinagpala pa sila.”
“Even Sir Pain would even wish not to have the life he’s having now…”
Juvia became speechless with what Sonny said.
Para bang hindi na matatapos ang pag-aayos kay Juvia. Maski sa pagpili ng damit ay nahirapan pa sila dahil mapili si Pain. He wanted a matching outfit, and his mood is fiery maroon which is not really Juvia’s type.
Pero ano pa nga ba ang magagawa ni Juvia, sinunod na lamang niya ang long gown na fiery maroon na pinili ni Pain para sa kanya upang match sa tux ni Pain na dark elegeant maroon with golden ribbon.
Lagpas sa paa ang likod na bahagi ng gown ni Juvia at kanina pa niay tinitignan sa salamin ang hitsura nito. Para siyang naglalagablab na apoy na kumikiniang dahil sa mga dyamanteng nakatahi roon halos isang butil lamang ang liit ngunit kumikining tuwing siya’y gumagalaw.
Ang mahabang buhok naman niyang hanggang baywang ay kinulot at tinali ang kalahati nito gamit ang isang pulang rosas na may roon ding black diamonds na nakalagay. Iniisip palang ni Juvia, kung magkano ang aabutin kapag ibebenta ang hairdress lang niya. Baka sapat na panlipat-bahay na nila iyon.
“Wow, parang ayaw ko iyan isuot…” napailing na lamang si Juvia nang nilapat ng babaeng tumulong magsukat ng damit sa kanya ang stiletto niyang puno pa ng black diamonds.
“That’s my pick, so wear it…” napaangat si Juvia ng titig sa kanyang harapan nang umalingawngaw ang boses ni Pain sa silid.
Pain walked towards Juvia flawlessly. He’s dressed up and surprisingly, that dark maroon suit fits him well. His hair is brushed up, exposing his manly face. Madalas kasi ay nakababa ang buhok ni Pain at may pagkagulo.
“Is she ready?” tanong pa ni Pain sa babae.
“Yes, sir…” she said. Agad agad namang lumapit bigla si Pain pero hindi na nakaatras si Juvia nang hawakan siya sa likod nito at sapilitang pinatalikod. Parang nag-init ang pisngi ni Juvia nang tinitigan ni Pain ang kanyang likod. Dahil backless ang kanyang likod ay na-exposed ang balat nito.
“Surprisingly, you have fair skin even though you’re working at a construction site. Nag-alala lang ako baka may sunburn ‘yang likod mo, naka-backless ka pa naman,” bumitaw naman na ni si Pain nang makompirma niya ito.
“Let’s go, then…”akmang tatalikod na sana si Pain nang bigla naman niyang napansin hindi pa nakasuot ng heels ito.
“Hindi mo talaga isusuot iyan?”
“Isusuot naman…”
“Kapag isusuot mo ‘yan, it’s yours…” sabi naman ni Pain. Wala sa isip na biglang sinuot ni Juvia ang heels sa harapan niya’t kamuntikan pa siyang ma-out balance ngunit maagap na nahawakan ni Pain kaagad ang kamay niya dahilan upang mapatitig siya sa binatang nakatingin pa rin sa heels na kanyang sinusuot.
“I think there’s a lock…” para bang nabingi na nang tuluyan si Juvia sa hindi malamang dahilan nang yumuko si Pain at siya na mismo ang nag-lock sa heels nito.
Para siyang balisa na nakatingin lamang sa harap habang nakayuko pa rin si Pain.
“Let’s go…” masiglang sabi naman ni Pain at napatiuna ito sa paglalakad.
Nang sila ay makasakay sa limousine na sumundo sa kanila ay napapatingin lamang sa loob ng sasakyan si Juvia dahil ngayon lang yata siya nakakita nang ganito na sasakyan sa totoong buhay.
“Have I already oriented you?” he asked.
“Hindi pa.”
“The party we’re going to attend is Fiore’s Annual Foundation Anniversary. Basically, it’s an event for our family’s success over the years. And this party costs millions of pesos…” he smirked. “For a petty party, they will spend that much…”
“Anyway, my family is a bunch of morons and idiots. I am the only exception.”
Napakunot-noo naman si Juvia sa mga pinagsasasabi nito.
“After I introduce you to them, you won’t need to worry about anything else. Just enjoy the party and drink. Get wasted if you want…you can even make a scene.”
“Wala sa usapan nating mageeskandalo ako,” maagap nitong saad kaya napatango na lang si Pain.
“Just hold my hand and act like a Dela Viego’s girl for tonight,” aksidenteng nagtagpo naman ang paningin nilang dalawa at sa hindi malamang dahilan ay biglang nakaramdam ng kaba si Juvia.
“And all the things you’re wearing tonight are yours. I don’t want them back,” unang nag-iwas ng tingin si Pain at napamasid na lamang sa bintana.
***