TWO: Palagi

2623 Words
  PINAKA-HATE ko talaga sa pagiging babae ang pagkakaroon ng buwanang dalaw. I just had this last year at tuwing meron ako ay sumasakit palagi ang aking puson. And I don't feel like moving around. I'd prefer to stay on my bed at hayaan ang sariling mamilipit sa sakit.   Katulad na lamang ngayon. Hindi tuloy ako makalabas ng bahay at nagkulong na lamang ako sa aking silid. At ang masaklap pa, wala sila Mommy at may business meeting sila. Mamaya pang gabi ang mga iyon uuwi mula sa trabaho. Pag meron kasi ako ay laging nasa tabi ko si Mommy at inaalagaan ako. Kahit kasi uminom na ako ng pain reliever bumabalik din kaagad ang sakit. Minsan ay nilalagnat ako.   Katok sa pinto ang dumistorbo sa akin. Bumukas iyon dahil hindi naman iyon naka-lock.   "Tol, sama ka?" Bungad ni Ian. Hindi man lang bumati muna. Tss. Pinasadahan ko siya ng tingin. Naka jersy uniform ito na kulay black at may initials ng subdivision namin. May hawak din itong bola.   "Good morning din sa'yo." Sarkastiko kong pahayag. He grinned at me at umupo sa gilid ng aking kama.   "Bangon na 'tol. Sama ka sa akin. May laro kami sa covered court. Semi-finals na ng summer league. Kalaban natin ang kabilang subdivision."   Eh? Ang malas naman. Gusto ko pa namang manood ng games nila. Ito ang unang beses na makakapanood ako ng laro niya mula nang lumipat kami dito last week. Ang diyahe naman oh. Pero kung tatanggi ako, ano naman ang irarason ko? Na may regla ako? Kakantyawan lang ako ng damuhong ito. Ang lakas pa naman mang-asar nito. Iiyak ang araw pag hindi niya ako naaasar.   "Ano na?" Hinawi nito ang buhok na tumabing sa mata ko. "Bangon na kasi Elena." Tinignan nito ang kanyang relong pambisig at pagkatapos ay pinapatalbog ang bola sa sahig.   "Gusto mo bang paliguan kita?" Seryoso niyang tanong at kumunot noo sa akin. Aba't gago talaga eh.   "Nakaligo na ako! Ogag!" Irap ko sa kanya.   "Ang taray mo. Meron ka ba?" Ngumuso ito sa akin at sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri. Pagkatapos ay hinihimas nito ang kanyang baba.   "Tse! Lumabas ka na nga. Magpapalit lang ako." Tinabig ko siya para makaupo ako ng maayos. Pinilit kong huwag indahin ang sakit sa paggalaw kong iyon.   "Sus, nahihiya ka ba sa akin? Hindi naman tayo talo ah. Tska wala ka pa namang boobs. Tuldok pa lang ata yan!" Humagalpak ito sa tawa habang tinuturo ang aking dibdib. Talagang ang lakas mang-asar ng hinayupak na 'to.   Ngumuso ako. Wala ka dyan.   "Labas na kasi kuya! Nakakabanas ka talaga kahit kailan." Tumayo naman ito mula sa pagkakaupo at tinignan ako.   Pinisil muna nito ang aking ilong. "Lalabas na po. Ang cute mo talaga.” He teased before he turned his back away from me.   Pinihit na nito ang siradura nang magsalita ulit. "T-shirt and pants ha Elena. I'll wait for you downstairs." Hindi na ako nito hinintay na makasagot at umalis na agad ito.   Hindi naman niya kailangan i-remind sa akin kung ano ang aking susuotin. Lahat naman kasi ng damit ko ay puro T-shirts, maong pants, long sleeves at sweatpants. Mayroon akong mga sleeveless at shorts pero nakatago lang sa isa ko pang dresser. Asa naman si Mommy na susuotin ko mga iyon.   Pinili kong suotin ay T-shirt na kulay black at jeans. Nag rubber shoes din ako. Uminom muna ako ng pain reliever bago bumaba ng bahay. Nasa sala si Ian habang umiinom ng juice at nanonood ng games sa TV.   "Akala ko ay hindi ka na bababa. Aakyatin na sana kita ulit." Palatak nito. He turned off the television at lumabas na kami ng bahay. Tahimik lang akong nakabuntot sa kanya. Nagpaalam ako sa aming katulong na lalabas nang maabutan ko ito na nagwawalis sa bakuran namin.   Nasa labas ng gate ang kanyang kumikintab na BMW 7-series Sedan. Napapito ako nang mahawakan ko iyon.   "Nice car you have." I commented.   "I know right. Pogi points sa mga chikababes ko." He winked, and I rolled my eyes deliberately. He's a certified womanizer. I guarantee you that, one hundred percent.   Pagkapasok namin sa loob ay mas lalong namangha ako. Very luxurious, indeed.   "For the record 'tol. Ikaw pa lang ang unang nakasakay sa kotse ko na 'to. Swerte mo." Halakhak nito na siniko ko.   "Tss. Should I be proud?" Irap ko sa kanya.   "Nope. You should feel privileged. Aba, kahit dagdag points to sa mga chicks hindi naman ako basta-basta nagpapasakay lamang ang kung sino-sino. Namimili 'to tol." Pagyayabang pa nito.   "Oo na lang. Malayo ba yung court at kailangan nating magkotse?"   "Medyo. Pero syempre kailangan kong irampa tong tsekot ko. Maraming babes na manonood. They will swoon over me, that's for sure. " He c****d his eybrows arrogantly. Pero kahit ano ata gawin ng lalakeng ito sa kanyang mukha ay hindi man lang nababawasan ang kagwapuhan nito. Kaya ang yabang ng mokong eh.   "Tara na." Sabi ko nang hindi pa nito pinapaandar ang sasakyan.   "Just a moment. May kulang eh." May inabot ito sa bandang likuran namin. At ganun na lang ang gulat ko nang bigla niyang isinuot sa akin ang isang ball cap.   "Yan ang kulang. Buti na lang talaga at may reserba ako dito. Huwag sabing kalimutan mag-sombrero." He hissed at ngumuso pa.   "Basa pa po kasi ang buhok ko kanina." Pinusod ko ang aking buhok at pinaloob sa ball cap. Big deal ba talaga sa kanya ito?   Pinaandar na nito ang sasakyan at tumahimik na lamang ako. Pagdating namin ay nagulat ako sa dami ng sasakyang nakaparada. Iba't ibang modelo ng sasakyan at motorcycles ang nakaparada. What do you expect? Lugar ito ng mayayaman. At nang mayayabang. Numero uno na itong katabi ko.   Nakaakbay ito sa akin habang papasok kami sa court. Puno na halos ang mga benches at kadalasan ay mga babae ang nakikita ko. Nagtitilian pa ang mga ito nang pumasok kami at ang walang-hiya ay kumakaway pa sa mga babaeng mangiyak-ngiyak na sa kakahiyaw.   "Ang dami mo pa lang fantards.” sabi ko sabay takip ng aking tainga. Nakakairita ng tiliian ng mga babae. Akala mo mga baboy na kinakatay sa slaughterhouse.   Tumawa ang lalake sa akin. "Ako pa. Star player ata tong kuya mo.” He winked at me. Ang kapal talaga. Dumiretso na kami ng lakad at huminto sa pwesto ng mga kalalakihang may suot din na katulad ng kanyang uniform.   Nakipag-apir ito sa mga lalake at sumaludo siya sa isang may edad na lalakeng tingin ko ay kanilang coach.   "Chick mo?" Tumingin ang isang lalake sa akin. He smiled at me genuinely. Gwapo rin ito at kasing tangkad din ni kuya Ian.   "Hi babe ang cute mo." Pinisil ng isa ring lalake ang pisngi ko at napasiksik ako sa gilid ni Ian. Hindi ako sanay na pinapalibutan ng mga lalake. And now I know, nakakatakot din pala.   "Dude. She's off-limits." Seryosong mukha na pagkasabi ni Ian. Hinapit nito ang aking bewang kaya mas lalo akong napadikit sa kanyang gilid.   "Craddle-snatcher ka na ata, bro. Sabagay kung ganyan ba naman ka-cute eh.” Humalakhak yung isa pa at nagdilim pa lalo ang mukha ni Ian.   "Gago. Kinakapatid ko 'to. Walang gagalaw sa kanya kung gusto nyo ng kapayapaan ditto sa subdivision natin.” He warned at them at inakay ako sa isang bakanteng bench na malapit sa kanilang pwesto.   Pagkaupo ko ay tumabi ito sa akin at yumuko para ayusin ang kanyang sintas. "Ano ba yan, kahit pala anong suotin mo lumulutang pa rin yang ganda mo. Dapat siguro hindi ako aalis sa tabi mo. Dahil sigurado akong malingat lang ako ng konti, parang asong bubuntot-buntot mga yan sa'yo. Partida pa yan, hindi ka pa ganap na dalaga ha. Hay, buhay naman oh. Tsk." Hinilamos nito ang palad sa kanyang mukha. He seemed bothered.   "Baliw. Para namang kakausapin ko mga yan. Punta ka na nga dun. Tinatawag ka na oh.” Tnuro ko ang coach niyang senesenyasan na siyang lumapit sa kanila.   Tumayo ito at bumuntong-hininga. "Dito ka lang ha. Huwag kang aalis. Damn, dapat pala hindi na kita inaya." Pinasadahan niya ang kanyang buhok. Tinitigan ako nito na para bang nalugi ito o ano. Hindi ko mawari.   "OA mo kuya. Huwag ka nga. Akala mo sa akin, batang alagain. Galingan mo na lang sa laro mo ha. Tignan ko yabang mo." Humalakhak ako at ngumiti rin ito.   Pinisil muna nito ang aking baba. "Yun na nga eh. Sana literal na bata ka nalang." He sighed heavily bago humabang papunta doon sa grupo niya.   Ngumuso ako. Ano problema nun? Parang biglang pasan ang daigdig.   Ang kalaban nila ay kulay puti ang uniform. Matatangkad din ang mga ito at may mga itsura din. Nag-umpisang dumagundong ang buong covered court ng tumunog ang bell hudyat na mag-uumpisa na.   Kasama sa first five si Ian. Hindi ko akalain na may ibubuga nga ang damuhong ito. Magaling siyang maglaro at natapos na lamang ang first quarter ay wala iyong nagawang foul at naka-15 points na agad siya.   Humihingal pa ito na lumapit sa akin. Time-out kasi and instead na makinig sa plano ng coach ay sa akin ito pumunta. Hawak nito ang bote ng gatorade at uminom doon.   "Ang galing mo ah." Sabi ko. Tagaktak na ang pawis nito at kahit ang mga braso nito ay kumikintab na rin sa pawis. May mga babae ang nagche-cheer sa pangalan niya na nakapwesto sa aming likuran. Pasimpleng umirap ako.   Kinayawan niya muna ang mga ito bago ako sinagot. "Sabi ko naman kasi sa iyo eh. Bilib ka na ba sa akin?" He winked at napalunok ako. Ang hot niya kasi tignan. Susme, ano ba naman itong pinag-iisip ko.   Nako umayos ka Elena. Kilabutan ka. Ke bata bata mo pa. At kuya mo yan oy. Mahiya ka nga.   Nang mag-umpisa na ang second quarter ay naging mas mainit ang bakbakan. At sa tuwing nakakapuntos si Ian ay lumilingon ito sa akin at tinuturo ako at sinasabayan niya nang pagkindat. I can't help but to blush. Kasi naman feeling ko para sa akin ang mga points niya. At ang mga tao ay nililingon din ako.   Tss. Ang yabang niya talaga. Pero may ipagyayabang naman kasi. Kainis.   Kalagitnaan ng third quarter nang nag-umpisang kumirot na naman ang puson ko. Damn. Nawala na naman ang bisa ng pain reliever. Pinagpawisan agad ako at tahimik na iniinda ang sakit. Sana ngay ay kaya ko pang tiisin hanggang sa matapos ang laro at makauwi kami.   Napahawak ako sa puson ko nang sunod-sunod ang pagsalakay ng kirot. s**t. Ang sakit talaga. Sunod-sunod ang paglunok ko at nakayuko ako habang hinihimas ang aking puson na para bang mababawasan ang pagkirot noon.   Kailangan ko nang makauwi. Hindi na talaga ako komportable sa aking kinauupuan ngayon. Pero paano ako makakauwi sa amin na hindi dinidistorbo si Ian?   Inangat ko ang aking ulo at tumingin sa gitna ng court. Masyadong comcentrated sa paglalaro ang lalake at panay ang hawi nito sa kanyang buhok na bumagsak na dahil sa namamasa na ang mga ito.   When he made a shot, ngumingiting tumingin ito sa aking direksyon. Pero ang ngiti nito ay agad na naglaho at napakunot-noo sa akin. Tumigil ito sa gitna ng court at namewang. Hindi nito maalis-alis ang tingin sa akin at umiling lamang ako.   Dahil siguro sa posisyon kung nakayuko at ang mga kamay ay nakaipit sa aking puson kaya nakuha ko ang kanyang atensyon. "Ian what are you doing?" Sigaw ng kanyang coach. But Ian just ignored him. He is frowning at me. I smiled at him pero ngiwi ang aking nagawa. Oh god. Gusto ko nang umuwi at mamaluktot sa sakit sa ibabaw ng aking kama!   Sumenyas ito ng time-out sa kanyang coach at hindi sinalo ang bolang ipinasa ng kanyang kasama. Instead pinagulong niya lang iyon sa sahig at nag-jog palapit sa akin.   "May masakit ba sa'yo?" Tumigil ito sa harap ko at lumuhod sa akin. Tumango ako.   "You're very pale Elena!" Panggilalas nito. Sinalat nito ang aking noo.   "Wala akong lagnat." Ngiwi ko. "Masakit ang puson ko."   Mas lalong lumalim ang gitla ng kanyang noo. "Puson?"   Alanganing tumango ulit ako. "Dysmenorrhoea." Napangiwi ulit ako nang kumirot na naman.   Natigilan ito. Agad na kinuha ang backpack niya na sa gilid ko at walang babalang naghubad ng kayang pantaas na uniform. Kinuha nito ang kulay puti na T-shirt at sinuot. Halos yumanig ng buong court sa tilian ng mga baliw na babae pero this time, hindi niya pinansin ang mga iyon.   Naningkit ang mata nito sa akin. "Bakit hindi mo agad sinabi Elena. Hold this." Inabot niya ang bag sa akin at wala sa sariling kinuha ko iyon mula sa kanyang kamay. Tumalikod ito sa akin.   Ang sunod na ginawa niya ang hindi ko inaasahan. Hinaklit niya ako at kinarga sa kanyang likuran. Napasubsob ako sa kanyang likod at ang mukha ko ay tumama sa kanyang leeg.   "Kumapit kang Mabuti, Elena."   "Eh kuya. Ibaba mo ako." Sabi ko nang walang kalakas-lakas. Nakakahiya pa rin kasi sa mga tao. Pero nakakapanghina talaga ang sakit. Letse talaga. Ang hirap maging babae.   "Hindi mo kayang maglakad."   Hindi na lamang ako umimik at hinayaan kong bumagsak ang aking ulo sa leeg niya at napapapikit na lamang. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa magkabila kong binti.   "Coach, iba na lang po ipasok nyo. Uwi na kami at may sakit si Elena. Tambak naman na ang kalaban. Kaya na nila yan." Rinig kong sabi niya.   Nagpaalam siya sa iba niyang kasamahan at mabibilis ang kanyang mga hakbang palabas ng court. Agad niya akong pinaupo sa kanyang kotse.   "s**t Elena. Ang putla mo." He said exasperatingly. Bakas sa boses nito ang pag-alala.   Pinaharurot nito ang kotse paalis sa lugar na iyon. Pagdating namin sa bahay ay basta na lamang nitong pinatay ang makina pagkatapos niyang bumusina nang katakot-takot at nanakbo sa kabilang pintuan. Pinangko niya ako pagkabukas ng gate at pati ang aming katulong ay nataranta.   “Anong nangyari?” Tanong ng aming kasambahay.   “Masakit lang po puson ko.” Sagot ko na hindi tumitingin ditto. Nahihiya kasi ako sa knila. Baka isiping ang arte-arte ko. Bakit kailangang magpakarga kung hindi naman paa ang masakit. Parang gusto ko tuloy bumaba kaso naramdaman siguro ni kuya Ian ang discomfort ko kaya mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa aking mga binti.   Pagdating sa aking silid ay ibinaba niya ako sa aking kama nang marahan at tumabi sa akin. "Ako na po ang bahala." Rinig kong sabi niya kay ate Rosie.   Namaluktot agad ako at napapapikit pa rin sa sakit. Umuungol ako tuwing rumaragasa iyon. Si kuya Ian ay puro mura ang naririnig ko at hindi raw nito alam ang gagawin.   "Paki-abot na lang ng gamut, kuya." Sabi ko. Agad naman itong kumilos pero dahil nagpa-panic ito ay nabitawan nito ang medicine kit. Bumagsak iyon sa sahig.   "f**k! Anong gamot ba? Saan dito? Ang dami naman nito!"   Sinabi ko ang brand ng gamot at agad niya iyong inabot sa akin kasama ang baso ng tubig na nasa side table ko.   Ininom ko iyon. "Salamat." Pabulong na sabi ko.   "Babalik ako kaagad." He said at kumaripas nang takbo paalis ng kwarto. Ewan ko kung saan ang punta niyon at nagmamadali. Pero mamaya lamang ay narinig ko ulit ang pagpihit ng seradura. I opened my eyes and was surprised to know that he changed his clothes. Mamasa-masa pa ang buhok nito at naamoy ko ang kanyang sabong panligo.   He took a shower?   Humiga ito sa tabi ko at agad akong pinaloob sa kanyang bisig.   "Masakit pa rin ba 'tol?" Malambing niyang tanong.   Tumango ako at kumagat-labi. Hindi ko maiwasang samyuhin ang bango niya.   He caressed my arm and he stroked lightly. "Normal lang ba talaga yan? Do you always feel like this monthly?"   I nodded again.   "Fvck. Hirap naman niyan. I should mark the calendar para alam ko kung kailan ka magkakaroon. Para may oras akong bantayan ka." I felt him kissed my head.   Napangiti ako. He's a jerk but he's really kind and sweet.   "Kuya?" Pabulong na tawag ko. Mas lalo kong ibinaon ang aking mukha sa kanyang balikat.   "Hmmm?"   "Dito ka lang ha. Huwag kang aalis."   "Palagi Elena. Dito lang ako palagi. Kaya huwag kang magsasawa sa mukhang ito dahil wala akong planong umalis tabi mo." Namamaos na bigkas nito.   I smiled again as I closed my eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD