“ANAK, hindi ka ba bababa dyan?” Nakayuko si Mommy sa akin mula sa labas ng kotse. Nakabukas na ang pinto niyon ngunit ayokong lumabas. Si Daddy ay nauna na sa loob ng bahay dala-dala ang aming mga gamit. Katulong nito ang aming driver sa pagdala ng iba pa naming bagahe.
Nakatanaw ako sa malaking bahay. Dalawang palapag iyon at kulay light brown at puti ang pintura. May malapad na balcony din sa ikalawang palapag at naglalakihan ang mga bintana.
Ito ang magiging tirahan namin mula ngayon. Naninibago ako sa paligid na nakapalibot sa akin. Nakakalula rin ang laki ng ibang bahay na kalapit sa amin. Mararangya at magagara din ang mga ito.
Pagkapasok palang namin sa Primerose Hill Subdivision ay nakanganga na ako. Sila Mommy ay ilang beses nang nakarating dito at ito naman ang unang beses ko kaya hindi ko maiwasang hindi mamangha. Ang alam ko, ay may iilang celebrity at politicians ang nakatira din dito.
Kung tutuusin ay wala rin namang halos pagkaka-iba mula sa aking pinanggalingang lugar dahil puro mayayaman din ang nakatira doon. Pero sympre doon na ako sa Cebu lumaki at nagka-isip. At marami na rin akong kaibigan doon. In fact, mag fi-first year high school na nga ako eh. Pero dahil sa lumipat na kami ng Davao, dito na rin ako magpapatuloy ng aking pag-aaral.
Wala naman akong karapatang tumutol sa mga decision nila Mommy at Daddy. At mas pipiliin ko na ang ganito, at least magkakasama pa rin kami. Minsan kasi ay naiiwan lang ako sa bahay na tanging katulong lang ang kasama pag nasa business trip ang mga ito.
“Hi tita.” Boses ng lalake ang aking narinig. Hindi ko napansing may ibang tao na pala ang nakalapit sa amin. Lumingon ako sa pwesto ni Mommy ngunit hindi ko naman makita ng lubusan ang mukha ng lalake dahil nasa loob ako ng kotse at ito naman ay katabi ni mommy na malapit sa pinto.
“Hi Ian. Kumusta na hijo?” Bati ni Mommy.
“Maayos naman po. Bakit hindi pa kayo pumapasok? Nasa loob po ng bahay ninyo sila Mama at hinihintay na kayo.” His voice is deep and husky. Sino naman kaya ito? Bakit kilala niya ang Mommy ko?
“Eh itong si Elena ay ayaw pang lumabas ng sasakyan.” Bakas sa boses ni Mommy ang pagkairita sa akin. Ngumuso ako.
“Oww...” Rinig kong sabi nung lalake. “Sabay na lang po kami papasok ng anak nyo tita. Mauna na po kayo sa loob at mainit na po dito.”
"O siya, sige sumunod agad kayo." Yumuko si Mommy para pagsabihan ulit ako. "Lumabas ka na diyan, gusto ka nang makilala ng mga ninang mo. Andito rin ang kuya Ian mo, magpakilala ka."
"Opo." Ang sagot kong nakanguso pa rin. So etong lalakeng ito pala ay anak ng Ninang at Ninong ko.
"Ikaw na ang bahala sa kinakapatid mo Ian, ha. Matigas ang ulo ng batang iyan kung minsan." Wika ni Mommy na ikinatawa nung lalake. Tss. Anong nakakatawa dun?
Nakita kong humakbang na si Mommy papasok ng bahay. Napatitig pa ako doon dahil talagang iniwanan niya ako dito na mag-isa.
"Hi." Yumuko ang lalake mula sa labas at nanlaki ang mata ko sa gulat! Nabigla kasi ako sa pagkakayuko nito.
"I'm Ian." Naglahad ito ng palad. Tantya ko ay naglalaro lang sa diseotso o disenueve ang edad nito. Mukhang hirap na hirap ito sa pagkakababa ng ulo dahil sa kanyang tangkad.
"Elena." Wika ko na hindi inaabot ang palad nito. Itinuon ko ang aking atensyon sa iPad na hawak ko at naglaro na lamang doon. Ngunit nakita ko pa na ngumisi ito sa akin at pagkatapos ay pumasok sa loob ng kotse.
Pagkaupo nito ay naamoy ko kaagad ang kanyang pabango. Naka sando na itim ito at nakamaong shorts. Napatitig ako sa kanyang braso na konti na lamang ay tatama na sa akin. Malalaki ang mga iyon at mukhang banat ito sa ehersisyo.
"Ang cute mo naman." Ngiti nito at sumilay ang kanyang mapuputing ngipin. Napatitig ako sa kanyang mamula-mulang labi. Kumikibot pa ang mga iyon at parang nanunuya.
"Ang ganda rin ng mga mata mo. Kulay brown." He stared at me kaya ganun din ang ginawa ko. Sa kanya naman ay parang abo ang kulay ng mga mata. Mahahaba din ang kanyang pilik-mata at ang tangos ng ilong nito. Ang kanyang pisngi ay makinis at natural na namumula rin. Overall, ang gwapo nito. Pinakagwapong lalakeng nakita ko. Dumagdag din sa kanyang malakas na appeal ang buhok nitong medyo mahaba at magulo.
"Ang tangos din ng ilong mo." Dagdag na pa nito at pinisil ng bahagya ang tungki ng aking ilong na siyang nagpabalik sa akin sa katinuan. Bakit ba puring-puri ako ng lalakeng 'to?
"Oh ngayon?" Pagtataray ko. I raised an eyebrow to him at lalong lumapad ang ngisi nito.
"Ibig sabihin, bagay tayong dalawa." He winked at literal na nalaglag ang panga ko. Hanudaw?
"What the hell are you talking about? Anong bagay pinagsasabi mo." Suntukin kita sa ilong eh! Makita mo!
"Bagay tayo. Bagay tayong maging magkapatid. Maganda ka at gwapo ako." He winked again.
I scoffed. The audacity. “I am not pretty.” Alam kong hindi ako pangit pero alam ko rin na hindi ako kagandahan. Ewan ko ba at pinagpipilitan nilang lahat na may maganda ako. I find it uncomfortable.
Nagulat ito sa sinabi ko at pagkatapos ay humalakhak ng nakakaloko.
"Damn, I knew it! Kaya pala naka-ball cap ka! Pusong lalake pala tayo dre!" Inakbayan ako nito at inalog-alog. Hinawakan din nito ang aking ulo ngunit pumiglas ako. Nakapusod ang aking buhok sa loob ng sombrero. Ayokong ginagalaw ng kahit sino ang ulo ko lalo na pagnaka-sombrero ako at baka bumuyangyang din ang aking buhok. Inayos ko ulit ang ball cap na ang likod ang siyang nasa unahan ng ulo ko.
Ano nga ulit ang sabi nito? Pusong lalake? Where did he get that crazy idea? Siguro nga dahil naka-ball cap ako at boyish din akong madamit. Isipin na lamang niya ang gusto niyang isipin. Hindi na rin ako magtataka. Iilang tao na rin ang nag-aakala na tomboy ako. My parents even think I am too.
"May instant kapatid na ako. From now on, I'm your big brother. Tara na labas na tayo at tiyak akong hinihintay na nila tayo.” Bigkas nito at nauna nang lumabas. Napilitan naman akong sumunod na lamang sa kanya.
Big brother? Pwede na rin. Nangarap din naman ako na magkaroon man lang ng kapatid.
Ito ang unang beses na makikilala ko ang aking Ninang at Ninong. Ang kwento sa akin ni Mommy ay magkaklase sila ni Ninang Matilda noong college at naging matalik na magkaibigan. Hanggang sa pare-pareho na silang nagkaasawa at nagkapamilya. Nawalan sila ng kumunakasyon mula noon dahil sa nangibang-bansa ang mga Fuentebella at kami naman ay nalipat rin ng tirahan.
At ngayon ay kakalipat na naman namin. I think this is for good, this time. Ngayong magkapit-bahay na ang magkaibigan ay wala na sigurong lipatan na mangyayari.
"Ito na ba ang inaanak ko? Ke gandang bata naman nito." Ngiti sa akin ng babae na sigurado akong si Ninang Matilda. Nakaakbay sa kanya ang isang lalake na halos kasing-edad din ng daddy ko. Mestizo ito at matangkad rin. Sa kanya halos nagmana si Ian.
"Mano po." Sabi ko sabay abot ng kamay nito at nagmano. Ganun ang ginawa ko sa asawa nito.
"Di ba Greg, ang ganda niya?" Lingon nito sa kanyang asawa na tumango at nakangiti rin. "Trese pa lang siya, di ba Marie? Pero hindi halata. Namana niya sa'yo ang iyong tangkad at morenang balat."
"Mas mana sa akin ang aking anak, di ba nak?" inakbayan ako ni Daddy.
"Dad....." Reklamo ko. Pero nakuha ko nga kay Daddy ang pagkatangos ng ilong at ang kulay ng aking mata. Kay mommy naman ang kulay ng buhok ko na natural na brown at kulay din ng aking balat.
"Ian, hijo, magkakilala na ba kayo ni Elena?" Salita ng ama nito na si Ninong Greg. Tumagos ang titig nito sa akin at napagbatid kong nasa likuran ko pala si Ian. Akala ko ay umalis na ito. Bumitaw si daddy sa pagkakaakabay sa akin at nag-excuse para magtungo sa kusina.
"Yes Dad. We met outside. Nakakatuwa nga siya eh. May instant kapatid na ako." Ani nito. Inakbayan ako nito na siyang kinairita ko. Feeling close ito masyado sa akin.
"Mabuti naman. Dapat magkasundo kayong dalawa." Salita ng Mommy nito.
"Nako Hijo, ikaw na ang bahala sa anak ko ha. Ipasyal mo sana siya sa mga lugar dito at sana ay magkaroon din siya ng mga kakilala at kaibigan. Snob kasi ang batang ito pagdating sa ibang tao." Wika ni Mommy.
"No problem tita. Ako na po bahala." He answered politely.
"Ian, we'll talk later about the business you are talking about." His Dad spoke again.
"Dad, hindi nyo po ako mapagbibigyan?"
"That's why we need to talk later. There are some points I want to stress out." Ani pa ni Ninong Greg.
"Alright."
Tinawag ni Daddy si Ninong kaya sumunod na rin ito sa kusina. Si Mommy ay nilingon ako at kumunot-noo.
"Tanggalin mo nga yang sombrero mo, Elena. Andito na tayo sa loob ng bahay eh." Hinaklit ni Mommy ang sombrero ko at wala akong nagawa doon. Bumagsak ang mahaba at kulot kong buhok na lagpas balikat.
Sinuklay ko na lamang iyon gamit ang aking daliri para umayos. Nakakainis talaga si Mommy. Ngumuso ako sa kanya at tinaasan lang ako nito ng kilay.
Inaya ni Mommy ang Ninang sa kusina para makapagmerienda. Hindi ako sumunod dahil naiinis ako. Tumikhim si Ian na hanggang ngayon ay naka-akbay pa rin pala sa akin.
Nilingon ko siya. Mataman ang titig nito sa akin at walang bakas ng panunuya at pang-aasar ang kanyang mukha. Seryoso itong nakatitig sa akin at bahagyang nakaawang ang bibig nito.
"Problema mo? May dumi ba ako sa mukha?" Matigas na pagkakasabi ko. Pasimple kong tinanggal ang kanyang braso sa akin.
He cleared his throat at naglikot ang mata nito. "Ah wala naman. Mas bagay lang sa'yo ang nakasombrero." He smirked. Ginulo nito ang buhok ko.
"Huwag nga kasi." I snarled. Nakakaasar ang lalakeng ‘to. Ang kulit naman eh noh.
"Arte. Tara na dun." Hinila nito ang aking kamay at naglakad kami papuntang kusina.
Pero bago kami pumasok doon ay tumigil ito sa paglalakad. "Elena." Banggit nito sa pangalan ko. Napakurap ako. Ewan ko ba pero may kakaiba sa paraan ng pagtawag niya sa pangalan ko.
Niyuko ako nito. "Hindi ka pwedeng lumabas ng bahay na hindi ako kasama, naiintindihan mo?" Nag-iba ang timbre ng boses nito. Naging seryoso at mas malalim.
Nagtaas ako ng kilay. "Okay ka lang? Anong sinsabi mo dyan?"
"Basta. Kuya mo ako kaya susundin mo lahat ng sasabihin ko." He said while frowning. Pinagkrus nito ang dalawang braso sa kanyang dibdib.
"Oh, kung kuya kita, obligado akong sumunod sa'yo?" I rolled my eyes on him. Sira-ulo.
"Malamang. Narinig mo naman ang sinabi ng Mommy mo kanina di ba. Ako na daw ang bahala sa'yo. Kaya lahat ng sasabihin ko susundin mo."
"Tapos?" Nakataas ang kilay ko.
Sinuri nito ang aking kabuuan. "Dapat ganito lang din ang ayos mo, maluwag na T-shirt at naka maong pants. Dapat din nakasombrero ka dahil summer na, mainit na ang panahon." He held my hand again at hindi ko maipaliwanag kung bakit parang nakuryente ako sa pagdampi ng balat niya sa akin.
Hindi ko magets kung ano ang ipinupunto niya. Ano bang pinagsasabi ng taong 'to? "Tapos?" I ignored the friction of our skin.
"Tapos bawal kang makipag-usap sa ibang tao lalo na kung lalake maliban na lamang kung ako mismo ang nagpakilala." he really looked serious while telling me these things.
"Seryoso ka?" I looked at him with astonishment. "As if naman interesado akong makipaghuntahan sa iba. Tss." Wala akong interes sa kahit na sino man. Sanay akong kokonti lang ang kakilala.
"Good. Mabuti na yung klaro." Binitawan ulit nito ang pagkakahawak sa aking kamay ngunit nasurpresa ako sa sunod niyang ginawa.
Umangat ang isang kamay nito at hinaplos ang aking pisngi. Naningas ako sa aking kinatatayuan. Namumungay na mga mata ang nakatunghay sa akin ngayon. Likas na akong matangkad ngunit nakatingala ako sa kanya dahil sa tangkad nito.
Hindi ko maipaliwanag. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Hindi ko pa ito kailanman naranasan sa tanang buhay ko.
"Anong ginagawa mo?" Halos bulong ang aking mga salita. Pakiramdam ko nga ay nanginginig pa ang aking boses.
"Tinanong mo ako kanina kung may dumi ka sa mukha." He paused. "Ang sagot ko ay meron, tinatanggal ko lang." Namamaos na boses na sagot nito. His thumb continuously stroked my cheek lightly.
"May dumi rin sa kabila." Inangat din nito ang isa pang kamay at hinaplos din ang aking kabilang pisngi.
He sighed.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis-alis ang titig ko sa kanya. Masyadong malalim ang mga ito at pakiramdam ko ay nalulunod ako sa mga mata niyang kulay bughaw. Ni hindi ito kumukurap habang nakatitig sa akin.
At ang paraan ng pagdaan ng daliri niya sa balat ko ay nakakapanindig-balahibo. Mababaw ngunit malakas ang kuryenteng dumadaloy mula roon. Ano ba ang ibig sabihin nito?
At hindi ko rin mawari kung nagsasabi ba ito ng totoo o hindi.
"Merienda na tayo Elena." Ngumiti ito at natulala na naman ako.
"Okay." Tipid na sagot ko as I looked away.
"You never mentioned my name. Huwag kang mahiyang tawagin akong kuya Ian."
I cleared my throat. "Uhm. Okay, kuya Ian."
"There! Sounds better. Let's go?" Naglahad ito ng palad at inabot ko naman iyon. Pinagsalikop niya ang aming daliri at napatingin ako doon.
Bakit ang awkward?