THREE: Cute

1700 Words
CUTE   Monday. Unang bukas ng school year at hindi ko alam kung bakit mabigat sa loob ko ang pumasok. Siguro ay hindi lang ako excited at normal naman siguro iyon di ba? Yes, it's not normal. I know.    Hanggang ngayon ay nag a-adjust pa rin ako. Nakasanayan ko na talaga ang Cebu at namimiss ko rin ang iilan kong kaibigan. We’d still communicate, yes, but it doesn’t change the fact that I'm no longer with them especially in times like this. But I should stop sulking. Nandito na rin lang kami ng pamilya ko, e-enjoy ko nalang. Iyon ay kung mag-eenjoy nga ba ako. Pero so far naman, eh, walang araw na lumipas na boring para sa akin. Lalo na pag andiyan palagi ang self-proclaimed handsome na si kuya Ian.   I smiled. Thinking about him makes me smile. I don’t know why. Siguro dahil maloko ito at kahit lagi ako nitong inaasar, mas madalas na pinapatawa niya ako.   "Nak, make some friends, okay? Kahit boys pa yan okay lang din.” Daddy speaks while we are having our breakfast.   “Basta ba hanggang friends lang, Elena.” Dugtong ni Mommy at sumulyap sa akin. Pinaglagay niya ako ng fried rice sa aking plato.   "Mom, Dad. Asa naman kayo na magkakaroon ako ng friends agad-agad. Tsaka baka uuwi na lang ako nang maaga. Hindi pa naman talaga mag-uumpisa ang klase eh. Meet and greet lang naman ang madalas nangyayari sa unang araw ng pasukan.” Sabi ko.   "Ang sinasabi lang naman namin ay makipagkaibigan ka, anak. Tska lambutan mo yang expression ng mukha mo. Lagi kang nakasimangot. Baka matakot naman mga classmates mo niyan sa'yo. Isipin nila hindi ka approachable. Yu have to loosen up a little, sweetheart." Si Dad na ang mga mata ay nakiki-usap sa akin.   Ngumuso ako sa kanya. "Alangan naman lagi akong nakangiti, Dad. Eh baka mamaya niyan, mapagkamalan pa nila akong may sayad sa utak."   I thought Daddy would laugh at my joke, but instead he heaved a sigh. "Bahala ka na nga." Sumusukong sabi nito na ikinangisi ko.   Si Mommy naman ay umiiling-iling lang sa amin. "Mag-ingat sa school ha. Huwag kung saan-saan pumupunta. May pagkagala ka pa naman." Dagdag na bilin pa nito.   I almost rolled my eyes. As if may ibang lugar akong gustong galaan. I am not even familiar with the whole place yet. "Yes Mom."   Tahimik na ipinagpatuloy na lamang namin ang aming almusal.   "Good morning po.”   We turned our head to the person who spoke. Ian was all in his rugged get-up. Navy blue T-shirt and ripped pants. May dog tag pa itong suot at kumikinang ang pierce earing nito sa kanang tainga.   He looked so fresh and handsome. Without a shadow of a doubt.    It was almost difficult to tear my gaze away from him. I shrugged my shoulders at muling ipinagpatuloy ang pagkain.    "Good morning, hijo. Come join us."' Bati ni Daddy. Ian went to him first para magkano. Pagkatapos ay kay Mommy naman at humalik din sa pisngi nito.   "Nako, hindi na po. I just had my breakfast, tito.” Lumapit ito sa akin at agad na ginulo ang aking buhok. “Hello 'tol.”   I scowled at him. Hindi ko alam bakit lagi niyang ginugulo ang buhok ko. Hirap na hirap ako sa pagsuklay nito kanina eh.   "Bakit ka andito?" I asked without looking at him.   "Well, I am here to give you a ride to your school."    My eyes widened as I peeked at him. "Really?" Pagkatapos ay sinulyapan sila Mommy at Daddy na sabay na tumango.   "Yes, nak. Kailangan din naming pumasok sa office nang maaga. May conference meeting kasi na gaganapin. Kung maaga kang uuwi, just call our driver so he can pick you up." Paliwanag ni Mommy na nagpapahid ng kanyang bibig gamit ang table napkin.   Tumango ako. "Alright." Okay na rin yun sa akin. Kasi kung sila Dad at Mom ang maghahatid, puro mga reminders lang ang pag-uusapan naming sa buong durasyon ng biyahe. I don’t want to hear anymore from it, my ears are gonna explode soon.   "Finish your breakfast Elena. I'll wait you in the living room.” Ani ni Ian as he walked away from the dining area.   "Ian is really a good son, isn't he Alfonso?" My Mom commented.   "He sure is hon. Sana nabigyan man lang natin ng kapatid si Elena. But she has her kuya Ian now. Mukhang mas mapapanatag tayo at may kasama na tayong mag-aalaga kay Elena." Dad winked at me when he saw my face contorted from his statement.   "Dad, I'm not a child anymore."    "But you are our only child sweetheart. And you will always be our baby even when you grow old. I just hope that someday, you can find a man who will protect and take care for you with all of his." Dad said.   "Just like how Ian is taking good care of you, anak." Mom held my hand as she squeezed it lovingly.   I rolled my eyes to ceiling. My parents are kind of dramatic, but I love them to death.   I kissed them goodbye after I got up to my feet. They're still having their coffee kaya nauna na akong umalis sa kanila. At isa pa, mag aalas-siyete na rin ng umaga.   Ang alam ko it will take twenty-minute ride before I'll reach the school. As usual, ang gamit na sasakyan namin ay ang kanyang bagong BMW.   Nasa daan na kami when nang magsalita ulit ito. “Kung uuwi ka nang maaga, call me."    "Wala ka bang gagawin today? Talagang nagprisenta kang ihatid ako sa school? Anong nakain mo?”   “This is your first day of school ditto sa siyudad. I am worried na baka hindi ka komportable o baka kinakabahan ka. I just want to make sure that you’re fine.”   “Para ka ring sila Mommy. I’m fine, kuya. Why are all of you treating me like a child. Seriously.” Umiiling-iling ako habang nakatanaw sa gilid ng bintana.   “Girl, you are still a child. Why do you always think and act like you’re old?” “Child? First year high school na ako, hello!” “You’re still a child.” Pumalatak ito. “Duh. Whatever.” “Ituro mo sa akin kapag may nakita kang magandang chick ha.” Ngumisi ito. Ang siko ay tinukod sa bintana ng sasakyan. “Asa ka naming gagawin ko yun. Manliligaw ka sa isang menor de edad? Kabahan ka naman oy!” “Hindi noh. Kailangan kong kilitising mabuti para maturuan kita kung paano manligaw.” “Ang kulit mo.” Nabubwisit ako kapag lagi nitong pinagpipilitang babae ang tipo ko. Sabagay, hiniyaan ko na rin naman kasi itong isipin kung ano man ang gusto nitong isipin sa akin. “Tol.” “Oh.” Patamad na sagot ko. “Ang cute mo today. Bagay na bagay sa’yo ang uniform mo na yan. Dalagitang-dalagita ka tignan. Kapag may lumapit sa’yong lalake, sapakin mo agad ha. Ilabas mo ang pagiging Amazona mo.” Sambit nito at kumunot noo sa akin. “Lalapit lang tapos sasapakin? Okay ka lang? Gusto mong ipatawag ako sa Guidance unang araw palang ng pasukan?” Sira-ulo ‘to. Kung ano-anong pinagsasabi. “Kapag ang lalake lalapit sa’yo, ibig sabihin may gusto sa’yo. Makinig ka sa akin kasi gawain ko yan.” Humagalpak ito sa tawa. Hay naku, kung hindi lang talaga ito nakakatanda sa akin, nakatikim na ito ng sapak. “Lakas din ng trip mo kuya Ian. Ako nga’y lubayan mo. Tsaka di mo ako kailangan pagsabihan, may sarili akong pag-iisip.” “Aba, dalaga na talaga ang Elena ko. Pakiss nga.” He pouted at akmang aabutin ang pisngi pero inambahan ko ito ng aking kamao. “Ang kulit-kulit naman. Mag-focus ka na nga lang sa pagmamaneho mo. Nakakasura.” “Nagpaganda ka ba today?” “Ang kulit ha.” Pinanliitan ko ito ng mata. “Ang ganda ganda mo kasi ngayong araw, Elena ko. Wag ka na lang kayang pumasok sa school. Gala tayo sa mall? Hindi pa naman umpisa ng klase eh. Next week ka na lang pumasok?” This time, I giggled. Ang cute niya kasing magsalita pero napaka-seryoso ng mukha. Inabot ko ang kanyang braso at kinagat ko iyon. Madalas ko siyang kagatin, kaya sanay na ito. “Nangggigil ka na naman.” “Nakakatawa ka kasi. Pero gusto ko yang idea mo kuya. Yun nga lang, pareho tayong malalagot kay Mommy at Daddy.” I grinned at him. He pouted as he combed his hair using his free hand. “Oo nga noh.” He sighed. “You have your phone with you, right? If you want to come home early, call me. I will pick you up ano mang oras gustuhin mo.” “Alright.” I answered at hinilig ang ulo sa kanyang balikat. Naghikab ako at pumikit. Naramdaman ko ang labi nito sa aking noo. I smiled. He loves to kiss me on the forehead. And I love every time he does. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa school. Humimpil ang sasakyan nito sa bakanteng carpark. “Thank you for the ride, kuya. Malaking bagay para sa akin na ikaw ang naghatid sa akin sa unang araw ng pasukan ko.” I smiled. “Aissht. Don’t smile too often, princess.” “Sabi ni Dad dapat lagi daw akong nakangiti.” Lumabi ako. “Kuya mo ako. Ako ang sundin mo. Don’t smile and god, don’t pout. You’re too cute.” Pinisil nito ang aking baba. “Oo na. Bye na. Salamat ulit.” Ani ko at iibis na sana sa sasakyan pero pinigilan ako nito. “Where’s my thank you kiss, Elena?” He raised an eyebrow at me. Dumukwang ako at kinintalan ng halik ang kanyang pisngi. “Salamat, kuya.” “The pleasure is mine, princess.” He smiled gently at me. I gathered my things at tuluyan nang umibis sa sasakyan nito. Panay ang kaway ko sa kanya dahil hindi pa ito umaalis. Isang sulyap ulit bago ako tumalikod nang tuluyan. Isang beses na akong dinala ni Mommy dito at natandaan ko kaagad kung saan ang magiging classroom ko. Habang naglalakad sa pathway ay nakayuko lamang ako. Ramdam kong tinatapunan ako ng tingin ng mga estudyante. Kung pwede lang sana maging invisible, talagang gagawin ko. I don’t like how they look at me with scrutiny. Nasa pintuan na ako nang magiging classroom ko at papasok na sana ako nang may umakbay sa akin mula sa likuran. “New student ka?” Nilingon ko ang lalake at bago ko pa man ito masiko ay naka-ilag na ito. “I’m Cedric del Rosario, your classmate.” He grinned at me. I was a bit surprised because he’s taller than most boys his age. I rolled my eyes at him. “I don’t give a damn.” At tinulak ito para makadaan ako papasok sa classroom. All eyes were on me. Shock was written on everyone’s faces. What? “You’re a new face and I like you already.” The boy named Cedric commented before he walked past me. I heaved a sigh to control my anger. Can I go home already?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD