“ELENA! Gising na! Naghihilik pa yang pwet mo!” Naramdaman ko ang pagpalo ni Mommy sa pwet ko.
“Array! Mommy naman! Antok pa ako eh!” Reklamo ko and I buried my face on my soft pillow.
“Male-late ka na sa school mo, babae ka!”
“Kailangan nakasigaw talaga, Mom?”
“Nasa baba na kuya Ian mo, mahiya ka naman kung paghihintayin mo yung tao!”
“Huh?” Agad akong napabalikwas ng bangon. “Si Ian nasa baba na po?” Napatingin ako sa orasan. Oh, male-late na ako!
Umangat ang kilay ni Mommy na nakatingin sa akin ngayon. “At nasaan ang kuya bago ang pangalan ni Ian?”
“Tss. Sorry. Hindi nga po Mom, naghihintay na sa akin si kuya Ian?” Akala ko kasi hindi siya pwede today.
“Oo kaya bilisan mo! Pambihira ka! Lagi mo na lang kaming pinapahiya sa kuya Ian mo dahil diyan sa ugali mo. Kung bakit naman kasi inobliga mo pa yung tao eh, andiyan naman ang Daddy mo.” She snarled at me pero tumalikod na ito at lumabas na ng kwarto ko.
Napatulala ako saglit. Bakit ba nitong mga nakaraang araw nag-iiba ang t***k ng puso ko pag nababanggit ang pangalan ni Ian. Ang weird. Hindi naman kasi ganito noon.Yeah, mula nang aksidenteng dumampi ang labi nito sa akin ay nagrigodon na ang puso ko. Kasalanan naman kasi ng biker!
Muntik na kasi akong mahagip, buti na lamang at nahablot agad ako ni Ian at agad na niyakap. Kaso nawalan kami pareho ng panimbang kaya nabuwal kami.
Napatihaya ako sa Bermuda grass at si Ian naman ay napaibabaw sa akin. At yun na nga. Pag-angat niya ng mukha, nahalikan niya ako ng hindi sinasadya. Dampi lang naman iyon. As in dampi lang.
Pero mula noon, nagbago ang tingin ko sa kanya. Alam kong gwapo ito at matipuno pero mas na-appreciate ko na ngayon ang kakisigan nito. Dati kasi di ko pinapansin, eh paano, panay asar ang ginagawa sa akin kaya ayun lagi akong bana sa kanya. Pero nang mangyari ang pagdampi ng labi nito sa akin, may kilig akong nadama.
“Haiisst!” Snabunutan ko ang sarili kong buhok. "Erase, erase, erase.” Umaaksyon akong nagbubura sa hangin. Hindi ko pwedeng panpantasyahan ito dahil magkapatid ang turingan naming sa isa’t isa.
“Elena!” Tili ulit ni Mommy.
“Bababa na!” Ngek, maliligo pa nga lang ako eh. Mabilis akong tumayo at naghanda na sa aking pagligo.
Pagkatapos kong makaligo, pinatuyo ko ang aking buhok na hanggang balikat. Ayaw ko sana na ganito kahaba pero si Mom and Dad ay naghuhurumintado sa balak ko sana noon na pagupitan ang buhok ko ng mas maikli.
Tinignan ko ang mukha ko sa salamin. Ang empty. Walang kadating-dating. Walang kolorete at walang kasosyalang taglay.
Perfect!
Mas gusto ko ang ganoon. Ang mga tita ko at mga kaibigan ay ipinagpipilitan talaga sa akin na ako daw ay isang magandang babae. Perpekto daw ako. May maamong mukha. May tangkad na maipagmamalaki. At may bulas ang katawan.
Tss.
Saan nila nakita yun? Mga baliw.
I looked down at my chest. Yeah. Kahit anong ipit ko, bumabakat talaga ang dibdib ko. And I'm just effing sixteen years old! Damn it!
“Dianarah Elena Joy!” Tili ulit ni Mommy.
Patay. Buo na ang pangalan ko. Ibig sabihin galit na talaga ang aking ina.
Agad kong kinuha ang aking mga gamit para sa eskwela. Kung bakit naman kasi kailangan pang magpalda. Buti na lang at pinahabaan ko ang tabas nito na lagpas tuhod at ang blouse ko ay maluwag kesa sa karaniwan.
Patakbo akong bumaba ng hagdan. “I'm here!” Masiglang bati ko.
Napakunot-noo ako ng makita ko si Ian na hawak-hawak ang tiyan at halos mawala ang mata sa kakatawa. Pero ganun pa man, napansin ko pa rin ang kanyang ayos ngayon. He's wearing skinny jeans and navy-blue polo shirt. Kahit saang anggulo tignan, may dating talaga ang tindig ni Ian. Yung mapapalingon ka talaga kahit likod pa lang nakikita mo.
“Anong nakakatawa, Mr. Fuentebella?” Humalukipkip ako at pinagtaasan ito ng kilay. Hmmp! Alam ko na kung bakit.
“Bentang-benta talaga sa akin ang pangalan mo, tol.” Humahagalpak pa rin ito sa kakatawa. Nagluluha na halos ang mata nito sa walang pakundangang pag tawa.
“Wow ha. Clown na pala ako ngayon at sa akin ka natutuwa. Mommy si Ian oh! Si kuya Ian oh!” Ulit ko sa pangalan nito.
Mabibigat na mga paa na nagmartsa ako papuntang komedor. Pero napatili ako ng inakbayan ako nito at sinabayan ako sa paglalakad.
“Hindi ka na mabiro, bunso.” Ginulo nito ang buhok ko.
Inirapan ko lamang siya. “Wag mo ngang ginugulo ang buhok ko.”
“Wow! Sensitive? Dalaga na daw siya tita, tito!” bulalas agad ni Ian pagkakita kay Mommy na nag-aayos ng mesa.
Humalik ako sa pisngi ni Daddy na nakaupo sa kabisera at nagbabasa ng dyaryo. Ganun din ginawa ko kay Mommy.
“Dalaga naman talaga yang bunso natin ah.” Sagot ni daddy na kumindat sa akin.
Bumusangot ang mukha ko. Pagkakaisahan na naman ako ng mga ito.
“Ayaw ng ipagalaw ang buhok niya. Nako, may pinapagandahan na ata si Elena ko. Ituro mo sa akin mamaya nang mabugbog ko, este makilala ko pala.” He smirked mischievously.
Gosh, he’s so annoying! He always makes my day a living hell! I stuck my tongue out at him. Manigas ka!
“May napupusuan ka na ba, anak?” Tanong ni Mommy na umupo sa tabi ko.
“Mommy! Wala po!”
“May napupusuan yan tita, babae nga lang.” Ian chuckled.
“Eh ano naman sa'yo?!” I snarled at him. Everyone thinks I’m a tomboy because I dress like a guy. Don’t they get it? My comfort comes first, and I don’t feel comfortable in girl’s clothes. At all. Kung tingin ng lahat ay tomboy ako, then so be it.
“Kikilalanin ko. Bibigyan kita ng mga tips paano manligaw sa chick.” Kindat nito sa akin.
“Sus. E mas chick ka pa nga anak kesa sa mga babae sa school mo.” Daddy commented at napaubo ako. Tumahimik din si Ian ngunit nakangisi sa akin.
“Tama na yan. Male-late ka na Elena. Bilisan nyo ang pagkain. Hijo, wala ka bang trabaho ngayon at talagang ihahatid mo si Elena sa school?” My mother glanced at him.
"Mamaya pa po tanghali, ta. Photo shoots lang naman po iyon.” Magiliw na sagot nito kay mommy.
Ian is living next to our house. In other words, magkapit-bahay kami. Our parents are friends and very close to each other. Kaya ang lakas ng loob ng bakulaw na ito magpagala-gala sa aming tahanan.
Pagkatapos naming kumain ay umalis na kami ng bahay pagkatapos naming magpaalam sa aking magulang.
When we arrived school, gusto kong umirap. Ang mga malalanding babae ay nakaantabay talaga sa parking area ng skwelahan at talagang inaabangan nila si Ian.
“Oh, mga fans mo. Bilib din naman talaga ako sa lakas ng radar ng mga yan. Batiin mo ha. Sayang effort nila sa paghihintay sa’yo.”
“Asus. Ang bilis talaga magselos ng Elena ko.”
“Elena ko ka dyan. Ewan ko sa’yo. Bye na male-late na ako.” Ani ko at hinawakan ang handle ng pintuan. Pero bago ko iyon maitulak, hinuli nito ang aking palapulsuhan.
Agad na naghuramintado ang aking puso. Nilingon ko ito na matamang nakatitig sa akin. Umangat ang kamay nito at hinaplos ang aking pisngi. Halos gusto kong pumikit sa gaan ng pagkakahaplos nito.
Inayos nito ang buhok ko na ginulo niya kanina, hinawi niya sa isang side pati na rin ang aking bangs.
“Ayan pogi ka na.” He smirked.
Agad kong pinandilatan ito ng mata. “Matagal ko ng alam noh.” Piniksi ko ang kamay niya at binuksan na nang tuluyan ang pinto ng trailblazer nito.
Bakit parang gusto kong umiyak? Ang bigat sa dibdib na ganun lamang ang tingin nito sa akin. Sabagay, kahit noon pa man ay hindi ako nagpakita ng aking feminine side.
Kilos lalake ako. Bihis lalake. I mean, mahilig ako sa jeans at loose T-shirts. I never wear fitted blouses, dresses and shorts. And I always wear sneakers and rubber shoes. Sandals are too girlish for me.
But that does not mean na pati ang puso ko ay pusong lalake din. When Ian and I kissed by accident, I knew since then that I really am a girl. Body, heart and soul.
Naglakad na ako papalayo sa kanyang sasakyan without saying my thanks to him for the ride.
“Hey!” Tawag nito. Huminto ako at nilingon ko siya na nakalabas na sa kanyang kotse. May hawak itong ilang libro at napagtanto kong mga gamit ko pala iyon. Hindi ko pala nadala lahat.
“Here.” Lahad nito sa mga books ko nang makalapit na ito sa akin.
“Thanks.” Simpleng tugon ko na hindi nakatingin sa kanyang mga mata.
I was about to turn my back from him, but he pulled me against his body.
“Have a great day ahead.” He then kissed my forehead.
He tilted my head up para umangat at magtagpo ang aming paningin. “Smile na, my princess.”
I pouted pero natawa lang din ako sa kanya. “Princess ka dyan.”
He sighed deeply at malamlam ang mga matang nakatitig sa akin. “You will always be my princess. And I'm always be your prince.”
Humakbang ito paatras and he waved goodbye. Nakaalis na lamang ang kanyang sasakyan ay napako pa rin ako sa aking kinatatayuan.
Princess......
That word just made my day