FOUR: Naive

2412 Words
    “Our first day of school is about getting to know each and everyone.” Ang sabi ng Class Adviser namin na si Ma'am Reyes. Uggghh. I so hate this part. At talagang kailangan pang pumuntang harap para magpakilala? Pwede namang tatayo na lang sa kinauupuan? Damn it. Ano ba naman yan.   Halos maghikab na ako sa pagkaboring. At ang bawat estudyante na nagpapakilala sa harap ay hindi ko man lang tinatapunan ng tingin. Kung pwede nga lang bang takpan ang aking tenga para wala akong marinig ay ginawa ko na sana.   "Ikaw na." Lingon sa akin ng isang babae na nasa unahan ng aking upuan. Ay ako na pala. Muntik na kasi akong makatulog.   Tumayo ako para maglakad papuntang harap. Nakangiti sa akin ang aming adviser kaya tipid ko din itong nginitian.   I sighed. "Good morning everyone. I'm Dianarah Elena Joy Fortalejo." Ngumiwi pa ako ng bahagya dahil sa pagbanggit ng buong pangalan ko. "Please call me Elena. I came from Cebu but we're now living here in Davao. Uhm. That's all. Thank you."   "Thank you, Elena." Ang wika ng teacher.   "Maam!" tawag ni Cedric at napalingon kaming lahat sa kanya na nakatayo at nakapamulsa.   "Yes?"   "Magiging girlfriend ko yan pagdating ng araw!" He laughed at sabay turo sa akin.   "In your wildest dreams Del Rosario." I hissed. Namumula ako sa sinabi niya. Not because kinikilig ako, kundi nahihiya ako sa pinagsasabi ng walang hiyang 'to.   Bumalik na rin ako sa aking pwesto. I walk past at him at doon ko lang talaga napagbatid na ang tangkad niya para sa edad namin.   Bago ako napaupo sa chair ko, he whispered. "I'm serious Elena."   My God. "Whatever." Damn. Unang araw pa lang tapos may mga ganitong eksena na? Ano bang nakita ng lalakeng ito sa akin at ako ata ang pinagtitripan. At hello, thirteen pa lang kami. Normal ba ang ganito? I don't think so!   It's Cedric's turn to introduce himself though I have this feeling that they already knew him.   "Ma'am do I really need to introduce myself?" Salita nito. Ang yabang talaga.   "I'm afraid you have to Cedric. May mga bago tayong estudyante na nangagaling sa ibang lugar. Just like Elena for instance."   He shrugged his shoulders. "Alright. I'm Cedric Karl Del Rosario. But call me Cedric. Sa mga hindi nakakaalam, my family owns this school. Nag-iisang anak ako at nag-iisang apo din ng mga nakakatandang del Rosario. So, in other words, ang swerte ng magiging girlfriend ko."   He winked at me at matalim ko lamang siyang tinitigan. Dream on.     **************   Tumunog ang bell na nangangahulugan na lunchbreak na. Bumuntong-hininga ako ng malalim. Ayokong umpisahan ang unang pasukan na puno ng inis at kabwisitan.   Umirap ako nang pagtingin ko sa aking kaliwa ay nakamasid pa rin si Cedric. Yes, kanina pa yan siya parang tanga na nakatulala sa akin. Mula ng pumasok ang adviser namin at pinakilala kami isa-isa ay hindi na ata ako nilubayan ng kakatingin ng lalakeng 'to.   Nasira na ata ang ulo. Tumayo ako at kinuha ang aking backpack. Pupunta akong canteen para makabili ng aking lunch. Gusto ko mang umuwi ay hindi pwede. Kailangan ko pa kasing kilalanin ang iba naming subject teachers. Sana hindi na lang sila pumasok para makauwi ako nang maaga.   "Sabay na tayo maglunch Elena. My treat." Wika ni Cedric.   "Kaya kong kumain mag-isa. I don't need companion."   "Ang taray mo. Dapat nga matuwa ka dahil ikaw pa lang ang babaeng pinansin ko ng ganito. First time din na ako ang nag-aaya."   "Ay sorry ha. Nakakahiya naman sa perang baon ko noh. Kaya kong magbayad ng pagkain ko Cedric. Hindi ako nagpapalibre sa kung sino man.” Inaayos ko ang aking backpack at nilagay na sa aking likod.   "Ang taray mo. Pero alam mo, mas lalo kang gumaganda." he chuckled. Naningkit ang aking mata at nagtagis lamang ang aking bagang.   "Yung paki ko nandoon oh." sabi ko. Nag-umpisa na akong umalis palabas ng classroom habang ito ay nakabuntot pa rin sa akin. Minsan sinasabayan nito ang aking paglalakad. Pero dahil sa maraming bumabati sa kanya ay napapahinto ito sandali.   "Dito yung canteen.” Hinila nito ang aking kamay at napapiksi ako.   "Bitawan mo nga ako.” Reklamo ko sa kanya habang hila-hila niya ako. Pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante. Ang iba ay nagbubulung-bulungan pa.   This is not good. Ayokong magawan ng issue sa school na ito. Pero kahit anong hila ko ay humihigpit lang ang kapit nito. Nakikita ko na ang canteen dahil sa malaking signage na nasa ibabaw.   "Bitawan moa ko, Cedric." Palag ko.   Pero parang bingi lamang ito. God! Pwede ko po ba siyang suntukin? Paisa lang oh!   I was about to pull my hand again when someone appeared in front of us. Nanlaki ang mata ko! Anong ginagawa niya dito?   "My girl said let go, didn't she?" Malalim na boses na sabi niya. His jaw clenched at nakita ko ang pagkuyom ng palad nito.   Ian was towering over us. He looks serious now and....mad.   "And who are you?"   Kinuha ni kuya Ian ang kamay ko na hawak ni Cedric. "None of your fcking business."   Nilingon ako ni Ian at lumambot ang kanyang ekspresyon. "Nagugutom ka na ba?"   I swallowed before I nodded at him. "Yes."   "Good. I was actually waiting for you. Surprise!" Nakakumpas pa ang dalawang kamay nito sa ere.   Natawa ako. "Baliw ka talaga."   "Teka nga sino ka ba? Do you know me?" Nagsalita si Cedric na bakas sa mukha ang pagkainis.   Ian raised an eyebrow. "Of course, I know you. You are a del Rosario. O ngayon dapat na ba akong matakot?"   "You are in my property!"   Ian smirked. "Wala akong paki." Nilapitan nito si Cedric at pinitik ang noo. "Wala akong pakialam kung ikaw man ang nagmamay-ari ng school na 'to. Kayang-kaya kong ipasara to kung gugustuhin ko. At kaya kong magpatayo ng sarili kong paaralan. Eh ikaw kaya mo? Ang bata-bata mo pa pero ang yabang mon a. Hoy bubwit, huwag kang mayabang dahil wala ka pang maipagyayabang. At hindi ako pumapatol sa mga bubwit na kagaya mo. Pero wag mo akong sagarin. Trust me, gusto ko na kitang bugbugin kanina pa sa paghila mo palang kay Elena. Pasalamat ka dahil hindi tayo magkasing-edad. Dahil kung nagkataon, lumpo ka na ngayon."   "Hindi ako nagyayabang, nagsasabi lang ako ng totoo."   "Aba't sumasagot ka pa? Gusto mo talagang makatikim noh?"   Hinila ko si Ian dahil nagkumpulan na naman ang mga tao sa paligid namin. "Tama na yan."   "And don't touch her again. Makita ko lang ulit na hinahawakan mo siya, hindi ako magdadalawang-isip na bugbugin ka."   "Tss. Kung makaasta ka akala mo syota mo siya." sagot ni Cedric.   "At ikaw, anong tawag mo sa inaasta mo? Unang araw pa lang feeling close ka na agad sa kanya? Aba! Matindi ka boy!" panunuya ni Ian.   "Tama na kasi yan." Bulong ko sa kanya at pilit siyang hinihila papasok sa canteen. This is getting embarrassing. People, including teachers are just merely looking at us.   "Magsumbong ka sa parents mo. Pero itanong mo muna kung kilala ba nila ang Fuentebella." He paused. "Pag ganap ka ng binata, hanapin mo ako. I'll be waiting for you." huling banat nito bago tumalikod kay Cedric at inakbayan ako.   Bahagya ko pang tinapunan ng tingin si Cedric na nakayuko ngunit kita ko ang pagtagis ng kanyang bagang. Somehow, I felt guilty. And Ian was being too rude to him.   Humanap kami ng bakanteng mesa. Nang makahanap ay umupo ako doon. "I'll order for us. Dito ka lang." He smiled at hinaplos nang bahagya ang ulo ko.   Tumango lamang ako sa kanya. Pagkaalis nito para pumila sa counter, parang bubuyog ang mga taong nakaupo malapit sa amin. They're talking about us. I know.   Ang tanda na ng boyfriend niya.   Akalain mo yun, pinahiya niya ang anak ng may-ari ng school.   Hindi naman siya kagandahan.   Feeling masyado.   Wala naman atang maibubuga ang babaeng yan.   Mukha at katawan lang ata ang panlaban, wala naman atang laman ang utak.   Umirap ako sa hangin. "Sige magbulungan lang kayo diyan. Kunwari hindi ko kayo naririnig." Iniisa-isa ko silang lahat.   Agad namang yumuko ang mga ito at kunwari ay kumakain. Mga tsismosa at pakialamera. Kung hamunin ko sila ng suntukan, ewan ko na lang kung saan sila pupulutin.   Balak kong kausapin mamaya si Cedric. I think he was hurt by Ian's words.   Pagkatapos naming mag-lunch ay hinatid ako nito sa clasroom. Nagpasabi ito na alas singko ay nasa carpark na ito para hintayin ako.   "Cedric.” Tawag ko sa kanya habang hinihintay namin ang aming subject teacher. Nakaupo ito sa desk at kahuntahan ang iba naming kaklase. He threw me a glance, but his face was expressionless.   "Bakit?"   "Pwede ba kitang kausapin sandali?" He frowned ngunit tumango lang din ito sa akin. He stood up at nang maglakad ito ay sumunod ako sa kanya.   We stopped at the corridor just near the door. Walang mga estudyante dahil nasa kani-kanilang mga classroom na ang mga ito.   "Sorry kanina." Simula ko. I'm not that hard, you know. Pag alam kong nasaktan ang tao, lumalambot ang puso ko. Siguro ay dahil ganun ang kanyang ugali ay dahil nakasanayan na nito. Sanay ito sa atensyon. Sanay itong siya ang nasusunod. Spoiled maybe, but he still has feelings.   "No. Ako dapat ang mag-sorry. What I did was too much. I was too arrogant to you. I'm sorry, Elena.” Nakatanaw ito sa labas kung saan kita ang malawa na field.   "Apology accepted. Sorry din sa mga sinabi ni kuya Ian. He's just being protective of me."   "No. I understand him. Kung ako man sa lagay niya eh, ganun din ang gagawin ko. I don't want my girl to be touched or held by some other guys.”   "We can be friends.” Ang sabi ko.   "Glad to know that. Friends?" Humarap ito sa akin at nag-abot ng palad.   Ngumiti ako sa kanya habang inaabot yun. "Friends."   "Kala ko magagalit ka na sa akin ng tuluyan. I'm an arse sometimes." He chuckled at napahalakhak ako.   "Arse? You're gross."   "That's what I get from staying in U.S for a while. I usually spend my summer vacation there."   "Now it makes sense.”   He cleared his throat. "Is that man your boyfriend?"   Umiling ako at nanlalaki ang mata. "Boyfried? I’m too young for that. He isn't. But he's very special." Indeed, he is. Ian is very special to me. Sa ilang linggo ko pa lang na pagkakakilala sa kanya, may lugar na siya sa puso ko.   "I bet he feels the same way too." He commented. I just shrug it off. Maybe, or maybe not. Special because he treats me as her younger sister. That's all.   Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. Mas mainam talaga na pinag-uusapan ang mga bagay bagay kesa piliing dedmahin at balewalain.   I may be tough and rough to others, but I'm not the type of liking someone to get hurt emotionally.   This is also a part of growing up. Being able to open up yourself a little to others is the first step to be matured. And yeah, it feels good to be matured.   Mag-aalas singko ng tumunog ang bell. Time to go home. Cedric is waiting for me at the door. Nakapamulsa ito habang nakasandal sa hamba ng pinto. Nakalabas na ang iba at iilan na lamang kaming naiiwan.   "Is he going to fetch you? Pwede kitang ipahatid sa aming driver." He spoke quietly.   "Yes. He'll fetch me. Hintayin ko nalang siya sa carpark."   "Okay, sasamahan na lamang kita hanggang sa dumating yun."   Nagkibit na lamang ako ng balikat. Do I have a choice? Pag tumanggi ako, ang kalalabasan ay baka mamasamain nito at magtampo sa akin.   Umupo kami sa waiting shed. Kita mula rito ang carpark at kung dadaan ang sasakyan ay mapapansin agad ng driver ang nakaupo dito. I texted him and he said he's on his way here.   "I really feel comfortable with you."   I c****d my head to him. Honestly, ganun din ako. Nagiging komportable na rin ako sa katagalan.    "Is it a bad thing to feel that way?"   "Nope. Basta ba hanggang doon lang." I replied honestly.   Ngumuso ito sa akin and I find him cute by doing that. "That was a subtle way of drawing the line, but okay." He was still looking at me.   “What?”   “Aren't you aware how beautiful you are, Elena?”   “Huh?”   "Kahit siguro naka-simpleng T-shirt ka lang, naka-pants, walang kolorete sa mukha, naka-sombrero, ang lakas pa rin ng dating mo.” Nakayuko ito sa lupa but when I peeked at him, he was blushing.   "Anong alam mo sa ganyang bagay Cedric. Ang bata pa natin para maka-appreciate ng ibang tao regarding their appearances."   "Hala. Hindi naman kasi ako bulag. Kahit sino naman makakapagsabi niyan. Wala yan sa edad, Elena."   Well, siguro nga. Nasa tao na rin siguro. Kasi ako, hindi ako magiging ganyan ka-prangka. Madalas, tinatago ko na lamang sa isipan ko kung ano man ang nais kong sabihin sa tao.   Tunog ng busina ng sasakyan ang narinig namin kaya napalingon kami doon. Pabagsak na isinara ni Ian ang pintuan ng kanyang sasakyan and his face is darkening.   Uhuh.   Malalaki ang kanyang hakbang papalapit sa amin. "Mukhang galit Elena." Bulong ni Cedric. Hindi mukhang, Cedric. Talagang galit.   "Why are you with him again, Elena?" asik nito nang makalapit sa aming kinatatayuan.   "Sinamahan lang niya ako dito. We're good now, kuya Ian."   Nanlalaki ang mata nito sa akin. "Good? As in okay na kayo? As in kayo na?"   I blushed at his accusatory voice at sinuntok ko siya sa tiyan. He didn’t even wince. "Loko. We're friends now, yan ang ibig kong sabihin. Sira talaga."   Tiim-bagang pa rin ito sa amin pat tinapunan nang nakakamatay na sulyap si Cedric. "Let's go." He held my hand and literally dragged me away from Cedric.   "Bye Elena! Bukas ulit!"   Kumuway ako kay Cedric. "Bye."   “Tss. May pa ‘bye-bye’ pang nalalaman.” Pabulong-bulong na sabi nito nang makaupo na kami sa loob ng sasakyan niya.   “Anong problema mo?”   “Wala.” Pinaandar na nito ang sasakyan. Si kuya Ian parang babae rin eh. Paiba-iba ang mood.   Diretso lamang ang kanyang tingin. Hindi ko maiwasang titigan ito. Kahit side-view profile lamang nito, talagang ang gwapo niya. Tama nga si Cedric. Wala sa edad ang pagkaroon ng paghanga sa ibang tao.   Ian bit his lip at ngumuso. I just realized that I find him cuter than Cedric whenever he does that.   He groaned. “Dahan-dahan sa pagtitig, baka mahulog tayo.”   Kumunot-noo ako at luminga sa paligid. "Mahulog saan?" Wala naman akong matanaw na bangin or any hole na mahulugan.   “Tss. Ang naive mo, Elena.” Umiiling-iling na sabi nito.   Hinawakan ko ang kanyang braso at medyo napatalon ito. “Ano nga kasi yun?” I pouted. Gusto kong maintindihan ang gusto niyang ipabatid.   He glanced at me at namumungay na mga mata ang binibigay niya sa akin. Tumitig din ako sa kanya and he suddenly looked away.   “Bakit hindi ka makatingin diyan?” Tanong ko sa kanya.   He sighed inwardly. “Eh kasi….baka ako naman ang mahulog.....”   Lalo akong nalito. “Uhmp! Hindi kita maintindihan." Tumingin na lamang ako sa bintana at ninamnam ang sariwang hangin na pumapasok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD