Chapter 19 Bigboss

1408 Words
Kristel: KINAGABIHAN ay nagkayayaan kami ni Liezel na mag-inuman. Humarap din naman si Louis pero hindi ito nakikitagay dahil umiinom pa ito ng gamot. Ayoko namang ipaalala ditong bawal siyang magpuyat dahil kita ko naman kung gaano siya kasaya na nandidito si Liezel na nakakakwentuhan namin. Ibang-iba ang kislap sa mga mata nito habang nakatitig kay Liezel. Kusa ring napapangiti kapag nakangiti o tumatawa ang kaibigan ko sa mga kwentuhan namin. Napatitig ako kay Liezel na ngayo'y magkakwentuhan sila ni Louis. Napakaaliwalas ng kanyang mukha na ibang-iba ang ningning ng kanyang mga mata. Hindi ko talaga maiwasang mainggit sa kanya. Nauna pa ako kay Louis kumpara dito na naghabol-habol din kay Cedric noon pero hanggang ngayon ay hindi ko pa naipanalo ang nararamdaman ko dito. Habang si Liezel ay masaya na siya kay Cedric na asawa na nito ngayon at may anak na rin silang quadruplets. Mapait akong napangiting nag-iwas ng tingin sa mga ito at sunod-sunod nilagok ang beer ko. Hindi ako dapat makadama ng ganto kay Liezel dahil napakabuti din naman niyang kaibigan sa akin. Pero heto at hindi ko maiwasang kainggitan ito. Naiinggit ako sa kanya. Sana ako na lang siya. "Hey budd" "Huh?" napakurap-kurap ako sa pagyugyog nito sa braso ko. Kita ang pag-aalala sa mga mata nito. Pilit akong ngumiting pinasigla ang itsura at tono. "You okay?" nag-aalalang tanong nito. "May naalala lang buddy. Don't mind me here" "Are you sure?" paninigurado pa nitong ikinatango ko lalo na't nakamata din si Louis na bahagyang kunot ang noo. "Yeah. Oo naman buddy" HATINGGABI NA NANG pumasok na kami ng aming silid. Napangiti akong sa akin tumabi si Liezel kahit may isa pa namang extrang silid pero mas pinili nitong magtabi kaming matulog. "So, ano ng update sainyo hmm?" malambing tudyo nito na nagsumiksik sa leeg ko. Mahina akong natawang niyakap din ito. "Wala namang bago Liz" napahinga ito ng malalim na mas niyakap ako. "What? Ang hina mo naman" natawa akong napailing. "Anong magagawa ko buddy. Ikaw pa rin ang gusto" "Kaya mo pa ba?" "Oo naman. Ako pa ba?" baliktanong kong mahinang ikinatawa nito. "Yeah. Ikaw nga pala si Kristel Villaflor. Walang inuurungang laban" napangiti akong kahit paano'y gumaan ang dibdib sa pagchi-cheer nitong palakasin ang fighting spirit ko. "Basta kung pagod ka na at kailangan mo ng masasandalan, nandidito pa rin naman kami buddy. Kahit may mga pamilya na kami ay maaasahan mo pa rin kami. Okay?" anito na sinilip akong napangiting tumango dito. "Thanks buddy" "You're always welcome buddy" KINABUKASAN AY maagang umalis si Liezel pabalik ng bansa. Gusto pa sana namin itong ihatid ng airport pero tumanggi ito at mas inaalala ang kalagayan ni Louis. Mapait akong napangiting bumalik ng penthouse. Natahimik din bigla si Louis sa pag-alis nito at bumalik na naman sa dati ang mood na parang walang nag-e-exist sa paningin nito. Bagsak ang balikat na bumalik muli ng silid ko. Naramdaman ko rin naman ang pagsunod ni Louis na tumuloy din sa kanyang silid. Maghapon itong nagkukulong sa kanyang silid. Hindi ko na rin ginulo pa dahil lumalabas naman siya kapag oras na para kumain at uminom ng gamot nito. Pinaninindigan niya talagang kaya na niya ang sarili at hindi na ako kailangan. Kaya kahit kita kong nahihirapan pa rin ito ay hindi na lamang ako umimik at nangialam dito. Lumipas ang mga linggo na nakasanayan ko na ang daily routine namin. Kung saan ihahanda ko lang ang kakainin at mga kakailanganin nito. Siya na ang bahalang nanglilinis at umaasikaso sa sarili. Hindi rin kami nagkakaimikan sa tuwing nagpapang-abot kami o kahit magsulyapan manlang. Kusa na rin akong umiiwas kapag magpang-abot kami. Hindi ko alam pero, parang biglang napagod ang katawan, isip at puso ko sa amin ni Louis. Pakiramdam ko'y pagod na pagod na pagod na ako dito. Higit isang taon na kaming magkasama pero ngayon lang ako nakadama ng pagod pagdating sa kanya. Parang naubusan akong bigla ng energy para pagsilbihan at pangalagaan ito. ISANG GABI naengganyo akong lumabas ng penthouse. Nasa sala itong nanonood ng news dahil kasalukuyang napapanood si Liezel sa interview. Hindi na lamang ako umimik at tahimik na lumabas. Ramdam ko ang pares ng mga mata nitong nakatutok sa likuran ko na ikinalakas ng kabog ng dibdib ko. Pero kahit nararamdaman ko itong nakatingin ay mahigpit kong tinututulan ang sariling hwag itong lingunin. Napabuga ako ng hangin pagkalabas ko ng penthouse. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib na nakahingang maluwag. Napangiti ako sa sariling naglakad sa hallway papasok ng elevator at bumaba ng lobby. Sa tagal namin dito ay ngayon lang ako lumabas ng gabi para magsaya at walwal. Nakakamis tuloy ang buhay ko dati kasama ang mga kaibigan kong panay ang disco namin at pasyal kung saan-saan namin naising makarating. Pero dahil sa nangyari kay Louis ay nakulong din ako katulad nito na nasa loob lang ng unit. Limitado ang kilos. Sa pinakamalapit lang na bar ako nagtungo. Wala naman akong planong maglasing. Gusto ko lang mag-unwind. Huminga. At magpahinga kahit saglit. Nasa gawi ako ng counter na panay ang tungga sa shots ko nang may nakitabi sa gilid ko. Hindi ko na lamang pinansin kahit ramdam ko ang pagtitig nitong nanunuot sa buto ko. "Kristel right?" napalunok akong natigilan na binanggit nito ang pangalan ko. Dahan-dahan akong napalingon dito na kunot ang noong napatitig dito. Napapilig ako ng ulo. Ang mga mata niya. Ang wangis niya. Natatandaan ko siya pero hindi ko maalala kung saan at kailan. "Yes?" mahina itong natawang humarap na pinakatitigan akong nangingiti. Hindi naman ako makadama ng pagkailang dito. Ramdam ko nga na nakilala ko na siya dati pa. "Aldus" anito na naglahad ng kamay. Wala sa sariling kinamayan ko ito at parang nakuryente sa marahang pagpisil nito sa palad ko. "Aldus?" ulit ko na ikinatango nitong wala na yatang planong bitawan ang kamay ko. "Aha" sumenyas itong lumapit ako at bumulong. "The mafia bigboss hiding in that fūcking ugly mask" Namilog ang mga mata kong natutop ang bibig na napatitig dito. Mahina itong natawa na makita ang reaction kong makilala nga ito! "Ikaw nga! Anong ginagawa mo dito?" masiglang tanong kong napapangiti na ring nakatitig dito. Parang kailan lang noong makilala ko siya sa pamamagitan ni Naeya at Dwayne. Pero ngayon ay kitang malaki na nga ang ipinagbago nito. Mas lalo pa siyang gumu-gwapo at lumaki-laki ang katawan. Sa tindig at pormahan niya ay masasabi mo agad na hindi siya basta-bastang nilalang. "Uhm...may kina-meet-up lang. Ikaw ba, bakit nandito ka?" baliktanong nitong inabutan ako ng shots ko. "Dito ako lumipat. May inaalagaan kasi ako ditong kaibigan" napanguso itong pinapakibot-kibot na nakamata lang sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang mailang na 'di kayang salubungin ang mga mata nito. "Just a friend?" pagak akong natawang tumango-tango. "Yeah. Just a friend bigboss" nakangising kindat ko. Natawa na rin itong sinabayan akong uminom. TAWANAN, KULITAN, KANTYAWAN at kung saan-saan na napupunta ang kwentuhan namin ni Aldus habang nag-iinuman dito sa gawi ng counter. Hindi tuloy namin namalayan ang oras at mag-uumaga na ng lumabas kami ng bar. Pagewang-gewang na rin akong maglakad sa dami ng nainom ko. Idagdag pang isang taon din akong hindi umiinom kaya parang nabigla ang katawan kong naparami ng inom ngayon na halos hindi ko na maitayo ang mga paa kong nanlalambot. Hindi na ako umangal nang magprisinta itong ihatid ako sa tinutuluyan naming penthouse ni Louis. Laking gulat nga namin na doon din pala ito uuwi. Na iisang building ang kinaroroonan ng penthouse namin. Nasa mas mataas na floor nga lang ang pag-aari nito. Lalo akong nahihilo habang nakasakay sa kotse nito pauwi at tinatangay ng antok na pilit kong nilalabanan. Saglit lang at tumigil ang kotse nitong naunang bumaba at kinarga akong parang bagong kasal. Nangingiti na lamang akong pinapakiramdaman ito. Nanghihina na ang katawan ko pero malinaw pa naman ang pag-iisip ko. Hindi na lamang ako umimik nang pumasok ito ng elevator na karga pa rin ako paakyat sa floor namin. Pakiramdam ko'y nagkaroon ako ng panibagong kakampi. Masasandalan at mapagpapahingaan sa katauhan ni Aldus. "Hey angel, wake-up. Nandito na tayo" pagyugyog nito habang karga ako. "Uhmm..." tanging ungol lang ang naisagot ko dito. Dinig ko naman ang pagtunog ng doorbell kaya nanatili na lamang akong nakasubsob sa malapad niyang dibdib. "Bakit ngayon--" narinig kong bungad ng pamilyar na boses na natigilan. "Ahm, hi. I'm Aldus, you must be Kristel's friend. Can I come in?" dinig kong saad ni Aldus sa pormal na tono. "Ah, yeah. Sure. Please come in"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD