Chapter 18 Bisita

1191 Words
Kristel: LUMIPAS ANG ILANG buwan na nanatili ako sa tabi nito. Hindi lang bilang kaibigan kundi para na niyang katulong na umaasikaso dito. Hindi na rin kami nag-usap pang muli patungkol sa amin. Hinayaan na lang niya ako dito. Marahil ay napagod na rin siyang ipagtabuyan ako kaya hindi na lamang ito umimik. Bagay na ipinagpapasalamat ko dahil malaya ko na siyang naaasikaso. Hindi man niya ako iniimikan o sinusulyapan ay okay lang sa akin. Ang mahalaga? Napagsisilbihan ko siya. Masaya na akong kinakain niya ang mga niluluto ko. Sinusuot ang mga pinipili kong damit nito. Higit sa lahat? Hindi ito pumapalyang nagpapa-theraphy kaya naman ngayon ay nagagawa na niyang ihakbang ang mga paa niya kapag may kakapitan siya. Masaya akong nakikitang unti-unti na siyang bumabangon. Unti-unti nang bumabalik ang dating Louis na palaban. Kahit na napakalamig na ng pakitungo niya sa akin ay mas nangingibabaw pa rin sa puso ko ang tuwa na malapit na itong makabalik sa dati. Isang umaga habang abala akong nagluluto dito sa kusina. Nasulyapan ko itong nakasaklay at bihis. Nataranta naman akong kaagad lumapit dahil alam kong hindi pa nito kayang mag-isa kahit na may saklay. Nanlalambot at hina kasi bigla ang mga tuhod nito kapag sinusubukan niyang maglakad ng nakasaklay. "Saan ka pupunta?" takang tanong ko na inalalayan ito. "Magpahangin lang" walang emosyong saad nito. "Sandali lang sasama ako" aniko na akmang papasok ng silid pero nagsalita itong ikinatigil ko. "No need. Kaya kong mag-isa. Kakayanin ko, para makaalis ka na sa tabi ko" NANATILI AKO sa kinatatayuan. Kanina pa nakaalis si Louis na iika-ika pa ring nakasaklay pero heto at parang napako ang mga paa ko. Hindi makakilos. Ni hindi makapagsalita. Parang bombang paulit-ulit na sumasabog sa dibdib ko ang sinaad nito. Na kakayanin niyang mag-isa para makaalis na ako. "Ganon mo ba kagustong umalis na ako?" tanong ko sa sarili habang panay na ang pagtulo ng luha ko. Napailing akong nagpahid ng luha. "Tama na Kristel. Mapagod ka na kasi. Mapagod ka ng alagaan siya. Unawain, pagsilbihan, at mahalin" parang hibang kong pagkastigo sa sarili. Mariin akong napapikit na kinakalma ang puso kong parang pinipiga na sa loob. Namimigat ang dibdib na parang matatakasan na ng bait sa mga sandaling ito. "Ano ba kasing meron ka? Bakit ikaw pa? Bakit hindi na lang sa iba tumibok ang puso ko? Bakit sayo pa na napakamanhid at walang pakialam sa akin na nagpapahalaga ng labis-labis sayo" pagak akong natawa na napailing sa sarili. Kahit anong kastigo ko sa sarili na mapagod na. Tama na. Pero salungat ang sinisigaw ng puso kong pilit pinagsisigawang konting tiis na lang. Konting tiis na lang at mapapansin niya rin ako. Ang efforts ko. Ang kahalagaan ko. PALAKAD-LAKAD ako dito sa labas ng penthouse at inaabangan ang pagdating ni Louis. Ilang oras na siya sa labas pero heto at hindi pa rin bumabalik. Hindi ako mapakali sa kakahintay dito. Napa-praning na nga ako sa pag-aalala kung nasaan na ito. At kung may nangyari ba? "Nasaan ka na ba?" panay ang linga ko sa gawi ng elevator sa tuwing tumutunog iyon at may mga taong lumalabas. Pero inabot na ako ng ilang oras kakahintay dito ay hindi pa rin siya bumabalik. Napapamasahe ako sa mga hita kong naninigas at ngalay na sa kakatayo, at palakad-lakad. Nalipasan na nga ako ng gutom kakahintay dito pero mukhang mas nag-e-enjoy nga itong wala ako sa paligid nito. Mapait akong napangiti sa sarili. Kahit harap-harapan niya ng sinasabi, pinapadama at pinapakita sa aking hindi niya ako kailangan ay heto pa rin akong umaasa, nagbabaka-sakali na makukuha ko rin ang puso niya. Napaayos ako ng tayo nang sa wakas ay lumabas na ang lalakeng kanina ko pa hinihintay! Bumilis ang t***k ng puso kong napalapad ang ngiti na makita ito. Pero kaagad ding napalis ang ngiti ko na mabungaran ang nakasunod ditong inaalalayan ito. "L-Liezel" mahinang sambit kong napalunok na nakamata sa mga ito. Nakaalalay kasi ito kay Louis at bakas sa mukha nito ang kaligayahan na nandidito si Liezel. Nakaalalay sa kanya. "Buddy! What's up!?" masiglang bati nitong napayakap sa akin. Napaiwas ako ng tingin kay Louis na ginantihan ang yakap ng bestfriend ko. Alam ko namang walang kasalanan si Liezel. At hindi niya tinutulungan si Louis na may ibang ibig sabihin. Tumatanaw lang siya ng utang na loob dito sa pagkakasagip nito noon sa kanyang buhay. At nirerespeto rin niya ang nararamdaman ko para kay Louis. Bagay na ipinagpapasalamat ko dahil suportado niya akong ipagpatuloy lang ang pag-aaruga dito. Pinapalakas ang loob ko na balang araw ay makikita rin ni Louis ang halaga ko. At ma-realize kung sino talaga ang mahal nito. "Maayos naman. Ikaw ba?" baliktanong kong napangiti dito. Napakaaliwalas ng kanyang mukha at kitang blooming na blooming ito ngayon na asawa na si Montereal. Parang kailan lang noong hinahabol-habol niya rin si Cedric na ipinagtatabuyan siya. Pero ngayon heto at mag-asawa na sila. Masayang magkasama. "I'm good as you can see buddy" masiglang saad nitong inakay muli si Louis na ikinangiti kong pinagbuksan ang mga ito ng pinto. "Careful. Don't rush" panenermon nito habang inaalalayan si Louis na pumasok ng unit. Mapait akong napangiti habang nakasunod sa mga ito. Kaya naman pala nagpumilit na lumabas mag-isa. Dahil parating si Liezel na malamang ay sinalubong nito sa airport. Tumuloy ako ng kusina para ipaghandaan ang mga ito ng meryenda. Magkahalong tuwa at lungkot ang nararamdaman ko sa pagdating nito. Masaya akong binisita kami nito kahit na busy din naman siya sa negosyo nila. At may puwang din sa puso ko ang nalulungkot dahil kita ko kung gaano kasaya ang lalakeng mahal ko na makita ang babaeng hanggang ngayo'y mahal na mahal pa rin niti. Napahinga ako ng malalim na pilit pina-normal ang itsura at kilos bago lumabas ng kusina dala ang sandwich at juice na ginawa ko para sa mga ito. Kahit nasaktan akong nakita na nagkakatawanan ang mga itong nagkukwentuhan ay umakto akong parang wala lang. Ayoko namang mailang si Liezel lalo na ang mainis sa akin si Louis. "Thanks buddy" malambing saad nito na dinampot ang juice at naunang inabutan si Louis na abot tainga ang ngiti at kakaiba din ang kislap ng mga mata. Mga kislap na tanging si Liezel lang ang nakakapagpalabas. "Hanggang kailan ka dito buddy?" pasimpleng tanong kong naupo kaharap ang mga ito. Napanguso naman itong napahinga ng malalim. "Babalik din ako mamayang gabi ng bansa buddy. May dinaluhan lang akong kumpanya ng bagong investors sa malapit kaya dumaan na ako para makumusta kayo" anito na ikinangiti at tango ko. "Hindi ka ba pwedeng matulog dito. Isang gabi lang naman eh" paglalambing ni Louis na ikinalunok ko. "Uhmm...o sige. Hindi naman big deal ang hiling mo eh. Pasalamat ka mahal ko kayong dalawa at namimis ko na rin kayo ni Kristel" nakangiting sagot nitong ikinalapad ng ngiti ng kaharap at napayakap pa dito. Natatawa namang ginulo ni Liezel ang buhok nito. "Thank you Liz" parang batang paglalambing nitong napapanguso. Kahit nasasaktan ako ay masaya na rin akong makita kung paano siya maglambing at ipakita ang pagiging childish niya. Hindi man sa akin. Ang mahalaga naman ay masaya siya. Kahit na, ikinadudurog ko naman iyon. Nang sobra-sobra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD