Kristel:
NANGUNOTNOO AKO na napasapo sa ulo. Sobrang kirot at bigat nito na parang inaatake ako ng matinding migraine!
"Urrggh" namamaos ang boses kong daing.
"Ayan inom pa" napadilat ako ng mga mata na marinog ang boses ni Louis na nasa...tabi ko?!
"Louis!? Urgghh! Anong ginagawa mo dito?" gimbal kong bulalas na napapadaing sa lalong pagkirot ng ulo ko!
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" sarkastikong tanong nito. Napapilig ako ng ulo na naguguluhang napatitig dito.
"Bakit? Ano bang ginagawa ko?" baliktanong ko ditong napahilamos ng palad sa mukhang nagpapantig ang panga.
Napalunok akong kinabahan sa nakikitang galit dito. Na parang may nagawa akong kasalanan dito.
"Umalis ka na lang. Hindi ko kailangan ng awa at kalinga mo" walang emosyong saad nitong ikinanganga ko.
"Ano?" napatayo itong napapahilot ng sentido.
"Leave Kristel. Doon ka na. Sa lalakeng magdamag mong kasamang nagliwaliw" madiing saad nito na lumabas ng silid.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinaad nito. Kahit paulit-ulit ko na nitong sinabi sa akin ang katagang 'yon na umalis na ako. Pabayaan na siya dahil hindi niya ako kailangan ay hindi ko pa rib maiwasang masaktan sa tuwing pinapaalos ako nito. Na pinapamukhang.....hindi niya ako kailangan sa tabi nito.
Napayuko akong hinayaang tumulo ang luha. Para akong kinukurot sa puso. Kahit sanay na ako dito ay nakakadama pa rin ako ng kirot sa pambabalewala nito sa akin. Na kahit anong gawin kong pag-aruga dito ay hindi ako kailanman magiging kasinhalaga ng kaibigan ko sa puso nito.
Maya pa'y muling bumukas ang pinto ng silid ko. Hindi ako nag-angat ng mukha dahil ramdam at amoy ko naman ang pamilyar niyang prehensya at pabango. Napahinga ito ng malalim na naupo sa gilid ng kama.
"I'm sorry. Kumain ka muna. I prepared some mushroom and shrimp soup for you" anito na ikinaangat ko ng mukha. May dala nga itong isang bowl ng soup na umuusok-usok pa.
Napalabi akong hinayaan itong sinubuan ako. Kahit nasaktan ako kanina sa sinaad nito ay para naman niyang hinahaplos ngayon ang puso ko sa pang-aasikaso nito sa akin. Unang beses. Ito ang unang beses na inasikaso niya ako. Kaya naman hindi ko mapigilang kiligin ng palihim sa inaasta nito ngayon.
KAHIT HINDI pa siya gaanong nakakagalaw ng maayos. Na iika-ika pa rin siya sa paglakad kahit may saklay ay nagawa niya pa rin akong pagsilbahan ngayong araw. Hindi nga niya ako pinakilos maghapon na kahit ang pagsubo ko ng pagkain ay siya na ang gumagawa. Hindi ko alam kung bumabawi lang ba siya sa pag-aalaga ko sa kanya o may iba pa siyang agenda. Hindi ko tuloy mapigilang kiligin sa loob-loob ko sa inaasta nito. Hindi man siya ngumingiti, o malambing kung makipag-usap ay masaya na ako. Masaya na akong inaasikaso niya sa kabila ng kalagayan niya. Na kahit nahihirapan siyang nagkikikilos ay hindi naging hadlang iyon para paglingkuran ako ngayong araw.
Naalimpungatan akong pasado alasdyes na ng gabi. Wala na rin si Louis dito sa silid ko na kanina lang ay katabi ko sa kama. Inaantok akong lumabas ng silid para silipin kung lumipat ba siya ng silid niya pero natigilan ako pagkalabas na masulyapan siya sa gawing kusina.....umiinom. Napalunok akong matamang nakatitig ditong bakas ang lungkot sa mga mata. Panay ang tungga nito sa shot nito na kay lalim ng iniisip.
Napahinga ako ng malalim na napagpasyahang lapitan ito. Hindi pa naman kasi siya pwedeng uminom kung tutuusin.
"Louis" nag-angat ito ng mukhang ikinalunok ko.
Kitang lasing na lasing na nga ito sa malapitan. Namumungay na ang mga matang namumula. Kung saan mababakasan mo ng matinding kalungkutan at pangungulila na alam ko naman kung para kanino. Sino pa ba? Si Liezel.
"Tama na 'yan" awat ko sa akmang pagtungga na naman nito sa alak.
"Umalis ka nga. Hindi kita kailangan sabi. Bakit ba ang manhid mo hah? Hikk" lasing na singhal nito.
"Paano kita iiwan? Kung maiiwan kang mag-isa huh?" tumulo ang luha ko. Napatitig lang naman itong kitang namumula na ang buong mukha maging leeg dala ng kalasingan.
"Sinong titingin sayo? Sinong maghahanda ng mga kailangan mo? Sinong mag-aalaga sayo dito?" patuloy kong tanong na panay ang pahid sa luha. Pilit itong tumayo na napatukod ng kamay sa gilid ng lamesa.
" Yon lang ba huh? Kukuha ako. Kukuha ako ng ibang gagawa non. Mag-aalaga sa akin. Mag-aasikaso sa akin" pagak akong natawang napatango-tango.
"So mas gusto mong magpaalaga sa iba kaysa sa akin ganon ba huh?" sarkastikong tanong ko na ikinangisi nito.
"Ganon na nga. Mas okay 'yon. Dahil inaalagaan ako kasi gusto nila, kasi may bayad sila, kasi trabaho nila. Hindi katulad mo, nandidito ka dahil naaawa ka sa akin. Sinabi ko na 'di ba? Hindi ko kailangan ng awa mo. Hindi kita kailangan dito. Pwede ba? Iwanan mo na lang ako" napalapat ako ng labing pinipigilan mapahikbi kahit sobrang bigat na ng dibdib ko.
"Hindi ko kayang ibigay ang gusto mo Kristel. Hindi kita mababayaran kaya umalis ka na. Alis" napahagulhol itong tinutulak-tulak ako sa balikat. Napakuyom ako ng kamaong nakamata lang dito.
"Hindi mo naiintindihan kung gaano kahirap at kasakit sa akin na pati ikaw na bestfriend ko nakakulong sa lintik na unit na 'to. Para masamahan ako na isang pilay at walang pamilyang nagmamahal. Matanong nga kita, kung papipiliin kita ng mapapangasawa mo. Si Cedric o ako? Sinong pipiliin mo huh? Si Cedric 'di ba? Si Cedric! Si Cedric! Si Cedric! Puro kayo si Cedric! Ano bang meron siya!? Anong meron siya na wala ako?! Sabihin mo!?" sunod-sunod na sigaw nitong napapahagulhol.
Napayakap ako ditong hindi na napigilang mapahagulhol sa pagwawala pa rin nito.
"Tama na. Bakit mo ba kasi kinukumpara ang sarili mo sa iba? Hindi ka si Cedric at hindi mo kailangan maging siya para magustuhan ka ng iba. Louis meron ka din na wala siya, may sarili kang version, hindi mo kailangang makipagkumpitensya sa kanya" pilit itong kumawala sa akin na napailing.
"Kristel nawala na lahat sa akin magmula ng dumating siya sa buhay ko"
"Louis nandito naman ako. Nandito pa ako" napailing itong nagpahid ng luha.
"Pero hindi ikaw ang kailangan ko. Hindi ikaw ang gusto kong nandidito" mapait akong napangiti na pinahid ang luha nito at matamang tinitigan sa kanyang mga mata.
"Gusto mo na ba talaga akong umalis? Yon ba talaga ang gusto mo? Ang iwanan na kita?" napaseryoso itong pinakatitigan ako sa mga matang tila sinusuri kung seryoso ba ako. Tumulo ang luha ko nang tumango-tango ito.
Napayuko akong napahagulhol na mahigpit humawak sa kamay nito. Para akong pinipiga sa puso. Pakiramdam ko'y naupos na ako. Na wala ng lakas na natitira para manatili sa tabi nito. Hindi ito umiimik pero hinayaan lang akong umiyak sa harapan nito hanggang sa makalma ko ang sarili. Sinisinok akong nagpahid ng luha at ngumiting tiningala ito.
"Pwede bang humiling? Kahit ngayong gabi lang Louis. Pagkatapos ng gabing 'to? Hindi mo na ulit makikita ang mukhang ito" napalunok ito na kalauna'y tumango. Napalapat ako ng labi at dahan-dahang hinubad ang kasuotan sa harapan nitong ikinatigil nitong napalunok.
"Kristel" umiling ako sa akmang pagpigil nito sa ginagawa ko.
"Kahit ngayong gabi lang. Pwede ko bang maramdaman, maranasan, madama kung paano magmahal ang isang Louis Montereal? Isang gabi lang Louis. Tumingin ka naman sa akin. Maging especial naman ako sa paningin mo, ito lang....ang una at huling hiling ko sayo--" hindi pa man ako tapos magsalita ay sinakop na nito ang mga labi ko ng isang malalim at mapang-angking halik na ikinatulo ng luha ko kasabay ng unti-unting pagpikit kong niyakap ito at buong pusong tinugon ang mga labi nito!
BAWAT HAPLOS, bawat halik nito sa katawan ko ay kinakabisa ko. Dahil ayokong makalimutan ang gabing ito. Kahit masakit sa aking kinailangan ko pang hilingin para maranasan ito dito ay masaya akong may babaunin akong maganda at masayang ala-ala sa paglayo ko bukas dito. Kagaya ng gusto niya. Katulad ng lagi niyang sinasabi. Mas nakakakilos na siya ngayon, kaya mas kampante na ang loob kong umalis at ipagkaloob ang noon niya pa hinihingi sa akin..Ang iwanan siya dahil hindi niya ako kailangan.
Mariin akong napapikit. Dinadama at tinatanggap ang may karahasan niyang galaw mula sa likuran ko habang nandidito kami sa kusina at nakadapa ako sa lamesa. Matapos naming makaraos ay hinila ako nito sa gawi ng lababo at dito muling inangkin. Kahit maririin bawat pag-ulos nito at nasasaktan ako ay kakaibang ligaya pa rin ang nangingibabaw sa puso kong nakikita kung paano mag-apoy ng matinding pagnanasa ang mga mata nito! Hindi man niya sinasambit ang pangalan ko ay masaya na akong atlis niya sinasambit ang pangalan ni Liezel katulad dati.
Kung saan-saang parte nitong penthouse ako paulit-ulit na inangkin nito. Kaya halos wala na akong lakas nang tuluyan na akong lunabas ng unit dala ang maleta ko. Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta lalo na't biglaan ang pag-alis ko. Mabigat sa loob ko na iwanan na nga ito. Pero dahil tumupad siya sa hiniling ko ay marapat ding tumupad ako sa kapalit. At 'yon ang iwanan na siya ditong.....mag-isa.
Napatitig ako sa pinto ng penthouse na may mapait na ngiti sa labi. Mahigit isang taon ko ring naging tahanan ang unit nito. Hindi man naging masaya ay buhay ko sa unit na ito ay masasabi ko namang hindi ako nanghihinayang na sinamahan at ginugol ang oras sa kanya kasama ang unit na naging tahanan naming dalawa. Sa lungkot, karamdaman, at hirap.
"Paalam mahal ko. Kung ito na ang huling beses na magtagpo tayo, hiling kong sana......sana makatagpo ka pa ng babaeng magmamahal ng higit sa pagmamahal ko sayo. Na handa kang samahan sa lahat ng pagkakataon. Handa kang damayan, handa kang pakinggan, handa kang ipaglaban at samahan sa lahat ng oras. Patawarin mo ako, akala ko mapaninindigan ko. Akala ko kaya ko. Pero nagkamali ako. Nakakapagod din pala Louis. Nakakapagod ka din pa lang hintayin, at mahalin..."
Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang elevator bago pa man magbago ang isip ko. Akmang pasara na ang pinto nang may pumigil dito!
"Kristel!!" napaangat ako ng mukha sa tumawag sa akin. Napalabi akong lumuluha kahit ramdam kong namumugto na ang mga mata ko.
"Hwag kang umalis" napahagulhol akong umiling ditong nagsusumamo ang mga mata at nag-alpasan ang luha.
"Please"
"Bakit? Bakit mo ba ako pinapahirapan? Binibigay ko na ang gusto mo, ano pa ba? Ano pa ba ang kailangan mo? Louis, ubos na ako. Ubos na ubos na ako. Hayaan mo namang buoin ko ang sarili kong wasak na wasak na dahil sa lintik kong pagmamahal sayo!" garalgal kong sumbat dito.
"Maaatim mo talagang iwanan ako huh? Sabi mo mahal mo ako? Pero heto ka at iiwan din ako?" pagak akong natawa na napailing dito.
"Hindi ba't ito naman ang gusto mo? Ang iwanan kita at magpakalayo-layo ako sayo?" sarkastikong tanong ko. Napalunok ako nang pumasok ito ng elevator at walang ano-anong siniil ako sa mga labi kong ikinatuod ko sa kinatatayuan!
"Hwag kang umalis, hwag mo'kong iwan. Oo na, naniniwala na ako sa pagmamahal mo. Na dahil sa pagmamahal mo kaya ka nagtitiis sa piling ko. Hindi dahil naaawa ka lang sa akin dahil walang titingin sa akin dito" napalabi akong tiningala itong may matamis na ngiti sa labi habang nakakulong ang mukha ko sa dalawang palad nito.
"Totoo? Ayaw mo akong umalis?" napapalabing nagdududang tanong ko. Natawa itong niyakap ako ng mahigpit at pinaghahalikan sa ulong ikinangiti kong niyakap na rin ito.
"Opo. Hwag kang umalis. Hindi ko kaya my angel, hindi ko kayang mawala kita"