Kristel:
KASALUKUYAN KAMING nagkakasiyahang magkakaibigan dito sa bar nila Liezel na tambayan namin at may kanya-kanyang kausap na natipuhan naming grupo. Mas matured nga lang ang mga ito sa amin na halatang galing sa royal blood.
Magkakaibigan din ang mga itong anim na galing Turkiye at mga bakasyunista dito.
Pasimple kong sinilip ang phone kong nagva-vibrate sa bulsa ko at halos mapatalon ng mabasang si Louis ang caller.
Lumabas na ako ng vip room at sinenyasan ang mga itong may tawag lang ako na ikinatango lang nila kaya mabilis na akong lumabas.
"H-Hello?" pormal kong sagot at pilit kinakalma ang puso kong tumatalon-talon at nagpapagulong-gulong na sa loob ng ribcage nito!
"H-Hi, ahm nakakaistorbo ba ako my angel?" mariin akong napapikit at napatakip ng bibig at impit na napatili sa itinawag nito sa aking 'my angel!'
"Hindi naman, napatawag ka?" sagot ko nang mapakalma ko bahagya ang puso ko.
Napahawak ako sa dibdib at napasandal sa glass wall habang pigil hininga kong hinintay ang sagot nito sa kabilang linya.
"Ahm, ayahin sana kita bukas ng lunch. Kung p'wede" malambing pang tanong nito na muli kong ikinaimpit na tili!
Parang lalabas na ang puso ko sa sobrang kilig at tuwa na nararamdaman ko ngayon! Niyayaya na niya ako?! What next? Pakiramdam ko'y bumabalik ako sa pagiging teenager na kinikilig kay crush habang kausap ito!
"Hmm.. I'll think about it" simpleng sagot ko.
"I hope it's a yes my angel" napapapadyak na ako ng paa sa muling pagtawag nito sa akin ng my angel.
"Okay night" paalam ko kahit gusto ko pa sanang makakwentuhan ito pero baka makahalata itong may gusto ako sa kanya. Ayo'ko namang mailang ito sa akin at lumayo bigla. Sapat na sa akin na nagiging malapit na kami sa isa't-isa. Kahit manatili na lang kaming magkaibigan kung sa ganoong paraan ko siya malayang makakasama ay bakit hindi?
"Good night my angel, sweet dreams bye" kaagad ko nang ibinaba ang tawag nito at pinakawalan ang pagtili kong kanina ko pa pinipigilan!
"Yeah, I'm your angel baby muuwwaah!" pagkausap ko sa phone at hinalikan pa ito.
"Awww!! What the-" natigilan ako at napahaplos sa batok ko ng may mambatok sa akin mula sa likuran ko.
Napaayos ako ng tayo ng mabungaran si Naeya na siyang magaling na nangbatok sa akin. Nauntog pa ako sa salaming kinasasandalan ko!
"Sino 'yon? My angel" panunukso nitong ikinainit ng mukha ko at 'di mapigilang mapangiti.
"Wala" pagkakaila ko at inakay na ito pabalik ng room.
"Hoy Villaflor, kabisado ko ang likaw ng bituka mo. H'wag ako hmm?" panunuri pa nito na parang judge na humahatol!
"Sige ka sasabihin ko sa barkada ang-"
"Fine, it's my long time crush" agarang sagot kong ikinatingil nito at nanlalaki pa ang mga matang tumitig sa akin.
Napangiwi akong binatukan ito dahil para na itong may sayad na napapat*nga sa akin na napapapilig din ng ulo!
"Araay huh! Masakit 'yon" mahinang asik nito na napakamot ng batok.
Natatawa ko naman itong inakbayan papasok ng vip room na akupado namin.
"H'wag ka na munang maingay please, ayo'kong malaman niyang may gusto ako sa kanya" tumigil ito sa pagbukas ng sliding door at tumitig sa akin na nakangisi kaya 'di ko maiwasang kabahan sa nababasang tumatakbo sa utak nitong may pagkasayad pa naman!
"Fine, I'll keep your secret in one condition buddy" sabi na eh, paniguradong gagamitin niya ang alibi niya para mapaamin ako dito.
"Okay" sumusukong pagpayag ko na pinaniningkitan itong ngising-ngisi sa akin.
"Who is he?" napahinga ako ng malalim at napahilot ng sentido.
Sabi na eh, aalamin niya 'yong guy at kung 'di ko sasabihin? Ibubuking ako nito sa grupo at pagtutulungan hanggang mapaamin.
"It's.... Louis. Louis Montereal" natigilan itong matamang akong tinitigan sa sinagot ko.
"Montereal? The son of sen. Frederick Montereal?" kunotnoong tanong nito na ikinatango ko lamang.
Napatakip pa ito ng bibig na nanlalaki ang mga mata sa akin na tila hindi makapaniwala sa narinig.
"Oh my! That handsome varsity Captain!" tili pa nito na inuga-uga ako sa braso kong kinapitan nito.
Natatawa kong binaklas ang kamay nito at pinaningkitan ito dahil plano pa yatang ihiwalay ang braso ko sa akin sa lakas ng pagyugyog nito.
"Don't over react buddy, magkaibigan lang kami" paglilinaw kong ikinataas ng kilay nito at muli akong binatukang ikinalaki ng mga mata ko.
"Gaga ka rin eh, may kaibigan bang panay ang tili at pag-irit mo kung magkaibigan lang kayo ng Montereal na 'yon? Baka naman ibig mong sabihin buddy, Magka-ibigan. Magkaiba kasi ang ibig sabihin ng magkaibigan sa magka-ibigan" napangiwi akong ginantihan ng batok ito ng maalog konti ang utak!
Pinandilatan pa ako ng mga matang ikinataas ng kilay ko na nakangisi dito.
"Magkaibigan lang kami Almonte, h'wag kang oa at maingay" napakibot-kibot pa ang pinatulis nitong nguso na tila sinasabing hindi naniniwalang magkaibigan lang kami ni Louis.
"Okay sabi mo eh, manonood na lang ako" panunudyo pa nito at hinila na akong pumasok ng room.
KINABUKASAN AY naabutan ko pa si Louis na naghihintay sa kotse nito dito sa parking lot ng school. Mabuti na lang at wala pa ang mga sira-ulo kong kaibigan kaya binuksan ko na ang bintana at sinenyasan itong kaagad umaliwalas ang mukha pagkakita sa akin. Patakbo itong lumapit at sumakay sa passenger seat katabi ko na may malapad na ngiti.
"Good morning!" masiglang bati nito na matamang nakatitig na sa akin.
Napasandal akong mahigpit pa ring nakahawak sa manibela at 'di magawang lingunin ito dahil nakaharap ito sa akin na matamang nakatitig. Pati tuloy puso ko ay 'di mapakali sa ribcage nitong tila pasikip nang pasikip ang espasyo!
"M-Morning" simpleng bati ko na nautal pa.
Mabuti na lang mukhang hindi nito napapansing kabado akong magkatabi kami ngayon sa kotse ko. Nagdidiwang ang loob-loob kong kasa-kasama ko ito ngayon na akala ko'y hanggang pangarap lamang mangyayari.
"Sh*t!"
"Bakit?!" bulalas nito ng malutong akong napamura na nagsidatingan na ang mga kaibigan ko at ngayo'y matamang ng nakatitig sa kotse ko.
Napalingon din naman ito sa harapan na tinitignan ko at kita sa peripheral vision kong natigilan din itong sunod-sunod napalunok.
Napapapilantik ako ng mga daliri nang sabay-sabay pa ang mga itong naglakad na palapit sa amin. Wala sa sariling pinasilab ko ang kotse palabas para makatakas sa mga ito. Hindi nila p'wedeng makitang may kasama ako dahil paniguradong ako ang magiging sentro ng tukso sa grupo namin.
"T-Teka bakit tayo umalis?" takang tanong nito na napapalingon pa sa likuran namin.
"Kumain ka na ba? Ngayon na kita ilibre, hindi ako p'wede mamaya" gusto kong palakpakan ang sarili na kaagad nakaapuhap ng maipapalusot dito ng 'di nasasagot ang tanong.
"Sige, but this time....ako muna ang taya" saglit akong napalingon dito na matamis pang ngumiting ikinarambulan ng t***k ng puso ko!
Ang lakas talaga niyang makalaglag panty sa simpleng ngitian nito! Kaya naman 'di maiwasang pinagkakaguluhan din nila ito sa university at nangunguna ang pangalan nito sa most hot escort ng school na pinagbobotohan buwan-buwan ng mga kapwa namin estudyante.
"Okay" simpleng sagot ko at ipinarada ang kotse sa restaurant nila Buenavista. Maaga pa naman at mamayang 9am pa ang unang subject namin kaya may tatlong oras pa akong free time na makasama ito malayo sa mga kaibigan kong alaskador.
Magkasabay kami nitong bumaba ng kotse papasok ng restaurant. Hindi ko alam kung nararamdaman din nito ang nararamdaman ko sa tuwing nagkakasagi ang aming kamay ay libo-libong boltahe ng kuryente ang nararamdaman ko na ibang-iba ang dating....sa puso ko.
Kahit ang simpleng paghawak nito sa baywang ko ng alalayan ako nitong makaupo ay para akong matutuod ng wala sa oras! Napakaganda pa ng ngiti nitong nagniningning ang mga mata habang magkaharap kami na sabay kumakain.
Napakagana pa nitong tila ginutom ng ilang kainan at 'di naiilang ipakita sa akin kahit na panay ang takaw tingin ko dito.
Nanigas ako ng dumukwang ito at matamang tumitig sa mga labi ko habang hawak ako sa baba paangat ang mukha sa kanya. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha kong sunod-sunod kong ikinalunok dahil ilang dangkal na lang ang pagitan namin.
Para akong mabibingi sa lakas ng pagtibok ng puso kong dumadagundong na sa pandinig ko nang marahan nitong pahirin ng kanyang hinlalaki ang ibabang labi ko at saka sinubo na muntik kong ikinasamid!
Tatawatawa naman itong humirit pang muling pinunasan ng daliri ang gilid ng labi kong isinubong muli! Napaiwas tingin ako ng matamang tumitig sa akin na may pilyong ngiting nakapaskil sa kanyang mga labi.
"You're blushing my angel" tudyo pa nito.
Mariin akong napapikit para kalmahin ang sarili bago ito pinaningkitan pero nangingiti pa rin naman na nanunudyo pa rin ang pagtitig nito.
"Are you affected hmm?" hirit pa nitong kaagad kong inalmahan.
"Nope" napanguso itong pinakibot-kibot pa na ikinatatawa ko sa loob-loob ko. Ang cute niya lang tignan na hindi nag-aalinlangan ipakita sa akin ang pagka-child dish attitude nito na parang komportable na rin siya sa akin....tulad ko sa kanya.
Akmang aalis na kami ng matuod ako sa mga bagong dating na sabay-sabay naglalakad na parang mga reyna at matamang nakatitig sa amin ni Louis na may ngisi sa kanilang labi.
Maging si Louis ay nanigas sa kinatatayuan habang hinihintay naming makalapit ang lima kong kaibigan na nanunudyo ang tingin sa aming dalawa ng kasama ko.
"Hmm...what do we have here?" ani Liezel, nag-iinit ang mukha kong 'di makatingin sa kanila ng diretso.
"Hi handsome, your Montereal right? That varsity captain in university? I'm Irish" saad ni Irish na pinalambing pa ang tono at nanunudyong sinulyapan ako.
Namumula namang nakipagkamayan si Louis sa mga ito na isa-isa nang nagpakilala sa kanya.
"Yes. Louis Montereal it's my pleasure to meet all of you" namumulang pagpapakilala nito sa lima.
"It's an pleasure to met you too cutie, I'm Janaeya" pabebeng saad ni Naeya na kinamayan ito at may matamis na ngiti sa labing matiim nakipagtitigan kay Louis.
"Hi" ganting bati nito.
"I'm Diane baby boy" kitang nahihiya pa itong tinanggap ang pakikipagkamay ni Diane dito na marahang humalik pa sa kamay nitong ikinalunok ni Louis.
"I'm Lira, honey nice meeting you" sunod na pakilala ni Buenavista na bumeso pa kay Louis na lalong ikinapula ng gwapong mukha nito kaya tatawatawa pa sila sa nakikitang pagbaba-blush ni Louis.
Napalunok ako ng si Liezel na ang nagpakilala at parang nag-slow-mo ang paligid ng magngitian silang parang may connection sa pagitan nila. Napasunod akong napatingin ng maglahad si Louis ng kamay dito na tinanggap ni Liezel at tumingkayad pang humalik sa noo ni Louis! Parang libo-libong karayom ang tumusok sa puso ko na makita kung gaano nagniningning ang mga mata ni Louis na matiim nakatitig kay Liezel at gano'n din ito.
"H-Hi"
"Hello, do you know me?" kaagad itong tumango sa tanong ni Liezel na matamis ding nakangiti sa kanya.
Inakbayan naman ako ni Naeya na iginiya paupo dahil 'di ko maiwasang matulala sa dalawa na kitang may ibang pagtingin sa isa't-isa.
"So do I have to introduce myself to you baby?" parang kutsilyong tumatarak sa puso ko ang malambing tanong nito kay Louis na napapat*nga sa kanya habang magkatabi silang nakaharap sa isa't-isa.
"I..I know already who you are Liz" mapait akong napangiti at iniiwas na ang mga mata sa kanilang dalawa. Kita ko rin namang natigilan din ang apat sa nakikita ngayong kakaibang tinginan ng dalawang kasama namin.
Tanggap ko namang si Liezel talaga ang pinakamaganda at angat sa aming anim. Kaya hindi na ako magtatakang naagaw nito ng gano'n kadali ang attention ni Louis sa akin. Pero bakit naman sa dinami-rami ng mga kinaka-fling namin, ngayon pa siya mang-aagaw ng ka-fling ko. Bakit naman kung kailan unti-unti na akong napapalapit sa long time crush ko ay saka siya eeksena.
Hindi ko mapigilang magselos at maiinggit ngayon sa nakikita kung paano nagniningning ang mga mata nitong nakatitig sa kaibigan ko.
Mapait akong napangiti ng mapasulyap sa kanilang ngayo'y komportable nang nagkukwentuhan sa harap namin na tila wala kami ditong kasama nila.
At sa uri pa lang ng tinginan nila ay mahihinulaan mo na lamang....na may gusto sila.... sa isa't-isa.