Kristel:
EXCITED AKONG lumabas ng mansion na tumawag si Louis na magkikita raw kami sa labas. Hindi ko alam kung ano itong sinasabi niyang gusto niyang i-celebrate kasama ako pero...sobrang saya kong ako ang tinawagan nito para makasama.
Napapapilantik na ako ng mga daliri habang nagmamanehong binabagtas ang highway papunta sa mall ng mga Montereal na tagpuan namin. Late na nga ako ng sampung minuto dahil sa traffic! Nakakahiya. First time naming lumabas ng kaming dalawa lang ang magkasama pero heto at late pa ako!
Patakbo akong pumasok ng mall pagkaparada ko ng kotse. Halos napapatalon na ako dito sa loob ng elevator dahil nababagalan ako sa pagakyat nito sa floor na kinaroroonan ni Louis. Pasimple kong sinipat ang sarili sa kaharap na salamin at agarang ni-retouch ang light makeup ko. Hinawi-hawi ko rin ang nakalugay kong mahabang unat na buhok kahit maayos pa naman ito. Gusto kong lagi akong presentable sa harap nito, kahit pa ba... magkaibigan lang kami.
Kabado akong lumabas ng elevator at marami-rami na ngang tao dito sa 10th floor kung nasaan ito. Pinagtitinginan na ako ng mga tao ditong namumukhaan ako kaya panay ang bati nila na may matamis na ngiting ginagawad sa aking nginingitian at tinatanguhan ko lang habang pasimpleng nagpapalinga sa paligid kung nasaan si Louis.
Parang lulukso ang puso ko sa sobrang tuwa ng makita ko ito sa tapat ng restaurant na prenteng nakasandal na parang modelo sa salaming dingding. Kahit naka-simple all white ito mula sa white jeans, sneakers, polo at cap ay napakalakas ng datingan nito. Panay tuloy ang papasin sa kanya ng mga babaeng dumaraan sa harap niyang nginingitian din naman niya kaya napapairit pa ang mga ito.
"Hi, sorry traffic eh" napaangat ito ng mukha mula sa pagkakayuko sa cellphone nito at umaliwalas ang gwapong mukha nito na matamis ding ngumiti sa akin at naglakad na palapit.
Pinagbubulungan na rin kami ng mga tao dahil kilala naman nila dito ang nag-iisang tagapagmana ng pamilya Montereal. Si Louis. Ang only child ni sen. Frederick.
Pigil ang sarili kong mapairit ng bumeso pa ito at ginulo ang buhok ko.
"It's okay, pasensiya ka na kahit weekend ginagambala kita" umiling akong nginitian ito.
"Wala 'yon nasa mansion lang din naman ako" saad kong ikinangiti nito lalo at umakbay na sa akin.
Lihim akong kinikilig at 'di mapigilang mapangiti na yumakap na rin sa tagiliran nitong sinabayang maglakad papasok nitong restaurant na katapat namin.
Napapasinghap pa ang paligid na nakamata sa aming dalawa at bakas ang inggit sa kanilang mga mata. 'Di ko tuloy mapigilang magdiwang sa isip-isip ko na parang ka-date ko na ang tinitilihang nag-iisang heredero ng Montereal family.
"Thank you" pakiramdam ko'y nananaginip akong inaasikaso nito ngayon dito sa kanilang exclusive restaurant na nasa romantic date kami.
Kaagad ding lumapit ang waiter at inabutan kami ni Louis ng menu nila. Pasimple kong sinisilip-silip si Louis habang busy na itong pinapasadaan ng tingin ang menu na hawak, kaharap ako.
"May napili ka na my angel?"
"Huh?" nataranta akong namili dahil sa pagkakatulala ko sa kanya na 'di ko namalayan.
"Ahm yeah" agarang segunda ko dahil baka makahalata itong apektado ako sa prehens'ya nito.
"You okay?"
"Aha" tumatango-tangong sagot ko na matamis itong nginitian.
Napakaaliwalas ng gwapong mukha nito at bakas ang kakaibang kinang sa nangungutitap niyang mga mata. Ibang-iba ang dating nito ngayon sa paningin ko sa nakikita ko sa aura nitong halatang napakasaya niya.
"Ano bang meron?" hindi ko na napigilang itanong dito. Lalong lumapad ang pagkakangiti nito at lumipat sa tabi kong hinawakan pa ako sa mga kamay na ikinabilis ng pagtibok ng puso ko!
"Kristel...finally, she said yes!" masiglang bulalas nito na bigla akong niyakap ng napakahigpit!
Nanigas ako sa biglaang pagyakap nito na kitang tuwang-tuwa nga siya sa kung anong bagay! Natatawa akong bumitaw dito at kitang nagpahid pa ng luha. Parang hinahaplos ang puso kong makitang napakasaya nito at naluluha pa talaga!
"Ano ba kasi 'yon" nangingiting tanong ko.
"Girlfriend ko na siya, sinagot na niya ako Kristel!" unti-unting napalis ang matamis kong ngiti sa sinaad nitong paulit-ulit nag-re-replay sa utak ko at paulit-ulit ding dumudurog sa puso ko!
"S-Sino?" nanginginig ang boses kong tanong at pilit ngumiti dito.
"Me, hi buddy, hello babe am I late?" nanigas ako ng marinig mula sa likuran ko ang pamilyar at malambing boses ng isa sa mga kaibigan ko.
"No babe, your just on time. Come here" hindi ako makakilos.
Tumayo na si Louis at inakay ang kaibigan ko sa kaharap kong silya. Napapalunok akong napaiwas tingin sa mga ito ng humalik pa si Louis sa noo nito bago inalalayang pinaupo sa silya.
"Thank you" malambing saad nito.
"K-Kayo...? P-Paano?" bumaling ang mga itong napakalapad ng ngiti sa akin.
"Ahm, actually kasasagot ko lang sa kanya buddy. Matagal na siyang nagmi-message sa akin, hindi ko lang pinapansin kasi 'di naman siya lumalapit sa atin personally. Thanks to you buddy, dahil sayo nagkaroon ng tulay si Louis na makalapit sa akin" pilit akong ngumiti at napapahid ng luha. Parang kutsilyong tumatarak sa puso ko ang mga sinaad ng kaibigan ko tungkol sa kanilang dalawa.
"I'm happy, Masaya ako para sainyo. Congratulations, sana magtagal kayo" bati ko kahit labag sa loob ko para lang hindi sila makahalatang nasaktan ako lalo na't napakalakas ng instinct ng kaibigan kong ito.
"Thanks Kristel, you're really my angel. Our angel" napatango-tango ako sa sinaad ni Louis na sabay pa nilang hinawakan ako sa kamay.
"Thank you buddy, I owe you this"
"Anything for you buddy, as long as it's make you happy" madamdaming saad kong ikinatayo nito at niyakap ako mula sa likod ko.
"I'm really happy you are one of my bestfriend Kristel, thank you" tumulo ang luha kong yumakap sa mga braso nito.
"Me too Liezel, I'm happy that you're my bestfriend. Please take care of him"
"Yeah, I will buddy. I will" natatawa na itong kumalas sa dramahan namin ng dumating na ang dalawang waiter dala ang mga order namin. Bumalik na rin ito sa upuan nito na muling inalalayan ni Louis.
Mapait akong napangiti at napapaiwas na lamang ng tingin sa lambingan ng mga ito. Ang kaninang masaya at puno ng siglang araw ko ay unti-unting nagbago at nasira. Pakiramdam ko'y naagawan ako kahit hindi ko naman talaga pag-aari si Louis. Ang sakit. Sobrang sakit na para akong nanggaling sa heartbreak. Bakit siya pa? Bakit sa kaibigan ko pa? Ang hirap lang tanggapin. Nilapitan niya lang ba ako para makalapit siya sa kaibigan ko? Bakot kay Liezel pa, mas kaya ko pang tanggapin kung sa iba na lang. Parang isang malaking sampal sa akin ang katotohanan na hindi ko kailanman mapapantayan ang kaibigan ko....sa lahat ng bagay.