Kristel Kate Villaflor:
SERYOSO AKONG nagbabasa ng novel book ko habang nandito kami sa bleacher ng gym court ng university namin kasama ang mga kaibigan ko. Almost four years na rin kaming magkakaibigan at pinatibay ng panahon ang mga napagdaanan naming anim na magkakasama.
Si Liezel Del Prado, ang leader ng grupo namin. Siya rin ang may-ari ng university na pinapasukan naming magkakaibigan. Sama-sama kami sa iisang class dahil pare-parehong business add ang kurso namin. Bakit? Dahil sa kagustuhan ng mga magulang naming kapwa mga nangungunang negosyante ng bansa at maging sa Asia!
Si Liezel ay anak ng pamilyang pinakamayaman sa buong pilipinas. Maging abroad ay kilala ang mga negosyo nila sa iba't-ibang larangan.
Si Janaeya Almonte, Diane Casanova, Lira Buenavista at Irish Crawford ay mga anak bilyonaryo din na tanyag ang mga kumpanya dito sa bansa at abroad. Kung tutuusin ay pare-pareho lang naman kaming anim na mga billionaire heirs ng aming pamilya, pero pamilya ni Liezel ang pinakamakapangyarihan sa lahat, kaya siya rin ang leader ng grupo naming tinawag naming 'THE DANGEROUS ANGELS' Bakit? Dahil para kaming mga anghel na bumaba sa lupa pero may kakambal na demons sa katangian na nagtatago sa maamo at perpektong panlabas naming anyo.
Lihim akong napapasulyap sa mga naglalarong basketball varsity ng school namin sa pangunguna ni Captain Louis Montereal. Ang nag-iisang anak ng isa sa pinakatanyag at mayamang angkan dito sa bansa. Kasalukuyan ding nangungunang senador ng bansa ang ama nito. Si Sen. Frederick Montereal.
Halos apat na taon ko na rin itong lihim na sinusubaybayan. Hindi ko lang malapit-lapitan at nagkakasya sa pagsulyap-sulyap dito dahil maging ito ay napapatulala sa aming anim sa tuwing napapadaan kami.
Katulad na lamang ngayon. Panay ang takaw tingin nito katulad ng mga kasamahan namin dito sa bleacher at mga kapwa nito player dito sa gawi naming anim. Habang ang lima kong kaibigan naman ay nababagot sa kanilang iPad sa kani-kanilang nilalaro.
Sa aming anim ako lang ang mahilig magbasa ng novel. Inaantok naman daw ang mga ito sa pagbabasa ng novels at mas gustong manood o kaya'y makinig na lang.
"Let's go girls?" ani Liezel at tumayo na.
Pasimple ko pang sinulyapan sina Louis na kasalukuyang nagdi-dribble pero natigilan at napatingin sa amin dahil sunod-sunod na kaming tumayo. Naghiyawan ang lahat dahil naagaw ng kalaban nila sa kanya ang bola dahil sa pagkakatulala niya sa amin.
Hindi ako sigurado kung sino ang tinititigan niya sa aming anim. Pero malimit ko itong nahuhuling pinagmamasdan kami sa tuwing nasa paligid lang kaming magkakaibigan.
Sanay naman na kaming pinagmamasdan dito sa university. Lalo na't lahat kami ay kilala ang angkang pinanggalingan at kung panlabas na anyo lamang ang pagbabasehan ay daig pa namin ang mga local or international na mga model at actress.
Lalo kaming sumikat ng magsama-sama kaming anim na parang nagsanib-pwersa. Kaya kahit saan kami nakakarating ay nakikilala kami ng mga tao at literal na napapat*nga sa aming anim.
Mabibigat ang mga yabag kong nakasunod sa mga ito ng biglang may humila sa akin pakubli sa likuran ng unang sasakyang nandidito sa parking lot ng school.
Namilog ang mga mata ko at napakurap-kurap ng matingala ito. Tumutulo pa ang mga pawis nito sa basang-basa nitong buhok!
"Hi" nahihiyang bati nito. Hindi ako makakilos at sunod-sunod napalunok sa biglaang paglapit nito.
Napaayos ako ng tayo at humalukipkip sa harap nito. Kahit kabado ako ay pinatatag ko ang sarili at kinalma ang puso kong nagwawala na!
"Yes?" taas kilay kong tanong na pinataray ang tono. Namula itong napaiwas tingin sa mga mata kong lihim kong ikinangiti.
Ngayon ko lang siya malayang natititigan ng malapitan sa halos apat na taon ko ng lihim na pagsunod dito.
"You're wasting my time" kunwari'y ismid ko at akmang aalis na ng pigilan ako nito sa braso.
Napalunok ako at nanigas sa paglapat ng palad nito sa braso ko. Parang libo-libong boltahe ng kuryente ang lumukob sa akin mula sa kamay nitong ikinaiktad ko.
"Sorry" napabitaw ito at napataas pa ng kamay na tila sinasabing hindi siya lalaban dahil sinamaan ko ito ng tingin.
"Ano ba kasi iyon? What do you want?" pagtataray ko. Lihim akong napapangiti na pinamumulaan ito ng pisngi sa harap ko.
"Ahm, can I....get your number?" parang humaba ang mga tainga ko at gustong mapapaypay ng mga palad sa sarili.
"No" napangiwi ito na lalong pinamulaan.
"Unless sasabihin mo kung bakit mo kinukuha" tuloy ko dahil napapayuko na ito na halatang nahihiya.
Napaangat ito ng mukhang nangingintab na sa pawis nito. Umaliwalas din ang gwapong mukha nito na nangingislap ang mga mata.
"I...I wanna be friends with you, kung p'wede" kahit gusto ko ng magtititili sa narinig dito ay pinilit kong kinalma ang isip at puso ko.
"Friends.." tumatango-tangong ulit ko.
Naglahad ako ng kamay na kaagad nitong tinanggap kaya lalong nagdidiwang ang puso kong mahawakan ang kamay nito! Para akong kinukuryente sa pagkakahawak ng kamay nitong kumikiliti ng pagkatao ko particular sa puso ko!
Sa laki ng kamay niya ay nagmistulang kamay ng paslit ang kamay ko.
"What are you doing, ang phone mo ang inaabot ko. Gosh" paismid ko at pilit binawi ang kamay kahit pa gustong-gusto ko ang pakiramdam na magkahawak ang mga kamay namin!
"Ahehe"
"Ahehe" nangingiwing pilit na ngiti nitong ginaya ko kaya napatikom ito ng bibig at napatikhim pa.
Pagkaabot nito ng phone ay ni-save ko na ang number ko doon. Kahit sinabi nitong gusto niya lang makipagkaibigan ay labis-labis na tuwa ng puso kong kahit paano ay unti-unti na akong napapalapit dito.
"Here" napataas ang kilay ko ng abutin niya ito at biglang umakbay na ikinalunok ko at nagpawala na naman ng puso kong napakalakas ng pagkabog! Para akong pinatakbo ng milya-milya sa sobrang bilis ng t***k nito sa pabigla-bigla nitong galawan!
"Let's take selfie together, para may proof akong kaibigan ko ang isa sa mga Dangerous Angels" masiglang saad nito at tinapat na ang camera sa amin na nakaakbay ito.
"Ayusin mo naman, ngumiti ka kaya" hirit pa nito at pinagharap kami ng posisyon.
"Fine" kunwari'y sumusukong pagpayag ko at sinamantalang yumakap sa baywang nito.
Natigilan naman ito sa biglaang pagyakap ko na ikinatawa ko sa loob-loob. Matamis akong ngumiti sa camera ng phone nito ng i-click na nito iyon at nag-take pa ng ilang selfie namin bago ako pinakawalan sa pagganti nito ng yakap sa akin.
"Thank you, Kristel" naglahad ito ng kamay na pormal kong kinamayan.
"Ayo'ko ng makulit huh? I'll block you kapag nangiistorbo ka na walang magandang dahilan" tumango-tango itong napakalapad ng ngiti kaya napapangiti na rin akong nakipagkamayan dito.
"Louis Montereal" banggit pa nito sa pangalan nitong akala yata ay 'di ko alam.
"Okay, nice meeting you.... Louis" painosente kong banggit sa pangalan nito na lalo niyang ikinangiti.
"Sige na, bumalik ka na sa laro niyo. Paalis na rin kami" paalam ko at kahit gusto ko pa sana itong kakwentuhan na hawak ang kamay ay kailangan kong pigilan at sawayin ang sarili para hindi ito mailang sa akin.
"Okay, ingat ka. See you tomorrow...ms Kristel Kate Villaflor" kindat pa nito at patakbo ng bumalik sa loob ng gym.
Napapailing na lamang akong napasunod ng tingin dito. Pumihit pa itong nag-wave at flying kiss sa akin na sinalo ko at kunwari'y dinurog ko lamang na ikinatawa at iling nitong nag-finger-heart pa habang may matamis na ngiti bago tuluyang pumasok ng gym.