A FEW MONTHS LATER Kristel:
NAALIMPUNGATAN AKO mula sa pagkakasubsob ko sa gilid ng kama ni Louis nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng mga machine na konektado sa mga aparatus na nakakabit dito!
"Louis!? Louis!?" natataranta akong hindi malaman ang hahawakan dito! Nagsidatingan din naman kaagad ang mga doctor at nurses na inasikaso ito habang iginiya ako ng isang nurse na sa labas muna ng silid maghintay!
Nanginginig ang buong katawan ko sa halu-halong emosyong nararamdaman ko! Natatakot din ako na baka hindi ito maka-survive at kunin na siya sa akin! Panay ang tulo ng luha kong piping nagdarasal na sana makaligtas ito. Na sana bigyan pa ako ng pagkakataon makapagtapat dito.
"Louis please . ... fight for me. I'm still here waiting for you" hindi ko na mapigilang mapahagulhol na nanghihinang napasandal ng dingding. Nangangatog ang mga tuhod na dahan-dahang napadausdos pasalampak ng sahig! Hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang mawala sa gantong paraan. Ang bata pa niya. Masyado pang maaga para kunin na siya at makapagpahinga. Para akong basang sisiw sa mga sandaling ito. Walang kasama. Walang kaibigan. Walang karamay sa ganto kabigat na pinagdadaanan.
Ilang sandali lang ay isa-isa ng naglalabasan ang mga nurse at doctor na ikinatayo ko at pahid ng luha ko. Nangangatog ang mga tuhod ko na pilit kong nilalabanan at humarap sa mga itong may alanganing ngiti.
"Ahm, how is he doc?" baling ko sa isang doctor na napahinga ng malalim at bahagyang tumangong may tipid na ngiti sa mga labi.
"He's stable now. Let's just wait 24hours for him to awake" namilog ang mga mata kong napatutop ng palad sa labi. "But unfortunately, he can't walk anymore unless " may mga sinabi pa ito pero para ng tinatangay sa kawalan ang utak at diwa ko.
Parang bombang sumabog sa dibdib ko ang huling sinaad nito! Hindi na siya makakalakad? Hindi na makakalakad pang muli si Louis? Mga katanungan na paulit-ulit nagri-replay sa utak ko habang nakatulala sa kawalan!
Napailing akong parang pinagsakluban ng langit at lupa. Gising na nga siya pero mababaldado naman? Iisipin ko pa lang ang magiging reaks'yon nito ay ako na ang pinipiga ang puso para sa kanya. Paano ko pa ito sasabihin dito? Nawala na sa kanya ang lahat-lahat. Pati ba naman mga paa niya ay mawawala na rin sa kanya?
Tulala akong pumasok ng silid nito at kitang naalis na nga ang mga tubo at aparatus na nakakabit dito. Tanging ang oxygen at suero na lamang nito sa kamay ang natira. Sa ilang buwan niyang pananatili dito sa hospital na nakaratay sa kama ay bahagyang pumayat na ang katawan nito. Humumpak din ang pisngi at nanlalalim ang mga mata. Namumutla na maging mga labi ay wala ng kapula-pula.
Kahit pinipigilan ko ang sariling maluha habang nakamata ditong nahihimbing pa rin ay panay pa rin ang tulo ng mga luha kong hindi maubos-ubos. Mapait akong napangiting naupo sa tabi nito at ginagap ang kamay nitong sobrang putla na. Kitang-kita ang mga ugat at nangayayat na rin na hindi na kasing lambot at init tulad dati.
"Thank you. Hindi mo ako iniwan. Gumising ka na Louis. Mis na mis ko na ang boses mo, ang mga pagtitig mo, ang mga ngiti at halakhak mo" napayuko akong mariing napahalik sa palad nito.
"Pangako hindi ako mapapagod alagaan ka, intindihin ka, samahan ka......mahalin ka" napalapat ako ng labing tahimik na umiyak habang nakadampi ang palad nito sa bibig ko.
Alam kong mahihirapan ako. Lalo na ngayon kapag nagising na siya at malamang kasal na nga si Liezel at Cedric. Nakakulong ang kapatid. Tuluyang nabaliw ang ina. At higit sa lahat? Hindi na siya makalakad. Para akong sinasaksak sa puso sa mga sandaling ito na iniisip ang kalagayan ng lalakeng mahal ko. Pero wala naman akong ibang magagawa para sa kanya kundi ang alagaan siya at samahan hanggang makaya na niya. Hanggang hindi na niya ako . .....kailangan pa.
Awang-awa ako sa kanya. Hindi naman siya masama. Nagmahal lang din siya. Kung saan lahat ay gagawin niya mapasakanya lang ang minamahal.
Napayuko akong tahimik na umiyak sa tabi nito at nagpatangay sa antok at pagod kakaiyak dito.
NAPAKUNOTNOO AKO na maramdamang tila may pinipisil-pisil sa kamay ko. Unti-unti kong idinilat ang naniningkit kong mga mata. Napatitig ako sa kamay namin ni Louis na magkahawak at....bahagyang iginagalaw nito ang hinliliit!!
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig na tuluyang ikinagising ng inaantok kong dugo at diwa na napapakurap-kurap na nakamata sa kamay namin!
Parang sasabog ang puso ko na pigil-pigil ang hiningang nakamata sa kamay namin at napahiyaw na.....muli itong gumalaw!!
"Louis!? Do you hear me baby!? Common wake-up!!" bahagyang pagyugyog ko dito.
Napaawang ang labi kong tumulo ang luha na unti-unting gumalaw ang talukap ng mga mata nito kasabay ng tuluyan niyang.....pagdilat ng mga mata!
"Oh my God!!" napahagulhol akong wala sa sariling nayakap ito at mariing napahalik sa kanyang ulo!
Para akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib na tuluyang nagising na ito! Panay ang pasasalamat ko sa isip-isip na pinagbigyan ng Diyos ang dasal kong magising ito at makaligtas sa bingit ng kamatayang naghihintay dito.
"I-I c-can't breath" mahinang saad nitong ikinatigil ko.
"Oh, sorry" kaagad akong napabitaw dito na nagpahid ng luha!
Nanlalamlam ang mga mata nito na bakas ang pagod sa kanyang itsura. Napangiti akong nahaplos ito sa pisngi na pilit ngumiting napapapikit ng mga matang nanlalalim.
"I'm thirsty" mahinang saad nitong ikinatayo kong kumuha ng bottle water at pinatakan ito ng ilang beses.
"Enough Louis, baka mabigla ka" saad ko na makitang nagrereklamo ang itsura nitong kitang uhaw na uhaw pa rin.
"Fine" napanguso itong napapalunok. Napangiti akong hinaplos-haplos ito sa ulo at matamang tinitigan itong ikinatitig din nito sa akin.
"How do you feel?" malambing tanong ko na ikinaungol lang nito ng mahina.
Bakas ang panghihina pa rin nito na hindi masyadong nakakagalaw.
"Get some rest Louis" pilit itong ngumiti na bahagyang tumango.
Napalunok akong napatitig sa mga kamay namin nang mas humigpit ang pagkakahawak nito doon.
"Don't leave me Kristel, hwag namang pati ikaw mawala sa akin baby" inaantok nitong saad na mariing nakapikit. Tumulo ang luha kong pilit ngumiti kahit nakapikit na ito.
"I won't. I promise" napapahaplos ako sa ulo nito na unti-unti nang lumuluwag ang pagkakahawak nito sa kamay ko.
Maging ang paghinga nito ay naging payapa na. Napahinga ako ng malalim na matamang lang na nakatitig dito. Kahit tulog na siya ay kita sa kanyang mukha ang lungkot na nadarama. Hindi ko pa alam kung paano ipapaalam dito ang mga nangyari habang naka-coma ng ilang buwan. Alam ko naman kasing hindi magiging madali ang lahat na para dito na tanggapin na lamang ang mga nangyari. Lalong-lalo na, ang pagpapakasal ni Liezel at Cedric.