Kristel:
LUMIPAS ANG ILANG buwan at matagumpay kaming nagtapos ng mga kaibigan ko. Ang kaibahan nga lang ay hindi kami kumpleto. Dahil wala na si Liezel dito sa bansa. Naiilang din naman akong magtanong kina Diane kung kailan balak ni Liezel bumalik ng bansa. Nagtapos din si Louis pero hindi dumalo sa graduation namin. Kahit naman nalaman na ni tito Frederick na hindi niya totoong anak ito ay nanatili si Louis sa poder nito lalo na't nasa kulungan ang ina nitong patong-patong ang kasong isinampa ni tito Frederick at tita Sheella dito.
Pero ang hindi ko napaghandaan ang muling pagbabalik ni Liezel ng bansa! Bigla na lamang kasi itong tumawag na nasa airport na kaya hindi ko malaman kung sasama ba ako sa barkada na sunduin ito o hindi na. Pero sa huli ay pinili ko na lamang hwag sumama dahil ayoko namang masira ang mood nito.
KASALUKUYAN AKONG nanonood ng marathon sa silid ko nang mag-vibrate ang phone ko sa bedside table na ikinalingon ko dito. Napakunotnoo ako na nakitang pangalan at mukha ni Liezel ang naga-appear sa screen na sunod-sunod kong ikinalunok at kaba!
"Ahem! L-Liezel?" utal kong pagsagot dito. Pigil-pigil ang hininga habang hinihintay itong magsalita sa kabilang linya.
"Dāmn buddy, where the hell are you!?" napangiti akong tumulo ang luha. Para akong nabunutan ng tinik na muli ako nitong tinawag na buddy!
"Nasa bahay buddy" napapasinghot kong sagot.
"Let's hangout tonight buddy. Same place. I expect you" pagmamaldita nitong kaagad ibinaba ang linya bago pa ako makaapila.
Mariin akong napapikit na nakalapat ang cellphone sa dibdib. Dama ko ang pagbilis ng t***k nh puso ko dala ng labis-labis na tuwang.....magkakaayos na kami ng bestfriend ko!
KABADO AKO habang hinihintay ang mga kaibigan ko dito sa bar nila Liezel. Dinig na dinig ko nga ang malakas na kabog ng dibdib ko habang palapit na ang mga ito. Bakas din naman ang tuwa sa mata ng mga ito na nahihinulaan ng magkakaayos na rin kami ni Liezel at mabubuo ng muli ang dangerous angels na bansag sa grupo namin.
Napalabi akong napayakap dito nang makalapit sa akin na sinugod ako ng yakap. Naghiyawan naman ang apat na napa-group hug sa aming ikinatulo ng luha ko. Para akong nabunutan ng tinik sa mga sandaling ito na nagkaayos na kami at muling bumalik ang sigla at saya ng samahan naming anim!
Pero ang akala naming magiging maayos na ang lahat ay nagkamali kami. Dahil kahit ipinaglaban na ni Cedric si Liezel ngayon ay patuloy pa rin sa paghahabol si Louis dito na pilit silang pinaghihiwalay na dalawa. Hanggang sa lumala nang lumala ang sitwasyon at umabot sa puntong pinutol ni tito Frederick ang lahat ng koneksyon nito kay Louis at pinalayas din ng mansion! Nag-aalala ako para dito pero alam ko namang hindi din biro ang mga pinaggagawa nito para lang hadlangan sina Liezel at Cedric sa kanilang pagmamahalan.
Gusto ko siyang hanapin. Gusto ko siyang tulungan. Lalo na ngayon na walang-wala na ito. Alam kong nahihirapan na siya sa sitwasyong kinakaharap niya dahil lumaki si Louis sa isang marangya at disenteng pamilya. Nakukuha sa isang iglap ano man ang gustuhin niya. Pero ngayon? Kahit mga credit card nito ay pinutol ni tito. At alam kong wala naman itong ibang malapitan dahil nakasilid na sa pihitan ang ina at kapatid nito.
Pero ang akala naming pananahimik nito ay isang maling akala lang pala. Wala kaming kaalam-alam na may mga nangyayari na palang kuntyabahan kung saan ikinagimbal naming magkakaibigan. Nakalabas si tita Catherine ng kulungan at nagpanggap na nawawala sa sariling katinuan. Dala na rin ng impluwensya at connection nito ay nailipat ito sa isang mental hospital kung saan mas nakakakilos siya ng maayos para makapaghiganti kay Liezel at Cedric sa mga nangyari sa kanilang mag-ina.
Parang hindi mag-sink in sa utak ko sa bilis ng mga nangyayari sa paligid ko! Tuluyan na ngang nagbago si Louis at kumampi sa ina nitong maghiganti. Hanggang umabot sa punto na nadakip ng grupo ni tita Catherine si Liezel kung saan sila dapat magha-honeymoon ni Cedric sa Palawan. At dito lalong nagkagulo ang lahat na umabot kami sa puntong....lumabas ang aming pagiging secret assassin.
Sa dami ng nangyari ay para akong nakalutang sa alapaap na naglalakbay ang diwa sa kawalan. Namalayan ko na lamang ang sariling humahagulhol na nakaluhod sa harapan ng chapel nitong hospital at nagmamakaawa sa Maykapal na bigyan pa ng isang pagkakataon ang lalakeng pinakamamahal kong....mabuhay muli.
Sa pagliligtas namin kay Liezel mula kina tita Catherine at Louis ay nagkagulo lalo ang paligid na umabot sa puntong nabaril ni tita ang sarili niyang anak dahil sinalo ni Louis ang balang para sana kay Liezel na tuluyan nitong ikinawala sa katinuan.
"Buddy" nanghihina akong inalalayan ni Lira at Naeya na makatayo.
Para akong nawalan ng lakas sa mga sandaling ito. Kahit ibang-iba na si Louis sa dating sweet, clingy at masayahing lalakeng minahal at nakilala ko ay hindi pa rin non mababago ang katotohanang....mahal na mahal ko pa rin ito.
"Why life is unfair?" mahinang tanong ko na inilingan ng mga itong niyakap akong pinagigitnaan nila.
"No Kristel, life is fair. But people making it unfair" ani Lira na sinang-ayunan ni Naeya.
"What should I do? I can't afford to lose him buddy" tulalang tanong ko. Umiiyak ang puso ko pero wala ng luhang tumutulo sa mga mata kong namumugto at halos hindi ko na maidilat.
"He's fighting buddy. All we have to do is to pray for him" ani Naeya na hinahaplos ako sa ulo. Mapait akong napangiti.
"Do you think he'll listen to us? Look buddy, yes we're not criminal but..... we're also killing people. What's the difference?" aniko na may mapait na ngiting nakamata sa Poong nasa harapan namin. Napahinga ang mga ito ng malalim na sumandal sa magkabilaang balikat ko.
"Don't think that way Kristel. Hindi naman tayo pumapatay ng mga inosenteng tao. Nililinis pa nga natin ang mga naghahasik ng lagim dito sa mundo" ani Lira na ikinalabi kong napapatango.
MATAPOS MAKA-SURVIVE ni Louis sa pagkaka-critical nito ay na-coma naman ito. Walang ibang mag-aalaga sa kanya kaya ako na lang ang nagprisinta. Hindi ko rin naman maaatim na ipaubaya na lang sa mga nurses dito sa America ang pangangalaga dito.
"How are you buddy?" pilit akong ngumiti na nilingon ito.
"Honestly? I don't know buddy" yumakap naman ito mula sa likuran kong ikinangiti kong napasandal dito.
"I'm sorry. It's my fault" umiling akong hinaplos ito sa ulo. Maging ito ay malala din ang natamong pinsala mula sa pagpapahirap ni tita Catherine at Annika na na nakakabatang kapatid ni Louis. At ex girlfriend ni Cedric na obsessed at hinahabol din si Cedric.
"No. Don't blame yourself Liezel. You're a victim here" aniko na pumihit paharap at nginitian itong hinaplos sa ulong naka-benda pa rin ng tela. Puno din ng pasa ang katawan at kitang mahina pa siya.
"Pero nagsimula ang lahat sa akin buddy. Tama si tita Catherine, sa akin nag-umpisa ang kaguluhan" umiling akong ikinulong ang maamong mukha sa kamay ko.
"Nope buddy. Tinama mo lang ang katotohanang binaluktot niya. Wala kang kasalanan. Binalikan lang siya ng kapalaran na siya mismo ang may kagagawan. Stop blaming yourself buddy" pilit itong ngumiti na tumangong ikinangiti kong niyakap ito.
LUMIPAS ANG ILANG linggo at bumalik na sila Liezel at mga kaibigan ko ng bansa. Ako na lang ang naiwan dito sa America kung saan namin dinala si Louis nang mag-agaw buhay siya.
Nangilid ang luha kong pinagmamasdan itong nahihimbing pero puno ng aparatus ang katawan. May tubo sa bibig at nakasuot ng oxygen.
"H-hi" basag ang boses kong pagbati na ginagap ang isang kamay nitong naka-suero.
Tumulo ang luha kong mariing napahalik sa palad nito. Para akong pinipiga sa pusong ikinasisikip ng paghinga kong nakikita sa gantong kalagayan ang lalakeng mahal na mahal ko.
"Gumising ka na please. Pangako. Hinding-hindi kita iiwan. Hinding-hindi mo na muli mararanasan ang mag-isa Louis" pagkausap ko na panay ang pagragasa ng aking mga luha.
Sa ilang linggo niyang pagkaka-coma ay kitang namumutla na itong kulang sa sikat ng araw. Wala pang kasiguraduhan kung kailan ito magigising. At malaki din ang chance na hindi na ito makalakad pang muli kung sakali dahil sa spinal cord ito nabaril ng kanyang ina. Mapait akong napangiti nang maalala kung paano niya niyakap si Liezel at isinangga ang katawan para hindi mabaril ang kaibigan ko.
"Mahal na mahal mo talaga siya. Na maging buhay mo handa mong ibuwis ma-protektahan mo lang siya. Sana....sana ako na lang siya. Sana ako na lang si Liezel. Maramdaman ko manlang, kung paano ka magmahal Louis Montereal"