Kristel:
LUMIPAS ANG MGA araw at pansin kong nagkaka-problema si Liezel sa kanila ni Cedric. Alam kong kagagawan ni Louis kaya biglang umiiwas na ngayon si Cedric sa kaibigan ko pero nanatiling tikom ang bibig ko. Wala din naman akong maitutulong. Hindi kami ganon kalapit ni Cedric, dahil naiilang pa akong lapitan ito lalo na't hindi pa kami nagkakaayos ni Liezel. Pagkatapos makasal ni Lira sa napangasawa nitong anak ng isang gobernador ay nagbago na si Cedric. Kusang umiiwas kay Liezel at kahit hindi ito magsabi sa akin ay kita ko namang apektado ito sa paglayo ng kasintahan. Pero nanahimik na lamang ako.
Gusto ko siyang tulungan. Kausapin si Cedric nang makabawi-bawi manlang ako dito dahil nakikita ko namang mahal na niya si Cedric at hindi lang basta ka-fling ang turing niya dito. Pero lagi din akong nahaharang ni Louis at pinapili pa ako kung kanino ba ako kakampi? Sa kanya? O kay Cedric? Pinili ko siya dahil ayoko namang magkalayo kaming dalawa. Ayokong maging ito ay mawala sa akin lalo na ngayong wala na yatang planong makipag-ayos pa sa akin si Liezel. Na hindi na nga niya ako, tinuturing pang kaibigan. O kahit kakilala.
Lumipas ang mga araw na lalong lumala ang problema sa pagitan ni Liezel at Cedric to the point na umalis si Liezel ng bansa at sa France nagpatuloy ng pag-aaral. At hindi na nga kami, nagkaayos pang muli. Masakit sa akin iyon. Bilang matalik niyang kaibigan at kasangga sa lahat ng bagay. Na umalis siyang hindi kami nagkakaayos. Pero wala naman akong magagawa kundi tanggapin ang desisyon nito lalo na't alam kong nadurog siya sa nangyari sa kanila ni Cedric.
Pero siya namang laking pagbabago sa buhay ni Louis. Laking gimbal ng lahat na lumantad sa publiko ang asawa ni tito Frederick Montereal na kasalukuyang nangungunang senador ng bansa. Kasabay ng paglantad nitong buhay pa ito ay ang paglabas ng totoong heredero ng pamilya Montereal. At 'yon ay walang iba.....kundi si Cedric Isidro!
Dahil sa pagtatangkang pagpātay ni tita Catherine na ina ni Louis kay tita Sheella na ina ni Cedric at pagpapalit ng kanilang anak na pinalabas nitong si Louis ang anak ni tito Frederick na kanyang nasagip bago pa mahulog sa bangin kasama ang ina nitong si tita Sheella ay pinadampot ni tito sa mga otoridad ang live in partner nitong ipinakulong.
Mabilis ang mga pangyayari kung saan sa isang iglap lang ay si Cedric na ang nakatira sa mansion ng mga Montereal. Ang totoong herederong nawawala at tinatago ng inang nagpapanggap lang na baliw at nakatira sa isang iskwater compound sa takot nitong mapahamak ang anak.
Alam kong may kinalaman si Liezel sa mga nangyari. Sa talino niyang assassin, connection at impluwensya ng kanilang pamilya ay mabilis lang dito ang mga bagay-bagay na maisaayos. Pero dahil sa mga nangyari ay lumayo si Louis at minsanan ko na lamang nakikita ito sa university.
"Hi" alanganing bati ko kay Cedric nang mapadaan ako sa tambayan nito dito sa cafeteria ng university. Kimi itong ngumiti na kitang hindi pa rin siya komportable sa akin.
"Hi" balikbati nitong may pilit na ngiti sa labi.
"Can I join you?" tumango itong naglahad ng kamay na ikinangiti ko. "Thank you"
"How are you?" paninimula ko habang inaayos ang lunch ko sa mesa. Napainom ito ng tubig na napatikhim pa bago sumagot.
"I'm good. How about you, Kristel right?" napangiti akong tumango dito.
"Yeah. I'm glad you still recognize my name" kindat kong ikinapula ng tainga nito. Kahit alam na ng lahat na isa siyang tagapagmana ay napaka-down to earth pa rin nito. Hindi manlang naging maangas. Kahit nga sa pormahan ay wala itong suot-suot na accessories sa katawan. Kaya hindi ko masisisi si Liezel na patay na patay dito at hindi kayang basta na lang pakawalan.
"Of course. You're one of Liezel's bestfriend. How can't I memorize your name" nakangiting saad nito. Pero kita sa mga mata ang kakaibang lungkot na nabanggit ang pangalan ni Liezel.
"Do you want me to talk to her?" napakibitbalikat ito na muling nagpatuloy kumain ng kanyang tanghalian.
"For what? It won't change the fact that....she left me. Out of nowhere. And I can't blame her if she get mad at me. I deserve it either. It's all my fault. I've broke her heart" anito na napailing pero kitang nangilid na ang kanyang luha.
"We can help you to talk to her If you want Ced" muling pangungumbinsi kong ikinailing lang nito.
"Thank you Kristel. But I guess, I should give her enough time to heal" napatango-tango akong napahinga ng malalim at nagpatuloy na lamang sa pagkain.
MATAPOS NAMING mananghalian ni Cedric ay nagpaalam na itong magtutungo ng library na ikinatango ko na lamang.
"Ahyt!" napatili ako nang bigla na lamang may humila sa aking sa gawi ng restroom ng mga lalake! Nanlalaki ang mga mata kong napatingala ditong ikinahinga ko nang maluwag nang magtanggal ito ng kanyang sombrero at facemask!
"Louis" nagtagis ang panga nitong ikinalunok ko. Kita ang galit sa mga mata nitong matiim na nakatutok sa akin at salubong ang malalagong kilay.
"I saw you. Why are you talking to that asshole huh?" madiing asik nitong nagngingitngit ang mga ngipin.
Napapilig ako ng ulo at mariing napapikit na maalala si Cedric. Siya lang naman kasi ang nakausap kong maaaring ikagalit nito. Napahinga ako ng malalim na malamlam ang mga matang tiningala ito.
"Common Louis, he's my friend too"
"Friend?"
"Look Louis, wala namang ginagawang masama 'yong tao" nagtagis ang panga nitong napakuyom ng kamaong ikinalunok ko.
"Stay away from him" madiing banta nito na nanggagalaiti ang mga ngipin. Napatango akong pilit ngumiti dito na napakaseryoso pa rin ng itsura.
"Oo na. Kinumusta ko lang naman" mahinang sagot ko.
"Kahit na. You're not allowed to flirt with him. No other man allowed to flirt with you like we usually do. Do you understand?" napalunok akong pilit ngumiti na napahaplos sa pisngi nito. Natigilan naman itong lumambot na ang facial expressions at bahagyang lumamlam ang mga matang kanina lang ay nanggagalaiti at nagbabadya ng bumuga ng apoy.
"How are you?" napalabi itong nangilid ang luha. "Louis, I'm still here for you. You're not alone"
"Why?" napakunotnoo akong napatitig dito na nagtatanong ang mga mata. "Why are you still nice to me huh? I already lose everything Kristel. My family, money, even my surename" matabang saad nitong tumulo ang luhang agad kong pinahid at pilit ngumiti dito.
"That's what friends are for Louis" ngiting saad ko dito na hindi na rin mapigilang pangilidan ng luha habang nakamata dito.
"Friends" tumatango-tangong saad nito.
"Yeah. Friends"
"Stay away from him" parang batang ingos nitong mahinang ikinatawa ko. Napabusangot tuloy ito lalo.
"Bakit? Wala naman siyang ginagawang masama"
"Anong wala? Kinuha na niya lahat sa akin Kristel, at hindi ako makakapayag na pati ikaw na nag-iisang naiwan sa akin ay kukunin pa niya" natawa akong niyakap itong natigilan pero kalauna'y niyakap din ako at pinaghahalikan sa ulong ikinapikit at ngiti ko.
"Because I love you Louis. And I promise to stay by your side no matter what" piping usal ko habang nakayakap dito.