Louis:
KABADO AKO habang naghihintay dito sa sala ng mansion ng mga Del Prado. Hinihintay ko lang naman ang girlfriend ko para sa family dinner namin sa mansion. Mabuti na lang napapayag ko si Liezel na pagbigyan si mommy at daddy na makilala siya personally.
Napatayo ako nang masulyapan ko itong pababa na ng hagdanan. Kahit sinong lalake ay walang makakapantay na saya sa puso nito na maging kasintahan ang nag-iisang heredera ng pamilyang pinakamayaman at makapangyarihan sa buong bansa. Maging Asia ay matunog din ang pamilya nila sa nagkalat nilang negosyo dito man sa bansa at abroad. Pero hindi naman ang pera niya ang kailangan o minahal ko sa kanya kundi, siya mismo. Dahil walang halaga ang makakatumbas sa kanya. Sa halaga niya.
Kahit naka-light make-up lang ito ay para talaga siyang tunay na anghel sa tindig man o itsura. Napakaamo ng maganda niyang mukha lalo na kapag nakangiti ito. Kaya nga hindi ko masisisi ang mga fans nitong todo effort na magpapansin dito.
"Let's go babe?" anito. Nasa harapan ko na pala siya ng hindi ko napapansin. Nanigas ako nang yumakap ito sa braso ko at hinila na palabas ng kanilang mansion.
Mag-iisang buwan na kaming magkarelasyon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako masanay-sanay sa pagiging malambing niya. Para pa rin akong naglalakad sa alapaap kapag gantong kasama ko siya.
Nakakataba ng puso na sa dinami-rami ng mga lalakeng sikat man at mga kapwa namin galing sa kilalang pamilya ay sa akin siya pumayag makipagrelasyon. Kaya naman hindi maiwasang inaaway at pinag-iinitan ako ng mga lalakeng die hard fans nito kahit sa school dahil nagkalat na agad ang balitang. Kasintahan niya ako.
"Are you okay babe?" tanong ko habang nagmamaneho ako. Humawak naman ito sa kamay ko bahagya kong ikinalingon dito. Marahan kong pinisil-pisil ang kamay nitong napakalambot at liit kumpara sa kamay ko. Hindi ko mapigilang mapangiti at kiligin lalo na't hinahayaan lang ako nitong pisil-pisilin ang palad nito na panakanakang hinahalikan.
"Uhm. Just a little bit nervous babe" mahinang sagot nito na sa daan nakamata.
"Relax babe, my parents already know who you are. And I'll bet, they'll like you for me" pagpapakalma ko. Napahinga ito ng malalim at ramdam ko ngang kabado ito. Marahil dahil ngayon lang naman talaga siya nakipagrelasyon. Hindi naman lingid sa akin na paasa din sila at mapaglaro sa mga natitipuhan nila pero hanggang fling lang naman ang ginagawa nilang magkakaibigan.
Pagdating namin ng mansion ay inaalalayan ko na itong pumasok. Hindi naman ito umangal nang hapitin ko siya sa baywang. Kahit simpleng family dinner lang ang okasyon ngayong gabi ay para sa akin napakalaking bagay nito dahil nandidito si Liezel at official ko na siyang ihaharap kina mommy at daddy.
"Mom" napaangat ng mukha si mommy mula sa pagbabasa ng novels sa kanyang iPad dito sa sala. Napangiti itong tumayo na sinalubong kami. Kita sa mga mata nito ang pagkislap na mapasulyap kay Liezel na katabi ko.
"There you are" humalik pa ito sa pisngi ko bago bumaling kay Liezel na bahagyang napakapit sa tagiliran ko. "Hello hija, good evening. It's an pleasure to finally met the only woman who catch my son's heart and attention" nakangiting saad ni mommy dito na nakipagbeso. Parang hinahaplos ang puso ko na nakamata sa salawang babaeng pinakamamahal kong ngayo'y masayang nagkakakilalanlan.
"Good evening too ma'am. It's my pleasure po to met the woman who gave birth to my beloved boyfriend" malambing sagot nitong ikinairit ni mommy. Aaminin ko namang kinilig ako sa sinaad nito na pigil-pigil ang sariling mapangiti.
"Then you should call me tita I guess?" ani mommy na ikinatango at ngiti nito.
Sabay-sabay kaming napalingon sa hagdanan nang nakababa na pala si daddy ng 'di namin namalayan.
"Hon, come here" ani mommy na sinalubong si daddy. Nakangiti naman itong napalingon sa amin ni Liezel.
"Relax babe" bulong ko dito nang muli itong napakapit sa tagiliran ko.
"Good evening Dad" bati ko dito na nag-mano kasunod si Liezel.
"Good evening Sen." magalang bati din nito na napamano din kay daddy.
"Good evening. Don't be pormal hija" ani daddy na ikinatango at bahagyang yuko nito.
"Ahm Mom, Dad, this is Liezel Del Prado. My girlfriend. And babe, meet my parents. My gorgeous mommy, Catherine and of course my hunky daddy, Frederick Montereal" pagpapakilala ko sa kanilang tatlo.
"Thank you po for inviting me here Tita, Tito. My pleasure to met the two of you" ani Liezel na muling nakipagkamayan kina mommy at daddy.
"You're welcome hija"
HABANG KUMAKAIN ay nakikinig na lamang kami ni daddy sa pagdadaldalan ni Liezel at mommy ng kung ano-ano. Nakikitawa na rin kapag kalokohan na ang pinag-uusapan lalo na si Liezel na alam ko namang likas na pilya at bolera. Nakakataba sa puso na makitang hindi na ito naiilang at mukhang nahuli agad ang kiliti nila mommy at daddy na maging boto sila sa kanya para sa akin.
Matapos naming kumain ay ipinagpaalam ko na si Liezel para maipasyal sa garden ni mommy. Kinikilig pa ang mga itong pinayagan kaming makapagsolo nito na nanunudyo lalo na't likas na may pagka-clingy si Liezel na madaling makisama.
"Pasensiya ka na kay mommy babe, makulit talaga 'yon" umiling lang naman ito na marahang naglalakad na hawak ang kamay ko. Napapangiti pa itong iginagala ang paningin sa nagkalat na mga alagang sunflower at roses ni mommy dito sa garden.
"It's okay. Mas gusto ko nga na clingy silang makipagusap kaysa formal babe" anito na hinila na akong maupo sa wood bench. "Maswerte ka nga eh. Nandidito sila para sayo. Ako kasi busy lagi sina mommy Sofia at daddy Kenneth kaya minsanan ko lang silang makasabay sa hapagkainan" saad nito na may halong lungkot sa tono.
"Hey" ngumiti ito sa marahang pagpisil ko sa palad nito. Pero kahit nakangiti ito ay iba naman ang sinasabi ng kanyang mga mata. Nauunawaan ko naman na busy talaga ang mga magulang nito sa kaliwa't kanan nilang negosyo.
"I'm okay babe. Sanay naman akong laging walang oras sina mommy at daddy sa akin"
"Come here babe" pilit itong ngumiti na yumakap sa akin. Napapikit ako habang hinahaplos ito sa buhok para pagaanin ang lungkot na nararamdaman nito. "Feel better?" malambing tanong ko na napahaplos sa pisngi nito. Nanigas ako ng humalik ito sa noo kong ikinalunok ko. Hindi kasi ugali ni Liezel magpahalik ng basta-basta. Malaya ko lang siyang nahahalikan sa kamay. Ulo. Noo o pisngi. Hindi pa sa mga labi. Hindi ko naman siya minamadali.
"Your blushing babe" nakangising tudyo nitong lalong ikinainit ng mukha ko kaya napahalakhak itong ikinatawa at kamot ko sa batok. Napapalunok ako nang yumakap itong sumandal sa balikat ko. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko na ngayo'y nakayakap ito sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang kabahan at mangatal sa buong katawan. "I'm cold, aren't your going to hug me back?" napangiti ako sa paglalambing nito kaya kahit nag-aalangan ay ginantihan kong niyakap itong ikinulong sa bisig ko. Hindi ko tuloy mapigilang paghahalikan ito sa ulo na ikinahagikhik nitong tumingala at napahaplos sa buhok ko. Sunod-sunod akong napapalunok na nakipagtitigan sa mga mata nitong nagniningning na matiim nakatitig sa mga mata ko.
"I love you babe, I love you so much" mas lalong lumapad ang ngiti nito na bahagyang pinamulaan.
"And I love you too babe, let's stay like this huh? Please don't change" paglalambing nito habang nakasandal sa balikat ko na nakatingala sa akin at napapanguso. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti sa pagpapa-cute nito sa akin.
"Of course, I won't change babe. I promise" napangiti na itong yumakap at mas isinandal ang sarili sa akin habang marahan ko nang hinahaplos ito sa ulo. Wala na akong ibang mahihiling pa. May buo akong pamilya. Masaya. Tahimik at nagmamahalan. Higit sa lahat? May girlfriend akong ubod ng ganda at ka-sweet-an. Ang isang Liezel Del Prado na pinagpapantasyahan ng milyon-milyon nitong fans na kalalakihan.