Kristel:
PILIT AKONG ngumiti ng makita ang mga kaibigan ko sa pastime namin dito sa likod ng university kung saan kaharap ang malawak na football field.
"Alam niyo na ba yong latest chika?" dinig kong saad ni Diane sa tatlo na na-curious din at mas lumapit. Nakiupo na rin ako sa tabi ni Naeya na kaharap sina Lira, Irish at Diane na nakaupo sa kaharap naming bench at pinagigitnaan kami ng round table.
"Tungkol saan?" ani Lira na halos pabulong.
"Kay Del Prado" lalong na-curious ang mga ito. Pilit akong ngumiti at nagkunwaring walang alam kahit nahihinulaan ko na kung anong ibabalita nito. At 'di nga ako nagkamali.
"May boyfriend na" namilog ang mata nila Lira, Naeya at Irish sa siniwalat nito.
"Se-Seryoso? Sino?" natutulang tanong ni Lira. Napakibitbalikat pa ito at napalingon sa dalawang paparating kaya napasunod kami ng tingin at para lang akong sinaksak na makita ito at si Louis na magkahawak-kamay na naglalakad palapit dito sa gawi namin na may matamis na ngiti.
"Si Montereal?!" gimbal na bulalas ni Naeya at nanlalaki ang mga mata na marahang kinurot akong ikinalingon ko. Sa uri ng tingin nito ay nagtatanong ito kung paanong napunta kay Liezel si Louis dahil sa kanilang lima ay si Naeya lang ang nakakaalam na longtime crush ko si Louis kaya nga tuwang-tuwa akong naglalapit na ito pero ......yon din pala ang magiging sanhi ng pagkadurog ng puso ko dahil magiging tulay pa ako para nagkalapit sila ng bestfriend ko. At ngayon nga ay magkarelasyon na sila officially.
Pilit akong ngumiti ng nakiupo na ang dalawa dito sa gawi namin ni Naeya. Napaayos kami ng upo ng magsimula ng mag-interogate ang mga kaharap naming sina Lira, Diane, Irish at maging si Naeya ay lumipat kaya nakakailang na pinapagitnaan namin ni Liezel si Louis na nagagawa pa akong ngitian ng matamis.
"So? How it started hmm?" usisa ni Lira na nakataas kilay kina Liezel at Louis. Hindi ko na natagalan ang makatabi sila lalo na't para akong nakukuryente sa paglalapat ng mga braso namin ni Louis. Nagkunwari akong okay at curious din na nakiupo sa apat naming kaibigan paharap sa dalawang lovebirds na pinamumulaan pa pero pawang may matamis na ngiti sa mga labi. Parang libo-libong karayom ang sabay-sabay na tumutusok sa puso ko kapag napapatingin sa kanilang kumikinang ang mga mata kapag nagkakatitigan. Idagdag pang nakaakbay si Louis dito at nakayakap naman si Liezel sa tagiliran nito na napapasandal sa balikat nito. How I wish.....how I wish I was her. Pero wala eh, I'm Kristel Villaflor, and she's Liezel Del Prado. Na mahal ng lalakeng....pinakamamahal ko.
Napakasaya nilang tignan na ikinadudurog ng puso ko. Hindi ko rin mapigilan ang luha kong namumuo na at nagbabadyang tumulo.
"Ahm, Kristel samahan mo ako bili muna tayo ng coffee" napalingon ako kay Naeya sa pag-aya nito dahil alam nito ang totoong nararamdaman kong nagkukubli sa mga ngiti ko.
"Okay" simpleng sagot ko na tumayo na.
"Sama ako" ani Lira at nagpatiuna pa sa amin ni Naeya. Pilit akong ngumiti ng yakapin ako nito na naglakad ng pathway palabas dito sa garden na kinaroroonan namin.
"Damn Kristel what's happening? Akala ko okay na kayo ni captain Montereal?" may kadiinang bulong nito. Napatigil naman si Lira na napalingon sa amin ni Naeya dahil hindi ko na napigilan ang sarili at yumakap dito na napahagulhol sa balikat nito.
"A-Anong magagawa ko buddy, si Liezel ang mahal niya. Hanggang kaibigan lang ako sa kanya. Ginamit niya lang akong tulay para makalapit sa totoong target niya, sa totoong mahal niya. At 'yon si Liezel....hindi ako. Ang t*nga ko lang na umasang magiging maayos na kami at may pagkakaintindihan" parang batang sumbong ko. Lalo akong napahagulhol ng maramdaman si Lira na nakiyakap na rin na katulad ni Naeya ay humihikbi na ring inaalo ako.
"What's happening?" humihikbing tanong ni Lira ng magkalasan na kami at nagpahid ng mukha. Pagak namang natawa si Naeya at binatukan itong ikinatawa ko na rin.
"Baliw ka nga Buenavista, nakikiiyak kang hindi mo alam ang dahilan?" mahinang asik ni Naeya dito. Napakamot ito ng batok na napabusangot ang magandang mukha.
"Bakit hindi? Umaatungal kayong nagyayakapan na dinaig pa ang namatayan. Syempre...madadala ako, Bestfriends ko kayo eh" pagmamaktol nito. Napailing lang naman si Naeya dito.
"Bakit nga ba, why are you two crying hmm?" pakikiusyoso pa nito. Inakbayan ko na silang dalawa at naglakad patungo sa coffeeshop nitong university.
Si Naeya na ang nag presentang bumili ng orders namin kaya na-corner ako ni Mariah Lira na ngayo'y nanunuri ang mga tinging ginagawad sa akin.
"What's happening buddy? Do you have a problem? Tell me, I'm willing to help whatever your problem is" malambing tanong nito na hinawakan ako sa dalawang kamay at matiim nakatitig sa mga mata ko.
Mapait akong napangiti na napailing.
"Promised, I'll keep it" dagdag pa nito. Napahinga akong malalim para humugot ng bwelong magtapat dito. Hindi rin naman ako nito tatantanan hanggang mapaamin ako. Maigi na rin na may paglalabasan ako ng kinikimkim kong bigat sa dibdib ko ng maibsan naman ito.
"It's.... it's about my longtime crush buddy" paninimula kong ikinatango-tango nito na matamang pa ring nakatitig sa mga mata ko.
"M-May....may girlfriend na kasi siya kaya...nadurog lang ako, iyon lang iyon" pilit akong ngumiti at pinipigilan ang luha kong nagbabadyang mag-alpasan. Lumamlam din ang mga mata nitong pinahid ang luha kong tuluyang tumulo.
Tumayo na ito ng mapayuko ako at niyakap ng mahigpit. Muli akong napahagulhol sa dibdib nito na kinasubsuban ko habang hinahaplos ako sa ulo.
"B-Bakit hindi ka nagsasabi, paano na 'yan official na sila. Sana sinabi mo sa akin noon pa na gusto mo siya ng tinulungan kitang mapalapit sa kanya" umiling na akong nagpahid ng luha.
"It's Montereal right?" natigilan ako sa sinaad nito. Ramdam kong nag-init ang mukha ko sa pagkakahula nito. Ang lakas talaga ng instinct ng Buenavista'ng 'to. Tumango-tango lang ako. Mapait itong napangiti at iling na humawak sa kamay ko.
"I'm okay buddy, yeah nasaktan ako. Nasasaktan ako. Tao lang, pero bukas o sa makalawa? Okay na ako" pinasigla ko ang tono para hindi na ito mabahala. Mahirap ng makahalata ang tatlo na may pagtingin ako kay Louis lalo na't pinakilala na ni Liezel ito na kasintaan nito.
"You sure?" paniniguro pa nito.
"Aha, ako pa ba?"
Tumayo na kami ng papalapit na si Naeya dala ang ilang cups ng coffee na takeout nito. May isang box din ng ube cake na alam nitong paborito ko at nakangiting iniabot iyon sa akin.
"Kapag nalulungkot ako, kumakain ako ng paborito kong dessert. Naiibsan non ang bigat na nasa dibdib ko, try it too buddy" anito.
"Thank you buddy, I really need this right now. I feel better now. Salamat huh, for keeping my secret. Ayo'kong makagulo sa kanila kaya, kalilimutan ko na lang siya para sa kaibigan natin" napatango-tango ang mga itong inakbayan na ako palabas ng coffeeshop.
PATULOG NA AKO ng mag-vibrate ang phone kong nakapatong sa bedside table ko. Napabangon akong muli at halos mapatalon ng makitang tumatawag si....Louis!! Biglang bumilis ang pagtibok ng puso kong makausap itong muli. Napahawak ako sa tapat ng puso kong sobrang lakas ng kabog!! Ilang beses akong napahingang malalim para kalmahin ang sarili bago ito sinagot.
"Ahm yes?" pilit kong pina-normal ang boses.
"Hi did I disturb you my angel" napalabi ako sa lambing ng husky voice nito sa kabilang linya. Nagtungo ako ng veranda para makalanghap ng sariwang hangin at napatalon ng mabungaran ito sa tapat na prenteng nakasandal da bumper ng kotse nito at napakaway pa sa akin!
"Bumaba ka muna my angel" anito na sinesenyasan akong bumaba. Parang may sariling isip ang mga paa kong naglakad palabas ng silid koat lumabas ng mansion kahit pa ba tumututol ang isip ko ay iba naman ang sinasabi ng puso ko.
"Anong ginagawa mo dito?" napakalapad ng ngiti nitong sinalubong ako dito sa gitna ng kalsada ng mahigpit na yakap na ikinanigas ko!
"Ang saya ko my angel! Alam mo ba? Nag-date kami ni Liezel kanina!? Dinala nga niya ako sa cinema at hawak-kamay kaming nanood ng ilang showing ngayon. Sobrang saya ko lang na hawak-kamay ko na siya. Na akala ko'y hanggang tingin at pangarap ko na lamang siya! Kumain din kami sa restaurant nila at sinubukan din naming sumakay sa ilang rides sa loob ng mall nila! " tumulo ang luha kong ginantihan ang yakap nito. Napakasigla ng tono nitong bakas na napakasaya nito! Habang ako ay lihim niyang dinudurog sa kwento niya kung gaano siya kasayang.....kasama ang bestfriend ko.
"Ganon ba? Mukha ngang masaya ka" pilit akong ngumiti ng kumalas na ako dito at pasimpleng nagpahid ng luha. Mabuti na lamang at tanging ilaw sa mga poste ang nagsisilbing liwanag dito sa kinaroroonan namin kaya hindi nito napapansin ang poot sa mga mata ko.
"We can still bestfriends right?" tumango-tango ako sa sinaad nito lalo na't bakas sa mga mata nito na napakasaya nito kaya kahit paano'y masaya na rin akong makitang masaya ang mahal ko kahit na......hindi ako ang dahilan kaya napakasaya nito.
"Oo naman captain. Bestfriends!" masiglang saad ko na naglahad ng kamay na agad fin naman niyang tinanggap at muling yumakap ng napakahigpit.
"Thank you huh, wala kasi akong ibang kaibigang malapit. Wala rin akong kapatid na mapagsabihan ng nararamdaman ko. Sobrang gumaan ang loob kong ngayon ay may napagsasabihan na ako ng saloobin ko. Thank you my angel" napabitaw na ako dito na tinapik sa brasong may pekeng ngiti sa mga labi.
"I'm always here captain. You can count on me. Anytime you need someone to listen, Nandidito lang ako lagi.....para sayo" kitang nanlamlam ang mga mata nitong natuwa at touch sa sinagot ko.
"Sige na, drive safe captain. See you tomorrow" pagtataboy ko dahil nagbabadya ng tumulo ang mga luha ko at sobrang bigat na ng dibdib kong gusto ko na lamang mapahagulhol ng mailabas ko itong nararamdaman ko.
"Okay, pumasok ka na my angel. Good night" malambing saad nito na humalik pa sa noo ko bago ako pinihit patalikod dito at marahang itinulak patawid ng kalsada hanggang makapasok na ako ng gate namin. Tuluyang tumulo ang luha kong kanina ko pa pinipigilan.
"See you tomorrow my angel" pahabol pa nito. Nagtaas lang ako ng isang kamay na nag-wave at pinanatiling nakatalikod dito. Napatakip ako ng bibig ng isinara na nito ang gate at dinig ang papalayo niyang yabag na kalauna'y pinaharurot na ang kotse. Nanghihina akong napasandal ng gate namin na takip pa rin ang bibig ng dalawang palad dahil hindi ko na mapigilang mapahagulhol dito at panghinaan ng mga tuhod.
"Bestfriends...." pagak akong natawa at patuloy pa rin ang masaganang pagragasa ng luha ko.
"Bestfriends...hanggang don ka lang Kristel...wakeup"