Chapter 6 Selos

1184 Words
Kristel: NAPABALIKWAS AKO na marinig ang alarm ko! Pasado alassais na ng umaga, isang oras lang ay magsisimula na ang unang klase namin! Mabilis akong naligo at nagbihis para makahabol sa unang klase ko. "Kristel hija, hindi ka manlang ba kakain?" napahinto ako sa akmang paglabas ng pinto nangharangin ako ni mommy na may hawak pang sandok at nakasuot ng apron. Hobby kasi ni mommy 'yon. Ang ipinagluluto niya kami lagi ni daddy kahit na may mga katulong naman kami dito sa mansion. Napasulyap ako sa wristwatch ko at may forty minutes pa naman ako bago magsimula ang klase. Pilit akong ngumiti na yumakap dito. "Good morning Mom. I'm sorry I'm in hurry" napabusangot itong napatitig sa akin. "Okay po. Konti lang Mom, huh?" Napangiti itong tumango na inakay ako ng kusina. Naabutan naman namin si daddy na nasa upuan na nito at kasalukuyang nagbabasa ng magazine habang may tasa ng kape sa tabi nito. "Good morning Dad" bati kong umikot sa gawi nito na humalik sa kanyang pisngi. Napangiti itong humalik din pabalik at bahagyang ginulo ang buhok ko. "Good morning darling" HALOS HINDI ko na nguyain ang kinakain ko sa pagmamadali. Gusto ko sanang makita muna si Louis bago ako pumasok ng klase na nakagawian ko. Pero magmula nang maging sila ni Liezel ay halos mawalan na ito ng oras sa akin. At kung magkasama naman kami ay wala itong ibang bukam-bibig kundi si Liezel at ang mga bonding moments nila na ikinadudurog ng puso ko lalo't bakas dito kung gaano ito.....napapasaya ng bestfriend ko. "Mauuna na po ako Mom, Dad" aniko na agarang ininom ang orange juice ko at nagpunas ng table napkin. Nangunotnoo naman si daddy na napatitig sa akin. "Marami po kasi akong tinatapos sa school Dad" Napahinga ito ng malalim na bahagyang tumango. Ngumiti akong lumapit sa kanila ni mommy at humalik sa mga ito bago tuluyang lumabas ng mansion. Halos paliparin ko na ang kotse makarating lang agad ng university. Kahit naman kasi vip kaming anim ng mga kaibigan ko sa school nila Liezel ay ayoko pa rin namang ako ang maging dahilan para maghintay ang professor at mga kaibigan ko bago magsimula ng klase. Pagdating ko ng university namin ay halos patakbo akong maglakad na umakyat sa room namin. Napapabuga ako ng hangin at pasimpleng nagpahid ng pawis bago pinihit ang doorknob. Pero napalis ang ngiti ko na natuod sa kinatatayuan nang makitang si Liezel pa lang ang nandidito.....kasama si Louis. Mapait akong napangiti na nakamata sa kanilang dalawa. Tinuturuan kasi ni Louis si Liezel kung paano mag-strump ng gitara. Nakapwesto pa ito sa likuran ni Liezel kaya para na niyang niyayakap ito. Idagdag pang nakakalong sa kanya ang bestfriend ko. Tumulo ang luha kong agad kong pinahid at tumalikod sa mga ito. Hindi ko talaga kaya. Hindi ko kayang nakikita siya na masaya, sa piling ng iba. Ang masaklap? Sa bestfriend ko pa. Natigilan ako nang may humila sa aking ikinubli ako sa pasilyo. "Naeya...Lira" napalabi akong napayakap sa mga ito. Sila pa lang kasi ang nakakaalam na may lihim akong pagtingin kay Louis. Masyado kasing madaldal si Irish kaya wala kang maitatago don at kung si Diane naman? Sanggang dikit sila ni Liezel kaya paniguradong sasabihin non kay Liezel oras na malaman niyang may gusto ako kay Louis. Ayoko namang magkasira kami ni Liezel. Dahil 'di hamak na mas matimbang sa puso ko ang friendship naming dalawa kaysa sa nararamdaman ko para kay Louis. Kaya kong...magpaubaya, dahil pareho silang mahalaga sa akin, at pareho nila akong tinuturing....na bestfriend. "Kaya mo pa ba buddy?" nag-aalalang tanong ni Naeya na panay ang pahid sa luha ko habang hinahagod-hagod naman ako sa likod ni Lira. Pilit akong ngumiti na tumango sa mga ito. "Wala naman akong ibang pamimilian kundi ang kakayanin ito buddy" napahinga sila ng malalim na pinakatitigan ako. 'Yong titig na bakas ang awa at simpatya sa kanilang mga mata. Si Naeya kasi ay may kasintahan na at mahal na mahal nila ang isa't-isa ni Dwayne. Para ngang hindi sila nagkaka-problema sa relasyon nila. "Kristel, nandito lang kami lagi sa likod mo buddy. Magsabi ka lang huh?" ani Lira na ikinangiti kong niyakap ang mga ito. "Thank you. Salamat talaga. Malaking bagay nga sa akin na may nakakaunawa at alam sa totoong nararamdaman ko. Pero mas maiging itago na lang natin ito sa tatlo. Ayokong mag-away kami ni Liezel. At wala din naman akong planong sirain ang magandang relasyon nila ni Louis" tumango-tango ang mga itong napapahinga ng malalim. Nandon pa rin ang lungkot at awa sa kanilang mga mata na matiim nakatutok sa akin. NAPADALAS PA nga ang pagtambay ni Louis sa room namin. Para lang makakulitan niya si Liezel. Masaya naman sila at kita ang pagningning sa kanilang mga mata lalo na si Louis kaya bakit pa ako aapila. Ang mahalaga naman ay masaya at nagmamahalan silang dalawa. Nakayuko ako sa binabasa kong libro na may suot na earphones. Ako pa lang kasu ang nandidito sa classroom namin dahil napaaga ako ng pasok. Naramdaman ko naman ang pagpasok ng kung sino na hindi ko na nilingon pa. Alam ko naman kasing kami lang na magkakaibigan ang may access sa room na 'to at mga professor namin. Napalunok ako ng naupo ito sa tabi ko at naamoy ang pamilyar niyang pabango. Bigla tuloy bumilis ang t***k ng puso ko. Napaiktad ako ng tanggalin nito ang earphones ko na ikinalingon ko dito at hindi nga ako nagkamali. Si Louis. "Good morning. Ang busy mo" malambing bati nito na may matamis na ngiti sa labi. Napangiti akong humarap dito. Kahit madalas akong nasasaktan at nadudurog dito ay hindi ko pa rin masuway ang puso ko na patuloy na minamahal ito. "Good morning too. Wala pa kasi yong mga bruha eh" natawa itong napailing na mahinang pinisil ang tongki ng ilong ko. "Isumbong kita kay Liezel" natawa akong pasimpleng napisil din ang makinis niyang pisngi. "Aww!" napapangiwing daing ko dahil gumanti itong pinisil din ang magkabilaang pisngi ko. Tatawa-tawa kaming nakapisil sa pisngi ng isa't-isa nang bumukas ang pinto at niluwal non ang mala-dyosa kong kaibigan. Nangunotnoo ito na makita ang posisyon namin ni Louis kaya agad kong nabitawan ang pisil kong pisngi nito ganon din naman ito. "Hi, what's going on here?" nakangiting tanong nito ng mahimasmasan na lumapit na sa amin. Kaagad din namang tumayo si Louis na sinalubong ito ng yakap. Napaiwas na lamang ako ng tingin sa kanila nang humalik ito sa pisngi ni Liezel. Para na naman akong pinipiga sa puso sa mga sandaling ito lalo na't nakayapos si Louis sa baywang nito at nakayakap din ito sa batok nito. "Nothing babe, nagkakatuwaan lang kami ni Kristel. Good morning" malambing saad nito na magkayakap lumapit sa tabi ko. "Uhmm...good morning too babe. Good morning buddy!" masiglang baling nito sa akin na ikinangiti at tango ko ditong napahalik din sa pisngi nito nang yumuko itong bumeso sa akin. "Good morning too buds" maya pa'y sunod-sunod nang pumasok ang apat pang dyosa kong kaibigan na may malapad na ngiti sa labi. Naging maingay na tuloy ang buong silid sa pagdating ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD