Chapter 7 Akin Ka Na Lang

1163 Words
Kristel: NAPAPANGUSO AKO habang nakamasid lang sa mga kaganapan ngayon dito sa shower party ni Liezel para kay Lira dito sa isang exclusive hotel and resort sa El Nido Palawan. Napapailing na lamang ako na nag-hire pa talaga sila ng mga macho dancers na sasayaw sa amin ngayong gabi. Excited pa ang mga itong panay ang tili habang nanonood kami sa limang kalalakihan na naka-topless at ginigilingan kaming anim dito sa bandang pool kung saan inakupado naming magkakaibigan ang buong lugar para sa aming privacy. Natigilan ako nang may pumasok mula sa likuran ng limang kalalakihan na isang cute and hunky guy na napaka-hottie ng dating. Ang gwapo niya na at kakaiba ang sipa ng aura niyang kahit sinong babae ay literal na mapapanganga. Maging ang mga kaibigan ko'y natigilan na nakamata lang dito lalo na.....si Liezel!! Napailing na lamang ako na makitang nagniningning ang mga mata nitong nakamata sa hunky guy na ngayo'y marahan na ring sumasayaw sa harapan namin kaya napapairit ang mga kaibigan ko lalo. Lalong nag-ingay ang paligid nang naka-topless na ito na dahan-dahang naglalakad palapit sa gawi namin para lapitan ang bride to be na si Lira. Pero ang ikinahiyaw naming magkakaibigan na panay na ang irit at tili ay nang si Liezel ang nalapitan nitong sinayawan at kitang napapatānga din siya sa angking kagandahan ng nilalang na sinasabayan siyang sinasayawan. Parang nag-slow-mo ang paligid nang bigla itong hinatak ni Liezel sa batok at mariing sinabisab ng halik....sa labi!! Napahiyaw kaming nanonood sa mga ito habang si hunky guy ay namimilog na ang mga mata na nanigas sa panglalakumos lang naman sa kanya ng baliw naming kaibigang si Liezel. Naghahasik na naman ng kaharutan ngayong may nobyo na ito at alam kong hindi sila okay ngayon ni Louis na nagtatampo dito. AKALA KO YON na 'yon. Na dala lang ng nainom at sa sitwasyon nilang pagtatalo ni Louis kaya nagawa ni Liezel na manghalik ng ibang lalake. Pero nagkamali ako dahil kinabukasan ay naka-encounter ulit namin ang hunky guy na nagngangalang Cedric at isang waiter sa restaurant nitong resort na pinag-book-an naming magkakaibigan. "You okay buddy?" ani Naeya na napatitig sa aking panay ang hithit sa yosi ko habang nakamata sa karagatan dito sa balcony ng silid ko. Napangisi at iling ako. "What do you think buddy?" baliktanong ko. Napailing itong nagsindi rin ng yosi na kanyang hinithit at humarap sa karagatang pinagmamasdan ko. "Mukhang may problema tayo Kristel" anito sa matagal-tagal naming katahimikan. "Why?" "It's about Liezel" nangunotnoo akong nilingon itong naiiling na napapangising nilingon din ako. "Damn that stubborn silly brat. I think she falling inlove with that cute guy named Cedric" "Tsk. Or just playing around buddy" aniko na napaismid. Umiling itong napabuga ng hangin. "No, I can see it in her eyes buddy. Hindi lang 'yon basta paghanga o pagnanasa ang nararamdaman niya kay Cedric. I think...she falls in love at the very first sight" napatitig ako ditong nagtaas ng isang kilay. "Sigurado ka ba sa kutob mo Naeya?" tumango itong napanguso. "Can't you see it in her eyes?" napapilig ako ng ulo. "Tsk. Ang hina mo naman, pero kung titignan mo buddy, this is your chance para maagaw si Louis sa kanya" kindat pa nitong napapangisi. "No way" napahalakhak itong binatukan ako. "Aww" napabusangot akong napakamot ng batok. "Tadhana na ang gumagawa ng paraan para paghiwalayin ang dalawa. Bakit hindi ka na lang umayon para mapasayo din ang lalakeng iniibig mo" mapakla akong natawang dumampot muli ng yosi na nilalaro kong pinapaikot-ikot sa aking daliri. "Ang tanong? Mamahalin din kaya ako ni Louis pabalik? Baka mamaya niyan, magkasira na nga kami ni Liezel, magkasira din kami ni Louis buddy" napanguso itong napatitig sa mga mata ko. "Try it Kristel, nasa likod mo lang naman kami eh. Isa pa, mukha namang naglalaro lang si Liezel sa relationship nila ni Louis. Mas napapaningning nga nong Cedric ang mga mata ng kaibigan natin eh" napabuga ako ng hangin na napapaisip sa sinaad nito. Paano ko nga naman malalaman kung mananalo o matatalo ako kung 'di ako susugal. "Okay fine. Ill try to talk to Louis" anikong ikinngising demōnyita nito. Napailing na lamang ako sa nababasang ngisi at tumatakbo sa kanyang utak. Pero may puwang sa puso ko ang nabuhayan ng pag-asa. Pag-asa na may paraan na ako para maagaw ang attention ng lalakeng lihim kong minamahal mula umpisa. Sana lang ay maipanalo ko ang baraha ko. At hindi mapunta sa wala ang lahat. PAGKABALIK NAMIN ng syudad ay natigilan ako na maabutan si Louis sa tapat ng gate. Bagsak ang balikat na kitang may pinagdadaanan. Pilit akong ngumiti na nilapitan itong nakaupo sa harapan ng kanyang sportcar. "Hi, anong ginagawa mo dito?" bumaba itong muntik pang sumubsob sa semento. Saka ko lang naamoy na nakainom ito at namumula na rin ang mukha at mga mata. "Kristel" mahinang sambit nito na napapalabi. Mapait akong napangiti nang yumakap itong napahikbi sa balikat ko. Dama ko ang bigat at sakit na nararamdaman nito ngayon dahil sa pambabalewala ni Liezel sa kanilang naging tampuhan. Tumulo ang luha kong mas niyakap itong hinahagod-hagod sa kanyang likuran. Mas masakit pala pag umiiyak sayo ang mahal mo pero wala ka namang ibang magawa kundi damayan ito dahil hindi ikaw, ang nagpapasaya dito. "How are you?" umiling itong may mapait na ngiti sa labi. "Can I borrow you tonight my angel?" napatitig ako dito. "I feel alone and empty now. Please, hangout with me" pagsusumamo pa nito na napahawak sa dalawang kamay ko. Ngumiti akong tumango na ikinaaliwalas ng mukha nitong napangiting niyakap ako. Kahit paano ay napangiti na rin akong niyakap din ito. "Thank you Kristel" "Yeah, anything for you Louis. As long as I can? Why not. You know that I'm always here for you, you can count on me. Anytime" NAGTUNGO KAMI ni Louis sa bar nila Liezel at kinuha nito ang isa sa mga vip room. Napapahinga na lamang ako ng malalim na nakikinig sa mga kwento nitong patungkol lahat kay Liezel. Kung saan at kailan niya ito nakita, at nagsimulang palihim na sinusundan. Hanggang sa naging magkalapit na nga sila na napansin na rin siya sa wakas ni Liezel. At 'yon ay, dahil sa akin. Ako pa ang naging tulay para magkalapit silang dalawa. Dahil sa paglapit sa akin ni Louis, kaya sila nagkalapit ni Liezel na kalauna'y naging magkasintahan. "Liezel... I'm sorry na babe. Please... let's talk about it. I can't affordto lose you. Ypu know how much I love you right?" lasing nitong saad. Mapait akong napangiti na pinahid ang tumulong luha nito. Kahit nakaidlip na siya dala ng kalasingan ay sinasambit pa rin niya ang pangalan ni Liezel. Bagay na ikinakadurog ng puso ko. "Ako na lang Louis, sa akin ka na lang. Hinding-hindi ka, masasaktan sa piling ko" tumulo ang luha kong agad kong pinahid at mariing humalik sa noo nito. "Kung sana kasi ako na lang kasi, akin ka na lang. Pwede ba 'yon? Ako na lang ang mahalin mo, ako na lang.....Louis"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD