Kristel:
LUMIPAS ANG MGA araw na balik sa normal ang samahan namin ni Louis. Hindi na rin naman nagkabalikan ito at si Liezel. Kahit nga kami ni Liezel ay hindi na nag-iimikan. Sa tuwing magkakasama kasi kaming anim ay parang hindi ako nag-e-exist sa paningin nito. Na ultimo tapunan ako ng katiting na sulyap ay hindi nito magawa. Bagay ma ikinadudurog ng puso ko.
"How are you buddy?" napaangat ako ng mukha sa pag-upo ni Diane sa harapan ko at kinatok ang lamesa dahil nandidito lang naman ako sa library na mag-isang nagbabasa ng libro ko pampalipas ng oras. Pilit akong ngumiti na muling bumaling sa binabasa ko.
"I'm good buddy. Why? Do I look like I'm not okay?" balik tanong ko. Mahina itong natawang napailing na dumampot din ng libro.
"How about your relationship with Liezel? Do you want me to help you? I'll talk to her?" seryosong tanong nitong ikinatigil ko. Alam ko namang sa aming anim ay kay Diane pinakamalapit si Liezel. Ako naman ay kay Naeya pinakamalapit. At si Lira naman at Irish ang pares.
"Ahm, maybe let's give her more time to lower her temperature before talking to her about that thing" anikong ikinatango-tango nitong napabuntonghininga.
Hindi kasi kami sanay na nagkakatampuhan sa grupo. Ako din naman. At ayokong napapatagal ang hindi namin pag-iimikan ni Liezel. Pakiramdam ko kasi ay lumalayo na siya sa akin. Na nawawalan na ako, ng matalik na kaibigang kasangga ko sa lahat ng bagay.
"Okay. But in case you change your mind buddy. Feel free to ask my help" napangiti akong tumango ditong napangiti na rin.
NAPAPANGUSO AKO HABANG nagtitipa sa laptop ko para sa research activities namin sa school. Napaangat ako ng mukha nang may mag-doorbell sa pinto ng magkakasunod-sunod. Napapilig ako ng ulong napasulyap sa wristwatch kong ikinakaba ko dahil pasado alasdose na ng hatinggabi. Nangunotnoo akong dahan-dahang lumapit sa pinto at sinilip sa peephole ang bisita ko.
"Louis?" napapilig ako ng ulo na masilip si Louis sa labas na agad kong pinagbuksan.
"Louis? What brings you here? Are you okay?" magkakasunod kong tanong na mapansing tila nanghihina itong namumula din ang pisngi at tainga.
"Can I come in?" mahinang saad nitong napaubo.
"Yeah, sorry. Come in" anikong niluwagan ang pinto at inalalayan itong nanghihinang naglakad.
"Careful" alalay ko ditong inihiga sa mahabang sofa dito sa sala. Napalunok akong mas napasadaan ng tingin ito. Namumuo ang mga butil-butil niyang pawis sa noo na natutuyo ang mga labing halatang dehydrated.
"Water please" mahinang saad nitong tila hinihingal. Kaagad akong tumayo na kinuhaan ito ng maligamgam na tubig at inalalayang pinainom.
"What happened?" pumikit itong napadantay ng braso sa noo.
"Can I stay here?"
"You supposed to be at the hospital Louis. Not here in my place" panenermon ko. Umiling lang itong napapalunok na hinihingal.
"Take good care of me please. I need you Kristel" hindi 'yon tunog pakiusap kundi paglalambing sa pandinig kong ikinatigil kong napatitig dito. Namumungay ang mga matang napatitig sa akin at bakas ang panghihina at pangungusap nito.
Napahinga ako ng malalim na tumayo na at kumuha ng tubig at towel pamunas dito. Hindi naman ito umangal nang isa-isa kong hinubad ang saplot nitong tanging boxer briefs lang ang natira. Panay ang lunok ko na natutuyuan ng lalamunan habang maingat itong pinupunasan sa buong katawan! Hindi ko tuloy maiwasang makadama ng pagnanasa sa tuwing madadako ang paningin ko sa mga masel nito sa tyan lalong-lalo na sa umbok nitong kahit nakatulog sa ilalim ng boxer briefs nito ay mapaghahalataan mong may maipagmamalaki.
"I'm cold. Make it fast baby" anas nitong ikinabalik ng diwa kong naglalakbay sa kawalan.
"Huh? Ahm. ..yeah I'm sorry" tarantang saad kong mabilis na tumayong inakay itong lumipat ng silid ko.
Hindi ko mapigilang bumilis ang pagkabog ng dibdib ko nang ma-out-balance kaming napaibabaw ako dito. Mahina itong napaungol na niyapos ako sa baywang. Sunod-sunod akong napapalunok. Damang-dama ko ang init na nagmumula sa katawan nito.
"Let's stay like this baby. I need your body to warm me. Uhmmm" anas nitong mas niyakap akong naninigas na sa ibabaw nito.
"L-Louis" umungol lang itong nananatiling nakayakap. Napapikit akong sumiksik sa leeg nito. Lihim na napapangiti at ninanamnam ang mga sandaling ito na kayakapan ang lalakeng minamahal ko.
NAPAPANGITI AKONG panay ang punas dito ng maligamgam na tubig habang nahihimbing sa kama ko. Mataas pa rin ang lagnat na ikinakabahala ko lalo na't ayaw niyang magpadala ng hospital. Napatitig ako sa kanyang mukha at parang may sariling isip ang kamay kong marahang hinaplos ito sa pisngi.
"Louis. Sana maranasan ko rin balang araw kung paano mo mahalin, at alagaan. Nang higit sa pagiging magkaibigan. Mahal na mahal kita. Sana hindi dumating ang araw na, mapagod akong.....mahalin at pangalagaan ka" pagkausap ko dito na panay ang tulo ng aking luha.
Napasinghot akong nagpahid ng luha at akmang tatayo na nang hagipin nito ang kamay kong ikinanigas ko. Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig sa pagkakahawak nito ng mahigpit sa aking kamay. Dahan-dahan akong napalingon dito na pilit bumangon sa kama.
"Hey" awat ko na akmang ihihiga itong muli pero hinila ako sa batok at sinunggaban ang mga labi kong ikinanigas kong namimilog ang mga mata!
"Uhmm...kiss me back baby" anas nito na mas pinalalim ang halik na ginagawad sa aking ikinapikit kong dahan-dahang tinugon ang mga labi nito!
Damang-dama ko ang init ng kanyang mga labi at hininga. Marahan lang ang paggalaw nito na halatang nanghihina. Nagpatianod akong napadagan dito nang unti-unti itong nahigang muli kayakap ako. Kahit alam kong hindi ako ang nasa isipan nito ngayon ay buong puso kong tinutugon ang kanyang mga labi na naglilikha ng tunog sa palitan naming paninipsip sa labi ng isa't-isa.
"L-Liezel uhmm.... stay with me please" tumulo ang luha kong natigilan sa marubdob naming halikan.
Nagtatanong naman ang mga mata nitong namumungay na tumitig sa mga mata ko.
"Get some rest Louis" naghahabol hiningang saad kong mariing napahalik sa kanyang noo at umayos nang higa sa tabi nito.
"I'm sorry" mapait akong napangiti.
"You don't have to"
"Can you hug me. I'm still cold" nilingon ko itong nakatagilid ng higa paharap sa akin.
"Yeah. Sure" napangiti itong iniangat ang ulong pinaunan ko sa braso ko at niyakap itong sumobsob sa dibdib ko.
Napapahaplos ako sa ulo nito na panay ang halik sa bunbunan nito. Mas niyakap naman ako nitong mahinang napaungol pa na ikinangiti kong pumikit na at pilit umidlip. Halos mag-uumaga na rin at wala pa akong tulog. Ramdam ko na rin ang antok ko sa isang gabing walang tulog.
Tumulo ang luha kong maramdamang banayad na ang panghinga nito at mas lumuwag na ang pagkakayakap sa akin. Dahan-dahan akong kumalas dito at pinakatitigan sa maamo niyang mukha na ngayo'y nahihimbing muli. Napahaplos ako sa kanyang pisngi. Mapait na napangiting marahang hinahaplos itong mariing napahalik sa nakaawang niyang mga labi.
"Kung sana kasi ako na lang. Sana ako na lang"