CHAPTER 7

1828 Words
AMILYN Sinubukan kong lumabas pero kahit anong gawin ko, ayaw akong payagan ng dalawang tauhan na nilagay ni Klient para bantayan ako. “Pasensya na, Ma’am. Hindi po puwede talaga, kami naman po ang malalagot kapag nasuway ang utos ni Boss.” “Lalabas lang po ako saglit kuya, nariyan po ang boyfriend ko sa labas kakausapin ko lang po,” ang subok kong pagmamakaawa. Kahit man lang sana isang minuto lang, gusto ko lang siyang kausapin saglit tingnan na rin ang kalagayan niya, alam kong nasaktan siya eh. “Sige na naman kuya oh, kahit isang minuto lang..” Nagkatinginan silang dalawa. Umiling yung isa. Napakamot naman ang isa sa batok. “Hindi po talaga puwede, kabilin bilinan po ni Bossing.” Napatiim ang mga labi ko at nanginig dahil sa emosyong biglang umalpas sa aking dibdib. Naiiyak na ako sa inis, wala naman karapatan ang tikbalang na yun na pagbawalan ako sa kung ano man ang gusto ko! Wala siyang karapatang manipulain ang buhay ko! Bakit niya ba ‘to ginagawa sa akin? Ano ba talaga ang gusto at kailangan sa akin ng tikbalang na yun?! Mahigit isang taon na niyang pinipisti ang buhay ko, hindi pa ba siya nagsasawa?! Napapikit ako, nang mapagtanto ang maaring dahilan kaya hindi pa ako tinitigilan ng sira ulong yun. He wants to bed me. He’s lusting over me. He did seduce me many times. At naiinis ako sa sarili ko dahil maraming beses din akong nadala sa pang aakit niya. Kapag nangangahas siyang halikan ako, kahit pa galit ako, nagagawa niyang iligaw ang isip ko at pasunurin ako sa gusto niya. Kapag hinawakan niya ako, hinahaplos natutunaw ako kahit pa nga nasa stage ako ng pinakamabagsik kong emosyon. It feels like, he knows how to control my emosyon, he knows how to make my body follow his command. At hindi ko alam kung bakit niya nagagawa yun sa akin ng walang kahirap-hirap at yun ang kinaiinisan ko ng labis sa sarili ko. Nag aaway kami na parang aso at pusa, isusumpa kong hindi siya ang klase ng lalake na magugustuhan ko, pauulanan niya ako ng mga lait na hindi katanggap tanggap. Then, suddenly, naging sweet siya at naging maaalalahanin. I even thought na nagkaroon nga siya ng gusto sa akin noon pero.. Pero plinano lang yata talaga niyang i-seduce ako. Damn him. Gusto lang niyang makipag-laro at pistihin ang buhay ko, buwesitin ang bawat araw ko! And now I think, hindi niya ako titigilan hanggat hindi niya ako nakukuha, hindi niya ako titigilan hanggat hindi niya ako naihahanay sa mga babae niya. Yun ang alam kong katotohanan, gusto niya akong ihilira sa mga babae niya at pagkatapos makuha ang puri ay ibabasura rin tulad ng laging ginagawa niya sa mga babaeng nagdaan sa kaniya. s**t siya. Nunca! Hinding hindi ako mapapasali sa mga babaeng yun na nahumaling sa tulad niya! Laglag balikat at nanghihina akong sumilip sa bintana, nasa labas ng gate sa tapat ng bahay namin ang kotse ni Ream. Naalala ko na naman ang ginawang pag suntok sa kaniya ni Klient. Ang nakita kong kalunos lunos niyang itsura. Duguan ang bibig. Nakasadsad siya sa sahig dahil sa malakas na pagkakasuntok ng sira ulong tikbalang na yun. I grabbed my phone and dialled his phone number again. Ang phone niya ay hindi makontak talaga. Kanina pa ako tumatawag. Tangin answering machine ang maririnig sa linya. What happened to his phone? Low bat kaya? Paano kami makakapag-usap kung hindi ako makalabas ng apartment at hindi ko rin makontak ang cellphone niya? Nakita ko siya kaninang sumusubok na pumasok pero hinarang siya agad ng dalawang tauhan sa may gate pa lang. Inis akong napaupo sa sofa. But then, may ideya akong naisip bigla. He’s my only hope at siya lang makakatulong sa akin para makalabas ako rito. At para rin matigil na ang pamimisti ng tikbalang na yun sa akin. Agad kong hinanap ang number ni Kuya Vince at in-dialled. Agad naman niyang sinagot. Pinaliwanag ko ang mga nangyari at ang sitwasyon ko ngayon, ang pagpapabantay ngayon sa akin ng tikbalang na yun. I was a bit surprised with kuya Vince’s reaction. Taka akong napatingin sa cellphone ko, siya ba talaga ang naririnig ko. I heared him “Yes, mukhang may isang mababaliw naman ngayon,” If I’m not mistaken, yun ang narinig ko. He sounded very happy, natatawa pa at masigla ang boses ni Kuya sa kabilang linya. Napanguso ako, di kaya nasa tabi lang niya si Ate Via? Ganun yun eh, kahit worst senaryo pa yata ikuwento mo dun basta nasa harapan niya ang ate ko parang ang pakiramdam laging nasa heaven. Sana all na lang talaga. DUMATING nga si Kuya Vince mula sa bintana nakita kong nag-usap sila ni Ream saglit at agad hinarap yung dalawang bantay, “Sir, sumusunod lang kami sa utos ayaw po naming mapagalitan.” Ang pagrarason nilang dalawa sa tila pangangastigo ni Kuya Vince sa kanila. Mabilis ding lumapit si Ream sa akin. “Bakit hindi ko makontak ang phone mo? “ agad kong tanong kasunod ng pag inspeksyon ko sa mukha niya. Sa ayos niya, para bang hindi na nag abala pa itong ayusin ang sarili. Madumi ang bandang tagiliran ng damit at lukot lukot na. Para bang mula sa bar ay dumeritso na siya rito, sinundan niya talaga kami. Putok ang labi niya, naawa ako. “Nahulog kanina ang phone ko, sa dami rin ng tao sa disco naapak-apakan kaya nasira,” he explained. May awa akong napatango sa kaniya ng marahan. Kailangan kong gamutin ang sugat niya pati ang tila pasa sa sulok ng labi niya. “Sa bahay ka na muna matutulog, Ami-“ “Ako na lang ang maghahatid sa kaniya kung puwede,” sambot ni Rheam. Tiningnan ako ni Kuya Vince. Nang aarok ang mga mata ko’t nakikiusap na pumayag siya. Huminga siya ng malalim at binalingan si Ream. “Ihatid mo siya ng deritso sa amin,” may diin niyang sabi. “At Ami,” baling niya rin sa akin. Napalunok ako, salubong kasi ang kilay niya. “may kasalanan ka pa sa akin, ngayon pa lang sinasabihan na kitang ipagtapat mo na sa ate mo ang tungkol dito, ipakilala mo si Rheam sa kaniya.” Ang seryoso at may halong banta ang tono niyang sabi. “Huwag mong hintayin na ako pa ang makakapagsabi ng tungkol dito sa ate mo,” ang makahulugan pa niyang dagdag. Marahan akong napatango. Hinatid ako ni Ream sa mansyon nila Ate, nagulat pa siya nang makita ako at may kasamang lalake. Wala nang rason pa para itago ko pa. Nahiya si Ream sa ayos niya nang ipakilala ko. Isa isa kong sinagot ang mga tanong ni Ate. “Di ba pinag usapan na natin ‘to Amilyn? Magtatapos ka muna bago ka makikipag nobyo, at bakit putok ang labi niyan, nakipag boyfriend ka pa yata sa basaguliro-“ “Wala siyang ginagawang masama ate nang bigla na lang siyang suntukin ng isang taong wala sa sariling bait!” Ang agap kong pagtatanggol. Napahilot si Ate sa noo, parang problemadong problemado. “Magtatapos naman po si Amilyn, pinapangako ko pong igagalang ko po siya at hindi ako magmamadali sa ano mang bagay,” ang ani Ream. “Dapat lang, pero nakakasiguro ba akong hindi makakaapekto ang pakikipag nobyo mong ito sa pag aaral mo ha, Ami?” “Ate, hindi. Pinapangako kong mas pagbubutihan ko pa ang pag-aaral ko.” Ang pagpapakalma ko sa kaniya, kita ko ang tila galit pang mababakas sa mga mata ni Ate Via. Galit at pag-aalala. Nag-usap sila ni Ream, hinayaan ko lang sila. Nang magpaalam si Ream akala ko tapos na. Pero nagpatuloy ang pagkundina niya sa pakikipag nobyo ko kahit pa nga nakaalis na si Ream. “Alam mong hindi ito ang napagkasunduan natin Ami, ayaw kong magaya ka sa akin. Ito ba ang mga natutunan mo sa pakikipagkaibigan sa mga socialite na yun? Baka akala mo hindi ko nababalitaan ang pagsama sama mo kay Halena?” Medyo napaawang ang labi ko nang mabanggit ni Ate ang isa sa mga controversial na estudyante sa unibersidad na pinapasukan ko. “Ate, labas ang mga kaibigan ko dito, wala silang kinalaman sa mga desisyon ko.” “Ami, kung hindi ka makikinig ay baka magaya ka sa akin, baka maranasan mo ang hirap na naranasan ko. Baka mapahinto ka sa pag aaral-“ “Nakapagtapos ka na naman ah?” Nakanguso kong sabi. “So, balak mo rin bang sundan ang yapak ko na sa kapabayaan ay maagang nasadlak sa responsibilidad at halos gumapang para lang maitaguyod ang mga anak ko at ang buong pamilya natin?” “Ate, hindi mo naman siguro pinagsisihan na nabuntis ka ng maaga at sa kagandahang palad ay naging si Kuya Vince pa ang ama ng mga anak mo-“ “Oo, buti na lang at pinalad ako’t siya rin pala ang ama ng mga anak ko, Ami. Pero paano kung maging iba ang kapalaran mo? Na sa huli hindi ka kasing palad ng nangyari sa akin?” “Kaya ko ang sarili ko, Ate.” Iwas ang mga mata kong sabi. “Hindi mo kailangan pang mag-alala. Magtatapos ako. Isa pa, may rason din naman ako kung bakit ako nakipag nobyo-“ “Dahil ba ‘to kay Klient?” Ang agad niyang tanong. Hindi agad ako nakasagot at mas lumikot pa ang aking mga mata. “Para tumigil na siya sa kakapisti ng buhay ko!” Inis kong sabi nang hindi tumingin sa kaniya, napabuga siya ng malakas na hangin. “Sa tingin mo ba yan ang sagot para maiwasan siya?” “Ano pa nga ba ang magandang gawin at paraan para tigilan na niya ako? Ngayong may boyfriend na ako, baka mahimasmasan siya’t mapag isip-isip niyang tigilan na ako dahil wala siyang mapapala.” “Itong Ream na ‘to, mahal mo ba or ginagamit mo lang siya para maiwasan si Klient-“ “Ate, mahal ko siya!” Agad na putol ko, though may pagtutol agad ang isang bahagi ng isip ko sa sinabi kong iyon. “I think kulang lang kayo sa pag uusap ni Klient-“ “Klient! Klient! Klient!” Napipika ko nang maktol. “Ate Via, please.. ayaw ko na siyang pag-usapan pa!” Nakita kong lumamlam ang mga mata ng kapatid ko sa akin. Tumayo na ako at tinungo ang hagdan. “Sorry Ate, magpapahinga na ako, pagod na pagod ako sa maghapon.” Hindi na siya nagsalita at tumango na lang ng marahan. A/N: Dear readers, pasensya na sa sobrang tagal ng update nito, sa totoo lang grabe writer’s blocked ko sa story na ito. Ang dami kong need iba-back read sa story ng ibang characters at tamad na akong isa isahin ang story ng RoyaltyEmpire series ko kaya gagawan ko na lang ng paraan na maitawid pero sana pagpasensyahan nyo na kung may mga matikwas akong info. Maraming maraming salamat ❤️❤️❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD