CHAPTER 6

1559 Words
MARVIN Pinakikiramdaman ko siya, panay ang salita niya. Naging madaldal na ang gagu. Sumusuray na rin. Parang may tama na. Napapailing at napapangisi na lang ako habang nakikinig lang sa mga sintimyento niya. Kung noon panay ang deny niya sa nararamdaman niya para sa hipag ni Vince, ngayon hindi na siya paawat sa kakadaldal kung gaano siya kabaliw kay Amilyn. Halata ko na naman yun dati pa, panay sama niya kay Vince sa tuwing pupunta ng Pangasinan. Hindi naman niya gagawin ‘yun kung wala siyang pakay, yung magsasayang ng oras? Wala yun sa character niya. Hindi niya pag aaksayahan ng oras si Amilyn na umabot na nga ng mahigit isang taon kung wala siyang gusto talaga rito or walang nararamdaman. He always doing stupid things too para lang magpapansin kay Amilyn. Pero kapag tinatanong namin siya kung gusto nga niya si Amilyn, hindi umaamin. Babatohin niya pa ng hindi mabilang na lait ang kawawang babae at sasabihin malabo dahil hindi pasado sa taste niya, hindi raw pasado sa standard niya. But then, it was possible also that he could just maybe got confused, about his own feelings. Baka nga akala niya hindi niya talaga magagawang mahulog sa isang babaeng ang ugali ay kabaliktaran ng babaeng gusto niyang maging karelasyon at asawa. And sadly, nahulog nga siya. Pero naramdaman niyang mahal na pala niya si Amilyn nung makita na niya ang dalaga na masaya na sa piling ng ibang lalake. “Nakikinig ka ba, pare?” Napilig ko agad ang ulo ko. Tiningnan niya ako ng masama. He tsked at me. “Sabi ko may paglalagyan sa akin ‘yang Baltimore na ‘yan, pagsisihan niyang ako ang binangga niya,” medyo baliko na ang tono niya. Shit. Halatang may tama na nga. Napatingin ako sa mga lata ng beer na nakunsumo niya. “Ipahinga mo na yan, anong oras na. Itulog mo na muna, saka mo pag isipan ang susunod mong hakbang laban kay Rheam, huwag kang padalosdalos, hindi basta basta ang mga Baltimore alam mo ‘yan,” muli ay paalala ko. Sumuray siya saka mayabang na ngumisi, nilalamon na naman ng selos ang gagu na ‘to. Ilang araw na rin itong maligalig, hindi mapakali at laging nakasubaybay kay Amilyn at Rheam. “Fuentaville ako, pare. Handa akong makipag ubusan ng lahi sa Baltimore na yun! Hinding hindi ko siya aatrasan!” Maangas pa rin niyang sabi habang matalim na nakatingin sa sahig. Napapailing na lang ako, minsan gusto ko siyang sisihin, dati kasi marami siyang pagkakataon na ipakita kay Amilyn na gusto niya ito. Marami siyang pagkakataon na mapaamo ito at maging kaniya. Pero ang problema, mas pinili niyang asarin at galitin si Amilyn sa bawat sandaling magkrukrus ang landas nila. And also his ego, perhaps? Dumagdag pa, tsk. Ma-ego ang taong to, eh. And maybe that’s the one reason that ruined his feelings. Alam ko rin na nakagawa siya ng isang bagay na kinagalit ng husto ni Amilyn sa kaniya. Biglang tumunog ang cellphone niya, message tune. Kahit may tama mabilis pa rin ang kilos niyang dinukot ang cellphone niya. I just watched him, kumunot ang noo niya nang tingnan niya ang text, kita ang biglang pagbalasik ng mga mata niya. “I’m going,” bigla ay paalam niya, sabay tayo. Naudlot ang pagtungga ko sa beer kong hawak. “Saan ka pupunta?” “D-dyan lang.. M-may pupuntahan lang ako.” Tila alanganin niyang sabi. Lumikot ang mga mata niya’t di mapirmi. Parang nahuhulaan ko na. Umigting ang panga niya. “Damn him.” Galit niyang bulong. “Lasing ka na, dito ka na magpalipas ng gabi or I will call your driver to fetch you,” ang agad kong sabi, lasing na kasi talaga ang gagu at delikado sa kaniya ang pagmamaneho. He tsked, louder. “I’m not drunk, I can still manage to drive.” Ang baliwalang aniya. Tumayo na at parang nagmamadali na ang kilos. Napasunod ako sa kaniya, tang na. Hindi ‘to papipigil talaga at sa nakita kong reaksyon niya kanina parang nakatanggap ito ng masamang balita. “Ipagmamaneho na kita,” I volunteered, tiningnan niya ako pero hindi na rin naman nagsalita. Kotse ko na ang ginamit namin, “Amilyn’s apartment.” Aniyang hindi tumitingin sa akin. Bahagya akong natigilan. s**t. Sabi ko na. Medyo awang ang labi kong pinaandar ang makina. Pinili ko na lang ang manahimik. Panakanaka ko siyang sinusulyapan habang nasa biyahe kami, panay ang galaw ng panga niya. Deritso ang tingin niya sa kalsada pero halatang nasa ibang dimensyon ang utak. Kita ko ang kamay niyang nakayukom, mahigpit at lumalabas ang ugat. Napailing ako. He’s mad and only trying to calm himself and not to burts out. Anong kayang binalita sa kaniya? Dali dali siyang bumaba ng sasakyan nang makarating kami sa harap ng apartment, naroon na ang mga tauhan niyang kausap ni Vince. Pakamot kamot sa batok. Parang kinakastigo ni Villamar. “Where is she?” Agad niyang tanong sa isang tauhan na parang hindi niya nakita si Vince. Humalukipkip ako sa isang tabi at pinanood lamang sila. Vince smirked. “Ayos ka rin, kung makahanap ka at mapag guwardya akala mo may karapatan ka talaga-“ “She’s with that Baltimore! Nakikipag boyfriend na siya nang palihim pa sa ate niya-“ “Pero alam ko ang tungkol dun, she told me. Kumukuha lamang din siya ng magandang pagkakataon para masabi rin sa asawa ko-“ “Pinayagan mo?” parang hindi makapaniwala niyang tanong. Then, Vince smirked again. Parang naaliw sa reaksyon ng kaibigan namin. “Why not? Do you think, pipigilan ko si Ami? Hindi na siya bata, wala akong karapatan na pigilan siya kung gusto man niyang magkaroon ng boyfriend, at kung wala akong karapatang pigilan siya, aba lalo ka na!” Bahagyang natigilan si Klient. “K-kailangan muna niyang makapagtapos bago pumasok sa boyfriend boyfriend na yan!” Ang galit niyang sabi. Vince laughed so hard. Pigil din ang tawa ko, tang na. Umamin na kanina sa akin, tapos ngayon kaharap si Vince parang hirap pa siyang umamin ulit. “Ano ka ba ni Amilyn, tatay niya?” Pang aasar pa niyang tanong. “You’re not her father, si Nanay nga hindi nagalit nang malaman ang tungkol dito pero kung maka-reak ka parang naagrabyado ka sa pagbo-boyfriend ng hipag ko ah,” pasarkastiko niyang sabi. But Klient just pissed even more. Tiningala niya ang apartment. “Where is she?” muli niyang tanong sa tauhan. Nilagpasan na niya si Vince at tuloy tuloy na pumasok sa loob. Natatawa at naiiling kami ni Vince na nagkatinginan. Malalaki ang hakbang niya. Sinundan siya ng tauhan, dinig pa rin namin sa kinatatayuan ang palitan nila ng usap. “Boss, nakaalis na po si Ma’am pumunta po kasi rito si Baltimore-“ “Hindi ba sinabi kong pigilan niyo at huwag na huwag papasukin?! Tang ina! Sinama siya ng Baltimore na yun?” Galit na galit siya at parang hindi makapaniwalang sumama nga si Amilyn kay Baltimore sa ganitong oras. “Dumating po si Sir Vince eh-“ sa tono ng tauhan ay halatang takot na takot sa galit niya. Narinig namin ang malulutong niyang mura, hindi ko alam kung para kay Baltimore or para kay Vince. But Vince just crazily smiling the whole time. Hindi nagtagal, dumating si Kiel. Papalabas na rin ng apartment si Klient at galit na galit. “You bastard!” Aniyang nag aapoy ang mga mata kay Vince. Pero hindi mawala ang mapaglarong ngisi ni Vince. “Bakit ano bang ginawa ko?” painosenting, ani Vince sa kaniya. Hindi sumagot si Klient pero binalingan ang mga tauhan. “Tara, we will haunt that asshole and-“ “No, you won’t!” Ang pigil ni Vince sa kaniya hinawakan siya sa braso. Agad pumiglas si Klient. “Piyagan mo siyang sumama sa Baltimore na yon sa ganitong oras na ng gabi! Paano kung may gawin ang Baltimore na yun sa kaniya-“ “Will you shut up!” Ang tila ubos na pasensyang ani Vince sa kaniya. “Ihahatid lang niya sa bahay namin si Amilyn! Hindi mo ba nakikita sarili mo? Para ka nang wala sa katinuan mo!” “He’s drunk,” singit ko. “I’m not f*****g drunk!” Agad at galit niyang tanggol sa sarili. Napakamot na lang ako sa ulo. Fine. Pero tang ina. Yung daig mo pang umakto bilang estriktong tatay ni Amilyn or boyfriend na inagawan, that’s weird. “Kiel, kausapin mo ‘tong kapatid mo. Nagtitimpi lang talaga ako.” Ang makahulugang ani Vince. Mayabang pa rin siyang nginisihan ni Klient at padaskol na binawi ang braso mula sa pagkakahawak ni Vince. “Nagtitimpi ka lang talaga? Hindi kita aatrasan Villamar magsama-sama pa kayo ng pinsan mo!” napapikit na lang ako. Wala na talaga sa wisyo ang taong to. Kinain na talaga ng selos at galit ang sistema, wala nang sinisino. Awang ang labi ni Vince, sinenyasan ni Klient ang isang tauhan. Bantulot naman kung susunod or hindi. “Let’s go,” yakag niya. “Hindi kayo aalis!” Seryosong ani Kiel sa kaniya. Napayuko ang mga tauhan niya. But Klient just ignored him. “Tara, sumunod kayo sa akin,” utos niya sa mga tauhan na alanganin kung sino ang susundin sa magkapatid. “Klient!” Ang galit na tawag at pigil na sa kaniya ni Kiel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD