CHAPTER 8

1646 Words
AMILYN After that incident, he suddenly disappeared. Wala naman akong pakialam kahit hindi siya magpakita. Sa mga naunang araw na wala siya, nakaramdam pa nga ako ng saya. Naging masigla ang mga araw ko, walang nambubuwesit eh. Walang asungot na bigla na lang sumusulpot sa school na pinapasukan ko at pipilitin akong sumakay sa kotse niya para pauwiin na sa apartment ko. “Himala ah, hindi talaga nagpapakita si Klient. Ano yun napagod na kakahabol saiyo, Ami?” natatawang biro ni Elina, isa sa mga kaibigan ko. Napahinto ako sa pagsipsip sa straw ng soft drink mula sa plastic cup na hawak ko. “Ibig mo bang sabihin eh, napagod mangbuwesit at mang asar?” Sarkastiko kong balik tanong. “Naku, Ami. Ikaw lang yata ang kilala kong buwesit na buwesit sa paglapit-lapit ni Klient Fuentaville. Kung alam mo lang maraming nangangarap sa puwesto mo.” Ani naman ni Sandy. “Isa na ako dun,” singit ng isa pa naming kaibigan. Agad akong napangiwi. Akala talaga nila yata may gusto sa akin ang tekbalang na yun. “Hindi siya magsasayang ng 15 million para lang mang asar no?” Now they brought it up again. Yung nangyari noon na auction for charity. Yun yung ginagawa nilang batayan para masabing may gusto talaga sa akin ang tikbalang na yun. Kung alam lang nila kung ano talaga ang pakay niya sa akin. Naramdaman ko ang biglang pagsasal ng dibdib ko. Hindi ko alam kung obssesion nga bang matatawag ang ginagawa niya sa akin. Pero ang alam ko lang alam kong hindi siya titigil hanggang hindi niya ako nakukuha. Gusto lang niya akong maikama. Yun lang ang malinaw na pakay niya sa akin. At never kong ibibigay yun sa kaniya. Kahit pa tumanda akong dalaga. “Kahit nga ako rin, type ko si Klient. Ang guwapo niya kasi. Ang yaman pa. He has everything!” Pinagkibit balikat ko lang ang mga naririnig kong papuri mula sa kanila. Kung ipapaliwanag ko ang side ko kung bakit ayaw ko kay Klient sigurado naman na hindi rin nila ako maiintindihan. For me, Klient is worst of all the worst. Pakiramdam niya yata lahat na lang puwede niyang pakialamanan. Yung nag iisang taong daig pa tatay ko kung umasta sa buhay ko. Dahil wala siya, ginugol ko agad ang atensyon ko para makasama ang mga kaibigan ko, halos araw araw din kaming magkasama ni Ream. May permiso na siya mula kila Ate para dalawin ako sa mansion nila ni Kuya Vince. Galit ako kay Klient, galit ako sa ginawa niya kay Ream, sinaktan niya ang boyfriend ko kahit hindi naman siya inaano. Galit ako sa pangingialam niya sa buhay ko. Galit ako sa palaging pang-aasar at pangbubuwesit niya sa akin. Pero aaminin ko, naninibago ako. Everyday not seeing him was really new to me. Nang maglaon, nakaramdam na ako ng kakaiba. Isang pakiramdam na kahit ako hindi ko kayang pangalanan. Nalulungkot ba ako? Nag aalala sa kaniya? I don’t know.. Pero ayaw ko ng nararamdaman kong yun kaya panay ang kundina ko sa sarili. Minsan nang magkita-kita silang magkakaibigan sa pa-bbq party nila Kuya Carl at Ate Ashley sa mansion nila, siya lang ang wala. Masaya ang lahat na nag-usap usap. Nakikinig lang ako. Wala man lang nagtatanong kung nasaan siya. Kuya Kiel and Ate Althea were there too, pero kahit pangalan niya hindi nila binanggit. Alertong alerto ang tainga ko kung mapag uusapan siya pero wala akong narinig about sa kaniya. Kahit papasyaw man lang.. Weird. Parang naaakit tuloy akong magtanong kung nasaan siya. Magtanong kung bakit siya wala. Pero nakauwi na kami sa mansion nila Kuya Vince ay hindi ko nagawa. Nauumid ang dila ko. Galit nga ako sa kaniya tapos hahanapin ko siya? Di para akong tanga nun. Okay lang naman siguro siya, dahil kung hindi, sigurado naman na malalaman ko yun, siguradong pag uusapan siya ng mga kaibigan niya. Kaya tama lang na hindi ako nag tanong, baka makarating pa sa kaniya e, isipin na naman niyang gusto ko talaga siya. Na hinahanap ko siya at namimiss. Tsk. Feelingero pa naman yun. Kahit kailan hindi ko siya mami-miss noh! Magunaw pa ang mundo! Nanibago lang naman ako, two weeks na kasing walang bubuntot buntot sa akin para mang-asar at mangbuwesit. Then, akala ko makikita ko siya dun. I wasn't looking for his presence, but maybe it was just giving me a weird feeling of his absence that's why I thought of him. Hindi ko maiwasan. My life suddenly in peace, and honestly I missed this kind of life. Pero sa isang banda, may pagkakataon na pakiramdam ko ay may kulang. s**t. That’s really bullshit. Pilit kong niwawaksi ang ganung pakiramdam. It wasn’t right. Hindi ko dapat maramdaman ang kakulangan dahil wala siya. Siguro dahil mula kasi nang makilala ko ang tikbalang na yun parang nawalan na ng katahimikan ang buhay ko. Araw araw na nandyan siya. Kaya marahil nasanay lang ako sa presensya niya. Saktong pangalawang Linggo kong panunuluyan sa mansion nila Ate Via at Kuya Vince nang magpaalam akong babalik na sa apartment ko. May sister immediately protested. “Puwede naman na dito ka na lang ulit tumuloy sa amin, bitawan mo na yang apartment mo, Ami.” Napalingon ako sa bukana ng pintuan, naroon si ate. Nakahalukipkip habang pinanunuod ako sa pag liligpit ng mga gamit ko. “Ate, sobrang makakaabala ako sa inyo ni Kuya. At isa pa mas gusto ko sa apartment ko, malapit lang sa school at-“ “At nagagawa mo ang gusto mo. Noon naman hindi namin inisip na abala sa amin ang pagtira mo.” Agad niyang putol sa pagrarason ko. “Mas panatag kami kapag dito ka na lang tumuloy sa amin ulit. Isa pa, magagawa mo rin naman ang gusto mo kahit nandito ka sa amin, basta hindi nakakasama saiyo at sa pag-aaral mo malaya ka-“ “Gusto kong maging independent, hindi yung laging may sumasalo sa akin. Ayaw ko rin ng laging may nakabantay sa akin, hindi na ako bata ate,” bigla siyang natigilan at hindi na nakapagsalita. Parang gusto kong pagsisihan ang pag rarason at pagsagot ko pero walang lumabas sa bibig ko hanggang tumalikod siya at iniwan ako. Pagbaba ko, kinuha agad ng driver na maghahatid sa akin ang dala kong maliit na maleta. Nasa sala sila Ate at Kuya Vince, nasa telebisyon ang pansin ng dalawa habang may pinagdidiskusyonan. Hindi yata napansin ang pagdating ko. “Anak ng senador yan ‘di ba?” “A former senator, Baby. He’s a congressman now.. then, may anak siya sa labas governor naman iyon. They are quite powerful.” “Girlfriend na naman niya yan? Parang kailan lang ibang girl friend ang binabalita nila-“ “Baby, hindi naman lahat ng nasa news ay totoo, kadalasan fake news at nagiging assumption na lang ng mga tao na totoo ang balitang yun dahil isang kilalang media outlet ang naglabas.” “ Kinakampihan at pinagtatakpan mo kasi kaibigan mo eh.” Irap ng ate ko sa asawa. Nakita ko kung paano matigilan si Kuya Vince at mapaawang ang mga labi. “Ganyan ka rin naman noon eh, kaya siguradong pare-pareho kayong magkakaibigan puro papalit palit-“ “Baby, naman bakit pati ako nadamay diyan? Isa pa, hindi ako ganyan kalala kay Klient no! At wala nang babaeng nagdaan sa akin mula ng makilala kita. Naging ikaw na ang sentro ng buhay ko.” Napapakamot sa batok na ani Kuya Vince. “Si Klient ang laman ng balita nadamay na naman ako..” bulong ni Kuya. Napalunok ako nang marinig ang pangalan niya. Sa diskusyonan nila, parang yun lang ang rumuhistro sa isip ko at wala nang iba. “I don’t really know kung may relasyon sila ng babaeng to. But the woman is a famous international model. Kilala ko siya, at hindi naman lahat ng tungkol kay Klient ay alam namin. Marami pa rin ang tungkol sa kaniya na hindi na namin nasasaklaw, Baby..” Napatingin ako sa tv, isang magkapareha ang pinagkakaguluhan ng mga reporters, malawak ang ngiti ng napakaganda at matangkad na babae sa bawat nakatutok na camera. Pamilyar ang mukha niya. In close-up pa nila ang mukha ng nakangiting babae. Sobrang ganda niya at kinis. Ang awra ay sosyal na sosyal at alam mo na agad na galing sa hindi basta bastang pamilya. Ang bawat galaw ng babae ay may kalakip na ningning ng karangyaan. Nakakasilaw ang damit at palamuting nakakabit sa katawan tulad ng kutis niyang tila hindi nasamyuhan ng hangin ng kahirapan. Naka abriseiti siya sa braso ni Klient na bahagyang nakangiti rin habang kinakausap ng isa sa mga reporters. Aaminin kong sa lahat ng babaeng na link kay Klient, parang sila ang nababagay. Kaya pala absent at hindi nagpapakita abala pala ang ang tekbalang sa ibang bagay. Nice, nasa iba na ang atensyon niya. Sana tuloy tuloy na yan, lalo na’t bagay na bagay sila. At sana huwag na niya akong guluhin, baka kapag na bored na naman sa buhay ang tekbalang na yan ako ulit ang balingan niya para buwesitin ang buhay. “Ma’am Amilyn, aalis na po ba tayo?” Napabaling ang atensyon ko sa driver. Nakita ko sa sulok ng mga mata ko nang agad na patayin ni Ate Via ang tv. “Magpapaalam lang ako kila ate at kuya, Manong. Sa sasakyan niyo na po ako hintayin.” tipid ang ngiti kong sabi. Pormal lang akong nagpaalaman sa mag-asawa, ilang bilin at pag papaalala ang narinig ko sa kapaitd ko. Wala akong binanggit at nagpanggap na lang na parang hindi ko nakita kanina yung pinanonood nila, ganun din naman sila sa akin. Pero nang lulan na ako ng kotse at tahak na namin ang daan, tila tuksong muli siyang sumagi sa isip ko. Itanggi ko man kay Ate Via, alam kong alam niya na minsan, muntik na rin mahulog ang loob ko sa tikbalang na yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD