AMILYN May mahigit isang oras din ang inabot ng biyahe namin gamit ang bangkang de motor. Sa kabilang pangpang, ay naroon na nga ang naghihintay na sasakyan. Akala ko, uupo si Klient sa tabi ng driver seat pero napakagat labi na lamang ako nang sa akin siya tumabi sa may passenger. “Inaantok ka pa ba? Sobrang late na tayong natulog kagabi, pagod pa. Puwede kang sumandal sa akin at matulog muna sa biyahe,” ang masuyong aniya na tinapik pa ang kaniyang balikat para doon ako sumandal. But then, ngumisi siya na parang may naisip na naman na kalokohan. Agad ko siyang sinamaan ng tingin kasi siyempre ramdam ko na ang kalokohang gagawin niya. At ayun na nga, nagawa pa mang-asar ng sira ulo. “Bakit ba sa balikat ako tumapik e, sa liit mong yan siguradong hindi ka aabot sa balikat ko- aw