AMILYN “I am Ream Baltimore-“ “Kilala na kita,” agad kong sabi sa kaniya. Sa isip koy, tama nga ako ng hula. Siya si Ream at hindi si Rue. Naka reading glasses siya pero kita ko pa rin ang nakangiting mga mata niya. Halos walang pinagkaiba ang physical appearance nila ng kapatid niya. At kung hindi lang siya nakangiti ngayon, aakalain mo talagang si Rue ang isang ito. But wait, for fashion lang ba ang pagsusuot niya ng reading glasses or talagang malabo na ang mga mata niya? Malabo mata pero magaling mag shoot ng bola? Meron bang ganun? Well, baka naka contactlens kapag naglalaro? Napansin kong nakatitig siya sa akin. Nahihiya at may pagmamadali kong pinahid ang mga luha sa pisngi ko. Malawak pa rin ang ngiti niya sa akin, pati mga mata niya nakangiti talaga. Kimi at naiil