AMILYN Hindi ko maitatanggi ang ligayang nararamdaman ko sa bawat araw na magdaan sa amin dito sa isla. At sa bawat sandaling magkasama kami ni Klient, nararamdaman kong mas lalo kaming nagiging malapit sa isat isa. Nag horse riding kami, binisita namin ang taniman ng pakwan at pinya ni Kuya Noah. Namitas kami at kumain ng marami. Ang tatamis. Nag uwi pa kami sa kubo. Walang araw din na hindi kami napunta ng lagoon para mag lonoy dun maghapon. Uuwi lang kami kapag tapos nang lumubog ang araw. Sa isang bahagi ng isla ay may water falls din. Doon nag picnic kaming dalawa saka rin naligo. At tulad ng lagi niyang ginagawa, ay binubuhat niya ako at ibabagsak din sa tubig kasama niya. It was fun. It was always fun to be with him. Ako, na laging kakambal ang cellphone at parang hin