CHAPTER 5

1251 Words
KLIENT Kasalukuyan kong nilalagok ang pangatlo kong can of beer nang tumunog ang aking cellphone. Agad akong napadukot sa aking bulsa para sana sagutin iyon. Medyo alerto ako ngayon sa tawag dahil baka nga sundan pa ng Baltimore na iyon si Amilyn sa apartment niya at hindi mapigilan ng mga tauhan ko. Kapag nagkataon, hindi ako mangingimi talaga puntahan siya dun at banatan suntok ang pagmumukha niya hanggang sa mabura. Napatiim bagang ako, hindi ko talaga maiwasan ang pag alpas ng galit ko sa tuwing maalala ang Baltimore na yun at kung paano niya halikan si Amilyn. The next time I see him, tapyas talaga ang nguso niya sa akin. Napahinga ako ng malalim nang makita kong nagpa-popped up sa phone screen ang pangalan ng sikat na international model na anak ng isa sa mga kaibigan at kasosyo ni Daddy. Walang gana kong kinasel ang tawag, maya-maya ay muli iyong tumunog. Napabuntong hininga na lang ako. Saglit kong tinitigan ang pangalan niya sa screen. Weird.. Nawala at natunaw na lang bigla ang interest ko sa kaniya. Kahit ako nabibigla na rin sa mga kinikilos ko, sa nararamdaman ko. This is not me. Pakiramdam ko, para akong sinapihan ng ibang kaluluwa at siyang may kontrol ng buong pagkatao ko ngayon. And the most frustrating part is, the soul that joined me doesn't want any other woman but that stunts Amilyn. Fvck. I frustratedly dropped her call. Then, basta ko na lang initsa ang phone ko sa ibabaw ng center table. Tumigil ang tunog, muli umilaw iyon at nag ring muli. She’s calling again. Walang gana kong tiningnan lamang iyon hanggang sa tumigil. Thankfully, hindi na ulit tumawag. Narinig kong muli ang makahulugang ngisi ni Marvin. “Tinatarget mo ‘yan noon kaya kahit nasa ibang bansa ay matsaga mong pinaglalaanan ng oras para kausapin, what now pare? What made you change your mind? Sayang din yan dagdag sa collection mo,” ang tila nang-aasar na aniya. Masama ang tingin na pinukol ko sa kaniya. Nakangisi pa rin siya at naiiling. Dati, lagi akong game sa ganitong patutsada ng mga kaibigan ko. Never kong itinanggi ang madalas kong sadya sa isang babae, at yun ay ang maikama lamang at tikman sila. Pagkatapos kong tikman, hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang akong nawawalan ng gana. Malalim at medyo marahas ang pinakawalan kong hangin mula sa aking baga. Shit. Never akong namoroblema ng ganito, lalo na kung dahil lang sa isang babae. Inaamin kong marami akong nagustuhan, but it was all for fun. Wala akong seneryoso. Didigahan ko, kapag pumasa at pumayag na maikama ko, after that, wala na. “I want Amilyn..” wala sa loob at mahina kong usal. Hindi ko alam kung kay Marvin ko ba kinukumpisal iyon, or sa mismong sarili ko. Dahil napagtanto ko na ngayon na, wala na akong ibang interest sa ibang babae at ang gusto ko na lamang ngayon ay ang masungit na bansot na iyon. It seems like, she bewitched me. Hindi ko akalain at inaasahan na lalalim ang nararamdaman ko para sa kaniya, ang gusto ko lang kasi noon, ay asarin siya nang asarin. Ang buwesitin ang araw niya, doon ako parang tuwang tuwa. Naalala ko pa nang minsang tuksuhin ako nila Noah, “baka biglang kapitan ka ng karma at mainlove ka dyan kay Amilyn, sige ka.” saglit akong natigilan. Pero napangisi rin ako, para kasing malabong mangyari yun. No way magkaka gusto ako sa ganung klasing babae. “Parang malabo yon ah, she’s not my type budz! Isa pa, ang bata pa nun! Gusto ko lang siyang buwesitin!” Nakita ko ang makahulugan nilang tinginan. “Huwag kang magsalita ng tapos, galing dyan si Uno,” napalingon bigla si Uno. “Bakit damay na naman ako dyan, gagu?!” “Bakit totoo naman ah, di ba inaayawan mo noon si Marie?” natigilan siya saglit then napahaplos siya sa batok. “H-hindi naman talaga inaayawan kun ‘di naguguluhan lang-“ “Tangina mo, alam naming lahat ang buong estorya! Hindi mo na lang masabi ngayon kasi, siyempre medyo sinuwerte ka na si Marie na inaayawan mo noon at si Arielle na kinababaliwan mo naman ay nagkataong iisa pala!” Napangisi si Uno. “Kaya nga, huwag nyo na ipaalala sa akin, dahil kapag naalala ko ang mga ginawa ko noon kay Marie ay hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng inis sa sarili ko.” Ang napapailing na anito saka napatingin sa akin. “Si Noah at Kiel, including myself, aayaw ayaw kami sa bata pero doon kami nabaliw.” Proud na proud pa ang pagkakasabi ni Matt. Pero parang tumayo lahat ng balahibo ko nang mga oras na yun. “Ikaw, tigil tigilan mo na nga yang kakaasar mo kay Amilyn, dahil kapag ikaw rin ang napagtripan ng tadhana baka mas malala ang abutin mo kaysa sa inabot ko.” Natawa lang ako ng malakas sa kanila. Hindi ko binigyan ng pagkakataong dumikit sa utak ko ang tila paalala nilang iyon sa akin. Mukha kasing malabong mangyari yun, hinding hindi ako mahuhulog sa bansot na yun or kahit sa kaninong babae. No way! Wala pa yan sa utak ko, at kung darating man, sisiguraduhin kong pasok na pasok sa standard ko ang babaeng mamahalin ko. Ang mataas na standard na tinayo ko, na pakiramdam ko’y nararapat lamang para sa akin. I am known as successful business man at very young age. Hindi ako mahihiyang sabihin sa lahat na popular din ako sa buong bansa hindi lamang sa apilyedong bitbit ko kun ‘di dahil rin sa magandang lalake talaga ako. So, itong pinagsasabi ng mga gagung ‘to porke’t aliw na aliw akong asarin ang masungit na bansot na yun? Mahuhulog daw ako? Talagang napahalakhak ako kasi malabong mangyari yun! Malabong mangyari.. Malabo nga ba? Pero nasaan na ako ngayon, bakit hinahabol ko siya? Truly that karma is a b***h, really... I didn’t expected this to happen. Akala ko maiiba ang kapalaran ko sa naging kapalaran ng mga kaibigan ko. “I don’t know what happened, to me..” parang wala sa sariling kumpisal ko. “I.. I just woke up na siya na ang gusto ko.. Just her all I want.. I want her to be mine, only mine..” nakayuko kong sabi.. laglag ang balikat kong naamin na rin sa wakas.. naramdaman kong natigilan si Marvin.. Ilang sandali kaming natahimik.. hanggang marinig ko ang pagbuga niya ng hangin. “Ang hirap niyan pare, ang dami mong pangit na markang pinakita kay Amilyn. Ayaw niya saiyo, at kapag inayawan ka, hindi mo siya puweding pilitin. Vince warned you already, pare,” paalala niya sa akin saka naiiling na lumagok mula sa hawak rin nitong can. Napatitig ako sa hawak kong beer, humigpit ang palad ko dun na akala mo’y gusto kong durugin nang maalala ang makahulugang warning sa akin ni Vince. Alam kong seryoso siya nang balaan niya ako. “What the fvck, Klient!” natauhan ako, hindi ko napansin na nayupi ko na nga ang can at umaapaw na ang laman nitong beer na bumubuhos ngayon sa kamay ko at sa carpeted na sahig. “Mahal ang bili ko sa carpet na yan, gagu! Sa dubai ko pa yan binili-“ “She’s mine.. whatever happen, she will be mine..” seryoso at mariin kong sabi, hindi ko pinansin ang himutok niya dahil sa pagkakabuhos ng beer ko sa carpet niya. He tsked but he didn’t say anything, nagtungo siyang kitchen at kumuha ng pamunas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD