CHAPTER 9

1561 Words
AMILYN (PAST) (THROWBACK) Ilang Linggo pa lang akong pumapasok noon sa unibersidad na pinapasukan ko dito sa Manila. Actually, sa unang mga araw ko, walang pumapansin sa akin sa unibersidad na ito na pawang puro may sinabi sa buhay ang halos mag aaral. Then, nakilala ko si Halena, lagi ko siyang nakikitang mag isa. Akala ko noong una hindi niya ako papansinin, maypagka masungit ay isnabera kasi ang awra niya. Pero, in my surprised, pinansin niya ako at mabait pa nga siya. Naging magaan ang loob ko namin sa isat isa. Pero napansin ko, laman siya lagi ng mga bulungan at anasan ng mga grupo ng mga estudyante sa bawat sulok ng unibersidad. “Nakakahiya talaga ang tulad niya dito sa school natin, kung wala siya baka naisama na ang school natin sa mga unibersidad dito sa bansa na ang mga estudyante ay may mataas na kalidad ng moral. Malinis na track record at back ground mula sa kani-kanilang pamilyang pinanggalingan,” nakaingos na sabi ng isa. “Kung hindi kaya ng mga magulang niyang pag aralin siya sa ganito kamahal na school, dapat ay hindi na niya pinagpipilitan pa, kaysa kung ano anong reputasyon ang pinapasok niya para matustusan ang pag aaral niya, hindi niya ba nare-realized na nasisira rin ang reputasyon ng school natin dahil sa kaniya?” ang himutok din ng isa. “Ang nakakainis pa, ay taas noo pa rin siya sa atin na akala mo e, yung pagiging p****k niya ay marangal at maipag-mamalaking trabaho!” Tila nanggagalaiting anang isa. Bakit ba nakasanayan na ng mga tao na mangialam sa buhay ng may buhay? Totoo man ang sinasabi nila o hindi, wala pa rin sila sa posisyon para basta na lamang mang husga at mangialam. Isa pa, naniniwala ako na sa likod ng bawat piniling desisyon, ay may kalakip na mabigat na rason. Alam kong may mabigat na rason si Halena kaya siguro napasok siya sa ganun. Nagpatuloy ang bulungan at panglilibak sa kaniya. “Malakas ang loob niya dahil marami siyang clients na kilala sa bansa, remember nakita rin daw siyang kasakasama ng isang kilalang politiko? Magka holding hands pa raw ang dalawa nang makunan ng picture, haay naku nakakadiri talaga siya!” ang dinig ko pang chismisan nila. Kinaiilagan si Halena ng lahat dahil sa kaniyang reputasyon na hindi ko alam kung may katotohanan nga. Kung ano ano ang tinatawag sa kaniya ng mga kapwa namin estudyante sa unibersidad na ito, hooker, w***e, bayaran, p****k. Lahat masasama. Nakakahiya raw na mayroon estudyanteng tulad niya ang nag aaral sa unibersidad namin. At ang nakakamangha kahit nililibak siya, may awra pa rin na hindi natitinag si Halena. Taas noo pa rin niyang hinaharap at kaya niyang titigan sa mga mata ang mga estudyanting walang pakundangan kung magparinig sa kaniya. Isang katangian na siyang hinahangaan ko. Pero masasabi kong mabait naman siya at hindi hadlang ang reputasyon niya para hindi kami maging malapit sa isat isa. Tanging siya lang din naman ang estudyanteng nalalapitan ko at kumakausap sa akin noong una. But not until they found out about my connection to Kuya Vince and his friends. Then, nag umpisang mag iba ang ihip ng hangin para sa akin. Papalabas na ako noon, expected kong naghihintay na ang driver nila kuya Vince na siyang susundo sa akin. At mula sa cellphone na hawak ay napaangat ang mukha ko dahil sa mga bulungan, anasan at hagikgikan na biglang naulanigan ko sa aking paligid. “Ang guwapo niyang pala talaga sa personal, no? Kaya maraming nahuhumaling din sa kaniya. Lapitan kaya natin at magpa cute tayo?” “Suplado daw yan, girl. Dinig ko rin na mataas ang standard pagdating sa babae. You will see naman sa mga news puro famous model and artist ang mga nagiging jowa,” “Yes. I heard abouy that. Height and looks ang pangunahing requirements niya sa physical appearance, baka maisnab lang ang beauty natin.” “Matatangkad talaga ang gusto niya? E, sino yang bansot at pangit na Amilyn Meriel na yan na susunduin daw niya?” Natigilan ako bigla pagkarinig nun. Napaawang ang labi ko at agad napatingin sa labas ng gate. Sumalubong agad sa akin ang mapang asar at mala demonyong ngisi ni Klient. May hawak itong malaking placard at nakataas pa kaya agaw pansin sa lahat ng mga estudyanting papalabas na ng school. Lalong napaawang ang mga labi ko kasabay ng paglaki ng mga mata ko nang mabasa ang mahabang nakasulat dun. “Kung sino man ang nakakakilala sa pangit at bansot na si Amilyn Meriel, pakisabi napag utusan lang ako ng bayaw niyang si Vince Villamar na sunduin siya, at kung sino man ang matatangka na mang bully sa kaniya sa school na ‘to ay mananagot sa amin. Dahil kami lang ang may karapatang mang bully sa bansot at pangit na yan.” Nanlamig ang buong katawan ko at lahat yata ng balahibo ko ay tumayo. Tumingin ako sa paligid, lahat sila ay nakatingin sa akin. Mas bumaha ang alingasngas ng ingay sa paligid, halo halong kuro kuro. May mga nagtatawanan din. “Oh, nandito ka na pala bansot. Sa tatangkad ng mag aaral dito buti buhay kapang nakalabas ng school building niyo?” Pangbubuska pa niya. Naikuyom ko ang palad ko kasabay ng pag alpas ng galit. Mangiyak ngiyak akong sinugod siya ng suntok, agad niyang binitawan ang hawak na placard. Natatawa pa siya. At bago pa dumapo ang kamao ko, parang wala lang na hinawakan niya ako sa noo, idiniin palayo para pigilan ako sa pagsugod. At dahil sa liit ko kahit anong abot ko ng suntok sa kaniya ay hindi ko siya magawang maabot. Narinig ko ang tawanan nila na tila tuwang tuwa sa ginagawang pangbubully sa akin ni Klient. Sinubukan ko rin siyang sipain pero hindi rin siya inabot ng binti ko. Tumawa pa siya nang tumawa na akala mo malaking katatawanan ako sa kaniya, then pati ang mga nanonood sa amin ay nakitawa na rin lahat sa kaniya. “Walang hiya ka talaga! Wala kang magawa sa buhay mo kun ‘di pistihin ang buhay ko!” “Ang sarap sarap sa pakiramdam kasi kapag nakikita kitang nagagalit bansot,” ang natatawang aniya pa. Kahit gusto kong bumulaslas ng iyak dahil sa kahihiyan na inabot ko sa harapan ng lahat ay mas pinili kong patigasin ang ekpresyon ng aking mukha at mas pinaibabaw ko ang galit para sa kaniya. Alam kong magiging satisfaction lang ng ego niya kapag napaiyak niya ako. So, hindi ko ibibigay ang satisfaction na iyon sa kaniya! At kahit na ayaw kong sumakay sa kotse niya at nagpumiglas ako, walang kahirap hirap pa rin niya akong binuhat, naisakay at nasuotan ng seatbelt. Sa buong durasyon ng biyahe ay hindi ko siya inimik kahit pa nga gustong gusto ko nang magwala sa loob ng sasakyan niya. Baka madisgrasya pa kami at mas mabibigyan ko ng problema at alalahanin ang aking pamilya. Hanggang makarating ng mansion nila ate ay sa bintana lang ako nakatingin, kumukulo talaga dugo ko sa tuwing makikita ang hindi mapuknat na ngisi niya habang mayabang na hawak ang manibela ng mamahaling sasakyan niya. Nagpupuyos ang dibdib kong umibis ng sasakyan niya nang makarating sa mansion nila Ate. Walang pag aalinlangan kong binagsak ng malakas pasara ang pintuan ng kotse niya. Gigil na gigil talaga ako. Pero alam kong wala akong laban sa tekbalang na ‘to! “Dahan dahan naman bansot, baka masira mo ang kotse ko,” hindi ko siya pinansin. Sana nga masira e, para makaganti naman ako kahit paano sa sira ulong ‘to! “Oh, hindi ka ba magpapasalamat sa akin? Ikaw na nga sinundo, ikaw pa galit.” mapang asar pa rin niyang tirada. “Huwag mong kakalimutan, nang dahil sa akin famous ka na ngayon sa school nyo, ikaw ba naman sunduin ng napakaguwapo!” Sa narinig koy parang may narinig akong kulog sa loob ng utak ko kaya hindi ko napigilan ang galit kong hinarap siya. “Guwapo? hindi ka ba kinakabahan sa sarili mo? Tamaan ka sana ng kidlat gagu!” Galit na galit kong sabi at namartsang tinalikuran siya papasok ng bahay. “Hoy, hanggang grumaduate ka wala nang susundo sa iyong kasing guwapo ko!” Pahabol pa niyang yabang at pang aasar sa akin. Madalas niya akong ipahiya sa school, kung ano anong pangit na tawag niya sa akin na nakasulat pa talaga sa placard niyang dala. Kaya naman may pagkakataon na palihim ko pang tinitingnan kung sino ang sundo ko bago ako lumabas ng unibersidad namin. Pero may positibo rin naidulot yata sa akin ang mga pagsundo sundo niya. Kung positibo nga bang maituturing yun. Marami nang gustong makipagkaibigan sa akin simula nang malaman nila na may connection ako sa mga magkakaibigan na Villamar, Mondragon, Madrigal, Fuentaville at Olivarez. Nakakahanga na magpahanggang ngayon kahit lima sa kanila ay may asawa na, ay hindi pa rin bumababa ang popularidad nila sa mga tao, lalo na sa mga kababaihan. Though, hindi ako sigurado kung may balak pa bang mag-asawa si Kuya Noah. Sa kanilang magkaka-edad, siya na lang ang natitirang binata. Sa nakikita ko, mas tutok siya sa mga negosyo at mula nang makilala ko sila ay wala pa akong narinig or nakitang babaeng nainvolve sa kaniya. Ngunit minsan naringgan kong may isang babaeng taga isla ang minahal nito at mula noon ay hindi ito nagmahal pang muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD