CHAPTER 24 Hinatid ni Max si Marra sa dorm nila pagkatapos nilang magkwentuhan sa rooftop. Marami silang pinagkwentuhan nito kaya naman kahit paano ay pakiramdam ni Marra ay kilalang-kilala na niya ang binate. Hindi niya sukat akalain na marami na rin palang pinagdaanan ang mga ito at hindi naging madali ang lahat kaya naman ngayon ay masasabi niyang deserving ng mga ito kung nasaan man ang mga ito. Habang tumatagal ay lalo siyang ang humahanga sa Diamond13 at pakiramdam niya ay napakatibay na ng samahan ng labintatlong lalaki na magkakasamang hinarap ang lahat ng hirap simula pa noong bago pa lang mag-debut. Minsan na ring pumasok sa isipan niya para kung kailan ba siya magkakaroon ng ganoong klaseng mga kaibigan na kagaya ng mga ito, subok na ng panahon. Mula kasi noon ay wa