Chapter 4

2102 Words
Liam's point of view Kahit hapon pa ang graduation namin ay maaga akong nagising. Kailangan ko kasing magpa gupit sa aming kapitbahay bago siya pumasok sa pabrika. Mabilis akong naligo at nagdamit ng sando lang at maluwag na short. Paglabas ko sa aking kwarto ay amoy ko na ang pagkain na niluluto ni Mommy. Akala ko pa mandin ay mas mauna akong magising kaysa kanya para ako na ang magluto ng aming agahan. May sakit sa puso si Mommy kaya hindi siya pwedeng mapagod ng husto. Sinabi ko sa kanya na kahit hindi na kami maghanda pero mapilit parin siya. Lumapit ako sa kanya at yumakap mula sa kanyang likuran. "Mom, bakit ang aga ninyong nagising?" Tanong ko at humarap siya sa akin. "Excited kasi ako anak, kailan lang noong ang liit-liit mo, mamaya ay graduation mo na ng high school. Ano kaya anak kung mag-asawa ka nalang para mabigyan mo kami ng maraming apo? Pwede ka namang mag-aral kahit may asawa kana." Sabi ni niya at napailing ako. "Mahal naman, bakit mo pinag-aasawa ang anak natin agad? ei ni hindi pa nga nagkaka-girlfriend yan." Sabat ni Daddy na humalik sa noo ni Mommy at umupo na rin satabi ko. "Sinasabi ko lang naman, alam ninyo naman na hindi natin hawak ang ating buhay lalo na ako." "Mahal, kumuha na lang kasi tayo ng kasama mo dito sa bahay. Kaya naman natin, malaki naman ang sinasahod ko bilang Principal at kumikita naman ang maliit na negosyo natin." Sagot ni Daddy na nag timpla na ng kape naming dalawa. "Kaya ko naman, mahal. Magaan lang naman ang gawain dito sa bahay lalo na at tinutulungan naman ninyo ako. Sayang din ang ipansweldo. Ipunin na lang natin para pag may emergency ay may dudukitin tayo." Sagot ni Mommy, napahinga ako ng malalim. Mayaman ang angkan ni Mommy pero ayaw niyang humingi ng tulong sa kanila. Naalala ko noong nasa grade school ako na lagi namin siyang dinadala s hospital. Tsaka lang niya sasabihin kay Tito na Daddy ni Kuya Kit kung nasa bahay na siya. Ayaw niyang maliitin ng mga kamag-anak niya ang aking ama dahil ipinaglaban niya ito sa kanila. Kaya ginagawa ko ang lahat para makatulong sa kanya dito sa bahay. Tuwing sabado ay ako ang nag lilinis sa buong bahay at sa linggo ay ako na ang nag namamalantsa ng aming mga uniporme ni Daddy. Si Daddy naman ang naglalaba at sinasamahan si Mommy sa pamamalengke para kapag weekdays ay wala nang gagawin pa si Mommy kundi magluto at mag walis dahil ako naman ang taga hugas ng aming pinagkainan. Pagkatapos lang ng trabaho ako pumupunta sa plaza kung may liga ng Basketball na libangan ko. Pagkatapos kong kumain ay pina alis na ako ni Daddy para maabutan ko ang manggupit sa aking buhok siya na lang daw ang bahala sa mga hugasin. Nadatnan ko na si kuya na nagkakape habang naghihintay sa akin. Nakahanda na ang lahat kaya umupo na ako agad, alam na niya ang gupit na gusto ko dahil siya na talaga ang taga gupit ng buhok ko mula bata ako. Ilang minuto ay tapos na, nang magbayad ako ay hindi niya tinanggap. Graduation gift na daw niya sa akin kaya natuwa naman ako. Bumalik ako sa bahay at agad akong sinalubong ni Mommy. "Ang gwapo talaga ng anak ko." Malambing na sabi niya at yumakap sa sakin. Napangiti nalang ako dahil malambing talaga si Mommy. Nagpa-alam na rin ako na pumasok na muna sa aking kwarto. Sila naman ay maghahanda narin, napatingin ako sa isusuot ko na formal suit may konting gusot ito pero hinayaan ko na lang. Naisip ko si Autumn, ano kaya ang isusuot niya ngayon? kahit ano naman ang isuot niya ay bagay sa kanya. Ilang saglit ay may kumatok at bumukas ang pinto. Si Daddy na pinabibili ako ng lutong ulam para sa aming pananghalian. Ang mga order nilang handa ko ay panghapunan na. Mas maganda na rin yun para hindi mapagod si Mommy na magluto. Binigyan ako ng pera ni Daddy at lumabas na sa bahay. Malapit lang naman ang tindahan ng mga nagtitinda ng lutong ulam. Pinili ko ang mga ulam na may gulay para maka kain ng mabuti si Mommy. Nang ibinigay ko ang bayad ay naramdaman ko ang paghaplos ni Ate Linda sa kamay ko. Patay malisya na nalang ako dahil kung pansinin ko pa ay baka mas lalo niyang gagawin. Pagdating ko sa bahay ay kumain na kami, pagkatapos ay naghanda na kami paalis sa bahay. Ala-una na ng hapon ng umalis kami sa bahay gamit ang sasakyan ni Daddy. Inilagay ko sa paper bag ang regalo ko kay Autumn. Si Mommy muna ang nag bitbit. Nakita ko si Autumn na kausap si Gretta hindi ko na nalapitan pa dahil nagsimula na ang graduation march. Nang bigayan na ng Diploma at awards ay isa ako sa mga nag cheer kay Autumn at Gretta. Nakita ko sa personal na sa wakas si General at ang Mommy ni Autumn kaya pala ang ganda niya. Mas napahanga pa ako ng makita ko ang kanyang mga kambal, hati sila sa namana sa kanilang mga magulang. Napatitig ako sa kambal niya na parang barbie, ang ganda niya. Maganda si Autumn lalo na at kamukha siya ng kanyang Mommy pero ang isang kambal niya na sexy ay naka nigas sa baba. Napatikhim tuloy ako at pinagdikit ko ang aking mga hita dahil parang nagising yata ang alaga ko sa ibaba. Napatingin ako sa mga katabi ko, I think kahit din sila ay naramdaman ang nararamdaman ko dahil sunod-sunod ang pagpaypay nila. Lalo na at ang init dito sa Gym. Hindi pa ako nanliligaw kay Autumn ay parang nagkakasala na ako. Napahinga ako ng malalim at ibinaling ko ang aking tingin kay Autumn na parang nakatingin sa ibang dereksiyon. Nang sinundan ko ang tingin niya ay matamis silang nag ngitian ng kanyang Ninong. Pagkatapos ng graduation namin ay agad kong pinutahan ang aking mga magulang. Kinuha ko ang paper bag kay Mommy at nauna na sila sasakyan dahil sobrang init. Parang mangatog na ang aking tuhod ng lahat sila ay nakatayo na parang may pinag-uusapan na pamilya. Huminga ako ng malalim at tinapik ang balikat ni Autumn. "Hi, Liam congratulations!" Bati niya at nakangiti. Lahat na sila ay nakatingin sa amin. Parang nahihilo at natatae tuloy ang pakiramdam ko na may halong nerbiyos. "Congratulations din Autumn, para saiyo." Mahinang sambit ko sabay abot sa paper bag. "Thank you Liam." Sagot niya at tinanggap naman ang aking regalo. Lumanghap na muna ako ng hangin dahil pakiramdam ko ay naiihi ako. Lumapit ako sa Daddy ni Autumn at nagpakilala. "Sir, pwede po bang umakyat ng ligaw kay Autumn?" Mahinang tanong ko na halos wala akong mailabas na boses. Ilang beses akong nag practice pero iba pala pag kaharap mo na ang kanyang Daddy. Nagulat ako dahil niyakap pa niya ako at pinayagan. Hindi ko inaasahan ito pero dinig ko ang Ninong ni Autumn na tutol. Nagpasalamat ako at nagpa-alam na rin dahil umalis na sina Autumn kasama ang Ninong niya. Halos tumakbo ako sa sobrang saya. Pakiramdam ko ay sinagot na ako ni Autumn. May tumawag sa aking pangalan at paglingon ko ay si Barbie. Hiyang-hiya ako sa kanya, hindi ko alam bakit kinuha niya ang aking cellphone number at sinabi pa niya na mag bestfriend na raw kami. Sino ba naman ako para sabihin na ayaw ko. Nanigas ang aking katawan ng yumakap siya sabay hinalikan ang aking pisngi. Amoy na amoy ko tuloy ang mabango niyang hininga lalo na at malapit na sa labi ko siya humalik. Nakaalis na siya sa aking harapan at hindi pa ako gumalaw sa kinatatayuan ko. "Bud, ang swerte mo! nakita ko yun." masayang bati sa akin ni Vin at sobrang lakas ng pagtulak niya. Muntik pa akong napasubsub. Hindi parin ako makapagsalita at parang hindi ko naririnig ang sinasabi ni Vin sa harapan ko. "Hoy!" Sambit niya at itinulak niya ako ulit. Doon na ako nagising sa pagkatulala. "Hey bud." Sabi ko lang. "Hey ka diyan, kilala mo pala ang kapatid ni Autumn. Buddy ang ganda niya at napaka sexy. Ilakad mo naman ako." Sabi ng aking kaibigan. "Ngayon ko lang nakilala." Sagot ko naman. "Bakit ka niya hinalikan?" "Eh bestfriend na daw kami." Sagot ko na napahawak sa aking batok. Pati din siya ay nagtataka din. Tinawag na siya ng kanyang mga magulang kaya pinuntahan ko na rin ang aking mga magulang. Pagpasok ko palang ay agad na akong tinanong ng aking Ina kung anong nangyari. Sinabi ko na pumayag ang Daddy ni Autumn at napasigaw pa si Mommy sa kasiyahan. Ang aking Daddy ay sobrang lawak ng pagkangiti. "Ang gandang lahi ng mga Sandoval anak. Kahit malayo ang aming upuan ay halatang mababait sila at close na pamilya." Sabi ni Mommy. Pagdating namin sa bahay ay inihanda ko na ang mesa dahil darating ang kapatid ni Mommy at ang pinsan kong si Kit, wala naman si Ate na kapatid ni kuya Kit. Isa siyang modelo kaya nasa ibang bansa siya ngayon. Hinayaan ko si Mommy na magpahinga. Dumating na rin ang mga pagkain at tumulong ako na ipasok ang mga ito sa loob ng bahay. Sobrang dami ng inorder ni Mommy, tatlo lang naman ang aming bisita. "Mommy, bakit ang dami nito?" Tanong ko nang mailagay na lahat sa mesa ang mga pagkain. "Mamaya anak pagkatapos natin ay balutin mo para sa mga kapitbahay. Tatawagin ko sana sila na pumunta dito sa bahay pero magkakalat lang at dadami ang hugasin." Napatango na lang ako dahil mas okay na ngadin ang ganun. Alas singko na ng dumating sina Tito at tita. Masaya silang sinalubong nina Mommy at Daddy. Yumakap din ako kay Kuya Kit na itinuring kong nakatatandang kapatid. Kumain na kami at nagkwentuhan saglit. "Oo nga pala kuya si Liam nagbibinata na." Sabi ni Mommy. "Bakit may girlfriend na ba? inunahan pa si Kit." Sabi ni Tito. "Wala pa naman kuya pero pwede na siyang manligaw. Alam mo ba na anak ni Natan Sandoval ang liligawan niya at pinayagan na siyang manligaw." Bulaslas ni Mommy at natahimik ang tatlo. Napatikhim lang si Tito dahil alam niyang gusto din ligawan ni Kuya Kit si Autumn na minsan nang bumisita sa kanila. Napayuko lang ako at naramdaman ko ang pagtapik ni Kuya Kit sa aking balikat. Tumayo ako at sumunod siya sa sala. "Paano yan magkaribal tayo?" tanong sa akin ni Kuya. Napayuko ako dahil hindi ko alam ang aking sasabihin. "Don't worry, kung sino man ang sagutin niya sa atin ay maging masaya ako dahil alam ko na nasa mabuting kamay si Autumn." Sabi niya at napahinga ako ng maluwag. "Salamat Kuya." Sabi ko at tinapik niya ulit ang aking balikat. Nagpa-alam na sila dahil parang may paparating na malakas na ulan. Sobrang itim kasi ang kalangitan na kanina lang ay sobrang init. Mabilis akong naghugas at tumulong si Mommy na magligpit. Nang tapos na ako ay napatingin ako sa aking telepono. Agad ko itong binuksan dahil may mensahe akong natanggap. Si Kristine ang nagpadala ng mensahe. Nagpalitan kami ng mga text messages, nalaman ko na pumunta sa Bali si Autumn na kasama ang kanyang Ninong. Nagulat ako nang sinabi niya na pupunta siya dito sa bahay. "Mommy, Daddy pupunta daw si Kristine sa bahay." Malakas na pagkasabi ko. "Sino yun?" Tanong ni Mommy. "Kambal ni Autumn Mommy." Sagot ko na mabilis na inayos ang sala. "Huh! kilala mo anak?" Tanong pa ni Mommy na sinundan ako sa sala. "Kanina lang Mommy." Sagot ko na natataranta. "Huh! bakit daw?" Tanong ulit ni Mommy na nagulat din. Si Daddy ay mabilis na pumunta sa Cr namin. Sinigurado na malinis ito. Baka gamitin ni Kristine. "Makikain daw Mom." Sagot ko na patakbong pumunta sa kusina at inayos ko ang mga ulam para hindi halata na nabawasan na ang mga ito. "Naku mabuti pala at hindi tayo nagbalot agad." Sambit ni Mommy na naglagay ng isang plato sa mesa. Napaupo ako sa sofa at tumingin at inilibot ang aking mga mata sa bahay. Maayos na ito at malinis na mang tignan. Ilang saglit ay nag text na si Kristine, nasa harapan na daw siya ng bahay kaya mabilis akong lumabas. Hiyang-hiya ako dahil parang ang bango niyang tignan habang ako ay pawisan na. "Kristine, akala ko nagbibiro ko." Sambit ko na hindi makangiti dahil parang lulubog ata ako sa hiya. "Hindi ako Joker, bestfriend." Sagot niya at yumakap pa siya sa akin. Napalunok tuloy ako dahil ang lambot ng kanyang katawan. Napatingin ako sa aking mga magulang na nasa may pintuan na napatanga ng makita nilang nakayakap sa akin si Kristine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD