Chapter 5

2634 Words
Kristine's point of view Paglabas ni Liam sa bahay nila ay sinalubong ko siya agad ng yakap. Ang cute niya talaga na naka lislis ang kanyang polo dahil nag hugas ng mga pinggan. "KkKristine pasok na tayo sa loob ng bahay mukhang uulan na." Mahinang sambit niya na nakayakap parin ako sa kanya. "O sige bestfriend." Sagot ko na mabilis hinawakan ang kanyang kamay. Ramdam ko ang gaspang ng kanyang mga palad na mas nagpa yummy sa kanya dahil lalaking-lalaki siya. Napatingin ako sa may pintuan at alam ko na mga magulang niya ang mga ito dahil kamukha niya ang lalake. "Kristine, Mommy at Daddy ko." "Hello po Tita, Tito. I am Kristine po bestfriend ni Liam." Pagpapakilala ko at binitawan ko saglit ang palad ni Liam at yumakap sa mga magiging biyanan ko. "Best friend? ah pasok ka Tine. Ang ganda mo naman na bestfriend ni Liam." Sabi ni Tita na ikinangiti ko. Gusto kong sabihin na pwede naman na maging girlfriend pero pinigilan ko ang aking sarili. Dapat magpakitang gilas Ko dahil first time kong makilala ang kanyang mga magulang. Hinawakan ko ulit ang palad ni Liam at inakay niya ako papasok sa loob ng kanyang bahay. First time kong makapasok ng maliit na bahay kaya ang aking mga mata ay lumibot. Ganito pala ang bahay ng mga taong simply lang. Ang sala, kusina at kanilang kwarto ay magkakalapit. Parang ang buong bahay nila ay kalahati lang ng sala namin. "Gusto mo na bang kumain?" Mahinang tanong niya sa akin na halatang nahihiya siya. "Oo." Nakangiting sagot ko at pilya kong hinigpitan ang pagkahawak ko ng kanyang kamay. "Tita, Tito kayo po kumain na ba?" Tanong ko sa kaniyang mga magulang na napansin kong nakatingin sila sa holding hands namin si Liam. "Oo anak, pero pwede ka namin saluhan." Sabi ni Tito at sobrang saya ko dahil tinawag niya ako na anak. "Thank you po Daddy." Sambit ko tuloy at namula ang mukha nilang tatlo. "Tito pala, sorry po." Sabi ko na nahihiya na din tuloy. "Okay lang anak, ang swerte nga namin dahil may instant anak kaming magandang dilag." Sabat ni Tita, mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit. "Thank you po Mommy." Masayang sabi ko at parang mas masaya pa yata siya na niyakap din niya ako ng mahigpit. "Liam, maligo ka na muna anak. Kami na muna ang bahala kay Tine." Sabi ni Tito. Nakakatuwang makita si Liam na napaamoy sa kanyang sarili at mabilis na pumasok sa isa dalawang kwarto. "Anak, halika na." Akay sa akin ni Tita papunta sa maliit nilang kusina. Sobrang maasikaso sila sa akin, parang gusto pa nila ata ako na subuan dahil sila na ang nag lalagay sa kutsara ng kanin at ulam. Natigilan ako na kumakain ng may narinig ako na ng malakas na ingay sa kanilang bubong. Natakot ako at agad na yumakap kay Tita. "Mommy ano pong ingay yun?" Takot na tanong ko na yumakap sa kanya. "Naku anak umuulan na." Sagot niya sa akin. "That's rain?" Hindi makapaniwalang tanong ko dahil sa bahay ay wala akong marinig na ingay alam ko lang na umuulan kong makita ko sa aming mga bintana. Nagkatinginan sila. "Sorry po nag overreacting po ako." Nahihiyang sabi ko at nakayukong isinubo ang kutsara. Nang kumulog ng malakas ay doon na ako napasigaw sa takot dahil sobrang lakas. Yumakap na talaga ako ng mahigpit kay Tita. Pati din sila ay nagulat sa malakas kulog. Napatingin ako sa kanilang bintana at sobrang lakas ng ulan at napakadilim pa kahit mag alas sais palang. "Okay ka lang?" Tanong ni Tito na may pag-aalala sa kanyang mukha. "Okay lang po Daddy." Sagot ko at mabilis ko na inubos ang laman ng aking pinggan. Uminom ako ng tubig at niligpit na nila ang mesa. Inakay nila ako na pumunta sa sala pero nakayakap parin ako kay Tita. Lumabas na rin si Liam at fresh na fresh. Umupo ito sa tabi ni Tito, para tuloy gusto kong lumipat ng upuan para tumabi sa kanya. Marami kaming napag-usapan lalo na sa aming pamilya. Aliw na aliw sila sa mga kwento ko lalo na sa amin na magkakapatid. Hindi namin namalayan na gabi na at kinabahan ako dahil mag alas otso na ng gabi. Agad kong inilabas ang aking telepono at maraming miss calls si Daddy at Mommy. Dinig na dinig parin ang lakas ng buhos ng ulan sa kanilang bubungan nag paalam ako na tatawag lang ako sa bahay saglit. Isang ring lang at agad na sinagot ni Daddy. Halatang hinihintay niya ang aking tawag. Me: Daddy! Sambit ko na kinakabahan Daddy: Speak! Sambit lang ni Daddy, halatang galit siya. Me: Daddy, sorry po. Hindi ko na namamalayan ang oras at gabi na pala. Napasarap po ng kwentuhan eh. Daddy: Baha ngayon ang kinaroroonan mo, are you safe? Me: Safe naman po Daddy, sabihin ko po kay Kuya na sunduin na niya ako. Daddy: Kasasabi ko lang na baha diyan, hindi makapasok ang mga sasakyan. I want to talk to your bestfriend. Seryosong sabi ni Daddy at napatingin ako kay Liam na nakatingin din sa akin. Me: Bakit po ninyo siya kakausapin Dad? Tanong ko pero hindi sinagot ni Daddy kaya ibinigay ko ang aking telepono kay Liam. "Gusto ka daw kausapin ni Daddy." Mahinang sabi ko, tinaggap niya ang aking telepono na may halong nerbiyos din sa kanyang mukha. Hindi ko nai loudspeaker ito kaya hindi ko alam ang kanilang pinag-uusapan. Puro opo sir lang ang sagot ni Liam. Pagkatapos ay iniabot na sa akin ni Liam ang telepono. Me: Daddy! Daddy: See you tomorrow ako ang susundo saiyo. Kung magkaroon ka ng problema, don't hesitate ko call me. Lalangoy ako mapuntahan ka lang. Goodnight. Pinatay na ni Daddy ang telepono at tulala parin ako. Oh my God, tama ba ang rinig ko mag sleep over ako dito? Ito ang unang beses na makitulog ako sa ibang bahay. "Oh my God Mommy, Daddy! sinabi ni Daddy na dito ako matutulog!" Masayang bulaslas ko at masayang yumakap kay Tita. Sila naman ay tahimik lang at parang hindi alam kung ano ang kanilang maging reaction. "Liam anak sa sala ka na muna matulog at si kristine na muna ang matulog sa kwarto mo." Sabi ni Tito at itinago ko ang pagkadismaya. "Sige po Daddy, linisin ko lang saglit ang kwarto ko." Sagot naman ng bestfriend ko. "Mabuti at matulog ka dito, sigurado baha ang tulay. Walang makadadaan doon na sasakyan dahil napakadelikado." Sabi ni Tito. "Oo nga po sabi din ni Daddy." Sagot ko na hindi lang nila alam kung gaano ako kasaya na makitulog sa ibang bahay. Kahit uulan ng isang buwan ay okay lang sa akin. Ilang saglit ay tinawag na ako ni Liam kaya nagpa-alam na ako kina Tita at Tito. Pagpasok ko sa kanyang kwarto ay puno ng poster ng NBA na basketball player. Napansin ko na pinalitan niya ang bed sheet at cover ng kanyang kama. Mas gusto ko sana na hindi nalang niya pinalitan. I love his scent, kahit nga pawisan siya kanina ay yumakap ako sa kanya. "Bestfriend, can I used your bathroom and borrow some clothes." Nahihiyang sabi ko. "Sandali at sasabihin ko kay Mommy." Sagot niya na lalabas na sana pero pinigilan ko siya. "Your T-shirt is fine for me." Sabi ko. "Ppaano ang kwan mo?" "Anong kwan ko?" "Yyu yyung panty mo." Bulaslas niya at namumula na ang kanyang mukha. "I am fine, hindi naman ako nag papanty na natutulog." Sagot ko na para siyang natulala sa sinabi ko. "Bestfriend, paki laba naman yung damit ko para may gagamitin ako bukas. Kahit yung panty ko lang at palda. I can use your t-shirt tomorrow. Pasensiya na. I don't know how to wash clothes ei." Sabi ko sabay kagat ng aking labi at napatitig siya labi ko na kinagat ko. Napansin ko ang pagtaas baba ng kanyang adams apple ng sunod-sunod. "Pppano yung pinantatakip mo sa kwan mo?" tanong niya ulit at nakuha ko na ang ibig niyang sabihin. "Okay lang, si Daddy naman ang susundo sa akin bukas. Pahiram nalang ako ng makapal at de color mo na t-shirt." Pumunta siya sa kanyang lagayan ng damit, napasilip ako at maayos ang kanyang damitan. Pati pagkuha niya ay dahan-dahan din. Hindi katulad ko na basta ko nalang hinuhugot kaya kaya linggo ay inaayos ang aking wardrobe closet at mga kabinet. Iniabot niya sa akin ang isa na kulay puti at ang isa naman ay itim. Ang Itim na na damit ang isusuot ko bukas. "Thank you, pasensiyan ka na. Marami na akong abala saiyo." Nahihiyang sabi ko na napatitig sa kanyang mga mata. "Oookay lang, sabi mo bestfriend tayo." Sagot naman niya at napangiti ako. Nagpaalam na siya na lalabas muna para ako may makaligo. Pagkalabas niya ay inilibot ko ang aking mga mata at nakita ko ang kanyang cell phone na nasa tokador. Ang sabi ni Adam ay idikit ko daw ang sticker sa mga bagay na hindi nababasa kaya mabilis kong kinuha ang maliit na sticker sa aking bag. Kinuha ko ang kanyang cellphone at inalis muna ang casing nito. Mabilis kong binuksan ang kanyang phone dahil sa loob ko ito idinikit. Para kapag magpalit siya ng casing ay okay lang. Ang problema ay pasira na yata ang kanyang cellphone. Pwede naman siguro akong humingi ulit sa kapatid ko kung may bagong cellphone na ulit si Liam. Ibinalik ko na sa tukador ang kanyang cellphone at inilagay ko na muna ang aking bag sa kanyang kama. Maliit lang ito pero kasya ang dalawa. Pumasok na ako sa kanyang banyo, wala itong tub. May shower naman siya kaya nag hubad na ako ng aking damit. Binuksan ko ang shower, ilang minuto na akong naghihintay pero malamig parin ito. Hindi ko alam kung paano ito painitin kaya pinatay ko na ulit at nagtapis ako ng tuwalya na mukhang bagong lagay din. Binuksan ko ang pintuan at nakita ko si Liam na inaayos ang higaan niya sa sofa. Wala na sina Tito at Tita baka pumasok na rin siya sa kanilang kwarto dahil madilim na ang kusina at tanging sala nalang ang maliwanag. "Liam!" Mahinang tawag ko at lumapit siya sa akin. "Bakit." tanong niya na sa kisame nakatingin. "Hindi umiinit ang tubig." "Sorry hindi ko pala nasabi saiyo cold lang ang shower ko at walang hot, magpainit nalang muna ako ng tubig na pampaligo mo." Tugon niya at mabilis siyang pumunta sa kusina pa parang sinasaliban ang kanyang pang upo. Pumasok na ako ulit sa loob at umupo na muna sa kama. Nakaramdam na ako ng pagod kaya humiga na muna ako. Ipinikit ko ang aking mga mata pero hindi ako makatulog kung hindi ako naliligo. Naramdaman ko ang pag bukas ng pinto, alam kong si Liam iyon dahil pumasok siya sa banyo. Ibinukas ko ang aking mga mata at sinundan siya. "Tine, sa magtabo ka nalang muna. Nilagyan ko ng mainit na tubig ang dalawang balde." Utos niya na hindi tumitingin sa akin. "Paano maligo?" Tanong ko at napakamot siya. "Sandali at may ipapakita ako saiyo." Sabi niya at lumabas na muna siya sa banyo. Ilang saglit ay bumalik na siya hawak ang kanyang telepono. "Ganito maligo gamit ang tabo." Sabay bigay ng kanyang phone at pinindot ang play button na ang video ay nasa google. Mataman kong pinanuod ito at nakuha ko na. "Pwedeng sa kwarto ka lang para kung magkaproblema ako ay maririnig mo ako?" Tanong ko dahil parang hindi pa ako sure. "O sige, labhan ko nalang ang mga damit mo pag tapos ka nang maligo." Sagot naman niya at dinampot ang aking mga damit mula sa sahig. "Thank you bestfriend." Nakangiting sabi ko at mabilis siyang tumalikod ulit. Hinubad ko na ang towel at pumasok na ako sa banyo. Ginamit ko ang tabo at sunod-sunod ang aking pagbuhos dahil nakaaliw. Naglagay na ako ng shampoo sa aking buhok. Gininaw ako kaya nagbuhos ako ulit ng tubig sa aking katawan. Pagkatapos ay binuhasan ko na rin ang aking ulo, napangiwi ako dahil kalahating timba nalang ang natira. Hindi ko pa nalilinis ang aking katawan. Sinabon ko ang aking katawan at kulang talaga ang tubig dahil hindi ko pa nalilinisan ng maiigi ang katawan ko. "Liammm!" Tawag ko at dinig ko ang patakbo niyang pagpasok sa banyo. "May problema ba?" Tanong niya na nakatalikod. Napakagat labi ako dahil hubo't hubad pala ako. "Parang kulang ang tubig eh." Sabi ko. "Iabot mo sa akin ang belda at lagyan ko ng mainit na tubig." utos niya na nakatalikod at inilapit ang kanyang kamay sa akin. Isinabit ko naman sa kanya ang hawakan ng balde at mabilis siyang umalis. Ang gentleman naman ng besfriend ko. Napayakap ako sa aking sarili dahil giniginaw na ako. Ilang saglit lang ay bumalik na siya at umuusok ang balde. Siya ay nakayuko at mabilis na pinuno ang balde sabay tumlikod na at hindi na nagpa-alam. Mabilis ko naman na sinabuyan ang aking katawan at nakaramdam na ako ng kaginhawaan. Inubos ko ang tubig at tinapos ko na ang aking paliligo. Ang problema ko ngayon ay ang lotion ko ay nasa bag. May maliit na bottle ako doon na kinagamit sa aking kamay. Kasya naman siguro yun sa buong katawan ko. Walang extra towel na pambalot ko sa aking buhok kaya tinawag ko ulit si Liam. "Liammm!" Mahinang sambit ko dahil nahihiya na ako. "Ano." Sagot niya na nasa pintuan lang at nakatalikod. "Kailangan ko yung lotion ko sa aking bag at extra na towel for my hair." "Okay, sandali lang." Sagot niya at pagbalik niya ay inabot niya sa akin ang towel at aking lotion. "Salamat." Sabi ko. "Tine, pwedeng sa kwarto ka nalang at ako na dito sa banyo para malabhan ko na ang mga damit mo?" "O, sige. Thank you very much." Pasasalmat ko at lumabas na ako sa banyo. Pumasok naman siya at isinarado ito. Hinayaan ko nalang siya at naglagay na rin ng lotion sa buo kong katawan. Napangiti ako dahil may hair dryer na sa tukador. Isinuot ko ang T-shirt na ibinigay niya at sobrang confortable ito. Isinaksak ko na ang hair dryer at tinuyo ko na ang aking buhok. Natigilan ako dahil parang may naririnig ako na nasasaktan sa banyo. Lalapit sana ako pero wala naman na kaya pinagpatuloy ko ang pagtuyo ng aking buhok. Nang matuyo na ay sinuklay ko na gamit ang suklay ni Liam, I have to brush my teeth kaya kumatok ako sa banyo. Binuksan niya naman agad at napatingin ako sa kanya dahil tumutulo ang kanyang pawis. "Liam, may extrang toothbrush ka ba?" "Ahh ehh wala eh. Sarado na ang mga store ngayon lalo na at malakas pa din ang ulan." "Can I use your toothbrush?" Tanong ko at napatitig siya ulit sa akin. "Pppero." Sambit niya, kinuha niya ang kanyang toothbrush at nilagyan ng tootpaste pagkatapos ay nuilinis ito. Napangiti tuloy ako, I know naman na wala siyang bad breath dahil ilang beses ko nang inilapit ang aking mukha sa mukha na. Pagkatapos niyang linisan ay iniabot na niya sa akin na may tootpaste na rin. Nagsipilyo na ako habang siya ay nanunuod. Dama ko ang kanyang mga titig. Medyo nakadama na ako ng hiya dahil naparami na ako ng utos sa kanya. Pagkatapos kong nasipilyo ay inilagay ko na sa lagayan niya. Pinunasan ko ang aking labi at humarap sa kanya. "Thank you bestfriend for everything." Sambit ko at mabilis na hinawakan ang kanyang mga pisngi sabay halik sa kanyang labi. Mabilis akong umalis dahil sobrang kinabahan ako sa aking ginawa. Nangangatog pa ang aking mga tuhod, humiga ako sa kama at nagtalukbong. Si Liam ang aking first kist, dampi lang ito pero nadama ko ang kanyang labi. Gusto kong magsisigaw pero hindi ko magawa dahil baka makabulabog ako. Kasabay ng malakas na ulan sa labas ay sumabay din ang lakas ng tib*k ng aking puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD