Chapter 3

2016 Words
Kristine's point of view Mabilis na lumipas ang linggo ay graduation na namin kinabukasan kaya nag shopping kami ni Mommy. Pati ang aking mga kambal ay binilhan na din namin. Sa pag-shopping kami sobrang magkasundo ni Mommy. Excited ako na isusuot ang dress ko bukas. Hindi ko lang alam kung excited din si Nat sa binili ni Mommy para sa kanya. Sayang talaga ang kambal ko na iyon. Bakit siya nag tomboy eh ang ganda ng lahi namin. "Anak, wala ka na bang gustong bilhin?" Tanong ni Mommy. "Wala na Mommy." Sagot ko naman dahil dress lang naman ang kailangan ko. Sa mall na rin kami nag lunch at ang aming mga bodyguards ay pinilit din ni Mommy na kumain. Wala silang nagawa dahil nagtatalak na si Mommy. Alam ko naman na biro lang ni Mommy ang pagtatalak niya para hindi sila mahiya na kumain. Matagal na ang aming mga bodyguards para na silang pamilya sa amin. Umuwi na kami at agad akong nagpahinga. Habang kumain kami ay tinanong ni Daddy kunbg anong kukunin ko na kurso. Napakagat labi ako dahil wala pa akong maisip. "Daddy, hindi ko pa po alam ei." "Ano bang hilig mo?" Tanong ni Mommy. "Hilig ni Ate Mommy ay ang makialam ng buhay ng iba kaya pwede siyang maging journalist ng mga artista." Sabat ni Dark at tinignan ko siya ng masama. "Wala pa talaga akong maisipo ngayon Daddy, Mommy. Pero don't worry po mag-aaral ako ng kolehiyo but for sure na ayoko sa mga doctor at nurses. Takot ako sa mga dugo ng ibang tao Daddy. "Mag pulis ka nalang kaya." Nakangising sabi ni Light at nagdilim ang paningin ko sa kanya. Kung wala lang kami sa hapag kainan ay baka napabato ko na siya. Alam naman niya na alaga ko ang aking katawan lalo na ang aking balat. "Shut up maitim na nilalang." Sabi ko pero nagtawanan lang sila at nakatingin sila kay Daddy. "Daddy oh si Ate." Pagsusumbong ni Hunter. "Daddy hindi ka kasali yang apat na bugok lang po." Sabi ko at hindi naman siya nagsalita. Pagkatapos namin kumain at naki pagbardagulan muna ako sa aking mga kapatid bago umakyat sa taas. Hindi naman ako patatalo sa kanila kahit apat pa sila. Talo si Hunter kaya nauna siyang umakyat at sumunod na ang tatlo. Umakyat na rin ako na may dalang gatas. Umiinum parin kasi ako bago matulog para mas masarap ang aking tulog. Nag shower ako ulit pero hindi ko na binasa ang aking buhok dahil naligo na ako kanina pagdating namin na nag shopping. Kinabukasan ay maaga akong nagising, dating routine at isinuot ko na ang aking dress, hindi mababa ang neckline nito pero hapit sa aking katawan kaya ang ganda at seksi ko. Sayang lang at mapapatungan ng toga. Kumain na kami ng agahan at pumunta na kami sa aming paaralan kasama sina Daddy at Mommy. After ng graduation namin ay kay Autumn naman kami pupunta. May mga sumamang bodyguards parin dahil maraming natanggap na death treats si Daddy. Private school kami nag-aaral na magkakapatid kaya naka aircon ang auditorium. Mabilis na natapos ang aming graduation, humabol kami sa graduation ni Autumn. Ngayon lang ako nakarating sa school niya, di hamak na mas malaki ang schoool namin. Private din ito pero halatang may mga mahihirap na nag-aaral base sa aking paningin sa mga studyante. Halos lahat sila ay nakatingin sa akin, syempre ang ganda ko kaya. Napangiwi ako dahil da gym ginanap ang kanilang graduation at medyo mainit kaya inalis ko ang aking cardigan. Nalantad tuloy ang aking makinis na braso at kilikili. Nang si Autumn na ang kumuha ng kanyang diploma ay nasurpresa kami dahil 1st honorable mention ang aking kapatid at ang bestfriend niyang si Gretta ay Valedictorian. I don't see that coming kaya sumigaw ako. "Waaaaa kambal ko yan!" Malakas na sigaw ko at pati si Nat at Sander ay nakisigaw narin kaya tawang-tawang si Autumn. Sumunod kami kina Mommy at Daddy kaya pati kami ay naka pagpicture narin. Nakangiti si Daddy dahil completo ang kanyang mga panganay. Ang mga tao ay tuwang-tuwa naman sa amin at nagpalakpakan pa. Syempre naman sa gandang lalaki ni Daddy at gandang babae ni Mommy. Tapos may Apat silang panganay na magaganda at gwapo. Sayang at wala ang walo pa, tiyak kong maiingit sila sa mga magulang ko. Pagkatapos ng graduation ni Autumn ay yumakap ako kay Ninong Ryan. Narinig ko na mag bali daw ang dalawa, sana all ma babali sa bali. Ang kerengkeng kong kambal, obvious na in love sa aming Ninong. May natanggap na regalo si Autumn sa mga nagkakagusto sa kanya at napatingin ako sa isang lalake na kaedaran namin at naglakas loob na nagpa-alam na manligaw kay Autumn. "His name is Liam, oh no ang cute niya." Mahinang sambit ko. Umalis na sina Ninong at Autumn. Nakita ko na itinapon ni Autumn ang mga regalong natanggap niya. Sayang naman lalo na yung galing kay Liam. "Daddy mag cr lang ako." Paalam ko kay Daddy. "Isama mo ang isang bodyguard." "Daddy naman, no way." Sabi ko ay mabilis akong naglakad pero hinabol ko si Liam. "Liam wait!" Sigaw ko na nahihingal pa dahil medyo may kataasan ang aking heels. Mahahaba ang biyas ni Liam kaya mabilis din siyang maglakad. Hindi man gaanong malaki ang katawan niya gaya ng aking mga kapatid pero at hindi pabilog ang kanyang tiyan. "Hhhhi bbakit?" Tanong niya na medyo nahihiya. Ang cute niya talaga at ang red pa ng kanyang lips. "Ako si Kristine, kapatid ko si Autumn." Pagpapakilala ko. "Hi, Liam." Sagot niya at yumuko. Kinuha ko ang aking telepono at ibinigay ko sa kanya. "Bbakit?" "Ilagay mo ang number mo diyan mula ngayon ikaw na ang bestfriend ko." Masayang sabi ko at napatitig siya sa akin. Napatitig din ako sa kanyang mga mata at biglang tumibok ng malakas ang aking puso. "Oh no my Mr. Right ang aking kambal ang gusto." Sabi ng utak ko. Napahawak siya sa kanyang buhok at mas lalo akong na inlove sa kanyang ka kutan. Ang kanyang ng magandang mga mata, lalaking- lalaki kung tumitig. Ilang saglit ay ibinalik na niya sa akin ang aking phone. Pinag ring ko naman at may tumunog sa kanyang bulsa. "That's me, bestfriend." Masayang sabi ko at hindi ko napigilang ang aking sarili na yakapin siya sabay hinalikan ang kanyang pisngi. Hindi siya naka galaw dahil hindi niya inaasahan ang aking ginawa. Matangkad siya kaya, kaninang hinalikan ko ang kanyang pisngi ay hinawakan ko pa ito at hinila pababa. Nakatulala padin siya at napansin ko ang isa naming bodyguard kaya nagpa-alam na ako. "Text nalang kita mamaya." Sabi ko at mabilis na lumapit kay kuya bodyguard. Paglingon ko ay nakatayo parin siya at tulala. Napangiti tuloy ako dahil ang cuteeeeee niyaaa! Pagdating ko sasakyan ay nakatingin sa akin si Daddy. "Bakit mo kinausap yung manliligaw ng kapatid mo?" Tanong ni Daddy at pinaandar na ang sasakyan. "Syempre Dad, bestfriend ko kaya kinausap ko." Palusot ko kay Daddy na sana ay makalusot. "Kailan pa na nagka bestfriend ka ng lalaki?" "Matagal na Dad, ngayon ko lang siya nakita ulit." Sagot ko na napatingin sa aking phone. "Paano kayo nagkakilala?" Tanong ni Daddy na halatang ini interrogate ako. "Hindi ba thesame sila ng school ni Autumn and Gretta is his friend as well. Kung gusto ninyo ay tawagan ko pa." Sabi ko na napahawak ng mahigpit sa aking telepono. Nagpasalamat ako dahil hindi na nagsalita pa si Daddy. We had a snack sa resto ni Ninong Harry pero umuwi din kami agad. May gift ang aking mga lolos at lolas pero hindi ko na muna binuksan. Dumeretso ako sa aking banyo at matagal ulit na naligo. Pagkatapos ay lumabas na ako, hindi pa ako nakakadamit ay kinuha ko na ulit ang aking telepo at nagpadala ng mensahe kay Liam. Me: Hi, bestfriend gawa mo na? Tanong ko na feeling close na agad, hindi naman siya sumagot kaya nagdamit na muna ako habang naghihintay sa kanyang reply. Natuyo ko na ang aking buhok at nasa kama na ako pero wala pa siyang reply. Napa nguso tuloy ako. Pero lumiwanag ang aking mukha ng nakalagay na sa screen ng phone ko na cute is typing... Cute: Pasensiya ka na ngayon ko lang nakita ang text mo. May konting handaan kasi sa bahay kaya busy ako kanina. Tumutulong na ako kay Mommy na maghugas ng plato. Napa ahhh! ako sa kanyang mensahe, he is a good guy. Buti pa siya marunong tumulong sa Mommy niya. Me: Text nalang kita mamaya kapag tapos kana, sorry naka storbo ako. Cute: Okay lang patapos naman na kami, nagpahinga lang ako saglit at tinatapos na ni Mommy. Ikaw anong gawa mo at si Autumn pala? Napakagat labi ako, kawawa naman siya. Wala na ang kambal ko taken na. Me: Wala si Autumn dito sa bahay, kasama niya si Ninong Ryan nag punta sila sa Bali. Sagot ko, mas maganda nang iparamdam ko sa kanya na may nagmamay-ari na sa aking kambal. Cute: Dalawa lang sila? Me: Oo, para na silang mag-ama dahil mula baby si Autumn ay si Ninong na ang nag-alaga sa kapatid ko. Sabi ko na parang binawi ko din ang nais kong iparating sa kanya dahil ang kambal ko lang ang may karapatan na magsabi kay Liam. Cute: Ganun ba, kaya pala hindi siya magpa ligaw dahil utos daw ng kanyang Ninong. Wala tuloy akong maisip na sabihin kaya napahinga ako ng malalim. Me: May handa pa ba kayong natira? Cute: Oo, marami pa. Hindi ba kayo nag handa? Me: Sa resto na kami kumain ei, tas umuwi na kami. Cute: Ganun ba. Me: Oo, pwedeng pumunta diyan sa bahay ninyo? Cute: Hah! pwede pero pagpasensiyahan mo nalang ang madatnan mo. Me: Okay naman ako kahit ano, address please. Nagtatalon na ako dahil pupunta ako ngayon kina Liam. Ibinigay niya ang kanilang adress at mabilis akong nagbihis ng panlabas. Pagbukas ko sa aking drawer ay nakita ko ang sticker na bigay ni Adam kaya kinuha ko ito. I will try kung mag work. Isang maliit na LV bag ang aking dala at mabilis na kumatok sa kwarto nina Mommy. Sana si Mommy ang magbubukas. Pagbukas ng pinto ay napahinga ako ng maluwag dahil si Mommy ang nagbukas. "Mommy, pupunta lang ako sa bahay ng bestfriend ko." Paalam ko sa kanya. "Bestfriend? Yung manliligaw ba ni Autumn?"Tanong ni Mommy. "Yes Mom. Please payagan mo na ako ngayon lang ako lumabas na pupunta sa bahay ng iba." Pagmamaka-awa ko, habang wala pa si Daddy na nasa banyo. Mahirap na kung si Daddy ang makausap ko dahil mas mahirap magpa-alam. "Okay pero ihahatid at sunduin ka ng driver natin." "Thank you so much Mommy Ilove you!" Sambit ko at pinaghahalikan ang mukha ng aking Magandang Mommy. Mabilis na akong lumabas ng bumukas ang pintuan ng banyo. Patakbo akong pumunta sa elevator at patakbo din na lumabas sa bahay. Medyo ma kulimlim ang panahon. Hindi pa naman umuulan kaya patakbo akong pumunta sa garahe. Kinausap ko ang guard na tawagan ang driver namin at agad namann lumabas ito sa pahingaan nila. "Saan kita ihahatid Tine?" Tanong ni Kuya. Ibinigay ko ang Adress at nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Sigurado ka ba dito? Tanong niya. "Opo Kuya bakit?" Tanong ko na pumasok na sa sasakyan. "Wala naman dahil sa inyong mag kakapatid ay ikaw palang ang nagpahatid sa lugar ng hindi mayayaman." Sabi niya, "Grabe ka naman kuya, your so bad mapang mata ka." Sabi ko na humalikipkip. Natawa tuloy siya. "Hindi naman sa ganun, hihintayin ba kita?" "Hindi na kuya, medyo magtatagal ako doon." Sagot ko na excited na dahil umandar na ang sasakyan. Kalahating oras na mula ng umalis kami sa bahay at napatingin ako sa paligid. Huminto si Kuya sa isang bahay na may gate pero simple lang ito . "Ayan ang bahay, pasok ka na muna bago ako umalis. Anong oras kitang susunduin?" "Tatawagan nalang kita kuya." Sagot ko na napatingin sa ulap dahil sobrang itim ito at mahangin pa. Walang doorbell ang gate nila kaya nag text nalang ako kay Liam na nasa harapan na ako ng kanilang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD