Episode 7- Restart

2204 Words
"Nakikinig ka ba?" inis ng angil ni Devin kay Dennis. It's been 1-week simula ng araw na may alisin ang mga doctor sa ulo n'ya. Pag dating sa hospital 2 lalaki ang dumating na kina-usap ang 'di umanong parents n'ya. Nang una diskumpiyado s'ya sa matandang babae pero ng makita naman n'ya ang amang kausap ng babae. Napagtano n'yang para silang mag kamukha matanda na lang din ito at may ilang white hair. Ang dalawang lalaking dumating ang nag-utos na alisin na ang chips daw para hindi na lumala pa ang damage na ginawa sa brain n'ya ng chips. Saglit lang naman inalis ang sinabing chips at 2 days lang s'yang nanatili sa hospital at pinayagan na s'yang lumabas. Marami naman pinakitang proof sa kanya ang buong pamilya n'ya na pamilya n'ya talaga ang mga ito at nakilala na rin n'ya ang mga kapatid na puro may asawa at anak na. "Nakikinig naman ako kaya wag kang sumigaw puwede." "Paanong nakikinig ka ilang araw ko ng itinuturo ito sa'yo pero bakit hirap na hirap kang intindihin. Trabaho mo na ito noon pa man bakit parang hirap na hirap kang intindihin ngayon." "Na iintindihan ko naman pero bakit kailangan kong sumunod sa rules kung tayo naman ang may-ari ng hotel?" "Hindi magiging empire ang Lagdameo Group kung tayo mismong nasa itaas ang hindi unang-unang susunod sa rules."inis na wika ni Devin. "Hindi ba puwedeng sa bahay na lang ako, tutal wala naman laman na kahit ano ang utak ko ngayn at mayaman naman ang pamilya natin edi supportahan n'yo na lang ako. Iyon din naman ang gusto ni Mommy." ngisi pa ni Dennis. "28 ka na Dennis! kelan mo ba balak mag seryoso sa buhay. I was only 16 ng isabak ako ni Daddy sa trabaho at 19 ang Ate Daniella mo ng mag intern s'ya sa Pharmaceutical natin. E ikaw kung ano-anong inatupag mo tumanda ka na ng ganyan dependent ka pa rin kila Daddy at Mommy." "Ang sabi ni Mommy matagal din daw akong nag work sa Lagdameo Airline, at sa Lagdameo Tower 3." "So, pinag yayabang mo pa sa akin na may na trabaho ka." "Bakit ba ang init-init ng ulo mo, paano ako gaganahan matuto kung lagi mo akong inaaway." reklamo ni Dennis na nakasimangot na. "Dahil marami akong trabaho kung nakinig ka lang sana sa amin lahat noon pa. Hindi sana nabura ang alala mo pero kung patigasan ng bungo ikaw na yata ang pinaka." inis na wika ni Devin. "Roldan, pumasok ka muna sandali dito." utos ni Devin sa assistant n'ya sa intercom. Segundo lang pumasok na ang assistant. "Mag utos ka sa HR na mag post ng hiring for assitant positions sa website natin. Strictly men only." "Ayoko ng lalaking assistant." mabilis na reklamo ni Dennis. "Wala akong paki-alam sa kung anong ayaw at gusto mo." "Hindi na ako papasok kung ikaw lang din pala masusunod." "Umayos ka Dennis sasamain ka na sa akin." "Bahala ka. Basta ayoko ng lalaking assistant." napamura na lang naman si Devin. "Alam mo ba kung nasaan na si Ms. Mendez?" tukoy ni Devin sa dating assistant ni Dennis. "Na terminate po sir." tumarak ang mata ni Devin. Hindi na bago sa pandinig n'ya na nag terminate ng assistant si Dennis. Naka ilang assistant na ba ito simula ng mag seryoso sa buhay noon. Akala nga nila mag tutuloy-tuloy na pero bigla nalaman na lang nila na may sinalihan itong isang organization na tumutuligsa sa grupo ng lolo ng asawa. "Bakit ano nanaman dahilan?" tamad na tanong ni Devin na nilingon ang kapatid na parang walang pakialam sa pinag-uusapan nila. "Nag hubad daw po sa harapan ni Sir Dennis." tumawa naman si Dennis. "Bakit ko naman i teterminate kung nag hubad mas exciting nga kapag may assistant kang nag huhubad sa harapan mo." ngisi ni Dennis. Napabuga naman muli ng hangin si Devin kung puwede lang sana sabihin rito ang tungkol kay Aira isinampal na n'ya rito ng buong-buo. Napilit ng kuya Gab nila na pauwiin pabalik sa bahay ng mga ito si Aira at sinabi ang totoong sitwasyon ni Dennis. Ang naging kapalit ng pag payag nitong pag sama ay ililihim na ang existance ng mga ito sa buhay ni Dennis. Ayaw ni Aira na makilala pa ito ni Dennis maging ang anak mismo ng kapatid. Nag kasundo naman ang buong pamilya nila para sa ikakatahimik ng lahat ang naging desisyon nila. "Sundin mo na lang kung anong gusto ng lalaki to." utos na lang n'ya. "Gusto ko yung fresh graduate, maganda at sexy at bata natural." "Gago ka talaga kahit kelan." nag kibit balikat naman si Dennis na ngumiti lang. ******* "Na babaliw ka na talagang babae ka." anggil ni Ivo sa anak na nakatayo sa harapan ng mesa ng ama sa loob ng office nito. "Bakit umuwi ka pa kung ikaw lang din pala mag dedesisyon." "Walang kasiguraduhan kung kalaban ba natin ang Samuel Romualdez na yan para iutos n'yang bantayan ka noon, paano kung nasa paligid lang s'ya at naka masid sa'yo." wika naman ni Luxme. "Hindi pa natin na lilinis ng maayos ang pangalan ng lolo mo, marami s'yang kaaway sa negosyo paano kung ikaw talaga ang balikan dahil ikaw ang napili ng lolo mo humandle ng lahat ng negosyo n'ya." dugtong pa ni Luxme. "I already talked to johanna at nilalakad na ang papel para mapalipat sa kanya ang lahat ng ari-arian ni Lolo na naka lagay sa pangalan ko." "At paano kung mauto ka nanaman ng lalaking yun ha? mag papakatanga ka nanaman sa isang Lagdameo." anggil ng ama. "Hindi po pa, gusto ko lang pong makasigurado kung may pag-asa pa ba s'yang maka-alala kung mag kikita kami?" "Bakit umaasa ka bang maalala ka n'ya?" tanong naman ng ina. Umiling si Aira. "May boyfriend na po akong bago." nag katinginan ang mag-asawa sa sinabi ni Aira. "One of this day ipapakilala ko po s'ya sa inyo, hindi po s'ya galing sa magandang pamilya pero maayos po s'yang pinalaki kahit single mother lang ang nanay n'ya." "Walang problema sa amin ng mama mo kung anong stado n'ya sa buhay ang importante sa amin yung magiging lagay mo sa lalaking pipiliin mo. Dalawang beses ka ng nag pakatanga sa isang lalaki kaya kung mag papakatanga ka nanaman kabaliwan na ang tawag d'yan." mariin na wika ni Ivo. "Ipapakilala ko po s'ya sa inyo." "You must dahil kung makikita ko na maayos s'yang tao, ipapakasal kita agad." "Po?" "Bakit ayaw mo, doon din naman ang uwi mo sa pag-aasawa." "Baka po hindi pa ready si Dj na lumagay sa tahimik." "Then he's not allowed to be your boyfriend wag mo na s'yang ipakilala sa amin." wika ni Ivo na tumayo na at nag paalam na sa asawa na papasok na sa trabaho. "Hindi kami tutol kay Dennis pero dahil sa maraming nangyari mas mabuti pang ibang lalaki na lang ang mahalin mo anak." "May mahal na akong iba ma." umiling si Luxme. "Hindi basta -basta na wawala ang pag mamahal sa puso natin mga babae kahit pa paulit-ulit tayong saktan ng lalaking pinili natin mahalin. Kaya yang desisyon mong pag pasok sa mundo ni Dennis tingin ko hindi magandang idea baka sa huli ikaw nanaman ang masaktan." "3 months Ma, Hindi ako puwedeng basta na lang nag-iintay lang dito and beside kailangan ko na din pong mag OJT at susubukan ko sa company ng mga Lagdameo." "Meron din tayong malalaking company." "Kailangan ko pong mabantayan si Dennis Ma' wala akong tiwala sa organization n'ya. Kailangan alam ko bawat kilos n'ya paano kung nabura ang alala n'ya at na alis ang chips sa ulo n'ya pero yung sinasabi nilang default setting possible daw pong maiwan sa memories ni Dennis oras na makita ako. Gusto ko ng comfirmation Ma." 'E paano kung tama ang sinasabi ng mga kaibigan ni Dennis. Anong gagawin mo? makikipag p*****n sa kanya." galit na tanong ni Luxme. "It's better be now ma' kesa mag hihintay pa ako." "Paano kung mapatay ka n'ya nag-iisip ka ba?" "Hindi ko malalaman kung pag tataguan ko s'ya mama." marahas na bumuga ng hangin si Luxme. "Napakatigas talaga ng ulo mong bata ka, sa dami-daming mamanahin mo bakit pa ang katigasan pa ng lolo mo or maybe manang mana ka sa ama mo." wika ng ina na galit na tinalikuran na rin s'ya. Napabuga ng hangin si Aira kailangan n'yang gawin ito, hindi matatapos ang problema ng buong pamilya nila hanggang iniiwasan nila ang problema. - - - -- - -- - - "Aira Mae Montenegro?" bigkas ni Dennis sa pangalan na nakasulat sa isang resume na nasa harapan n'ya. "Related ba s'ya sa mga asawa ng kapatid ko? Diba puro Montenegro din sila?" tanong ni Dennis sa assistant ng kuya Devin n'ya na pansamantalang ipinahiram muna sa kanya habang wala pa s'yang sariling assistant. "Yes Sir, bunsong kapatid po s'ya?" "Mayamang angkan din sila diba bakit dito n'ya gusto mag OJT, permanent assistant ang kailangan ko hindi part timer." wika ni Dennis pero hindi mapuknat ang tingin s'ya sa 2x2 picture nitong nasa resume. Tiningnan n'ya ang edad nito at bata pa rin pero nakakapag taka lang sa edad nito bakit hindi pa ito tapos sa college. "Parang dinig ko po kaaway n'ya ang Daddy n'ya." napatango naman si Dennis sabay kibit balikat na lang bago ginusot na ang resume na inihagis na basurahan. "Baka balakin n'yang pikutin ako, tama ng 2 kapatid ko ang napikot." ngisi ni Dennis saka isa-isang tiningnan ang iba pang resume na na sala na ng HR para sa final interview na pumasa sa initail interview kahapon. "Okay na itong 14 na applicant na for interview for tomorrow." "Kayo po ba mag iinterview bukas sir." "Yes, of course! Gusto kong makita kung 'di ba filter ang pag mumukha ng mga babae sa picture. Mahirap na baka maganda sa inyo pangit sa akin." tumango naman si Roldan na kinuha ang mga resume sa mesa. "Ah, lalabas muna ako, pag hinanap ako ni Kuya paki sabi may meeting ako?" "Meeting? pero wala pong naka schedule na meeting ngayon sa inyo." "Meron, katatawag lang n'ya." ani Dennis sabay kindat sa assistant. "Pero sir baka mapagalitan ako ni Sir Devin pag-umalis kayo. Ang utos po ikutin n'yo ang buong hotel para ma familiar po kayo sa mga pasikot-sikot." "Wala ako sa mood saka na kapag meron na akong sarili secretary." aniya saka derederetso na lumabas na napakamot na lang ng ulo si Roldan at wala ng nagawa ng umalis ang binatang amo. ******** Panay ang hilot ni Dennis ng sintido dahil kumikirot iyon dahil sa dami ng alak na nainom n'ya kagabi. May nakilala s'yang babae nung nakaraan sa hotel at nag yaya itong mag bar hoping kagabi na pina-unlakan naman n'ya. Balak na sana n'yang i check in ito sa ibang hotel pero taken na pala ang babae at muntik pa s'yang mapa-away sa boyfriend nito foreigner buti na lang nakatakas s'ya kagabi. Pag pasok n'ya ng elevator agad na n'yang isinarado iyon at 'di na n'ya pinansin ang babaeng tumatakbo at sumisigaw na wait lang daw late na s'ya sa interview. Galit na ang kuya n'ya at gusto ng pasimulan ang interview sa ibang director pero hindi s'ya pumayag kaya kahit masakit ang ulo pinilit n'yang pumasok. Umasim naman ang mukha n'ya ng bago pa magsarado ang pinto ng elevator isang kamay ang humarang dun at pumasok ang babaeng naka slack at puting silk raffle blouse. Saglit lang s'yang tingnan nito saka pinindot ang floor kung nasaan ang office n'ya. Kaya napatingin s'yang muli rito aplikante marahil ito pinilit n'yang maalala kung nakita ba n'ya ito mga resume na tiningnan n'ya kahapon. "Hindi ka kasama sa for interview ngayon bakit ka pumunta?" usal ni Dennis ng maalala ang mukha nito. Si Aira Montenegro ito lang naman ang pinaka maganda sa aplikanteng nakita n'ya ang resume' pero dahil diskumpiyado s'ya sa agenda nitong pag pasok sa company nila kaya ibinasura n'ya ang resume nito. "Kilala mo ako?" tanong pa nito. "Nakita ko ang resume mo at itinapon ko." humarap naman sa kanya ang dalaga na medyo na ikinagulat pa ng bahagya ni Dennis pero hindi n'ya ipinahalata kasi alam n'yang maganda ang kapatid ng Ate Ara at Kuya Gab n'ya sa picture na nakita n'ya pero mas maganda pala ito sa personal lalo na sa malapitan. Hindi nakakasawang tingnan ang mukha nito na para bang handang maghamon ng away?" "Si Tito Dylan ang nag utos sa akin na pumunta dito?" "Ako ang nag hahanap ng assistant hindi ang Daddy ko." "Edi tawagan mo ang Daddy mo?" "Tapang mo ah! Your really have the gutts na sumagot sa akin, how can I hired you kung mas matapang ka pa sa amo." "Hindi pa naman kita amo so bakit naman ayoko yuyuko sa'yo." pakiramdam ni Dennis mas lalong sasakit ang ulo n'ya sa babaeng kaharap. "Hindi ka pa man hired your fired!" anggil ni Dennis. "Akala mo ba gusto kong mag trabaho sa isang kagaya mong babaero na basta naka kita ng maputing hita titigasan na?" "How dare you!" "Welcome to hell Mr. Dennis Lagdameo. I'll be your new assistant wheter you like it or not." ngisi naman ni Aira. "You wish." ani Dennis sabay dukot ng phone sa bulsa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD