"Balak n'yo ba akong ipakasal din sa isang Montenegro?" Inis na bungad agad ni Dennis sa pag pasok ng komedor at inabutan ang magulang na kumakain. Nagkataon naman na nandun ang Kuya Devin n'ya kasama ang buong family n'ya.
"May mga bata dito Dennis, Don't start." banta ni Devin napabuga naman ng hangin si Dennis na dumeretso na lang sa upuan at naupo na lang habang nginitian ang kambal na anak ng Kuya n'ya na ngumiti rin naman sa kanya. May ilang minuto pa ang lumipas nag paalam na ang dalawang bata habang kinuha naman ng dalawang yaya ang 2 maliit pang bata. 4 na ang anak ng kuya n'ya, 4 din ang anak ng ate Daniella n'ya. Mukha naman puro happily married na ang mga kapatid sa mga asawa ng mga ito pero parang ang awkward lang kung pati s'ya ipapakasal din sa isang Montenegro dahil wala din pa lang kuwenta ang interview kanina formality na lang ata dahil kumpiyansa kanina ni Aira na ito ang matatanggap na bagong P.A n'ya.
Nang tawagan din n'ya ang kuya n'ya at Daddy n'ya, basta interviewhin daw n'ya lahat. Dadaan pa rin daw sa tamang proseso ng pag pili pero tingin n'ya dinaan sa palakasan kaya tinatamad talaga s'ya kanina na mag interview kaya hinayaan na lang n'yang Roldan ang mag interview sa mga aplikante. Infairness maganda naman ang sagot ni Aira at may K nga itong makapasok pero ewan ba n'ya parang ang bigat ng kalooban n'ya rito. Nayayabangan s'ya sa galawan nito siguro dahil isa itong Montenegro.
"Hindi ka papatulan ng kapatid ko, wag kang mag-alala."
'Sigurado ka, kung titigan n'ya ako kanina parang gusto n'ya akong kainin ng buhay."
"Masyado ka lang bilid sa sarili mo, may boyfriend din ang kapatid ko."
"Mag-asawa nga nag kakahiwalay mag boyfriend pa kaya?"
'So, sinasabi mo na posible silang mag hiwalay dahil sa'yo ganun ba?" inis na tanong ni Ara.
'Wag mo ng patulan Babe, mapipikon ka lang." wika ni Devin na pinisil sa braso ang asawa.
"Wag kang mag-alala wala kaming plano na ipag kasundo ka sa bunsong anak ni Ivo, mapapahiya lang kami." iling ni Dylan napa simangot naman si Devin.
"Parang wala naman akong ginawang tama?"
"Mas marami ka lang na ginawang mali kaya 2nd chance mo na itong gawin tama lahat ng desisyon mo anak." wika ni Dana.
"Ayoko s'yang assistant ko Dad."
"Pumasa s'ya sa qualifiacation. She deserve the position."
"I hate her gutts parang s'ya pa ang boss sa amin dalawa."
"Patunay lang na she's a Montenegro kaya kung na iintimidate ka sa kanya ibig sabihin lang wala kang kuwenta dahil sa isang babae na iintimidate ka na agad paano mo pa mapapamunuan ang mga negosyo natin pag dating ng panahon."
"Hndi ako na iintimidate Dad, na iinis lang po ako dahil ang yabang n'ya."
"Mas okay yun na ayaw mo sa kanya at ayaw n'ya rin sa'yo. Ngayon kung ayaw mo s'yang maka trabaho wala naman problema, ipapadala kita sa Davao,"
"Dad!" baling ni Dennis sa ama.
"Agree ako sa gusto ng kuya mo."
"Dad naman, Anak n'yo ba talaga ako? bakit pakiramdam ko pinag tutulungan n'yo ako."
"Kung 'di namin gagawin ito baka kung ano nanaman kalokohan ang gawin mo Dennis kaya paki-usap naman makinig ka naman ngayon."
********
Kanina pa pinag mamasdan ni Dennis si Aira sa labas ng office n'ya habang tinuturuan ito ni Roldan ng mga gagawin. Ngayon ito mag sstart bilang assistant n'ya. Kahit saan angulo talaga ito tingnan maganda talaga ito, ang ganda rin nitong ngumiti, ngiting mahahawa ka na lang na 'di mo na mamalayan. Na aappriciate naman n'ya ang ganda nito pero ewan ba n'ya pero talagang parang na iirita talaga s'ya rito. Bigla n'yang na hablot ang remote control n'yang maliit na nakapatong sa mesa at nag mamadaling isinarado ang glass wall.
"Luh! Anong problema ng tikbalang na yun?"
"Naku, Ms. Aira baka puwede naman akong mag request na wag mo masyadong galitin si Sir Dennis. Mabait at maloko si Sir Dennis pero malakas po ang toyo n'yang kapag nagalit. Damay po lahat ng empleyado kawawa naman po yung madadamay."
"Aba, inaano ko ba s'ya. Tingnan mo nanahimik ako diba. Napatingin lang ako sa kanya kasi feeling ko nakatingin s'ya sa akin. tas bigla pag sasaraduhan n'ya ako ng glasswall, ano naman tingin n'ya s'ya lang ang anak ng Diyos." iling ni Aira.
"Alam ko po ang tungkol sa history n'yo ni Sir Dennis pero ibang Dennis na po ang kaharapa natin ngayon kaya sana po kung galit po kayo sa kanya at iyon ang dahilan n'yo sa pag pasok rito. Please po! baka lang kasi maraming madamay sa iringan n'yong dalawa. Napabuga naman ng hangin si Aira.
"Mabait naman ako Sir Roldan you can count on me and beside 3 months lang naman ako dito kaya tingin ko kailangan n'yo pa rin naman na kumuha ng ipapalit sa akin."
"Roldan pumasok ka muna dito saglit." utos ni Dennis sa linya ng intercom. Napa sign of the cross naman si Roldan ng pumasok sa office ng amo.
"Yes Sir."
"Ipalipat mo ang table ng babae sa labas. Ayokong naka harap s'ya sa akin."
"Pero sir naka fixed sa floor yung design ng table sa labas, hindi rin po papayag si Sir Devin."
"Bakit s'ya ba ang boss dito, as far as I know ako ang inappoint nila dito so techinically ako ang masusunod. At ang gusto ko alisin mo s'ya sa harapan ko." napakamot ng ulo si Roldan.
"Sige po Sir tatawag po ako sa facility para sa request mo."
"Ngayon na."
"Po!"
"Bingi ka ba sabi ko ngayon mo na iutos na alisin sa harapan ko ang table n'ya. Ipalagay mo sa dun sa malapit sa elevator."
'Pero sir, walang inlet at madilim sa bahaging iyon."
"Kaya nga diba itatawag mo sa facility so sila na ang bahala sa lahat basta alisin mo s'ya sa hrapan ng office ko." utos ni Dennis. Napilitan naman ng tumango si Roldan.
"Lumabas kana asikasuhin mo na ang pinagagawa ko." nag mamadali naman lumabas si Roldan at nilapitan si Aira.
"Anong problema?" nagtatakang tanong ni Aira.
"Kailangan mong lumipat sa hallway malapit sa elevator?"
"At bakit?" napakamot naman ng noo si Roldan.
"Oh! Teka saan ka pupunta?" gulat na bulalas ni Roldan na pipigilan sana s'ya pero madali n'ya lang itong nalampasan. Kumatok lang s'ya ng 3 beses saka agad ng pumasok kahit 'di pa sumasagot si Dennis na halatang nagulat at galit na napatingin sa kanya.
"Alam mo bang malaking abala ang pinagagawa mo kay Roldan, It will casue money and effort." bungad agad ni Aira.
"It's none of your business, Kung ayaw mo. Umalis ka na lang madali naman akong kausap."
"Ganun na ba ako ganda para 'di mo ako matagalan na makita?" pagak naman tumawa si Dennis.
"Wala sigurong salamin sa bahay n'yo." tumaas ang kilay ni Aira so hindi pala s'ya maganda sa paningin nito ngayon. Na wala ang alala nito pati pala ang dating pag hanga nito sa kanya na walang araw na 'di nito sinasabi na maganda s'ya.
"Meron at araw-araw kong nakikita kung gaano ako kaganda." Nag pose pa si Aira na akala mo e sasali pa sa isang beauty pageant para lalong inisin si Dennis. Na naninkit ang mga mata at lalong numipis ang labi sa pag kakatikom.
"Ganyan ba ang tamang attitude ng isang P.A, Have you seen na umarte ng ganyan si Roldan?"
"Hindi mo ako makikitang ganito ang attitude kung maayos din po Sir ang pakitungo mo sa akin. Bigyan n'yo ako ng matibay na dahilan kung bakit kelangan ilipat ang mesa ko sa hallway."
"Ako ang may-ari nitong hotel at karapatan ko na mag decide kung anong gusto ko gawin. Is that clear!"
"As far as I know hindi pa ikaw ang may-ari nitong hotel." 'di makapaniwalang natawa talaga si Dennis, ibang klase ngayon lang s'ya nakakita ng assistant na mas matapang pa sa amo.
"Your fired, you hear me your fired!" sunod-sunod na wika ni Dennis habang may tinatawagan sa telephone.
"This is Dennis Lagdameo, I want a memo immediately termination for Ms. Aira Mae Montenegro due misconduct. Yes, effective immediately." utos ni Dennis sa kausap nito sa phone habang titig na titig sa kanya na walang kangiti-ngiti saka ibinaba ang phone.
"Now the problem is solve your free to go. My hotel my rules."
"Totoo pala ang tsismis, weakness mo ang magaganda at bata, bakit natatakot ka bang ma fall sa akin?" malakas naman tumawa ng nakaloloko si Dennis.
"Ako ma fafall sa'yo, in your dreams lady. If I know baka ikaw ang may plano na pikutin ako kaya isinisiksik mo ang sarili mo dito sa akin."
"Mukhang talagang nabura na ang alala mo Mr. Dennis Lagdameo. Suwerte mo pala dahil hindi mo na ma alala kung paano kita binasted noon. Well, hindi ko na hihintayin ang termination paper ko. I resigned effective immediately." ani Aira sabay talikod lalakad na sana s'ya palayo ng biglang hilahin s'ya sa braso ni Dennis dahilan para ma out of balance s'ya dahil na tapid ang kaliwang paa n'ya sa kanan n'yang paa dahil sa biglang pag hila ni Dennis sa kanya pabalik. Na hagip pa n'ya ang kurbata ni Dennis bayo s'ya tuluyan na bumagsak sa sahig dahil wala man lang balak si Dennis na alalayan talaga s'ya binalak pa nitong umiwas sana. Kaya ang ending kasama n'ya ito ng matumba s'ya sa carpet na sahig ng office nito.
Nagulat pa si Aira ng makita kung saan naka landing ang kamay nito. Nasa dalawang dibdib n'ya mismo at kahit ito nanlaki din ang mata na aalisin na sana ng bigla n'yang pigilan ng may maisip. Malakas s'yang sumigaw na halos kahit s'ya parang mabibingi na rin. Pilit naman binabawi ni Dennis ang kamay na hawak ni Aira na bigla naman binitawan ni Aira ng makinig ang pag lagitik ng doorknob ng pinto pero aksidente rin na napahawak si Dennis sa blouse ng dalaga ng basta na lang nitong binitawan ang kamay n'ya ng patulak. Nag talsikan ang ilang betones ng blouse ng dalaga at na expose ang isang dibdib nito.
"Dennis." Malakas na bulalas ni Dylan. Agad naman naka takbo ang kuya Devin n'ya na agad na hinubad ang coat at itinabing sa katawan ni Aira.
"Anong sa tingin mo ang ginagawa mo?" angil ni Dylan ng makalapit na hinila ang anak na patayo. Speechless talaga s'ya habang nakatingin kay Aira na nagtatago sa likod ng Kuya n'ya. Huling huli pa n'ya ng bahagyan itong sumilip at ngumisi.
"Ano hindi ka sasagot!" sigaw pa ng ama.
"Hindi pa ba obvious pa kung anong ginawa ng anak n'yo." galit na wika ni Devin na tinawag si Roldan na nasa bukana ng pinto at tulalang nakatingin lang sa kanila.
"Wala akong ginawang masama sa babaeng yan. May balak s'yang i frame up ako Dad, maniwala po kayo?"
"Aalis na po ako Kuya Dev, Tito Dylan." wika pa ni Aira na akala mo ay aping-api.
"Hija, please stay. We need to talk please." wika naman si Dylan na humarang pa sa dadaanan ni Aira.
"Wag po kayong mag-alala hindi ko po sasabihin kila Papa ang nangyari."
"Please Hija, mag-usap muna tayo." itinuro pa ni Dylan ang sofa. Kunwari naman nag-alangan si Aira na sumunod. Gusto naman matawa ni Dennis sa nakikitang lantaran na pag-arte ng dalaga na hindi talaga n'ya akalain na gagawin nito. Santa-santita may maamong mukhan pero may demonyitang natatago sa kalooban. Hindi n'ya sinasadya na mahawakan ang dibdib nito knina pero imbis na itulak agad s'ya nito at magalit mas lalo pa nitong pinahawakan sa kanya. Bagay na halatang sinadya nito to frame him up, pinigil lang n'ya itong umalis kasi nagulat s'ya sa sinabi nitong binasted daw s'ya nito. Hindi s'ya makapaniwala sa narinig parang ayaw n'yang maniwala na may babaeng mang babasted sa kanya.
Naisip rin n'ya na baka kaya mainit dugo n'ya dito unang kita pa lang n'ya sa picture nito parang may kakaiba na s'yang nararamdaman. Iyon pala binasted s'ya nito na parang napaka-impossible ata, gaano ito ka perfect para ayaw ang isang gaya n'ya. Kaya na curious s'ya at balak sana mag tanong kaso bigla naman itong na out of balance sa pag hila n'ya. Medyo na gulat din naman s'ya at nakonsensya ng mahila n'ya by accident ang damit nito at masira.
"We are sorry for Dennis doing. Hihingi sana ako ng favor na sana wag na natin palakihin hija, ayoko na mag kaproblema nanaman kami ng Papa mo."
"Wag po kayong mag-alala tito, Thank you rin po kasi dumating kayo."
"Wow! tingin mo rarape-in kita dito mismo sa loob ng office ko ano naman kala mo sa akin walang utak." inis na wika ni Denniss na iiling-iling pa.
"Ano bang ginawa sa'yo ng Dennis?" tanong ni Devin.
"Tenerminate n'ya po ako kahit hindi pa ako nakaka 1 oras dito sa company."
"Itanong mo kuya kung anong dahilan ng termination wag kayong 1 sided." ani Dennis.
"Ipinaaalis mo kasi n'ya yung mesa dun sa labas pinalilipat po sa hallway kay Sir Roldan." sumbong naman ni Aira.
'Is that true Roldan." alanganin naman na tumango si Roldan.
"At ano naman dahilan at pinatatanggal mo ang mesa at pinalilipat mo?" tanong naman ni Dylan.
"Hindi ako makapag trabaho ng maayos kapag may nakikita akong tao sa labas." sabay pang napalingon ang kuya at ama n'ya sa glasswall na sarado naman.
"Then close it ganyan! Ano bang problema?"
"Hindi ako comportable sa kanya." deretso ng sagot ni Dennis saka marahas na huminga na masama ang tingin kay Aira.
"At bakit? na aalala mo ba si Aira?" tanong naman ng ama n'ya na mukhang may alam at mukhang totoo ang sinasabi ni Aira.
"Nope! pero ayoko ko sa kanya kailangan ba maalala ko pa s'ya para lang ____
"Then anong tawag sa inabutan namin eksensa na sumisigaw si Aira at you wreck her blouse."
"It was purely accident."
"Hinawakan n'ya ang dibdib ko."
"Aksidente lang din yun, wag kang assuming bakit ko naman hahawakan yan liit liit."
"Dennis." galit na sigaw ni Dylan na napasapo ng noo.
"Wala nga kasi akong ginagawa Dad, Kuya. Aksidente lang ang lahat ng nakita n'yo." Sabay-sabay pa silang napalingon lahat ng makarinig ng tikhim ng isang babaeng may dalang pulang folder.
"What is it Mrs. Davide?" tanong naman ni Devin.
"Ahm! ito na po yung memo na hinihingi po kanina ni Sir Denis." alangan pang sagot nito na pumasok na. Si Dylan naman ang umabot ng folder saka galit na nilingon ang anak. Inintay na munang umalis ang empleyado saka nag salita si Dylan sabay pilas ng termination letter na dala ng taga HR.
"Ako lang at kuya mo ang may karapatan na mag terminate ng tao dito. Your were here to familiarize again how to handle our hotel. Kaya si Aira ang inilagay ko sa position na yan dahil alam ko na hindi n'yo gusto ang isa't isa, unless nagbago na ang damdamin mo."
"Hell no!" mabilis na sagot ni Dennis na tiningnan ng masama ang dalaga.
"3 months lang ang OJT ni Aira pansamantalang s'ya muna habang nag hahanap kami ng karapatdapat. Alam mong ayoko sa lahat inihahalo ang business sa pleasure kaya Aira is perfect for the position. Hindi mo s'ya malalandi tulad ng mga iba mong assitant noon na oras na nilandi mo at nag palandi naman sa'yo bigla mo na lang sinesesante. Stop teasing and provoking your assistant dahil nakakasawa na. Hindi ka na bata para sa mga childish act." wika ni Dylan.
"Kapag hinarass ka pa ni Dennis tumawag ka agad sa akin. Ako na ang bahala."
"Opo sige po kuya." sagot naman ni Aira na ngumiti pa ng mapatingin ito sa kanya bigla itong kumindat.
"Gusto ko ng CCTV sa loob ng office ko, mahirap na baka ako ang ma rape dito tas hindi n'yo ako paniniwalaan." maktol ni Dennis.
"Mahiya ka nga sa pinag sasabi mo Dennis." sita ni Devin.
"kung kayo may tiwala sa babaeng yan puwes ako wala, Malakas ang kutob ko na may hidden agenda s'ya kaya s'ya nandito."
"Mag papakasal na ako, invited ka sa kasal ko." ani Aira.
"Ipanalangin mo na siputin ka ng groom mo, dahil sinusumpa ko na tatanda kang dalaga." mariin naman wika ni Dennis sabay irap.