Natigil sa pag labas ng banyo si Railey ng isang malamig na bakal ang dumikit sa sintido n'ya. Papalag sana s'ya ng magulat na dalawa pala ang hawak nitong baril na may silencer at pumutok iyon na tumama sa salamin n'yang nabasag na tinamaan ng bala ng baril.
"What's wrong buddy anong atraso ko?" nag taas na ng kamay si Railey. Hindi na n'ya kailangan lingunin ang lalaki na may hawak na baril dahil amoy pa lang nito alam na n'yang si Dennis.
"Ako dapat ang nag tatanong ng ganyan sa inyo? anong atraso ko bakit pinag lalaruan n'yo ako?"
"Hindi ko alam ang ibig mong sabihin linawin mo Buddy relax lang baka bigla mong maiputok yan."
"There something going on inside my brain. Anong ginawa n'yo sa akin?" umikot si Dennis ng puwesto at sa noo na ni Railey n'ya itinutok ang dulo ng baril.
"F**k! I mess up bigtime buddy."
"Explain."
"Puwede bang humingi ng favor. Alam kong mahirap sayo na pagkatiwalaan ako after what I did pero believe me, hindi ko sinunod lahat ng utos sa akin dahil alam ko na mahal mo ang bunsong Montenegro."
"Linawin mo."
"Puwede bang mag panggap ka na lang na laging galit na hindi kayo nag kakasundo ni Aira, that way ma poprotektahan mo si Aira at ang sarili mo." kumunot ang noo ni Dennis marahas naman napa buga ng hangin si Railey.
"May inilagay na microchip sa loob ng utak mo. Na kayang controlin ang emosyon mo at i blocked ang mga memories. It was a new invention, ikaw pa lang ang pangalawang ginamitan, effective sa unang project pero mukhang hindi sa'yo."
"Then remove it." inalis na ni Denis ang baril sa noo ng kaibigan.
"We can't. tutol kaming 4 sa desisyong ito ni chief pero na iintindihan namin ang point n'ya pinatay ang buong pamilya n'ya at gusto lang n'yang bigyan ng katarungan ang _____."
"At ano ako mismo ang papatay sa babaeng mahal ko ganun ba? You made me hate her para mapatay ko s'ya." muling ikinasa ni Dennis ang baril.
"No! No! kaya nga meron kang confussion ngayon dahil hindi ako sumunod sa utos at kapag nalaman ni chief ang ginawa ko tiyak na may kalalagyan ako bilang traydor. Kaya kung maari try to act na parang wala ka pang alam. Your main emotion is anger."
"Bakit hindi kayang tanggalin?"
"May code ang chips at kapag basta na lang natin tatanggalin hindi ako sigurado kung safe ba yun sayo."
"Saan naka lagay?" galit na tanong ni Dennis.
"Sa batok mo sa ilalaim ng hairline mo. The chips is connected to your brain nerve." mabilis na kinapa ni Dennis ang batok at meron nga s'yang nakapang matigas na bagay roon sa ilalim ng anit ng batok n'ya kaya napamura s'yang napatingin kay Railey. Iyon pala ang dahilan kung bakit araw-araw na lang nanaginip s'ya ng iisang eksena na nahuli n'ya si Aira na nakikipag talik sa ibang lalaki sa loob pa mismo ng bahay nila noon.
"You still love her pero mas mangingibabaw ang galit mo sa kanya iyon ang naka set sa iyo bilang default mode." muling napa mura si Dennis.
"Pero tingin ko kayang mong labanan ang setting mo kung talagang totoong mahal mo si Aira pero kung mas mananaig ang mode possibleng masaktan mo s'ya later on." umiikot ngayon sa isip n'ya ang lahat ng sinabi ni Aira ibig sabihin nag sasabi talaga ito ng totoo. He was the one who cheated on her at wala talagang s'yang kuwentang lalaki dahil iniwan nya ito at pinag palit sa ibang babae pero wala s'yang maalalang s'ya ang nag loko. Kasama rin marahil iyon sa memories na inalis ng mga ito.
"F**k you Railey!" gigil na muling itinutok ni Dennis ang baril sa noo nito.
"I'm sorry buddy pero kung babalikan mo ang organization dahil sa nalaman mo, baka malagay sa alanganin ang mag-ina mo at ganun ka rin. Possibleng ipabago nanaman ang setting of modes mo kaya nakiki-usap ako. Hindi bilang agent kundi bilang kaibigan, mag panggap ka nalang na wala ka pang-alam. Fight for your feeling." wika pa ni Railey isang suntok naman ang binigay ni Dennis sa kaibigan saka tahimik ng umalis. May kailangan s'yang gawin bago pa lumala ang sitwasyon hindi s'ya papayag na may mag manipula sa kanya.
-
-
-
-
-
--
-
-
-
"Anong kailangan mong sabihin at talagang kailangan kompleto pa tayo?" takang tanong ni Dylan kay Dennis habang kumakain sila ng Diner. Napatingin si Dennis sa mga kapatid at mga asawa ng mga ito na kasing lamig ng yelo ang trato sa kanya na napansin n'ya mula pa kanina.
"I have a problem?"
"May bago pa ba?" tanong naman ni Devin.
"This involve Aira." mahinang usal ni Dennis.
"Wala ka na ba talagang konsensya?" 'di nakatiis na wika ni Ara na agad naman hinawakan ni Devin sa braso ang asawa.
"Leave her alone Dennis, tahimik ng na mumuhay si Aira na malayo sa amin, s'ya na mismo ang nag layo ng sarili n'ya sa amin. Ano pa bang gusto mo?"
"I need to kill her."
"Ara." gulat na bulalas naman ni Daniella ng bigla na lang tumayo ang kaibigan at sinabuyan ng tubig si Dennis na napapikit na lang.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo Dennis." mariin na utos ni Dylan na halatang nag titimpi na lang din.
"My mission is to kill her."
"You and your damn organization." usal naman ni Dany.
"I need to save her?" this time walang naka-imik napatingin na lang lahat kay Dennis.
"They put something in my brain and I have to act as if i didn't know. In that case I can protect Aira."
"Bakit ka nila uutusan na patayin ang kapatid ko? Anong atraso n'ya sa org n'yo." ipinaliwanag naman ni Dennis ang nangyari sa pamilya ng chief n'ya at kung bakit na involve si Aira.
"Tingin mo ba ganun kasama ang kapatid ko para pumatay ng isang buong pamilya?" galit na tanong ni Gabriel.
"She tried to killed my sister?" kumunot naman ang noo ni Daniella kung tama ang alala n'ya, pinag tanggol pa nito si Aira inamin pa nito sa kanya na ito ang pumatay sa ibang kalaban nila at si Jayzel lang pinatay ni Aira pero sa timbre ng salita ni Dennis galit ito kay Aira at the moment pero kanina lang nag bitaw ito ng salita na he wanted to save her. Obviously meron ngang mali sa kaisipan nito. Ibang ang naalala nito base sa tunay na nangyari.
"It was an accident." wika ni Ara.
"At napatunayan na yun sa pulis na may comontrol sa kotse n'ya at ikaw mismo ang nag dala ng proof kaya ano yang pinag sasabi mo Dennis." wika naman ni Dana na galit na rin nakatingin sa anak.
"I know! It's hard to explain but I'm begging you pauwiin n'yo na si Aira. Safe s'ya kung kasama n'ya ang pamilya n'ya." hindi naka-imik ang mga ito.
"Please Kuya Gab! force her to come home."
"Wala s'yang pinakikinggan, she's cold as ice. And you made her like that." iling ni Gab.
"My organization put something inside my brain." usal ni Dennis kailangan na n'yang ipaliwanag ng maayos sa pamilya n'ya ang sitwasyon. Bukod sa mga kaibigan n'ya pamilya na lang n'ya ang malalapitan n'ya para matulungan s'ya, alam n'yang kalabisan ang hihingiin n'ya after ng mga nagawa n'yang maling desisyon.
"It was a chips. sinubukan kong ipatanggal but something went wrong." walang umiimik at nakikinig lang sa kanya ang mga ito.
"They trying to decode the chip pero encrypted at hindi nila kinaya and worst. unti-unti ng nabubura ang lahat ng alalang meron ako." malakas na napahampas ng mesa si Dylan at napatayo sa kinauupuan.
"Anong ibig mong sabihin?" nag-aalalang tanong ni Dana na napahawak sa braso ng anak.
"I don't have memories of my childhood and teenage life." natuptop ni Dana ang bibig na napatingin sa asawa.
"Habang na aalala ko pa kayong lahat at si Aira, alam kong sobrang kapal na ng mukha ko since the begining dahil mas pinahalagahan ko ang outside work ko kesa sa pamilya ko at mag-ina ko pero sa maniwala at sa hindi kayo, ginawa ko ang desisyon na yun para mabawi si Aira sa poder ni Liam Van Amstel." wika ni Dennis na nag angat ng tingin para tingnan si Gabriel at Ara.
"Sa sobrang frustation ko na mabawi s'ya hindi ko na alam na nag kakamali na pala ako ng mga desisyon ko and push her away." bumuga ng hangin si Dennis.
"Tulungan n'yo akong itama ang pag kakamali ko." muling nag yuko ng ulo si Dennis.
"Names. I need names!" galit na turan ni Dylan. Hindi umimik si Dennis.
"I said, I need names."
"Sasabihin ko lahat ng kailangan n'yo pero you have to convince Aira to come back to her family."
"You have my word." wika ni Gab.
*********
"Anong ginawa n'yo!" galit na sigaw ni Samuel ng mag red alert at mag system error ang microchip ni Dennis sa system nila. At nag kaka gulo ang buong headquarters nila. Bakas naman sa anyo ng mag kakaibigan ang pag-aalala habang mag kakatulong na inaayos ang system.
"Pinaka-alaman n'yo ang decoding ng chips ni Dennis. You blew everything ng pinag lalaban natin."
"Mali na ang pinag lalaban natin." sigaw na rin ni Sebastian.
"Mali? anong mali. Hindi n'yo na iintindihan dahil hindi kayo ang namatayan ng pamilya at sa ginawa n'yo. Inilagay n'yo sa alanganin ang buong organization and worst tuluyan ng mabura ang lahat ng alala ni Dennis." Galit na galit na sigaw ni Samuel.
"Kayong lahat umalis na kayo bago pa tayo ma raid ng mga pulis, bilisan n'yo burahin n'yo lahat ng system na mag iiwan ng ebidensya. Walang dapat maiwan at kayong 4 bumalik na kayo sa kanya kanya n'yong buhay. Mag kanya kanya na tayong landas mag mula ngayon. Sinayang n'yo ang ilang taon na pinag hirapan natin, akala ko iisa ang layunin natin ang mapabagsak ang mga Tuazon at Van Amstel pero pag pina-iral n'yo ang mga emosyon n'yo. Kaya bahala na kayo at kung may mangyaring masama kay Dennis habang buhay n'yong dalahin sa konsensya n'yo." galit na wika ni Samuel saka tuloy tuloy na umalis.
"Anong gagawin natin Sevy." tanong ni Railey.
"Nasira natin ang system code ni Dennis." tugon naman ni Sky.
"Kailangan natin puntahan s'ya." wika naman ni Sevy.
"Paano ang pamilya n'ya." tanong naman ni Dwight.
"Hindi natin s'ya puwedeng pabayaan na lang." turan naman ni Railey.
"Dwight, Sky. Bantayan n'yo muna si Aira baka may gawin si Chief kay Aira. Kailangan natin bantayan si Aira bilang kapalit ng pag kakamali natin." tumango naman ang dalawa na agad naman umalis para sundin ang utos ni Sevy.
"Sumama ka sa akin humarap tayo sa pamilya ni Dennis." tumango naman si Railey.
********
"How is he Doc?" nag-aalalang tanong ni Dana. Kanina pa kasi nila ginigising ang anak pero umuungol lang ito pero hindi gumigising. Kaya hinayaan na muna nila dahil baka madami itong iniisip kaya pinabayaan na muna nila pero ng umabot na ng hapon at 'di pa rin gumigising ang anak agad na n'yang tinawagan si Dylan at may kasama na itong doctor ng dumating.
"I can't hardly explain kung anong nangyayari sa kanya Mrs. Lagdameo, i suggest na dahilin na natin s'ya sa hospital to check on him. Normal lang kasi ang lahat ng vital sign n'ya at natutulog lang s'ya pero hindi normal yung mula pa kagabi s'ya tulog." sunod-sunod na tumango ang mag-asawa. Agad ng dinala si Dennis sa hospital pero nasa biyahe na sila habang sakay ng ambulansya ng biglang bumangon si Dennis na parang na alimpungatan pang salubong ang kilay na napatingin sa paligid.
"Dennis, anak." usal ni Dana na hinawakan ang braso ng anak na napatingin pa sa kanya bago sa kamay n'yang naka hawak sa braso nito.
"Do I know you ma'am?" pakiramdam ni Dana kumirot ang puso n'ya sa narinig na inusal ng bunsong anak at 'di na pigilan na mapaiyak na agad na hinila ang anak at mahigpit na niyakap. Hindi n'ya akalain na sa loob lang ng mahigit na 24hrs mabubura ang buong alala nito gaya ng sinabi nito ng nakaraang gabi. Nagulat pa s'ya ng bigla s'yang itulak ni Dennis na may galit pa sa mukha.
'Where are you taking me at sino ka?" pagalit na tanong ni Dennis na nilingon din ang isang medic na kasama nila sa loob ng ambulansya.
"I'm your mother, Dennis. Dadalahin ka namin sa hospital, tatanggalin natin yang kung ano man inilagay nila sa ulo mo." salubong ang kilay at kunot ang noo ni Dennis na nakatingin sa kanya na parang ayaw pang maniwala. Nag mamadaling pinahid ni Dana ang mga luha at nag mamadaling inilabas ang cellphone saka iniharap sa anak ang gallery ng phone n'ya para ipakita rito ang mga picture nito mula pag ka bata na naka album at picture ng buong pamilya nila.
"Bakit wala akong maalala."
"Hindi ba sumasakit ang ulo mo?" tanong ni Dana. Umiling si Dennis na iniiwas ang kamay ng tangkain na hawak n'ya.
"You already know na mangyayari to pero hindi namin inaasahan na ganito kabilis pero gagawan natin ng paraan para ibalik lahat ng alala mo." hindi umimik ang binata na nakatitig lang sa saradong pinto ng umaandar na ambulansya habang pinipilit na maalala lahat pero wala s'yang maalala kahit pangalan n'ya. Kaya 'di naiwasan ni Dennis ang mapamura dahil nakaka frustate na mag-isip pero para kang kaldero na walang laman. Napahilamos s'ya ng mukha saka nilingon ang magandang matandang babae na umiiyak. Nakakaramdam s'ya ng awa rito pero at the same time na iirita s'ya sa pag-iyak nito kaya nahiga na lang muli s'yang patalikod sa gawi nito. Narinig pa n'yang may tinawagan ito at mukhang ama n'ya dahil sinabi nito na nabura na daw ng tukuyan ang alala n'ya. Ibig sabihin lang alam ng mga itong mangyayari ang bagay na ito pero bakit? ano bang nangyari sa kanya?