"Sobrang bored mo na ba sa buhay kaya pati canal nilangoy mo ba?" tanong pa ni Aira na inabutan si Dennis ng isang bote ng alcohol paglabas nito ng banyo.
"Pahiram ng damit."
"Anong ipapahiram ko sa'yong damit?" gulat pang tanong ni Aira.
"Wala ka bang damit ng lalaki dito?" humalukipkip naman si Aira at masama ang tingin kay Dennis.
"Are you fishing aren't you?" hindi naman umimik si Dennis na inayos ang pag kakatapis ng towel sa bewang saka naupo sofang kahoy bago nag lagay ng alcohol sa kamay para ipahid sa paa at binti.
"Hindi ako puwedeng naka hubad mag damag. I don't even have underwear." reklamo pa ni Dennis.
"E sino bang shonga nag sabi sayo na pumunta ka nanaman dito at mag langoy sa kanal." inis na tumalikod si Aira at kinuha ang pinag hubaran ni Dennis sa banyo saka dinala sa may automatic na washing machine. Isa-isa naman na inalis ni Aira ang laman ng bulsa ng pantalon nito. Napailing si Aira ng makita ang cellphone at wallet ni Dennis.
"Utak talangka ka talaga, ang tanda mo na hindi mo pa pinagana ang kokote mo. You soak your phone and wallet." iling ni Aira na inilagay na sa washing ang mga hinubad ni Dennis. Saka muling bumalik sa sala nag papahid pa rin ng alcohol si Dennis taas paa pa kaya naka dungaw ang lato-lato nito.
"Hindi ako na tuturn-on sa nakikita ko Dennis, nakakairita."
"Ang iksi ng towel mo hindi nito kayang mag-adjust kaya yang mata mo ang mag adjust wag mong tingnan kung na iirita ka." reklamo naman ni Dennis. Ipinatong naman ni Aira sa center table ang phone, susi ng kotse at wallet. Ibinaba naman ni Dennis ang paa pero nakabikaka naman ng maupo kaya hindi na lang lato-lato nito ang kita n'ya pati ang tirador nito.
"Saan ka pupunta?" tanong pa ni Dennis ng tumalikod si Aira.
"Kukuha ng tapaludo pangtakip d'yan sa lato-lato at tirador mo. Ang sakit sa mata buti sana kung malaki." iling ni Aira habang paakyat ng hagdan.
"Malamig nga lang, you know that I'm not small."
"Malay ko ba kung na pudpud mo na yan sa kagagamit kung kanikanino." hindi na narinig ni Aira na tumugon si Dennis. Saglit lang s'yang nagtaga sa kuwarto n'ya para kumuha ng magagamit para matakpan ang mahalay na tanawin. pag baba n'ya natanaw n'ya na naka latag sa mesa ang maraming lilibuhin na mukhang balak patuyuin ni Dennis dahil mga nabasa. Kumunot pa ang noo ni Aira ng makita si Dennis na inaayos ang dinning table n'ya na iniharang sa pinto.
"Hoy! Anong ginagawa mo?" bulalas ni Aira na huli na para takbuhin pa si Dennis na naitayo na ang mesa para iharang sa pinto at nakita na nito ang nakatagong baril sa ilalim ng mesa.
"Tsk! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" inis na tanong n'ya ng makalapit rito at bahagya pa itong itinulak.
"Baka bumaha maka pasok ang maduming tubig dito." Hindi n'ya alam kung nag bibiro lang ito o nakita nitong sira ang lock ng pinto n'ya. Nasira yun ng basta na lang pumasok si DJ na to the rescue agad ng marinig daw ang kalabugan sa loob ng bahay n'ya. Katulong pa n'ya itong nag linis ng mga nabasag n'yang gamit. Ito na rin ang bumili ng mga bago n'yang gamit na binabayaran naman n'ya kaso ayaw nitong tanggapin kaya sa nanay na lang nito n'ya ibinigay since bayaran nanaman ng upa n'ya kaninang umaga.
"Wala si Dj nasa Cebu kaya walang basta na lang papasok rito."
"Hindi ko tinatanong." suplado pang turan ni Dennis na tumalikod at bumalik sa upuan. Ibinato naman n'ya rito ang dalang cotton short na mukang kasya naman rito at isang pink na sweatshirt na may kalakihan naman kahit papano. Saglit na tiningnan ni Dennis ang mga damit na bumagsak sa kandungan nito.
"Wear it ng 'di naman nakaka eskandalo yang mga kalamnan mo." pagak naman tumawa si Dennis na tumayo at walang pakundangan na basta na lang inalis ang tuwalya sa bewang na ikina pikit n'ya bigla at napakuyom ng kamay para pigilan na sumigaw. Mukhang totoo ata ang sinabi ni Dennis na malamig lang kaya umurong sandata nito tas baka na babad din sa tubig canal. Ngayon naman hindi naman buhay pero nakakatakot ng tingnan paano pa pag buhay.
"Kung maka react ka kala mo hindi mo pa nakikita ang katawan ko. FYI lang gamit na gamit mo ang buong katawan ko noon." kung may lumalabas lang na kutsilyo sa mata ni Aira malamang dead on the spot na si Dennis.
"Nag punta ka lang ba dito para buwisitin ako?" inis na tanong ni Aira pero sa totoo lang hindi na n'ya alam kung ano nararamdaman n'ya, takot o kaba dahil lagi nanaman n'yang nakikita si Dennis, wala s'yang tiwala sa sarili n'yang damdamin. Kapag nag tuloy-tuloy na palagi n'yang nakikita si Dennis baka masayang lahat ng itinayo n'yang pader para lang protektahan ang sarili.
"Sinasabi ko lang ang totoo, pero wag kang mag-alala. Mag lalaway ka pero 'di mo na ako matitikman."
"Ano?" bulalas ni Aira na awang ang bibig na 'di makapaniwala sa sinabi ni Dennis na naka bihis na at muli ng maupo sa upuan at sinenyasan pa s'yang maupo rin. Nag kasya naman kay Dennis ang short pero dahil matambok ang puwet ni Dennis nag mukhang cycling dito ang short n'ya buti na lang sumakto naman dito ang sweatshirt. Kaya kahit papano natakpan ang kaumbukan ng harapan nito.
"Maupo ka na bilis na may sasabihin ako."
"Hindi ba puwedeng bukas na tayo mag-usap gabi na at ang lakas pa ng ulan."
"Bakit will you give me a spare time?" napa-isip naman si Aira. Oo nga pala wala s'yang spare time ngayon lang dahil hindi s'ya pumasok pero 'di pa rin n'ya sure kung may trabaho pa s'yang babalikan bukas sa food chain.
"Ano ba kasi kailangan mo?" napilitan ng tumabi sa upuan si Aira dahil kilala n'ya si Dennis, saksakan ito ng kulit at 'di s'ya nito titigilan kapag may gusto itong pag-usapan nila. Humarap naman ng upo ang binata sa kanya na talaga naman ikinawindang n'ya kaya biglang umigkas ang paa n'ya at sinipa ito sa binti na malutong naman na napamura na sinapo ang binti na bumagsak sa sahig.
"God damn it! Aira, na mumuro ka na sa akin ha."
"Ano ba kasi nag short ka pa labas naman ang ulo sa may hita mo." angil ni Aira dahil kanina saktong harap nito sa kanya naka bikaka pa si Dennis aksidente naman doon agad nag landing ang mata n'ya at ewan ba n'ya kung bakit doon s'ya agad tumingin instead sa mukha nito. Para itong nag pako ng pako na labas ang ulo.
"Ang iksi ng short na binigay mo sa akin ano ini-expect mo maitatago ko to ng maayos."
"Nanadya ka lang wag ako Dennis, kilala ko karakas mo. Hindi na ako yung batang babae nun na konting landi mo lang bibigay na agad sa charm mo. You make me realize that your not worth it." kumunot ang noo ni Dennis na deretsong tumingin sa kanya saka bumalik sa upoan.
"Tell me everything ng nangyari bago tayo nag hiwalay?" nag salubong naman ang kilay ni Aira.
"Bakit may amnesia ka na rin ba tulad ni Ate Daniella?"
"Just tell me okay! Let's settle this one at a time."
"You cheated on me."
'hell no?" galit na sagot ni Dennis.
"Oh! wag na natin ituloy tong usapan na to." tatayo na sana si Aira ng pigilan s'ya ni Dennis at hinila ulit paupo.
"Sige, sabihin mo lahat at pag-iisipan ko kung maniniwala ba ako sa'yo o hindi."
"let's put in this way curios din ako since ng bigla ka na lang sumulpot sa store after ng usapan natin noon that we seperate at wala ng balikan pa."
"I said that."
"We agreed on that." sang-ayon ni Aira.
"Mag tanong ka sasagutin ko. Mag tatanong ako sagutin mo. How's that?" tanong ni Aira sandali naman nag-isip si Dennis na akala mo naman hindi s'ya katiwatiwala.
'How can I make sure na walang makaka-alam ng usapan natin ito."
"Mukha ba akong madaldal?"
"Nililinaw ko lang? hindi ba naka bug ang bahay mo?" tanong pa nito na nag palinga-linga pa.
"Umalis ka na lang ang sarap mong hapasin ng dos for dos." inis na wika ni Aira.
"Bakit ba napaka violente mo na dati naman hindi. Bakit kasi dun ka pa nag sasama sa lolo mong ___- " hindi na nito iinuloy ang sinasabi na nag antanda na lang ng cross.
"Let's start? Paano mo na sabi na I cheated on you?
"Nag-uwi ka ng babae sa bahay natin at nakita ko kayong magkatabi sa kama without clothes sa mismong kama natin."
"Wag mo akong baligtarin." galit pang sigaw ni Dennis na akala mo naman ay nasa kabilang kanto pa ang kausap. Ang lakas na ng ulan mas malakas pa ang boses nito.
"So, ang alam mo ako ang nag cheat?"
"Bakit mali ba ang alala ko. Ikaw ang nahuli ko sa mismong bahay natin." tumawa naman si Aira so iyon pala alam nito pero paano nagawa ng organization nito na baguhin ang memories nito. Sabagay ano pa bang imposible sa panahon ngayon na masyado ng modern age. Lahat technology na ang ginagamit lahat high tech na kaya wala ng impossible kung nagawang burahin ng organization nito ang memories ni Dennis sa kanya at baliktarin.
"okay, tingnan natin kung accurate yan laman ng kokotete mo. Kelan mo ako unang natikman." gusto pang matawa ni Aira ng makitang namula ang ilong at tenga ni Dennis. Bagay na una n'yang nagustuhan dito noon ang cute kasi nitong tingnan pag napapahiya. 6 years lang ang age gap nila pero ang asta nito parang mag kasing edad ang sila.
"Ayaw mong sagutin?"
"14." yukong sagot nito.
"When we met again after 6 years at bumigay ulit ako sayo was I wasted?" lakas loob pang tanong n'ya.
'Bakit naka dalawang tanong ka na akala ko ba halinhinan tayo?" reklamo ni Dennis. Napaka childish talaga.
"Okay sige mamaya mo na sagutin ang tanong ko. Go! ask question? at puwede ba wag ka ng humarap sa akin na didistract ako." gamit ang paa itinulak ni Aira ang hita ni Dennis pasarado.
"Bakit niloko mo ako, I am not good enough?" nakaramdam naman ng awa si Aira kay Dennis sa timbre ng boses nito at nakita n'ya ang sakit na dumaan sa mata nito.
"You are more than enough and that's the reason kung bakit mas pinili kita over my family kahit alam kong possibleng itakwil na nila ako sa desisyon ko ng sumama sa'yo." kumunot nanaman ang noo ni Dennis.
"Now answer my question."
"Ano bang tanong." napangiti na ng tuluyan si Aira ng lalo ng mamula si Dennis.
"Wag ka ngang ngumiti d'yan nakakainis lang." yumuko pa ito at isinuot ang hood ng sweatshirt.
"Mukha na bang laspag ang katawan ko when you took me again?" matagal bago sumagot ng iling si Dennis.
"Then ano yung na aalala ko?" tanong ni Dennis na nag angat ng ulo at dumeretso ng tingin sa kanya.
"Honestly hindi ko alam, Ang malinaw lang sa akin ngayon ayoko ko ng ma associate ulit sayo. Nag kamali na ako ng isang beses at nadapa na ulit ako ng pangalawang beses sayo at hindi na ako para masubsub pa ng tuluyan sa'yo sa pangatlong beses. Unti-unti ko ng nabubuo ang sarili ko kaya kung may konsensya ka pang natitira sa katawan mo. Leave me alone!"
"But I never cheated on you."huminga ng malalim si Aira.
"Close book na ang kuwento natin dalawa at malinaw na walang happy ending. Wala akong planong gumawa ng book 2 na ikaw nanaman ang leading man ko." hindi naka-imik si Dennis pero halatang nag-iisip ito.
"Anong gagawin ko?" mahinang bulong ni Dennis.
"Kung tama ang hinala ko your mission is to Eliminate me at para magawa mo yun kailangan may galit ka sa akin para hindi humalo sa trabaho mo ang dati nating relasyon." napaangat ng ulo si Dennis may point ang sinabi ni Aira.
"It's your decision ang mission mo o konsensya mo?" tumayo na si Aira habang nakayuko kay Dennis habang si Dennis naman ang nakatingala sa kanya.
"Wala akong atraso sa'yo. Ikaw ang may atraso sa akin na malaki kaya kung pipiliin mo ang mission mo. You will regret messing up with me again kung dati iniiyakan lang kita, ibahin mo ngayon. You make me stone heart kaya hindi na uubra sa akin yang nag uumapaw mong s*x appeal." wika ni Aira pero ng tumayo si Dennis at halos gahibla na lang ng buhok ang labi nito sa labi n'ya at bumangga na ang ilong nito sa ilong n'ya.
"Sure ka ba? para kasing hindi?" tanong ni Dennis na halos maramdaman na n'ya ang labi nito ng mag salita. Letse lang talaga wala talaga s'yang tiwala sa puso n'ya napaka walang kuwentang kausap. Pikit mata naman s'ya na ang tumawid ng pagitan ng mga labi nila na halatang ikinagulat pa ni Dennis ng una pero ng maramdaman na bumuka na ang labi ni Dennis agad ng umigkas ang tuhod n'ya sa pagitan ng hita nito ng maramdaman ang braso nitong pumulupot sa bewang n'ya.
Bagsak naman sa sahig si Dennis na maluha-luha na sapo ang hinaharap na kinabukasan. Nag squat naman s'ya para hawakan ang buhok nito at itaas ang mukha ng binata.
"Don't mess up with me Dennis Lagdameo." bulong pa nya na hinalikan pa ito sa noo saka tumalikod at umakyat na.