Bite Mark

2447 Words
Napangiwi si Dennis na tiningnan ang leeg sa salamin sa loob ng kotse n'ya, napamura pa s'ya ng makita ang pag bakat ng lahat ng ngipin ni Aira may ilan pang dumugo na sa sobrang pag baon ng ngipin ng dalaga. Muli pa s'yang napangiwi ng tingnan naman ang noo n'ya ng mapansin din ang kapirasong dugo dahil sa pag tama ng tasa sa noo n'ya. Kung 'di lang talaga babae si Aira, sinapak na n'ya ito nag kukuli lang s'ya at kahit papaano na iisip pa rin n'ya. S'ya ang dahilan kung bakit nag kandaletse-letse na ang buhay nito. Malayong-malayo sa mga kapatid nitong mga successful na sa buhay at nakatapos na sa pag-aaral. Malaki pa rin ang ambag n'ya sa pag kasira ng buhay nito. Kung nirendahan lang sana n'yang mabuti ang sintron n'ya hindi sila aabot sa ganitong punto. Pero choice naman ni Aira ang buhay na pinili nito. Sinubukan naman n'yang ayusin ang buhay nito sa piling n'ya pero ito ang hindi na kontento at basta na na lang umalis. Hindi naman para mag habol s'ya sa babaeng daig pa ang pakawala, sarili nga nitong parents walang nagawa s'ya pa ba? Muli s'yang napamura ng gamutin n'ya ang mga sugat, una basta na lang s'ya binaril nito ng walang dahilan tapos ngayon. Napailing na lang s'ya mapapatay s'ya si Aira kung 'di pa s'ya papalag. Ilang beses na n'yang nakikita ang isang lalaking nag lalabas masok sa bahay ni Aira. Hindi s'ya sigurado sa relasyon na meron ang dalawa pero mas mabuti nakikita n'ya ang galawan ni Aira para tuluyan na itong mabura sa systema n'ya. He admits, he still into her pero hindi naman na s'ya tanga para muling pumasok sa buhay nito. Nalapit lang s'ya rito dahil sa mission n'ya, he turn down the mission at first pero hindi rin pala n'ya kayang ipaubaya si Aira sa ibang kasamahan n'ya. Kung totoo ang speculation ng chief n'ya na ito ang pumatay sa pamilya nito at itinuloy talaga ni Aira ang naiwan negosyo ng lolo nito imbis na linisin gaya ng original na plano. He needs to kill her pero hindi n'ya iyon gagawin hanggat wala matibay na proof na ito talaga ang salarin pero kung ang mga kasamahan n'ya baka malalaman na lang n'ya patay na ang ina ng anak n'ya. Hindi n'ya gustong alisan ng ina si Abby. Hindi man naging mabuting ina si Aira still ito pa rin ang ina ni Abby. Wala na nga itong ama pati ba ina aalis pa n'ya. Kailangan n'yang mapatunayan na walang kasalanan si Aira galit man s'ya kay Aira hindi pa naman sapat iyon para pag-isipan n'yang patayin ito. And something strange happening to him at naguguluhan talaga s'ya pero pinili na muna n'yang manahimik. Pakiramdam n'ya maraming pang yayari ang may mali at nag dudulot ng kalituhan sa kanya. ******* Natigil sa pag pupunas ng mesa si Aira ng makita kung kaninong kotse ang nag papark sa parking lot. Malakas yata talaga ang sapak sa utak ni Dennis. Bakit ba ayaw s'ya nitong tigilan, ano ba talaga ang tunay nitong mission sa kanya, malinis na ang record n'ya at napatunayan na n'ya sa korte na walang kinalaman ang Montenegro sa tagong yaman ng lolo n'ya. Meron na rin s'yang kriminal record dahil sa pag-amin na pinatay n'ya si Jayzel aka Eden Tuazon pero dahil magaling ang abogado nila nagawa nitong palabasin na not intensyonal ang pag patay n'ya kay Jayzel na tinangka s'ya nitong patayin pero naunahan lang n'ya. Iba ang batas ng mayayaman kapag pera ang gumalaw. Mabilis n'yang tinapos ang pag lilinis ng mesa saka nag mamadaling pumasok ng kitchen at nag panggap na may ginagawa para wag s'yang masita ng visor nila. Mamaya may gaganapin birthday party sa taas kaya naka mascot nanaman s'ya kailangan n'yang mag-ipon ng lakas pero dahil sa asungot na si Dennis masisira nanaman ang mood n'ya. "Memae, may nag hahanap sa'yong guwapo sa labas?" napaangat ang ulo ni Aira. "Paki-sabi may ginawa ako." 'Kausap n'ya si Sir Joccer." 'ha?" gulat na napatayo naman si Aira bakit nito kakausapin nag visor nila baliw ba to hindi na n'ya kailangan alamin kung sino nag hahanap sa kanya kaya nag mamadali s'yang lumabas ng kitchen naka salubong naman ni Aira ang visor na masama ang tiningin sa kanya. "Pag balik mo I need to talk to you ASAP." anito na nilampasan na s'ya. Hindi na s'ya nag tanong kung bakit saka s'ya nag mamadaling lumabas sa dinning at nakita n'ya si Dennis nakapamulsa lang na nakatayo malapit sa main entrance. Agad naman s'yang lumapit rito. "Alam mo dalawa naman ang ulo mo pero bakit hirap kang umintindi." mariin na bungad agad n'ya nito na bahagya pa nitong tinawanan ang sinabi n'ya. "Sumama ka sa akin?" "May trabaho ako." inis na sagot n'ya rito ng akmang hihilahin s'ya nito palabas. "Uunahin mo pa ang trabaho mo kesa sa anak natin nasa hospital." biglang angil na ni Dennis na ikinagulat ni Aira na ngayon lang n'ya narinig na sumigaw. Napatingin naman sa kanila ang karamihan ng customer na nakarinig. "You are a Montenegro. Hindi mo kelangan mag trabaho you can even buy this branch. So ano uunahin mo pa rin ba ang letseng pag pupunas mo ng mesa rito kesa makita ang anak natin." angil pa ni Dennis. Wala naman imik na tinalikuran ni Aira ang binata at derederetso ng umalis hindi na s'ya sinita ng guard dahil mukhang naitimbre na rin ng visor nila kaya deretso na s'yang lumabas na hindi nag papalit ng uniform. Agad n'yang tinungo ang Audi na kotse ni Dennis ng umilaw iyon dahil sa remote key na hawak ni Dennis mas nauna pa s'yang pumasok sa kotse. "Kapag may nangyaring masama sa anak ko hindi ko mapapatawad ang kapabayaan mo. You suppose to take care of her." "Ano pa bang bago, Go ahead isisi mo sa akin. Nakakahiya naman dahil ikaw ang nag dala sa kanya ng 9 months. Ikaw yung umiiyak gabi-gabi dahil may gusto kang kainin pero wala kang mautusan kasi nahihiya ka dahil nabuntisan ka lang. Ikaw din yung nakaranas ng sakit sa loob ng 5 oras kasi ayaw n'yang lumabas at pinahihirapan ka sa labor. Habang ako nag papakasarap diba nag bubuhay single at nakikipag landian kung kanikanino. I am a bad mother." wika ni Aira habang nasa daan na sila patungo sa hospital. Hindi naman nakaimik si Dennis na wari ay napahiya rin sa 'di n'ya napigilan n'yang isumbat rito. "Dinapuan s'ya ng Dengue. Tumawag si Tita kay Mommy na dinala nila si Abby sa hospital. Hindi daw matawagan ang phone mo. Kailangan ng blood transfussion and I can't donate my blood." kumunot ang noo ni Aira na nilingon ito. 'Ano ibibintang mo na rin ba na hindi ikaw ang ama ni Abby?" galit ng bulalas ni Aira. Napabuga naman ng hangin si Dennis. "I got tattoo last night? at hindi ako pinayagan ng mga doctor na mag donate." "You what?" inis na tanong ni Aira. "I got tattoo last night." inis na tumawa si Aira. "Yung kapal ng mukha mo abot ng Novaliches tapos kung pag salitaan mo ako sagad sa buto. Kelan ka ba naging ama sa anak ko? Gumiling ka lang sa ibabaw ko tatay ka na tapos kung sigawan mo ako kanina napaka ulira mong ama." napailing pa si Aira pasimple naman inayos ni Dennis ang suot na t-shirt para wag makita ni Aira ang pina tattoo n'ya mas lalo lang itong manunumbat sa kanya. ******* "Anong ginagawa n'yong dalawa dito?" galit na tanong ni Ivo ng dumating sila sa hospital ni Dennis. Agad na napayuko ng ulo si Aira ng makita ang ama. "Gusto lang po namin malaman ang lagay ng anak namin Tito?" "Anak?" usal ni Ivo sabay tumawa na parang nakakaloko. Lumapit naman si Luxme na hinawakan sa braso ang asawa. "Wala kayong anak ditong dalawa. Kaya mag sialis kayo parehas sa harapan ko." sigaw pa ng papa n'ya sabay turo sa hallway na pinag daanan nila. "Umalis na muna kayo Dennis." wika naman ni Dana na nilapitan ang anak. "Nakakuha na kami ng blood donor, kung gusto n'yo talagang mag pakamagulang kay Abby ayusin n'yo muna ang mga buhay n'yo saka kayo humarap sa amin." wika naman ni Luxme. "I doubt it kung kaya n'yong mag bago kaya mabuhay kayo ayon sa gusto n'yo hindi kami makiki-alam sa anong gusto n'yo. Wala rin naman kayong pinakikinggan na dalawa kundi kung ano lang ang gusto n'yo. Kaya wala kayong anak na makikita.' Wika ni Ivo saka tumalikod na, agad naman sumunod si Luxme sa asawa. "Sige na umalis na kayo kami na ang bahala kay Abby." "Will she be alright?" tanong ni Aira na 'di man lang nag tataas ng tingin. "She will Aira no need to worry." tumango naman si Aira saka agad ng nagpaalam. Agad naman sumunod si Dennis sa kanya. "So, ganun na lang yun hindi man lang ba natin ipipilit ang karapatan natin na makita ang baby natin?" ang sarap sana pakinggan ang sinabi nito ang baby natin pero tama ang lahat ng sinabi ng papa n'ya. Sino nga ba silang dalawa? ano bang karapatan na meron sila kung sa simula pa lang pinabayaan na nila ang anak nila. Tapos nagyon porket may sakit bigla na lang susugod na akala mo ay mga mabuti silang mga magulang. "Gusto ko ng makasama ang anak ko Aira?" "It's your choice." 'It's our choice. We need to fix things together." napahinto sa pag lalakad si Aira at nilingon ang binata. "Fix?" "Let's be civil? No fight! No harsh words anak muna natin ang ipriority natin gaya ng gusto ni Tito Ivo." "Let's set aside our issue and hatred. Gawin natin yun para sa anak natin." wika pa ni Dennis. Umiling si Aira hindi s'ya sa pabor sa gusto nito dahil kilala n'ya ang sarili n'ya pag dating kay Dennis tiyak s'ya nanaman ang talo sa huli. "So ayaw mo? so ganito na lang ba tayo habang buhay. Wag kang selfish Aira. I know, malaki ang kasalanan ko sa'yo at sa anak natin pero hindi ko naman pati anak natin idadamay mo sa galit sa akin." "Something is wrong with you Dennis." kumunot naman ang noo ni Dennis. "Hangga't nasa ilalaim ka ng organization mo hindi tayo maayos. Bago mo ako pilitin na ayusin na tin to para sa anak natin. Pakiramdaman mo muna ang sarili mo kung ano bang mali sa'yo. Hindi ako ang kalaban dito Dennis, I'm just a typical woman na handang lumaban kung kailangan." "Anong ibig mong sabihin?" "Hindi ka mapapasok sa pagiging isang secret agent kung tang* ka. Gumamit ka ng utak, kapag nagamit ka na ng utak mag-usap ulit tayo. Then saka ako mag dedesisyon kung ano ba talaga dapat na gawin natin para sa anak natin pero habang something is going on your head lubayan mo muna ako baka mapatay lang kita mag sisi pa ako sa huli." wika ni Aira at muli ng naunang nag umalis at sumakay ng taxi. ******* Kanina pa naka higa sa kama n'ya si Aira habang nakatingin sa labas ng binta na n'ya. Malakas ang ulan sa labas, hindi na muna s'ya pumasok sa club dahil pakiramdam n'ya wala s'ya sa mood mag trabaho time to time kinakamusta n'ya ang anak n'ya sa Ate Ara n'ya. At according daw sa doctor maayos na daw ang lagay ni Abby kaya puwede na daw s'yang matulog kaya saka pa lang s'ya nakahinga. Napalingon pa sa pinto si Aira na salubong ang kilay ng marinig na may kumakatok sa ibaba 10pm na pa lang ng gabi pero malakas ang ulan at tiyak ng baha sa labas kaya sino naman kaya ang kakatok ng ganun oras maliban kay DJ pero imposible naman. Mag papanggap na lang sana s'yang walang na ririnig pero ayaw tumigil ang pag katok kaya napilitan na s'yang bumangon para bumaba at tingnan kung sino ba ang na ngangatok. Isiningit n'ya sa likuran n'ya ang baril n'ya saka nagtungo sa sala para tingnan kung sino ang bisita. Salubong ang kilay ni Aira ng makita si Dennis sa labas ng pinto basang basa ng ulan. "Ano nanaman kailangan mo? at talagang sumugod ka pa sa canal para lang guluhin ako." turo pa n'ya sa itim na tubig sa labas. "Your right something strange happening to me. And it's inside my brain." mahinang usal ni Dennis. Hindi naman naka-imik agad si Aira. "Help me. Ikaw lang ang alam kong makakatulong sa akin." "Maligo ka muna bago tayo mag-usap." utos ni Aira saka ito hinila papasok. Pinag tulakan n'ya si Dennis papasok ng banyo. Hinubad naman ni Dennis ang suot na damit ng nasa loob na ito ng banyo. Isusunod na sana nito ang suot na pantalon ng pasabunot na hinila ni Aira ang ulo ni Dennis na napa daing na lang. "Puro ka kabaliwan Dennis." dinuldol pa ni Aira ng daliri ang tattoo sa leeg ni Dennis na bahagya pang namamaga. Yung kagat n'ya rito pinagawa nitong tattoo. "Pabayaan mo na lang ako puwede." bahagya pa s'yang itiulak ni Dennis palabas ng banyo. "Ang tanda mo na ganyan pa umasta, tingin mo maganda yan tattoo mo. Okay lang sana kung normal na mga tattoo." ani Aira. "Binubungagaan mo ba ako para excuse mo na makita akong mag hubad sa harapan mo?" "Ano naman magadan sa katawan mo para gustuhin ko pang makita. teka lang!" sigaw bigla ni Aira na nag mamadaling hinila na ang pinto pasarado. "Bakit mo sinara. Ayaw mo bang makita ulit si goku." tanong pa ni Dennis na muling binuksan ang pinto saka nag hubad ng pantalon kasama na ang underwear nito. "Wag kang ambisyoso si goten lang yan." sagot n'ya sabay tingin sa ibabang bahagi ni Dennis na ngayon ay expose na sa paningin n'ya at 'di n'ya napigilan na matawa. "What?" galit na tanong ni Dennis. "Bakit naging juts ka?" "Natural malamig at nababad ako sa tubig umurong." malakas ng tumawa si Aira at di na napigilan saka hinila na para isarado na ang pinto. "Hindi ako juts." sigaw pa ni Dennis sa loob ng banyo. "Mas lalong hindi ka Daks! pinaparusahan ka na ng langit sa kademonyohan mo, karma mo yan? wala ng babaeng mag kakagusto sa'yo. Guwapo ka na lang." "Mag intay ka lang mamaya gising nato patutunayan ko sa'yo walang nabago daks pa rin ako." galit na sigaw ni Dennis. "Sure daks ka pa rin PANDAKS." wika pa ni Aira isang malutong na tawa ang pinakawalan ni Dennis sa loob ng banyo. Napangiti naman si Aira pero ng maalala ang sinabi ni Dennis kanina ng dumating ito bigla s'yang nag-alala. Ano kaya ang ginawa rito ng organization nito para lang bantayan s'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD